LFW Assignment

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1

LFW Assignment
FACTS: Your client, Sebastian C. Tomas, is RTB Commercial, Inc.s (RTBCI) Corporate IT Manager. According to him, police operatives went to his employers compound on 20 September 2012 inquiring about an Isuzu XUVi motor vehicle allegedly involved in a hit and run incident that happened on 9 September 2012, Sunday. As it happened, the company is the registered owner of a black Isuzu XUVi with plate XEX 250. It has since assigned the vehicle for Sebastians exclusive use. His superiors in the company advised him to promptly coordinate with the police on this matter. He tried to coordinate with the police. But his employer, RTBCI, recently received a subpoena from the prosecutors office directing it to submit a counter-affidavit. Convinced that his employer would only identify him as the party to whom the questioned car was assigned to, he engaged your services to draft and submit his own counter-affidavit in the preliminary investigation against RTBCI upon a complaint for violation of Article 275 (2) of the Revised Penal Code by two complainants pending in the Mandaluyong City Prosecutors office. DIRECTIONS: Carefully review the sworn statements of Mr. Metrico Juan, Mrs. Ricarda Poroco and Mr. Ravenal San Pedro found below. Then, draft Sebastians counter-affidavit for submission using the principles in legal writing and in affidavit drafting. Note well that this exercise requires you to apply our discussions about pre-work and write-up. Your write-up must contain a factual statement that would detail the various sworn statements below. Make a good defense of your client. You must submit your writ-ups in a legal size bond paper (custom size 8.5x 13) in printed form (using font: Times New Roman; size: 14) single space on or before 28 September 2012, Friday at lunchtime. Put a left margin of 1.25 and the rest (top, right and bottom margins) at 1. Make sure that your papers would bear the bold stamp receipt of the Deans Office. Substantial demerits will be given to those who would violate these rules. Plagiarism is an act of dishonesty and will be severely dealt with.

I. Statement of Mr. Metrico E. Juan before SPO3 Eduardo S. Francisco at the Eastern District Traffic Enforcement Office on 9 September 2012.

Tanong: Ikaw ba ay marunong sumulat, bumasa at umunawa ng Tagalog na gagamitin dito sa pagsisiyasat na ito? Sagot : Opo. Pasubali: Ipinagbigay-alam sa nagpapahayag ang kanyang mga karapatan ayon sa Saligang Batas. Tanong: Ano ang pangalan, idad, katayuan sa buhay, hanapbuhay at kasalukuyang tirahan? S- Metrico E. Juan, 18 taong gulang, binata, working student at nakatira sa Gen. Kalentong St. Market Place Shopping Mall, Mandaluyong City. T- Bakit ka narito? S- Dahil nais kong magsampa ng reklamo laban don sa drayber ng sasakyan na nakaaksidente sa aming dalawa ng aking girlfriend habang patawid kami sa kalsada ng isang sasakyan. T- Saan, kailan at anong oras naganap itong aksidente? S- Sa harap po ng Star Mall sa Shaw Blvd. Bago umahon ng EDSA Shaw flyover ganap na 9:00 pasado ng umaga ng ika-9 ng Setyembre 2012. T- Nakikilala mo ba itong drayber na binanggit mo at kung saan siya nakatira? S- Hindi ko po nakikilala at di ko rin alam kung saan siya nakatira. T- Alam mo ba kung anong klaseng at plaka ng sasakyan itong nakaaksidente sa inyo? S- Hindi po. T- Saang panig ng kalsada ba kayo galing noon at patungo ng maganap ang aksidente?

S- Sa bandang gitna ng kalsada bago dumating ang paahon ng flyover kung saan kami ibinaba ng drayber ng dyip na sinasakyan naming at patawid papuntang Star Mall. T- Saang direksyon galling at patungo ang sasakyang nakaaksidente sa inyo? S-Galing direksyon ng Manila at patungo ng Pasig City. T-Ikaw ba at ang girlfriend mo ay nasaktan bunga ng naganap na aksidente? S- Nasaktan po ako pero ang kasintahan ko pong si Joselina Poroco ay namatay sa ospital habang ito ay ginagamot ng doktor. T- Saan ba kayo galing ng kasintahan mo at ano ba ang mga naganap para sa ikaliliwanag ng pagsisiyasat na ito? S- Galing po kami sa paaralan ni Joselina at sumakay kami papuntang Star Mall para bumili ng ilang gamit. Ibinaba kami sa kalagitnaan ng kalsada bago umahon ng flyover at ng makababa ng dyip ay segundo lamang ang lumipas ay tumilapon na akopalayo sa kasama ko at nakita ko na lang nakadapa na lamang si Joselina at duguan. Lumapit ako at binuhat siya. Humingi ako ng saklolo at may biglang dumating na sasakyan. Dinala kami sa Medical City Hospital at doon binawian ng buhay si Joselina. T- May death certificate ka ba para patotohanan ito? S- Wala sa kasalukuyan pero maaari kong ibigay ito sa ibang araw. T-Handa ka bang lagdaan at panumpaan itong ipinahayag mo sa akin? S- Opo. (SGD.) METRICO E. JUAN 9 September 2012

Nilagdaan at pinanumpaan sa harap ko ngayong ika-9 ng Setyembre 2012 dito sa Pasig City. (SGD.) SPO3 EDUARDO S. FRANCISCO

II. Statement of Mr. Ravenal San Pedro before SPO3 Eduardo S. Francisco at the Eastern District Traffic Enforcement Office on 17 September 2012. Tanong: Ano ang pangalan, idad, katayuan sa buhay, hanapbuhay at kasalukuyang tirahan? Sagot Ravenal L. San Pedro, 28 taong gulang, may-asawa, isang crew sa San Antonio Towing Service at nakatira sa 228 Lopez St. Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City. T- Bakit ka naririto? S-Para magbigay ng salaysay para ikalutas ng kasong Hit and Run. T-Anong hit and run itong tinutukoy mo? S- Tungkol po ito sa sasakyang nakabangga na ikinamatay ng isang babae at ikinasugat ng isang lalaki. T-Saan, kailan at anong oras naganap itong aksidente? S- Sa Shaw Blvd tapat ng Star Mall Annex A noong petsa ika-9 ng Setyembre 2010 humigit kumulang na alas 8:40 ng umaga. T. Anong klaseng sasakyan itong nasangkot dito sa kasong hit and run? S-Isuzu XUVi na kulay itim pero di ko nakuha ang plate number. T- Paano mo natiyak na ito ang sasakyang sangkot dito?

S- Nang lingunin ko ang naturang sasakyan ay nakita ko ang Crosswind na nakasulat sa likod ng sasakyan at XUVi naman sa tagiliran. T- Bakit di mo nakuha ang plaka nito? S- Dahil ang atensyon ko ay sa mukha ng drayber pero di ko nagawa ito dahil tinted ang salamin. T-Sabihin mo sa akin kung nasaan ka noon ng maganap ang naturang aksidente? S- Nakatayo po ako sa center island at patawid patungong opisina namin. T. Gaano kalayo ka mula sa lugar ng naturang aksidente? S- Humigit kumulang anim (6) na metro and layo. T-Saang direksyon galing at patungo itong dalawang nakita mo? S- Galing po ito mula sa pagbaba sa dyip na pampasahero na tumigil bandang gitna ng Shaw Blvd.at patawid ng Anglo hardware. T- Maaari mo bang isalaysay sa akin kung paano naganap ang naturang aksidente? S- Galing ako sa gawi ng Anglo Hardware at bumili ng sigarilyo at ng makatawid ng kalsada ay huminto ako ng center island para palagpasin and mga sasakyang galing Maynila. Mayamaya lamang ay tumigil po ang pampasaherong dyip na di kalayuan sa kinatatayuan ko at ng lingunin ko ay dalawang pasahero ang bumaba isang babae at isang lalaki. Napansin ko na may dumaan ding motorsiklo na muntik na silang mahagip at sa paghakbang noong dalawang tao sa pagtawid ay sabay dating ang isang Isuzu XUVi na kulay itim na kung saan nahagip ang babae at bumagsak ng padapa sa kalsada at nagulungan ng una at huling gulong ng XUVi. Saglit na huminto ang XUVi at ng nilingon ko at lapitan para makita ang drayber ay unmarangkadang palayo agad ito patungong PasigCity gamit ang flyover. Patakbo kong kinuha ang aking sasakyan at pagkatapos ay dali-dali kong tinulungan sila para isugod

sa Medical City Hospital. Bago pa kami tuluyang nakalayo ay dalawang lalaki ang patakbong nag-abot sa akin ng papel. Ang isa ay drayber ng isang van at yung isa ay drayber ng pampasaherong dyip. T- Nagkaroon ka ba ng pagkakataon na kunin ang pangalan ng mga lalaking yon? S- Hindi po dahil wala akong oras para doon. T-Ano naman ang laman ng dalawang papel na inabot sa iyo. S. Mga plaka po ng sasakyan. Ang isa ay XEX 250 at yung isa po ay TCX 250. T-Anong parte ng sasakyan ang nakahagip o nakabangga sa dalawa? S- Yong kanang unahang bahagi po ng sasakyan. T-Bakit ngayon ka lang nagbibigay ng salaysay na ito? S- Dahil naging abala ako noong mga nakaraang araw sa aming kompanya. T-Handa ka bang lagdaan at panumpaan itong ipinahayag mo sa akin? S- Opo. (SGD.) RAVENAL SAN PEDRO 17 September 2012 Nilagdaan at pinanumpaan sa harap ko ngayong ika-17 ng Setyembre 2012 dito sa Pasig City. (SGD.) SPO3 EDUARDO S. FRANCISCO

III. Statement of Mrs. Ricarda Poroco before SPO3 Eduardo S. Francisco at the Eastern District Traffic Enforcement Office on 17 September 2012. Tanong: Ano ang pangalan, idad, katayuan sa buhay, hanapbuhay at kasalukuyang tirahan? S- Ricarda Poroco y Buison, 45 taong gulang, may asawa at nakatira sa 143 Fernandez St. Batis, San Juan Metro Manila. T- Anong dahilan at nandito ka? S- Para maghain ng reklamo laban sa drayber na nakaaksidente sa aking anak na dahilan ng kaniyang pagkamatay. T- Anong aksidente itong binanggit mo? S- Hit and run po ng isang sasakyan. T- Anong pangalan ng anak mo na namatay dito? S- Joselina Poroco, na pang-anim sa siyam na magkakapatid. T- Alam mo ba kung saan, kailan, at anong oras naganap itong aksidente? S- Ang alam ko po ay papunta sila ng boyfriend niya sa Star mall sa Shaw Blvd. sa Mandaluyong City noong 9 September2012 at di ko tiyak ang oras pero ito ay sa umaga. T- Nasaan ka naman noong maganap ito? S- Nasa pwesto po namin sa palengke ng Divisoria at nagtitinda. T-Papano mo nalaman itong aksidenteng sinapit ng anak mo? S-Pagbalik ko po ng bahay noong araw na iyon pero di ko po alam na namatay ito.

T- Alam mo ba kung anong klaseng sasakyan ang bumangga sa anak mo? S- Noong una po ay hindi subalit ayon sa boyfriend niyang si Metrico ay Isuzu XUVi daw po ito. T- Paano mo natiyak na ito nga ay ang naturang sasakyan? S- Dahil magkasama po sila ng anak ko ng naganap ang sakuna. T-Natukoy ba nya ang plate number ng sasakyan? S- Hindi po dahil daw po sa na-shock siya. T-Nasaan naman ang bangkay ng anak mo? S- Naipalibing ko na po noong isang linggo. T-Anong katibayan mo na namatay nga ang anak mo? S- Nandito po ang death certificate niya. (Affiant shows at this juncture a death certificate of one Joselina B. Poroco.) T-Handa ka bang lagdaan at panumpaan itong ipinahayag mo sa akin? S- Opo. (SGD.) RICARDA B. POROCO 17 September 2012 Nilagdaan at pinanumpaan sa harap ko ngayong ika-17 ng Setyembre 2012 dito sa Pasig City.

(SGD.) SPO3 EDUARDO S. FRANCISCO

You might also like