Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pelikulang Ay Ayeng ay makatotohanan. Dahil alam naman nating ang mga taga-bundok ay hindi nakapag-aral.

Oo nga at may ibang nakakapag-aral, ngunit hindi naman sila nakakapagtapos. Isa na dito si Ayeng isang babaeng hindi nakapagtapos ng pag-aaral sapagkat wala nang maitustos sa pag-aaral niya ang kanyang magulang at mga kamag-anak. Bumalik si Ayeng Sa kanilang maliit na baro-baro sa kanilang barangay ngunit laking gulat niya nang makita ang malaking pagbabago sa kanilang barangay dahil sa mga hindi tunay na militar. Dahil sa pagpapasailalim ng kanilang barangay sa mga hindi tunay na militar ay maraming mga nagrebeldeng mga mamamayan na handing ibuwis ang buhay para lang sa kanilang lupang sinilangan at isa sa namuno sa mga rebelde ang kasintahan ni Ayeng na si Sadek. Mayroong matalik na kaibigan si Ayeng na si Caren at mahal na mahal nila ang isat-isa simula nung bata pa sila kaya naman naisipang bisitahin ni Caren si Ayeng sa bayang kinalakhan niya. Simula nang dumating si Caren sa bayan ni Ayeng ay nakita niya kung paano turuan ni Ayeng ang mga batat matanda sa kanilang barangay at gamit ang pagkuha ng larawan ay isa isa niyang kinunan ang bawat pangyayari sa kanilang barangay kasama na rin roon ang mga hindi tunay na militar. Isang Araw si Ayeng ay Ginahasa ni Gallo ang pinuno ng mga hindi totoon military at wala nang nagawa ang mga kababaihan sa marahas na pamamalakad ni Gallo. Nakabuo ng maliit na paaralan si Ayeng sa tulong ni Caren. Ngunit kung kelan nagkaroon ng gamit saka naman walang napasok na mga bata o matanda na nais matuto. Kaya naman Naisipan ni Ayeng na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Caren. Ngunit sa kanilang pag-alis ay pipapatay ang lahat ng tao sa barangay ni Ayeng at tanging narinig nalang ni Ayeng ang alingaw-ngaw ng mga bala at walang nagawa. Tanging isang instrumento na lamang ang nagbibigay sa kanya ng lakas, sapagkat naaalala niya si Sadek sa pamamagitan nito.

You might also like