Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Pamanahong Papel Hakbang 1- Ang Pagpili ng Paksa 1.

Kabuluhan Siguraduhing mayroong bago at kapakipakinabang na ideya na maibabahagi sa mga target na mambabasa. 2. May Mahigpit na Pokus Hindi kailangan ng malawak na paksa. Mabuti kung sa isang direksyon lang naka-pokus ang pananaliksik nang sa ganoon ay buo at kumpleto ang maibibigay na impormasyon tungkol dito. 3. Kakayahan, Mapagkukunan at Panahon Nararapat na angkop sa kakayahan ng mananaliksik ang piniling paksa. Bigyang pansin din kung sasapat ang iyong mga resources. At panghuli, siguraduhing ang pag-aaral na isasagawa ay matatapos sa itinakdang oras. 4. Antas ng Kahirapan Hindi dapat masyadong madali o masyadong mahirap ang paksang pag-aaralan. Ito ay dapat angkop sa antas ng kahirapan para sa mga estudyante sa kolehiyo. 5. Interes Mas maigi kung malapit sa puso ng mananaliksik ang paksang pipiliin dahil mas paglalaanan nila ito ng oras at mas mapapagbuti. Hindi sila tatamarin sa pag-aaral at pananaliksik. Hakbang 2- Pagtatakda ng Layunin Ito ang magsisilbing gabay sa mananaliksik kung ano ang nais niyang gawin sa kanyang pananaliksik. Sakop nito ang kabuuan ng nilalaman ng papel kayat kung anuman ang ilalagay na layunin ay dapat matalakay. Ito ay dapat konsistent at angkop sa paglalaanan ng pag-aaral. Hakbang 3- Ang Malawakang Pagbabasa Kaugnay ng Napiling Pag-aaral Ito ay ang panimulang hakbang sa pananaliksik at isang hakbang din sa pagkuha ng impormasyon. Ito ay makadadagdag sa mga ideya na maaaring maging pokus ng pag-aaral. Nararapat na alamin kung ano ang babasahin, saan ito makikita at kung ito ba ay konektado sa paksa. Huwag kalimutang itala ang mga pinaghanguan o sources (aklat, websites, dyornal etc.). Hakbang 4- Pagtatala at Pag-oorganisa ng mga Nakuhang Impormasyon A. Paggamit ng note card Itala ang pamagat ng impormasyon, impormasyong isinasaad at sanggunian. B. Paggamit ng Talahanayan

C. Pagkilala sa May-akda (citation) C.1 Paggamit ng Istilong Parentetikal - ang pamagat ng aklat ay sinusundan ng mga may-akda at taon C.2 Tuwirang Pagkilala at Istilong Parentetikal - mayroong tuwirang pagkilala sa may-akda C.3 Pagtatalababa - tinutukoy ang pinaghanguan ng impormasyon Hakbang 5- Pagkuha ng Impormasyon o mga Datos Ang pamamaraan ng pangongolekta ng datos ay dapat angkop sa kung anong impormasyon ang nais makuha. Ito ay maaaring isang panayam, sarbey, obserbasyon, pagsagot sa tseklist, eksperimentasyon, pagsubok, emersyon, pakikihalubilo atbp. 1. Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam Bago ang panayam 1. Mag-isip ng taong may kaalaman sa paksa na maaaring kapanayamin. 2. Humingi ng pahintulot sa paraang pasulat o pasalita. 3. Upang magkaroon ng ideya sa mga itatanong, pag-aralan ang paksa. 4. Ihanda ang mga gabay na tanong at ayusin ayon sa kahalagahan. 5. Saliksikin ang profile ng taong kakapanayamin. 6. Ang oras ng pakikipanayam ay dapat pabor sa kinakapanayam. Sa oras ng panayam 1. Ang magpapanayam ay dapat dumating sa oras na napagkasunduan. 2. Magpakita ng interes sa kinakapanayam. 3. Magpokus at makinig sa sinasabi ng kausap. 4. Itala o i-record ang sinasabi ng kausap. 5. Maigi kung may mga follow-up questions upang mapalawig at mapalinaw pa ng kinakapanayam ang kanyang sinasabi. 6. Umiwas sa pakikipagtalo. 7. Maging magalang at matapat. Pagkatapos ng panayam 1. Igalang at sundin ang mga habilin ng kinapanayam. 2. Gawing maayos at magalang ang pagtatapos. 3. Bigyan ng pinal na kopya ang kinapanayam bilang tanda ng katiyakan ng kanyang mga ibinahagi. 4. Magpasalamat. 2. Ang Pagsulat ng Liham Pahintulot at ng Maikling Mensahe Isaad sa mga liham at pambungad na mensahe ang mga mahahalagang detalye lamang. Gawin itong maikli, tiyak at malinaw. 3. Ang Pormularyong Sarbey (Survey Form) Ito ay isang mabisang pamamaraan para sa pag-aaral na nangangailangan ng madaming respondente. Ito ay maaaring nasa anyong talatanungan o tseklist. Kung talatanungan, ang mga tanong ay maaaring bukas o may pagpipiliang sagot. Kung ito naman ay tseklist, may mga katanungan ding nakalahad ngunit ito ay may mga

pagpipiliang sagot na maaaring lagyan na lamang ng tsek o anumang marka. Ang mga respondente ay tumatayong kinatawan ng nakararami ---sampling. Mga Dapat Tandaan sa Pagpapasarbey 1. Planuhin kung paano bubuuin ang instrumento para sa sarbey, kung sinusino ang mga respondente, kung taga-saan sila at kung paano pamamahalaan ang pagsagot ng sarbey. 2. Humingi ng permiso sa dekana o propesor kung ang mga respondente ay mga mag-aaral. 3. Magpasalamat sa mga respondente. 4. Ingatan ang mga nakalap na impormasyon. Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Pormularyong Sarbey 1. Magpakilala, ilagay ang layunin at direksyon kung paano sasagutan ang sarbey. 2. Linawin ang mga katanungang inilagay. 3. Makabubuting pangkatin ang mga tanong ayon sa uri o layunin ng mga ito. 4. Ipaliwanag ang mga mahihirap na tanong. 5. Ang mga tanong ay dapat tutugon sa mga kinakailangang impormasyon. 6. Maglagay ng sapat na espasyo para sa kasagutan ng mga respondente. 7. Upang hindi mabagot ang mga respondente, iwasang gumawa ng mahahabang sarbey. 8. Iwasan ding maglagay ng mga tanong na magreresulta ng intriga o komosyon.

You might also like