Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Huli na ang Pagsisisi

Aralin 11 Pakikipagtulungan at pagkakaisa

Pagganyak: Sino sa mga kakilala mo ang masyadong maingay o madaldal sa klase? Marami ba siyang kaibigan?

Ang Pagsisisi ay nasa Huli


Sa isang silid- aralan habang nagpapaliwanag ang guro, si mario naman ay abala sa pagkukuwento at pangungulit sa kanyang mga katabi, lalo na kay Edgar. Hindi naman ni Edgar sinusumbong sa guro dahil ayaw niyang magkagalit sila. Pagkatapos ng paliwanag ng guro ay nagbigay ito ng pagsubok. Bago ang pagsusulit, inayos niya muna ang mga upuan, pinaglayu-layo ang mga ito. Nang maiwasto na ang kanilang mga papel si Mario ang nakakuha ng pinakamababa. Bumagsak siya. Si Edgar naman ang pinakamataas. Sising-sisi si Mario sa mga nangyari.

Pagtatalakay
a. Sino ang masyadong makulit sa klase/ b. Sino naman ang mabait? c. Kung ikaw si Edgar ano ang gagawin mo? d. Paano ka makatutulong sa katahimikan ng silid- aralan?

Anu-ano ang dapat gawin ng mga magaaral upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan?

Pagtataya
Sagutin ng tama o mali. 1. Tahimik na tahimik ang klase habang nagpapaliwanag ang guro nang biglang sumigaw si Jose. 2. Abalang-Abala ang mag-aaral sa kanilang gawain. Samantala ang iba ay naglalaro at nagtatawanan. 3. Nagkukuwentuhan sa loob ng kuwarto habang may ginagawa ang guro. 4. Dumating ang superbisor at nakikipanayam sa bawat baitang. Pumasok siya sa silid ni Bb. Cruz at kinausap ito. Ang mga mag-aaral naman ay matulin na nagbabasa.

Isulat ang titik ng tamang sagot


1. May klase sa kabilang silid. Malakas ang pagkukuwentuhan ng iyong kasamahan, at hindi nila napansin ang kanilang ginagawa. Ano ang gagawin mo? a. Pagsabihan sila b. Kagalitan sila c. Layuan lamang d. Sigawan sila 2. Nakikinig ka habang nagpapaliwanag ang iyong guro. Ulit-ulit kang tinatanong ng iyong katabi? Ano ang gagawin mo? a. Isumbong sa guro b. Pagsabihan na tumahimik c. Huwag pansinin d. Lumipat ng upuan 3. Lumabas ang iyong guro sa isang komperensiya. Iniwan ang buong klase. Biglang nagsuntukan ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin? a. Lumabas agad at isumbong sa guro b. Pabayaan mo na lamang c. Pagsabihan na magsitigil d. Sigawan ang nagsuntukan

Takdang aralin
Magsulat ng limang paraan na nagpapakita ng katahimikan sa loob ng paaralan

You might also like