Batas Republika 9211

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Batas Republika 9211

Ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa taguring Tobacco Regulation Act of 2003 (Batas ukol sa Pagkontrol sa Paggamit ng mga Produktong Tabako), ay ipinagtibay upang isulong ang pagkakaroon ng isang kapaligirang nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng paninigarilyo, ilayo ang kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.

Ilang mahahalagang probisyon


Ipinagbabawal ng batas na ito ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng elevator, airport, terminal, restawran, ospital at paaralan. Sakop din ng batas ang mga pook na maaaring maging sanhi ng sunog tulad ng gas stations at tindahan ng mga flammable liquid. Ang ibang lugar na bukas para sa publiko gaya ng mga gusali at pook paggawa ay nararapat na magkaroon ng non-smoking at smoking areas. Maaaring hiwalay ang smoking areas sa kabuuan ng establisyamento o gusali o isang lugar na may maayos na bentilasyon. Ang smoking at non-smoking areas ay dapat magkaroon ng mga sign na Smoking Area at No Smoking Area o No Smoking. Nakasaad din sa batas ang pagbabawal sa mga menor de edad, o mga indibidwal edad 18 pababa, sa pagbili, pagbenta at paghithit ng sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang pagpapatalastas sa telebsisyon, radyo, sinehan at lahat ng klase ng medium ay ipinagbabawal ng batas. Ang mga manufacturer ng sigarilyo at produktong tabako ay pinagbabawalan ding mag-sponsor ng anumang aktibidad gaya ng sport o konsyerto at ng mga kilala at maimpluwensyang tao gaya ng mga artista at atleta. Ang sinumang napatunayang lumabag sa mga nabanggit na probisyon ay maaaring magmulta ng mula P500 hanggang P400,000 at makulong nang 30 araw hanggang tatlong taon depende sa uri at bilang ng paglabag. Ang mga lumabag na establisyamento ay maaari namang matanggalan ng lisesnya at permit. Ayon pa sa batas, ang mga indbidwal na nagtatrabaho sa industriya ng tabako na nawalan ng hanapbuhay sanhi ng pagpaatupad ng batas na ito ay tutulungan ng pamahalaan.

You might also like