Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 107

MGA NILALAMAN

I. Introduksyon A. Agrikultura B. Paghahalaman B.1 Mga Pakinabang at Opurtunidad sa Paghahalaman B.2 Mga Bahagi ng Halaman B.3 Mga Uri ng Binhing Buto B.4 Mga Katangian ng Hybrid na Buto B.5 Bakit Hindi Dapat Binubutuhan ang Hybrid C. Pagpapakilala sa mga Gulay II. Mga Kasangkapan sa Paghahalaman III. Mga Salik Pangkaligtasan IV. Composting

MGA NILALAMAN
V. Container Gardening VI. Pagnanarseri A. Greenhouse Nursery B. Pagpupunla

VII. Paghahanda ng Taniman


VIII. Paglilipat-tanim IX.A. Pangangalaga ng Pananim B. Paglalagay ng Pataba C. Pagsugpo sa Peste X. Wastong Pag-aani XI. Pagsasapamilihan at Pagtatala ng Record ng Ani

INTRODUKSYON
AGRIKULTURA

AGRIKULTURA
HAL AMA N HAYOP

AGRONOMIKAL

H ORTIKULTURAL

ORNAMENTAL

PUNO/BUNGANG KA HOY at PA MPLANTASYONG H ALAMA N

GUL AY

AGRIKULTURA
Sining at agham ng paglilinang ng lupa para sa pag-aalaga ng hayop at paghahalaman upang mapagkunan ng pagkain at pagkakakitaan.
PAGHAHAYUPAN

Paaalaga ng maaamong hayop tulad ng manok, baboy, kambing, baka, at iba pa upang makatulong sa pamumuhay ng mag-anak:
- bilang pagkain - katulong sa bukid - pagkakakitaan

PAGHAHALAMAN

Sining ng pagpapalago ng halaman na maaaring mapagkunan ng pagkain at gamot ng mag-anak.

MGA GRUPO NG HALAMAN AYON SA PARAAN NG PAGTATANIM


AGRONOMIKAL
Mga halamang itinatanim sa malawak na bukirin at di masyadong nangangailangan ng matinding atensyon o ang pag-aalaga ay extensive hal. palay, munggo

HORTIKULTURAL
Mga halamang itinatanim sa mas maliit na lupain at nangangailangan ng matinding atensyon o pag-aalagang intensive. Ito ay may tatlong uri. hal. talong, kamatis, ampalaya, upo

MGA URI NG HALAMANG HORTIKULTURAL


ORNAMENTAL
Mga halamang itinatanim bilang pangdekorasyon maging ito man ay bulaklak o dahon
hal. rose, daisy, orchids, vinca, dianthus, pako, palmera

PUNO/ BUNGANGKAHOY AT PAMPLANTASYONG HALAMAN


Mga halamang nangangailangan ng mas mahabang panahong hihintayin upang lubos na mapakinabangan
hal. mangga, saging, pinya

GULAY
Mga halamang tinatanim sa maikling panahon, karaniwang malambot ang istruktura na maaaring madahon, gumagapang o dumadawag
hal. pechay, kamatis, talong, ampalaya, sitaw, okra

PAGHAHALAMAN
MGA PAKINABANG AT OPORTUNIDAD SA PAGHAHALAMAN
Kita Nutrisyon/ masustansyang pagkain Nagsisilbing libangan at mas nagpapatibay sa samahan ng mag-anak Ang mga halaman ay: - dagdag kagandahan sa kapaligiran - panlaban sa polusyon

HALAMAN
ANO ANG HALAMAN?
Ang halaman ay isang organismong may kakayahang gumawa ng pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis, ngunit ito ay walang kakayahang gumalaw tulad ng hayop.

MGA PANGUNAHING PANGANG AILANGAN NG HALA MAN


Lupa
Ang pinanggagalingan ng sustansyang mineral na siyang pangunahing kailangan ng halaman sa paglaki nito. Ang siyang kinakapitan ng ugat para mapanatiling nakatayo ang halaman

Tubig
Ang nagsisilbing tagapagdala ng sustansya (soluble nutrients) mula sa lupa patungo sa ibat ibang bahagi ng halaman

Kinakailangan din ng halaman upang maganap ang mga natural na proseso para lumaki ang mga ito

Liwanag
Ang liwanag mula sa araw ay kailangan ng halaman upang Maganap ang photosynthesis o ang proseso ng pagbubuo ng pagkain.

Hangin
Ang carbon dioxide ay isa sa mga pangunahing sangkap upang makagawa ng sariling pagkain ang halaman. Ang oxygen naman ay ang hangin na nililikha ng halaman kapag ito ay gumagawa ng pagkain. Ginagamit din ng halaman ang oxygen upang makakuha ng enerhiya mula sa mga nagawa nitong pagkain sa pamamagitan ng respiration.

MGA BAHAGI NG HALAMAN

MGA BAHAGI NG HALAMAN


Fruit o Bunga
Magulang na obaryo (ovary) ng halaman

Root o Ugat
Sumisipsip ng tubig at sustansya mula sa lupa bilang nutrisyon ng halaman
Ito rin ang kumakapit sa lupa bilang pundasyon ng halaman sa kanyang kinalalagyan

Stem o Sanga
Humahawak sa dahon Daanan ng tubig at sustansya mula sa ugat papunta sa ibang parte ng halaman

Leaves o Dahon
Dito ginagawa ang pagkain (carbohydrates) ng halaman sa pamamagitan ng photosynthesis

MGA BAHAGI NG HALAMAN


Flower/ Bulaklak
Bahagi ng halaman na may talulot at pantawag-pansin sa mabubuting insekto. Responsable sa pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng pollination at fertilization

MGA BAHAGI NG HALAMAN


MGA BAHAGI NG BULAKLAK
Lalaking Bahagi ng Bulaklak (Stamen) Anther - pinanggagalingan ng dilaw na polbo na kung
tawagin ay pollen grains

Filament - humahawak sa anther Babaeng bahagi ng bulaklak Style - humahawak sa stigma (pistil)

Stigma - tagatanggap ng pollen grains

Ovary - nagiging prutas kapag naganap ang fertilization


at ito ang naglalaman ng ovule na siyang nagiging buto

Petals at sepals - taga-akit ng insekto upang maganap


ang pollination

MGA BAHAGI NG HALAMAN


Seed/ Buto
Magulang na ovule Naglalaman ng embryo o batang halaman na siyang magpapasimula ng buhay ng isang bagong organismo

MGA BAHAGI NG BUTO

Seed coat (testa) - panlabas na bahagi ng buto na nagsisilbing proteksyon sa mga panloob na bahagi ng butos Epicotyl - ang nagiging usbong ng batang halaman Hypocotyl - ang nagiging sanga ng batang halaman Radicle - mumunting istruktura na magiging ugat ng halaman kapag tumubo na Cotyledons - nagsisilbing reserba na pagkain ng embryo

MGA URI NG BINHING BUTO


Open Pollinated (OP)
Nagmula sa iisang variety ng halaman na paulit-ulit na itinatanim at binubuto ng magsasaka upang gamiting binhi

Hybrid
Resulta ng pagsasama (cross) ng magaganda o piling katangian ng dalawang halaman (parent plant)

MGA KATANGIAN NG HYBRID NA BUTO


Mas matibay sa mga peste at sakit ng halaman kaya maayos pa ring nakakapamunga bagamat may kaunting problema sa kapaligiran Uniform o sabay-sabay at magkakasinglaking tumubo kayat mas madaling alagaan. Mas maagang mamunga kaya mas maagang mapakikinabangan May kakayahang mamunga ng higit na marami kaysa sa tradisyonal (OP) na binhi

BAKIT HINDI DAPAT BINUBUTUHAN ANG HYBRID


Hybrid -

resulta ng pagsasama ng magaganda o piling katangian ng dalawang halaman

AA

x aa
Aa x Aa

Hybrid

Binuto

AA Aa Aa aa
(iba-iba na)

BAKIT HINDI DAPAT BINUBUTUHAN ANG HYBRID


Ang mga halamang tutubo ay magkaka-iba o hindi na pare-pareho ang laki Magkakaiba ang hugis at sukat ng bunga Magiging magkakaiba na rin ang mga katangian ng halaman sa populasyon sapagkat lalabas pati ang mga hindi magagandang katangian ng magulang na halaman. Mas mababa ang ani kaysa sa pinangga-lingang F1 at mahihirapan sa paghihiwalay o pagkaklase-klase ng mga inani bago dalhin sa pamilihan

INTRODUKSYON K I L A L A N I N A N G M G A G U L AY
EAST WEST SEED

NG

squash corn tomato cucumber sweet pepper lettuce pakchoy

cauliflower eggplant hot pepper watermelon onion bttergourd papaya

pampatalas ng mga mata panlaban sa cancer proteksyon laban sa sakit sa puso at diabetes panlaban sa dehydration

SQUASH

CORN
nagpapalaki at nagpapalakas ng katawan nagpapalusog din ng mga mata nakakatulong sa mga problema sa bato (kidneys) pampatibay ng puso laban sa mga sakit tumutulong maiwasan ang anemia at constipation nakakabawas sa masakit na pakiramdaman dulot ng rayuma

pampatalas ng mga mata pampatibay ng buto may lycopene na panlaban sa cancer at pampalakas ng puso nakagagamot sa trangkaso pampaganda ng kutis nakagagamot ng sunburn at mga sugat sa balat

TOMATO
nakakatulong sa kidneys, atay, at bladder nakapagpapanatili ng normal blood pressure pampabilis ng pagtubo ng buhok at kuko nagpapalusog ng gilagid at ngipin pampaganda ng kutis at pantanggal ng eyebags nakakatulong din sa may rayuma

CUCUMBER

pampaganda ng daloy ng dugo para sa malusog na puso nakakatulong laban sa asthma pinapatibay rin ang katawan upang malabanan ang sakit puno rin ng antioxidant na nagpapalakas at nagpapalusog ng katawan

SWEET PEPPER

puno ng antioxidants na pampatibay ng katawan nakakatulong sa pagbawas ng timbang nakakatulong labanan ang init ng araw habang naglalaro o gumagawa

LETTUCE

PAKCHOY

punong-puno ng bitamina at antioxidants na nagpapalakas ng immune system tumutulong sa tamang paglaki ng buto at ngipin nangangalaga rin sa mga mata pinapatibay ang puso

pampalakas ng atay meron ding antioxidants na pampalakas ng katawan at panlaban sa cancer nakakatulong ding labanan ang rayuma nagpapatibay din ng puso

CAULIFLOWER

punong-puno ng antioxidants na nagpapatibay ng katawan nagpapatalas ng isipan na nakakatulong sa pag-aaral pinapatibay rin ang puso at nagbibigay ng enerhiya na nagpapalakas ng katawan tumutulong din sa pagbawas ng timbang upang mas madaling gumalaw

EGGPLANT

pampaganda ng daloy ng dugo na nagpapabilis magpagaling ng mga sugat pinapalakas rin ang puso nakakasunog rin ng taba at nakakatulong sa pagbabawas ng timbang nilalabanan ang cancer pinapagaan/nilalabanan ang karamdaman: -trangkaso -ubot sipon -diabetes -paghilab ng tiyan

HOT PEPPER

nagbibigay ng enerhiya pinapalusog rin ang mga mata sagana din sa lycopene na pampalusog ng puso panlaban sa dehydration

WATERMELON

ONION

nakakatulong labanan ang allergy nakapagpapahupa rin ng pamamaga ng kalamnan ginagamit ding gamot sa ubo at asthma proteksyon ng tiyan laban sa masasamang mikrobyo pang-iwas sa colon cancer

BITTER GOURD

panlaban sa diabetes puno ng bitamina at antioxidants na nagpapalakas ng katawan nakapagpapalusog ng atay panlunas din sa ubo at sakit sa balat pwede ring pampurga sa bulate

PAPAYA

nakakatulong mapabilis ang pagtunaw ng kinain nakalilinis ng bituka upang maka-iwas sa sakit nakagagamot din sa pagkahilo panlaban rin sa cancer ang buto nito ay pwedeng pampurga sa bulate

II. MGA KAGAMITAN SA PAGHAHALAMAN


PANGHUKAY AT PANGGAMBOL

PIKO, ASAROL, BARETA, PALA, TROWEL ATBP.

PAMPINO NG LUPA

KALAYKAY, PALANG TINIDOR, ATBP.

PANUKAT

AT PANGMARKA

TULOS, PISI, METRO/MEDINA

ATBP.

PANDILIG

RIGADOR, TIMBA, TABO ATBP.

Pangangalaga sa mga Kagamitan sa Paghahalaman


1. Huwag ikalat ang mga gamit kahit saan lamang, maglaan ng lalagyan o taguan sa mga ito 2. Kuhanin sa lalagyan kung alin lamang ang siyang gagamitin. 3. Upang mapatagal ang ating mga kagamitan ay ugaling linisin at patuyuin ang mga ito pagkatapos gamitin. Ang ibang kagamitan tulad ng itak ay kinakailangang langisan bago itago. 4. Huwag paglaruan ang mga kagamitan. Maaring masira ang mga ito o makasakit sa inyo.

5. Kung makapapansin ng sira o depekto sa mga kagamitan ay magkusang ayusin agad ang mga ito upang muling magamit.

III. MGA SALIK PANGKALIGTASAN


1. Sumunod sa mga tagubilin ng guro 2. Huwag maglalaro sa oras ng paghahalaman. Ang mga kagamitan ay maaaring makasakit sa inyo at sa inyong kapwa mag-aaral. 3. Magsuot ng damit panggawa at magdala ng pamunas ng pawis upang maiwasan ang Pagkakaroon ng sakit. Magsuot ng sumbrero o anumang pamprotekta sa init ng araw. 4. Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumawa sa halamanan lalo na kung humawak ng lupa, pataba o anumang materyal na maaaring makairita o makalason.

IV.PAGKOKOMPOS
S a Pa k ik ip agtulungan sa S a n Jo se Cit y Dep artment of Agriculture

Ano ang Pagkokompost?


Ang pagkokompost ay isang teknolohiya ng pagpapabilis ng pagpapabulok ng mga organikong materyales sa tulong ng mga microorganisms sa isang prosesong bayolohikal na nangangailangan ng hangin (aerobic). Ito ay mabisang paraan ng recycling na isang lunas din ng polusyon sa kapaligiran. Mula dito ay nakabubuo ng organikong pataba na nakapagbibigay sustansiya sa mga pananim at nagpapaganda ng kondisyon ng lupa.

Mga Hakbang sa Pagkokompos


1. Ihanda ang mga materyales - dayami / dahon - dumi ng hayop 2. Ihanda ang lugar - linisin at patagin ang lugar kung saan magkokompos

3. Isalansan (layer) ang mga materyales ng salitan a. paglatag ng dayami b. pag-iispray ng EMAS (EMAS- Effective Microorganism Activated Solution) c. paglalatag ng dumi ng hayop

4. Basain ng tubig at takpan ng dahon ng saging at sako ang ibabaw ng ginawang kompost.

5. Haluin ang ginawang kompost tuwing ikalawang linggo hanggang sa mabulok lahat ng materyales na ginamit. 6. Kapag nabulok na ang lahat ng materyales, maari ng gamitin ang ginawang kompost bilang pataba.

V. CONTAINER GARDENING
Sa Pakikipagtulunga ni Dr. Pedrito S. Nitural ng College o f Agriculture, CLSU, S c ien c e Cit y o f Mu n oz, Nueva Ecija

Container Gardening
Paraan ng pagtatanim ng halaman sa mga lalagyan o sisidlan sa halip na sa lupa. Tinatawag din itong Receptacle Farming.

Mga Kapakinabangan
1. Bukod sa nagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halaman sa mga lalagyan, nakakabawas din ito sa mga basurang nagdudulot ng polusyon sapagkat nagagamit pang muli ang mga bagay na patapon na tulad ng mga malalaking plastic containers, lumang gulong, sirang batya, sirang timba at iba pa. 2. Ang paggugulayan ay nagiging posible kahit sa maliit na lugar lamang o sa mga lugar na hindi maganda ang kondisyon sa paghahalaman tulad ng mabato o sementadong lugar. 3. Nakakatipid sa pagbili ng gulay sapagkat nakakapag-ani ng sariwang gulay sa loob ng bakuran 4. Ang mga inaaning gulay ay ligtas sa kontaminasyon ng mga nakakalasong kemikal.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Kompost


1. Ihanda ang mga lalagyan at piliin ang mga halamang itatanim.
Ang Container Gardening ay isang oportunidad ng pagrerecycle ng mga bagay na karaniwan nang itinatapon sa basurahan tulad ng: lumang gulong, plastic containers, sirang batya, timba, kaserola at iba pa. Ang mga lalagyan ay dapat may butas at ligtas sa mga materyal na nakakalason sa mga halaman at tao. Ang mga lalagyan kung saan itatanim ang mga halaman ay dapat sapat ang laki upang malagyan ng sapat na dami ng media na kayang sumuporta sa mga halaman kahit sila ay malaki na.
Habang lumalaki ang lalagyan ay lumalawak ang pagpipilian kung anong halaman ang itatanim. Ang maliliit na lalagyan ay para lamang sa mga shallowrooted na halaman tulad ng mustasa, pechay, letsugas, at iba pang madadahong gulay.

2. Ihanda ng media (haluin at ilagay sa mga lalagyan)


Maaaring gumamit ng ordinaryong lupa, compost at binulok na ipa sa tig-iisang bahaging proporsyon ( 1:1:1 ) Haluing mabuti ang pagtatanimang media at ilagay sa mga napiling lalagyang pagtataniman.

3. Itanim ang mga halaman sa mga lalagyan

4. Diligan ang mga bagong tanim na halaman

5. Iayos ang mga lalagyang nataniman sa lugar na ng araw at ayon sa nais na disenyo:
Ihanay ayon sa bakanteng lugar

Ayusin ang mga tanim ayon sa putahe ng ulam


Hal. Pinakbet Mix, Sinigang Mix

6. Alagaan ang mga halaman sa pamamagitan ng regular na pagdidilig, pagpapataba, at pagsugpo sa mga peste. Bunutin ang mga damong tumutubo sa pagitan ng mga halaman at tanggalin ang mga bunga, dahon, at puno na may sakit.

VI.

ANO ANG GREENHOUSE?

Ano ang Greenhouse?


Ito ay isang makabagong paraan o istruktura na ginagamit sa pagtatanim ng gulay at iba pang halaman.

Kadalasan gawa sa tubo at karaniwang materyales tulad ng kawayan.

Natatakpan ng makapal na plastic at napapalibutan ng net

plastic net

Ang greenhouse ay isang kulob na istruktura kung saan nakukulob ang init mula sa liwanag ng araw na siyang nagpapainit sa mga halaman, lupa at ibang mga bagay sa loob ng istruktura bago pa man ito sumingaw palabas.

Mga Benepisyo at Pakinabang ng Greenhouse


1. Makakapagtanim ng gulay sa anumang panahon lalo na sa tag-ulan.

2. Mas mataas ang kalidad ng gulay na nagbibigay ng magandang presyo sa merkado

3. Napapalaki ang produksyon sa maliit na lugar dahil sa kontroladong kondisyon.

4. Maaaring gamitin sa mga mamahaling gulay na maaaring maibenta pa sa ibang bansa.

1. Nakokontrol ang pag-atake ng insekto at naiiwasan ang paggamit ng pestisidyo.

5. Angkop sa tinatawag Organic Farming

na

6. Angkop gamiting narseri sapagkat magiging malulusog ang mga punla sa loob ng Greenhouse.

PARAAN NG PAGTATANIM
TUWIRAN/ DIRECT SOWING - Pagtatanim ng mga buto ng halaman sa mismong lugar kung saan sila ay sisibol hanggang sa pwede nang anihin

DI-TUWIRAN (Pagpupunla at paglilipat tanim) - Ang mga buto ay pinupunla muna sa narseri o isang lugar/ lalagyan hanggang umabot sa hustong gulang para sa paglilipat tanim.

MGA HAKBANG SA PAGPUPUNLA


1. Ihanda ang seedling media:

Mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng seedling media:


Kapasidad sa paghawak ng tubig Tamang pagkakabuhaghag May sapat na sustansya Malinis o ligtas sa mga sakit

MGA HALIMBAWA NG SEEDLING MEDIUM MIXES


1:1:1 buhangin: lupa: compost 1:1:1 lupa: coconut coir dust o sunog na ipa: compost 1:1:1 lupa:dumi ng hayop: coconut coir dust

3:1
1

coconut coirdust: sand


purong peatmoss

sand coirdust mix

pure peatmoss

MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA NG SEEDLING MEDIA

Paglilinis sa Coir Dust 2-3x Pagbibistay at paglilinis ng buhangin Paghahalo (3:1 Coir dust at buhangin)

2. I-sterilize ang seedling media upang mapatay ang fungus na sanhi ng damping off sa punla (Phytophthora, Rhizoctonia, Phytium)

MGA PARAAN NG PAG-STERILIZE


1. Raw-heat method- pagsusunog ng dayami sa ibabaw ng kamang taniman (1-5cm kapal)

2. Hot plate sterilization- pagsasangag sa seedling media

3. Steam sterilization- pagpapasingaw

1.

2.

3.

MGA PARAAN NG PAGPUPUNLA


1. Pagpupunla sa Kamang taniman

2. Pagpupunla sa Kahong Punlaan

3. Pagpupunla sa Seedling trays

TVBT

MGA BENTAHE NG PAGGAMIT NG PLASTIC SEEDLING TRAY

Mataas na kalidad ng malulusog na punla Mabilis na pag-recover ng mga punla pagkalipat tanim Mababa ang bilang ng mga namamatay pagkalipat tanim Nakakatipid sa gastos sa buto May kasiguruhan sa kaligtasan ng punla laban sa mga hayop at kalamidad Pwede kahit delayed ang paglipat-tanim

Mababa ang posibilidad ng pagkalat ng sakit

PAGPUPUNLA SA SEEDLING TRAY


1. Paghahalo ng Seedling Media
2. Pagpupuno ng soil media sa mga trays at pagbubutas ng mga lalagyan ng buto

4. Pagdidilig sa mga tray at paglalagay sa medyo malilim na lugar o kaya ay sa greenhouse

3. Paglalagay ng buto sa bawat butas at pagtatabon ng Kaunting lupa

PAG-AALAGA NG MGA PUNLA


CUCURBITIS: Ampalaya Kalabasa Araw Pipino

10-15 araw

SOLANACEOUS: Kamatis = 15-20 araw Talong at Sili = 22-30 araw PATABA SA PUNLA Calcium nitrate Foliar fertilizers

WASTONG PANGANGALAGA NG PUNLA


1. Regular na diligan ang mga punla 2. Patabaan ng abonong mataas sa nitroheno para lumusog at yumabong ang mga punla 3. Siguraduhing naaarawan ang mga punla upang maiwasan ang sobrang paghaba ng mga katawan nito. 4. Tabingan ng itim na net ang mga punla upang hindi ito direktang masikatan ng araw. 5. Kung hindi gumagamit ng greenhouse ay takpan ang mga punla ng plastic upang maiwasan ang pinsala ng malakas na ulan. 6. Mag-spray ng pestisidyo kung kinakailangan lamang 7. Diligan ng fungicide ang mga punla kapag may impeksyon ng damping-off 8. Patigasin (harden) ang mga punla bago maglipat-tanim upang maiwasan ang transplanting shock o pagkabigla ng mga punla sa init ng araw na magiging sanhi ng pagkalanta. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapaaraw sa tray ng punla at paglilimita ng tubig ng dalawa hanggang apat na araw bago maglipat-tanim.

PAGHAHANDA NG TANIM
MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA NG LUPANG TATAMNAN
1. Tanggalin ang mga damo sa lupang pagtatamnan

2. Araruhin ang lupa gamit ang traktora, hayop o asarol

3. Sukatin ang tamang distansya ng kanal at kamang pagtatamnan gamit ang tansi at mga patpat o tulos

Solanaceous
0.5 m. 1 m.

0.5 m

1m
0.5 0.5 - 0.75 0.75 m m

Cucurbitis
1 m 0.5 m Pananim 2-3 m

Pagitan ng bawat kama


Pagitan ng bawat kama

Pagitan ng bawat halaman


Pagitan ng bawat halaman

Pananim

0.5 2 m

Ampalaya Upo Sili


Kamatis

2.0 m

0.5 m

0.5 m 0.5 m 0.5


0.5 m m

2.00.5 m 0.50.5 m 2.00.5 m 0.50.5 m

4-5 m 0.5 m Pananim Pagitan ng bawat kama Pagitan ng bawat halaman

Pagitan ng Pagitan ng Talong 0.75 mm Pananim bawat 3.00.5 m 0.50.5 m bawat kama Kalabasa 3.0 m 0.5 m 1.5 m halaman m 0.50.5 mm 0.5 m Pipino Sili 0.5 m 0.5 0.5 m

Kamatis
Talong

0.5 m
0.5 m

0.5 m
0.5 m

0.5 m
0.75 m

Ampalaya Upo Patola Pakwan Kalabasa Pipino

2.0 m 2.0 m 2.0 m 3.0 m 3.0 m 0.5 m

0.5 m 0.5 m 0.5 m 0.5 m 0.5 m 0.5 m

0.5 m 0.5 m 0.5 m 0.5 m 1.5 m 0.5 m

4. Hukayin ang kanal at pantayin ng maayos ang kamang pagtatamnan

5. Maglagay ng abonong organiko o di organiko

6. Pantayin ang kamang taniman gamit ang kalaykay

7. Takpan ng plastic mulch ang kamang taniman

8. Sukatin at markahan ang sukat ng pagitan kada halaman

9. Butasan ang plastic mulch gamit ang metal puncher o lata na may baga

PAGLILIPAT-TANIM o TRANSPLANTING
Kapag umabot na sa wastong gulang ang mga punla, maaari na itong ilipat tanim. Gawin ang paglilipat tanim sa umaga o hapon kapag hindi na matindi ang sikat ng araw.

MGA HAKBANG NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGLILIPAT-TANIM


1. Piliin ang mga matitibay na punla

2. Diligan ang mga punla apat na oras bago itanim

3. Butasan ang lupa gamit ang kahoy o bareta upang mas maging madali at mabilis ang paglilipat tanim.

4. Ingatan ang pagkuha ng punla sa tray upang maiwasan ang pagkasira ng ugat

5. Ingatan ang paglilipat ng punla. Tabunan ang puno upang hindi ito matumba.

6. Diligan ang nilipat na punla kung kinakailangan.

PANGANGALAGA NG PANANIM
PAGDIDILIG
(WATERING) 1. Pagkatapos lamang ng pagtatanim, kinakailangan na ng mga halaman ng tubig. Isa ito sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. 2. Huwag hayaang lumipas ang araw na hindi nakatikim ng tubig ang mga halaman, kundi ay unti-unti silang manghihina, malalanta hanggang sa mamatay. 3. Diligan ang mga halaman ng umaga o hapon

PAGDADAMO
(WEEDING) 1. Ang mga damo ay ang mga di kaaya-ayang halaman na nakikipagkompetensya sa ating mga pananim sa tubig, sustansya at liwanag. 2. Nagsisilbi rin itong tahanan ng mga peste para sa kanilang pagpaparami. 3. Kinakailangang tanggalin o bunutin ang mga damo bago pa man dumami at lumaki ang mga ito para mapanatiling malusog ang mga halaman.

PAGGAGAMBOL o PAGLILINANG
(CULTIVATION) 1. Ang lupa sa paligid ng mga halaman ay tumitigas habang tumatagal kaya mahihirapang makapasok ang hangin na kinakailangan upang: - Maging aktibo ang mga organismo sa lupa na tumutulong sa nutrisyon ng halaman - Maganap ang mga prosesong kemikal o reaksyon ng mga sustansyang nasa lupa para maging handa ang mga ito sa pagsipsip ng ugat ng halaman 2. Ang paglililang ay nagpapabuhaghag ng lupa na siyang tumutulong sa ugat ng halaman upang lumago at kumalat sa lupa

PAGPAPATABA
(FERTILIZATION)
1. Hindi lahat ng sustansya ay kayang ibigay ng lupa kaya kinakailangan magdagdag sa pamamagitan ng paglalagay ng pataba. 2. Ang tamang paraan ng paglalagay ng granular na pataba ay malayo ng kaunti sa puno ng halaman o di direktang tumatama sa ugat o parte ng halaman para maiwasan ang pagkasunog o masamang epekto sa halaman ng di-wastong paraan. 3. Ang wastong paraan ng pag-iispray ng foliar ay direktang tumatama o bumabasa sa halaman ngunit hindi sa taong nag-iispray. 4. Ang pagdidilig o drench na paraan ay ginagawa para sa mabilis na epekto ng pataba sa panahon ng tag-araw kung saan limitado ang tubig na magtutunaw sa patabang granular kung sa lupa inilagay.

FERTILIZER

B. PAGPAPATABA PATABA / ABONO


Ang pataba ay solido o likido, natural (organiko) o synthetic ( in-organiko), o kombinasyon ng mga ito. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga sustansyang kailangan ng halaman upang tumubo ng maganda o mamunga nang masagana.

PARAAN NG PAGLALAGAY NG PATABA


Broadcast/ Sabog (Basal) Top Dressing Side Dressing Localized Foliar Drench/ Dilig

PARAAN NG PAGLALAGAY NG PATABA


Broadcast/ Sabog- Pagsasabog o pagkakalat ng pataba ng pantay pantay sa buong lugar na pagtataniman na karaniwang sinasagawa bago ang huling pagsusuyod (harrowing) o bago magtanim, tinatawag ding basal.

Top dressing- Sabog na pamamaraan ng paglalagay ng pataba sa mga halamang naitanim na

Side dressing- Paglalagay ng pataba sa paligid ng halaman tulad ng mais

Localized- Paglalagay ng tumpok ng pataba malapit sa ugat ng halaman

Foliar- Pag-iispray ng likidong pataba direkta sa mga dahon ng halaman. (Babala ang mga ordinaryong synthetic na pataba tulad ng urea ay di dapat gamitin sa ganitong Sapagkat paraan nakakasunog ng mga bahagi ng halaman.)

Drench - Pagdidilig sa mga halaman ng ordinaryong pataba ( hal.urea, 14-14-14) na nilulusaw sa tubig. - Ito ang pinakamainam na paraan kapag tag-araw na kung saan halos walang ulan na siyang magtutunaw sa granular na patabang inilalagay sa lupa.

Sa paglalagay ng pataba ay mahalagang isa-alang-alang ang mga sumusunod


1. Tamang halaga ng patabang ilalagay

a. Kalagayang nutrisyonal ng lupa b. Halaga at uri ng sustansya na kakailanganin ng halamang itatanim


2. Tamang paraan at panahon ng paglalagay ng pataba

a. Uri ng patabang ilalagay/ gagamitin b. Angkop na paraan ng paglalagay ng patabang napili

Kaakibat ang teknolohiya ng paggamit ng plastic mulch sa kamang taniman ang unang paglalagay ng pataba sa lupa ay ginagawa bago ilipat tanim ang mga punla sa kamang taniman. Ito ay ginagawa upang masiguro na may sustansyang magagamit ang halaman sa lupa kapag ito ay nailipat na. Mayroong dalawang paraan kung paano itong isinasagawa: Paraan 1. Bago lagyan ng plastic mulch ang mga kama ng lupang pagtatamnan Paraan 2. Nilagyan na ng plastic mulch ang mga kama ng lupang pagtatamnan

PARAAN 1: Paglalagay ng abono sa kamang taniman bago ito balutan ng plastic mulch
a. Sa isang gilid ng kamang taniman, gumawa ng isang mababaw na pahabang hukay (trench) para sa cucurbits o dalawang magkabilaan para sa solanaceous na kung saan ilalagay ang mga abono sa lupa

Para sa Cucurbit crops

Para sa Solanaceous crops

b. Ihalo ang isa hanggang apat na kilong natuyong dumi ng anumang pataba sa bawat isang metro ng kamang taniman

c. Maglagay ng 20 gramong complete fertilizer sa bawat metro na pagtatamnan. Ihalong mabuti ito sa lupa

PARAAN 2: Paglalagay ng abono sa kamang taniman matapos itong lagyan ng plastic mulch. ang paglalagay ng abono ay ginagawa tatlong linggo bago ang nakatakang paglilipat tanim.
a. Pagkatapos butasan ang plastic mulch, humukay sa butas ng lalim na hindi lalampas sa 10cm.

b. Lagyan ang bawat butas ng isang kutsarang complete fertilizer (14-14-14).

c. Maglagay ng isang dakot na organikong pataba sa bawat butas

d. Diligan ang bawat butas hanggang sa paglilipat-tanim

Habang lumalaki ang halaman Kinakailangan pa ring lagyan ng pataba ang mga ito
Ito ay ginagawa upang mapalitan ang mga sustansya sa lupa na nagamit na ng halaman at upang matugunan pa ang lumalaking pangangailangan ng halaman sa mga sustansya

C.Pangangalaga ng Halaman laban sa Peste


Ano ang Peste?
Ang Peste ay kahit anong hayop, insekto, mikrobyo o halaman na sumisira o nagbibigay pinsala sa tao at mga pag-aari nito kagaya ng mga pananim

Insekto

Sakit

Damo

Daga

Ibon

Suso

MGA PINSALA NA DULOT NG PESTE


a. Pakikipag-agawan sa pagkain na kailangan ng tao o ng pananim b. Pagbaba ng produksyon o ani

c. Tagapagdala ng sakit sa halaman o sa hayop


d. Sumisira sa mga gamit at istruktura; at panggulo o nagbibigay gulo (nuisance)

MGA PARAAN NG PAGSUGPO SA MGA PESTE


1. Pag-gamit ng mareresistensyang halaman Pumili ng halaman na may likas na kakayahan na labanan ang mga peste (hal. hybrid na binhi)

2. Pag-gamit ng Biological Control a. Beneficial Insects

b. Halamang Gamot

Panlaban sa Pesteng Insekto Hal. Marigold, Neem Tree, Bawang, Sibuyas, Kutsay, Tanglad, Luya, Coriander

Pang-akit sa mga kaibigang kulisap Hal. Basil, Tarragon, Cosmos, Zinnia, Sunflower

3. Pag-gamit ng Kultural Kontrol a. Paggamit ng plastic mulch


- ang pag-init sa loob ng plastic mulch ay nakakapuksa ng ilang mapaminsalang mikrobyo at ibang maliit na peste sa lupa; at ang panlabas o makintab na bahagi ng mulch ay nakapagtataboy ng populasyon ng ibang insekto kapag nasinagan ng araw

b. Pag-araro
- ito ay nakapagtatanggal din ng ilang peste na namumuhay sa lupa habang wala pang pananim sa lugar na pang-agrikultural

c. Paggamit ng Pheromone Trap


-ang pheromones ay isang uri ng panghuli ng insekto na gumagamit ng pheromone (kemikal na nililikha ng mga insekto) upang makapangakit ng insekto at mabawasan ang kanilang populasyon.

4. Pag-gamit ng Pisikal Kontrol a. Manwal na pagtatanggal ng mga uod o insekto

4. Pag-gamit ng Kemikal Kontrol


Ibat ibang uri ng Pestisidyo Base sa Pesteng Sugpuin:

a. Insecticide - para sa insekto b. Fungicide - para sa amag c. Bactericide - para sa bakterya d. Nematicide - para sa nematodes (pinong bulate na umaatake sa ugat ng halaman e. Rodenticide - para sa daga f. Molluscicide - para sa kuhol g. Miticide - para sa kuto ng halaman h. Herbicide - para sa damo
BRAND NAME A.I. COMPANY FLAG

AMMO BUGBUSTER XYMBUSH

cypermethrin cypermethrin cypermethrin

Du-pont Leads Agri Jardin

green green green

MGA KASUOTAN PARA SA KALIGTASAN HABANG GUMAGAMIT NG PESTISIDYO


Long rubber gloves Waterproof hat

Goggles

Long pants over boots

Respirator

Rubber boots

WASTONG PAG-AANI NG GULAY


Ang kalidad ng gulay ay hindi na mapapaganda kapag ito ay naani na kaya

nararapat na isaalang-alang ang mga wastong paraan ng pag-aani. Maaari na lamang itong mapanatili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tamang pamamaraan ng pagaalaga, pag-aani at pag-iimbak para masigurong ligtas, malinis at mataas ang kalidad ng ating mga produktong gulay.

MGA DAPAT ISAISIP SA PAG-AANI NG GULAY


1. Tamang edad o gulang ng gulay
Siling Pukinggan: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Manibalang (halong berde at pula ang kulay ng bunga) Mapintog at makinis Siling Panigang: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Berde ang kulay ng bunga Mapintog at makinis ang bunga

Talong: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Matingkad na ang kulay ng bunga Mapintog, makinis at makintab ang bunga

Kamatis: Magsimula ng mag-ani sa ika 5565 araw pagkalipat tanim Manibalang (halong berde at pul ang kulay ng bunga) o mature green Mapintog, makinis at makintab ang bunga Pipino: Magsimula ng mag-ani sa ika 30-35 araw pagkalipat tanim Nasa tamang laki ang bunga at mayroong tinik ang balat nito

Upo: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Maberde ang kulay ng bunga Ang balat ng bunga ay mayroong balahibo Patola: Magsimula ng mag-ani sa ika 45-55 araw pagkalipat tanim Maberde ang kulay ng bunga Malambot ang bunga

Ampalaya: Magsimula ng mag-ani sa ika 45-50 araw pagkalipat tanim Mapintog ang bunga Mas malawak ang pagitan ng kilabot o lukot ng balat ng bunga

Pakwan: Magsimula ng mag-ani sa ika 55-65 araw pagkalipat tanim Maninilaw ang balat na nakalapag sa lupa Maugong ang tunog ng bunga kung ito ay katukin Natuyo na ang kalawit malapit sa tangkay ng bunga

Kalabasa: Maaari nang anihin sa ika 75-90 araw mula pagkatanim Nawawala ang kintab ng balat at nagiging parang mapolbo

2. Tamang oras sa pag-aani ng gulay


Karamihan ng ating gulay ay magandang anihin sa hapon o kaya ay sa umaga habang ang panahon ay malamig pa sapagkat madaling masisira o malalanta ang mga ani kapag nabilad sa init ng araw

3. Tamang paraan sa pag-aani ng gulay Maaaring pitasin ang bunga ng mga gulay gamit ang kamay katulad ng kamatis at sitaw.

Kung kinakailangan, gumamit ng gunting o kutsilyo para maputol ng maayos ang bunga ng talong, okra, sili, ampalaya, upo, patola, pakwan, kalabasa

POST-HARVEST HANDLING
Ang post-harvest handling ay mga bagay na ginagawa pagkatapos mag-ani ng gulay upang maiwasan ang mabilis na pagkasira nito. 1. Paglilipat ng gulay mula sa taniman hanggang sa palengke 2. Paglilinis ng gulay upang maalis ang lupa na nakadikit dito 3. Pagpapalamig ng gulay upang hindi ito madaling masira 4. Pagbubukod sa magandang klase at hindi magandang klase ng gulay 5. Pagbubukod sa malaki at maliit na gulay 6. Pagpuputol sa mga parte ng gulay na hindi na nagagamit tulad ng ugat at iba pa 7. Pagtatali ng gulay ayon sa tamang dami bago ibenta 8. Paglalagay sa lalagyan bago ito ibenta 9. Pag-iimbak ng tama para hindi madaling masira

PAGSASAPAMILIHAN AT PAG-IINGAT NG MGA TALAAN / RECORD

Bakit mahalaga ang Pagtatala o Pagrerekord?


Upang malaman kung kumikita ang negosyo Para matunton kung saan napupunta ang malaking parte ng gastos at meremedyuhan ito Makaiwas sa pagkalugi ng negosyo

Ano ang kailangan sa record keeping?


1. Listahan ng mga ginastos na kagamitan sa negosyo 2. Listahan ng mga ginastos na serbisyo sa negosyo 3. Listahan ng benta o kita sa negosyo * Tip: Itago lahat ng resibo

Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto


1. Pagbebenta ng gulay sa mga kapit-bahay 2. Pagbebenta sa mga middleman o mga biyahero 3. Pagbibiyahe at pagbebenta sa pamilihan

Halimbawa ng Record Keeping


GASTOS
( Debit )

KITA
( Credit )

Pambili ng Buto

100.00 320.00 210.00 150.00 1,500.00

Pataba
Patubig Pasweldo Benta sa Ani

Terminolohiya sa Record Keeping


Credit- kinita o pumasok na pera Debit- gastos, utang o lumabas na pera Gross Income- kabuuhan ng lahat ng kinita Total Cost- kabuuhan ng lahat ng gastos Net Income- kabuuhan ng lahat ng kinita bawas ang lahat ng gastos Return on Investment- porsyento ng kinikita sa gastos

GASTOS
( Debit )

KITA
( Credit )

Pambili ng Buto Pataba Patubig Pasweldo Benta sa Ani Total

100.00 320.00 210.00 150.00 1,500.00

780.00

1,500.00

Gross Income: 1,500 Total Cost: 100 + 320 + 210 = 150 = 780 Net Income: 1,500- 780 = 720 Return on Investment: (1,500-780)/780 = .92 o 92% Ibig sabihin ay sa bawat P1 gastos ay kumikita ka ng 92 sentimo

Exercise on Record Keeping


1.) Bumili ka ng tatlong pouch ng Suprema Hybrid Kalabasa sa halagang 46 pesos kada pouch. May laman ang isang pouch na 15 buto. Iyong ipinatanim at pinaalaga sa dalawang tao ng tatlong araw. Ang iyong pasweldo ay 100 pesos bawat tao kada araw. Bumili ka ng 100 pesos halaga ng pataba at libre naman ang iyong patubig. Tumubo ang lahat ng buto at namunga. Ang isang halaman ng Suprema ay bumunga ng 3 prutas.

Mga Katanungan:
1. Ano ang iyong gross income? 2. Ano ang iyong total cost? 3. Kung nabenta mo ng P20 ang bawat isang Suprema kalabasa, ikaw ba ay kumita o nalugi? 4. Ano ang iyong Net income at Return on investment? 5. Magkano ang iyong kinita sa bawat pisong iyong ginastos?

Exercise on Record Keeping


(Answer Key)

GASTOS
( Debit ) Pambili ng Buto (3x46) per pouch Pataba Patubig Pasweldo 2 tao x 100/ tao x3 Benta sa Ani
3 pouchx 15 buto x 3 prutas x 20/prutas

KITA
( Credit )

138.00

100.00 600.00 2,700.00

Gross Income: 2,700 Total Cost: 138+ 100 + 600= 838 Net Income: 2,700- 838= 1,862 Return on Investment: (2,700-838)/838 = 2.22 o 222%

Exercise on Record Keeping


2.) Kung ikaw ay siningil ng 400 pesos sa patubig at iyong nabenta ang Suprema kalabasa ng P8 kada piraso: 1. Ano ang iyong gross income? 2. Ano ang iyong total cost? 3. Ano ang iyong Net income at Return on investment? 4. Magkano ang iyong kinita sa bawat pisong iyong ginastos?

Exercise on Record Keeping


(Answer Key)

GASTOS
( Debit ) Pambili ng Buto (3x46) per pouch Pataba Patubig 138.00

KITA
( Credit )

100.00 400.00 600.00

Pasweldo 2 tao x 100/ tao x3


Benta sa Ani
3 pouchx 15 buto x 3 prutas x 20/prutas

1,080.00

Gross Income: 1,080


Total Cost: 138+ 100 + 400+ 600= 1,238 Net Income: 1,080- 1,238= -158

Return on Investment: (1,080- 1,238)/1,238 = -0.12 o -12%

GLOBAL WARMING
Ang global warming ay isang kondisyong bunga ng mga polusyong idinulot ng tao sa kapaligiran na siyang nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura ng mundo.

POLUSYON

PAGTAAS NG TEMPERATURA

PAGBAHA AT IBA PANG TRAHEDYA


Ito ay nagdadala ng pagbabago sa klima at pagkasira ng balanse ng kalikasan na maaaring magdala ng mga trahedya tulad ng ipu-ipo, malalakas na bagyo at pagbaha.

Hihintayin pa ba nating mangyari ang mga ito?

May Magagawa pa Tayo!


Matutong magrecycle upang maiwasan ang pagsusunog at mapapakinabangan pa ang mga patapon na
Iwasan ang paggamit ng mga bagay na may chlorofluorocarbons (CFCs) tulad ng aerosols etc. Limitahan ang paggamit ng mga kemikal na panlinis at pamatay peste

Itapon ang basura sa tamang lalagyan

Paglilimita ng pagagamit sa mga makinaryang nagsusunog ng krudo sa pamamagitan ng paghahanap ng alternatibo

Pagtatanim ng mga puno at mga halaman sa kapaligiran

You might also like