Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sibal, Jeckah Ymari L.

2010-20286

LES MISERABLES
Plot Nagsimula ang kwento nang ipinakilala ng may-akda si Jean Valjean, isang mahirap na mamamayang kalalabas lamang ng bilangguan matapos ang 19 taon. Siya ay nakasuhan dahil sa pagnakaw ng tinapay at dahil na rin sa ilang beses niyang pagtangkang tumakas. Bilang isang dating bilanggo, nahirapang makahanap si Valjean ng panandaliang matutuluyan. Itinaboy siya ng lahat ng kanyang lalapitan hanggang sa makilala niya ang Obispong si Myriel. Dahil sa kanyang busilak na puso, inasikaso ni Myriel sa Valjean; ito'y pinatuloy niya sa kanyang tirahan, pinakain, at binigyan pa ng matutulugan. Ngunit pagsapit ng gabi, ninakaw ni Valjean ang mga kubyertos ng obispo at tumakas. Siya naman ay nahuli ng mga pulis ngunit nakalaya rin nang sinabi ni Myriel na ang mga kubyertos ay regalo niya kay Valjean. Dagdag pa sa kubyertos, binigyan din ng obispo ang dating bilanggo ng dalawa candlesticks. Ngunit hindi pa rin natauhan si Valjean. Nang siya ay nakaalis na sa bahay ng obispo, ninakawan niya ang isang bata ng barya. Agad namang nakarating sa mga pulis ito kaya't nagtago si Valjean upang hindi na makabalik sa kulungan. Matapos ang ilang taon, nagbagong buhay na si Valjean. Siya ay isang naging mabuting mamamayan na at nabubuhay sa alias na Madeleine. May-ari siya ng isang pagawaan at naging alkalde ng M____-sur-M____. Isang araw, nakita niya ang isang lalaki, si Fauchelevent, na nadaganan ng karwahe. Agad niyang binuhat ang karwahe at nailigtas si Fauchelevent. Saksi sa pangyayaring ito si Javert, isang pulis na tapat sa kanyang trabaho at may matinding paniniwala sa batas. Isa rin siya sa mga bantay ng bilangguan kung saan nakulong si Valjean. Nagkaroon ng hinala si Javert nang makita niyang nabuhat ni Madeleine at karwahe. Iisa lamang ang kilala niyang may taglay ng ganoong kakayahan, tibay at lakas, si Jean Valjean. Isa sa mga trabahador sa pagawaan ni Madeleine ay si Fantine. Ngunit nang malaman ng kanyang mga katrabaho na siya ay may ilehitimong anak, si Cosette, agad siyang natanggal sa trabaho. Si Cosette naman ay iniwan ng kanyang ina sa mga Thernadiers, na pinagmalupitan naman ang bata. Sa pag-aakalang inaalagan ng mga Thenardiers si Cosette, kinailangan ni Fantine magpadala ng pera. Dahil dito, binenta ni Fantine ang kanyang ngipin, buhok, at pati na ang kanyang katawan. Isang gabi, may nagtangkang gahasain si Fantine ngunit kinalaban niya ito. Hinuli ni Javert ang babae ngunit pinalaya rin ito ni Madeleine. Inalagaan ni Madeleine si Fantine at nangako ibabalik sa kanya si Cosette. Samantala, umamin si Javert kay Madeleine na minsan niya itong napagkamalang si Valjean ngunit napagtanto rin niya ang kanyang pagkakamali dahil nahuli na ng mga pulis ang tunay na Valjean. Nakonsensya si Madeleine at inaming siya ang tunay na Valjean. Nalaman ito ni Fantine, nagulat, at namatay. Balik kulungan na naman si Valjean ngunit di kalaunan ay nakatakas ulit. Pinuntahan niya si Cosette at kinuha sa mga Thenardiers. Pumunta silang Paris at doon nanirahan. Ngunit nalaman ito ni Javert kaya tumakas sila at napadpad sa Petit Picpus, isang kumbento kung saan hardinero si Fauchelevent. Sa tulong ni Fauchelevent, tumuloy sina Valjean at Cosette sa kumbento at nanirahan nang ligtas. Matapos ang ilang taon, naging dalaga na si Cosette at nakita si Marius Pontmercy. Nakita rin siya ni Marius at mabilis silang nahulog sa isa't isa. Ngunit dahil sa pagiging maingat ni Valjean, hindi nakapag-usap ang dalawa. Si Marius Pontmercy ay anak ni Georges Pontmercy, isang mamamayang may paniniwala sa demokrasya; at apo ni Gillenormand, na sumusuporta naman sa monarkiya. Kinampihan ni Marius ang

ama kung kaya't 'di naging maganda ang samahan nila ng kanyang lolo at ito'y umalis sa kanyang bahay. Nag-aral si Marius at nakilala at naging malapit sa Friends of the ABC, isa grupo ng mga radikal na magaaral na pinangungunahan ni Eljoras. Abala noon ang Friends of the ABC sa paghahanda sa June Rebellion/The Paris Uprising of 1832 laban sa monarkiya ng France. Nakita muli ni Marius si Cosette nang bumisita sila ni Valjean sa mga kapitbahay nito, ang mga Jondrettes. Ngunit ang totoo, ang Jondrettes ay ang mga Thenardiers at nagtangka ang mga ito na nakawan si Valjean. Nalaman ito ni Marius at ipinaalam kay Javert. Nahuli ang mga Thenardiers at nakatakas na naman si Valjean bago pa siya makilala ni Javert. Si Eponine, anak ng mga Thenardiers na may lihim na pagtingin kay Marius, ang naging tulay nina Marius at Cosette. Nagkita ang dalawa at nagkaaminan ng kanilang mga damdamin. Nalaman ito ni Valjean at sa takot na baka mawala sa kanya si Cosette, nagbalak ito na dalhin siya sa England. Dahil dito, nagbalak ng kasal si Marius ngunit tinutulan ito ng kanyang lolo. Galit, umalis siya at binalikan sina Cosette ngunit huli na, wala na roon sina Valjean at Cosette. Dala ng kalungkutan, ibinaling na lamang ni Marius ang atensyon sa nagaganap na pag-aalsa laban sa monarkiya. Hindi naging matagumpay ang mga mag-aaral ngunit tuloy pa rin sila sa pakikaglaban para sa kalayaan at demokrasya. Dahil sa barilan, namatay si Eponine. Bago siya tuluyang mawalan ng hininga, inamin niya ang nararamdaman niya kay Marius at iniabot ang isang liham na galing kay Cosette. Sumulat naman muli si Marius ngunit ito ay nauna pang mabasa ni Valjean. Dahil sa takot at sa pagmamahal kay Cosette, pumunta siya sa kinaroroonan ni Marius upang mailigtas ang binata. Samantala, si Javert naman ay nang-eespiya sa Friends of the ABC. Siya ay nabisto at tinali ng mga mag-aaral. Pagdating ni Valjean doon, nakita niya si Javert at nagsabi siyang na lang ang papatay kay Javert. Ngunit sa halip, pinakawalan niya ito. Nakuha na rin ni Valjean ang noon ang duguan at walang malay na si Marius. Bago sila tuluyang makatakas, nahuli sila ni Javert. Nagmakaawa si Valjean na ibabalik niya muna si Marius sa kanyang lolo. Pinagbigyan siya ni Javert. Sa mga panahong iyon ay hindi na makapag-isip nang maayos si Javert, nalilito na siya dahil naaawa na rin siya kay Valjean ngunit naniniwala pa rin siya sa batas na nagsasabing isa pa ring kriminal si Valjean. Hindi makapagdesisyon nang maayos, kinitil ni Javert ang sariling buhay. Gumaling na si Marius, nakipagbati sa lolo, at kinasal kay Cosette. Inamin din ni Valjean ang kanyang madilim na nakaraan kay Marius. Dala ng takot, inilayo ni Marius si Cosette kay Valjean. Nagdala ito ng matinding kalungkutan at tuluyan nang naging mahina si Valjean. 'Di kalaunan, nalaman din ni Marius na si Valjean pala ang nagligtas sa kanya noon. Agad agad silang pumunta ni Cosette kay Valjean upang makipagbati. Namatay so Valjean nang masaya at mapayapa. Themes/Issues - Ipinakita ni Victor Hugo sa nobela na malayo ang mararating ng taong puno ng kabutihan at pagmamahal. Dahil sa busilak nitong puso, naimpluwensyahan ni Myriel si Jean Valjean na siya namang naging impluwensya ng marami nang siya ay naging alkalde ng M___-sur-M___. Naimpluwensyahan din ni Valjean si Cosette nang ito ay kanyang pinalaki na para bang tunay niyang anak. Naimpluwensyahan din ni Valjean si Javert dahil nakita na nito ang kabutihan kay Valjean kahit na ito ay dating kriminal. - Makikita rin sa nobela na laganap noon ang matinding kahirapan sa France na nagdala sa mga biktima upain gumawa ng desperadong hakbang. Ilan sa mga halimbawa ay si Valjean na nagnakaw, si Fantine na umasa sa prostitusyon, at ang mga Thenardiers na magnanakaw rin at nang-aabuso ng mga bata. - Makikita rin ang pagkawala ng katarungan. Si Valjean ay nakulong nang matagal dahil lamang sa pagnakaw ng tinapay at si Fantine naman ay itinaboy dahil lamang sa pagkakaroon ng ilehitimong anak. - Kasama rin sa kwento ang isang pangyayaring totoong naganap sa kasaysayan ng France, ang June Rebellion o ang Paris Uprising of 1832. Isa ito sa mga bunga ng French Revolution at ito ay sinimulan ng

mga republicans upang kalabanin ang monarkiya ng France. Sa mga panahong iyon, nakaupong hari si Louis Philippe na nagsimula ng July Monarchy. Comparison to Noli/El Fili - May mga bahagi ng kwento ng parehong Les Miserables at Noli Me Tangere/El Filibusterismo na hango sa tunay na buhay. Ang June Rebellion o ang Paris Uprising of 1832 ay nakita sa Les Mis samantalang ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ang pangunahing tema ng Noli/El Fili. - Laganap sa parehong kwento ang pagkawala ng katarungan; napagbibintangan, nakukulong, at napapatay ang mga inosente at di karapat-dapat. (hal.: Les Mis: Valjean, Fantine; Noli/El Fili: Don Rafael, Crispin, Basilio, Kabesang Tales) - Makikita rin sa parehong kwento kung paano tratuhin bilang mga sex objects ang mga kababaihan (hal.: Les Mis: Fantine; Noli/El Fili: Maria Clara, Juli) - Parehong binalak ng mga tauhan ang rebolusyon upang kalabanin ang mga nasa taas. Ang pinagkaiba, natuloy ang rebolusyon ng Friends of the ABC sa Les Mis samantalang nabigo naman ang planong rebolusyon ni Ibarra dahil hindi sumabog ang lamparang iniwan niya sa kasal nina Juanito at Paulita Gomez. - Parehong gumamit ng alias ang mga bida. Si Jean Valjean ay naging si Madeleine at si Ibarra ay naging si Simoun. Ngunit ang pinagkaiba nila ay ang mga rason at motibo sa likod ng kanilang pagpapanggap. Si Valjean ay nagpalit ng pangalan upang maging mabuting impluwensya. Si Ibarra naman ay nagpalit ng pangalan upang makipaghiganti. - Parehong may love story ang Les Mis at June Rebellion o ang Paris Uprising of 1832; sina Marius at Cosette sa isa, at sina Ibarra at Maria Clara naman sa kabila. - Parehong namatay ang bida ngunit si Valjean ay namatay nang masaya at mapayapa samantalang si Ibarra ay namatay na biguan.

You might also like