Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Shaira Mae V.

Tolentino 1-AD-7

Filipino 1 07/18/13

JEJEMON Malamang karamihan sa atin noon ay jejemon naman. Yung iba siguro inalis ang pagiging ganito dahil sa takot na mapagtawanan ng lipunan. Ako ay hindi naging jejemon. Tamad kasi ako. Hindi ako nahilig sa text dati. Hindi rin ako nag s-sticky caps (Mixed uppercase lowercase e.g. HelLo). Dati nga nung na-uso pa jejemon tinanong ko sa kaklase ko kung bat ganoon sya mag text. Sabi nya para daw mabilis. Ako pa ang wala sa uso noon. May point naman sya don. Diba? Siguro dahil sa pagmamadali nadiskubre ang way ng jejemon. Marahil creativity nila ito. Hindi ako anti or pro sa mga jejemon. Hindi ako pabor dahil isa ako sa mga nagbibiro at tumatawa rin tuwing may joke tungkol sa mga jejemon. Hindi rin ako tutol dahil tingin ko hindi naman krimen ang gawaing ito. Pero masama ang pag-tapak sa ibang tao tulad nalang ng pag-tapak sa mga jejemon. Wala ako masyadong maramdaman sa isyu na ito. Pakiramdam ko kasi ay wala naman mali at tama. Natural nalang ito na mangyari. May mali ang mga nageetsapuwera sa mga jejemon at may mali rin sa jejemon. Siguro neutral ako. Naiintindihan ko ang mga jejemon at naiintindihan ko din kung bat ayaw ng iba. Siguro dapat wag nalang sila mag pakialamanan. Sa isyu na to konektado rin ang sa mahihirap. Bakit nga ba nakapagpa-paload pa sila at nakapagi-internet imbes na mag-ipon o mag-trabaho nalang. Paano sasabihing mahihirap ang mga tao dito sa Pilipinas kung ang mahihirap nga ditto ay may pang-load at nakaimbento pa ng sistemang jejemon.

You might also like