Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Kakalasan- Tulay sa wakas. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento. kaisipan- mensahe ng kwento. Banghay- pangyayari sa kwento.

MGA URI NG MAIKLING KWENTO:


KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARANG MAROMANSA- sa ganitong kwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan. KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI- sa uring ito, ang pangyayari ay totoong kapuna-punaat makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong nasasangkot. KWENTO NG KABABALAGHAN- nabubuo ang ganitong uri ng kwento dahil sa pniniwala ng mga tao sa mg bagaybagay na kataka-taka. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY- ang binibigyang diin ng awtor sa ganitong uri ng kwento ay ang tagpuan. KWENTO NG TALINO- ang pang-akit sa ganitong kwento ay wala sa tauhan ni sa tagpuan kundi sa mahusay na pagkakabuo ng balangkas. KWENTONG SIKOLOHIKAL- maraming nagsasabi na ito na marahil ang pinkamahirap sulating uri ng kwento. KWENTO NG PAG-IBIG- dito pag-ibig ang nangingibabaw na katangiang kumukuha ng interes ng mambabasa. APOLOGO- isng uri ng kwentong ang layunin ay hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila. KWENTOG PANGKAISIPAN- ang pinkamahalaga sa uring ito ay ang paksa, diwa at kaisipan ng kwento. KWENTO NG PAGKATAO- ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan.

MAIKLING KWETO
Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

You might also like