Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Lucas 10: 1-12, 17-20 Tagalog reflection by Adrian Mahal kong mga kapatid, dapat tayong magpuri sa Diyos

dahil sa importanteng pasabi ng salita ng Diyos sa ating buhay. Ang salita ng Diyos galing kay Lucas para sa susunod na Linggo tungkol sa turo ni Jesus para sa misyon. Atensyon ni Lucas 10: 1-12 hindi tungkol sa actual na misyon ng discipulo, pero konsentrasyon ni Lucas tungkol sa sariling katangian (nature or essential) ng misyon. Ano ang sariling katangian ng misyon? 1) Mula sa unang versikulo, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. Ano ang ibig sabihin ng pitumput dalawa? Pitumput dalawa ay tungkol sa panlahat ang misyon (universal mission) ng Simbahan sa paglilingkod ni Jesus . Kaya, walang pribadong misyon, pero may comunidad ng misyon. Hindi mo pwedeng sabihin ito ang misyon ko o iyon ang misyon mo. Walang mag isa para maglingkod ng misyon kasi isa lang ang katawan ni Kristo. Kaya nga, isa din ang paglilingkod ni Jesus. Kasapi (miyembro) tayong lahat sa katawan ni Kristo. Kaya, lahat tayo ay may responsabilidad para sa misyon. Magmisyon tayo mula sa pamilya, sa ating buhay, sa opisina, sa eskwelahan, sa bible sharing, sa SM, etc. Mula sa pamilya, paano iaapply ng salita ng Diyos sa mga anak mo, asawa mo, pinsan mo, kuya o tita mo. Kung makulit ang mga anak mo, paano ang ginagawa mo sa kanila? kung may sakit ang asawa mo, ano ang gagawin mo? 2) pangalawa, Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya. two by two : dalwa-dalawa. Mayroong tatlong dahilan: una: mutual support. Suporta sa isat isa. Magtulungan tayo para sa misyon. Bakit? Hindi mabuti ang mag isa.

dalawa: Pagiging saksi sa katotohanan ng testimonia nila (bearing witness to the truth of their testimony). tatlo: pamumuhay sa pagkakaisa ng magandang balita ng kapayapaan (living embodiment of the Gospel of peace). 3) pangatlo, Sige humayo na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. Sa gitna ng asong gubat ay tungkol sa maraming chalenge sa misyon. Kahit na maraming problema, maraming challenge, tapat tayong maniwala sa Diyos. 4) verses 6: Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan. tungkol sa Anak ng kapayapaan or Son of peace. verses 17-20: tungkol sa epekto ng misyon ni Jesus. Mas malakas ang kapangyarihan ng Diyos kaysa sa demonio (verse 17-18). Ahas at alakdan (verse 19) ang simbolo ng demonio. Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasuko ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang inyong mga pangalan" ang resulta ng misyon. Kaligayahan at kapayapaan mula sa Diyos ang resulta ng ating misyon.

You might also like