Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Graciano Lopez Jaena

Isinilang sa Jaro, Iloilo noong Agosto 30, 1850 sa mag-asawang Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Nag-aral siya sa isang seminaryo dahil sa kagustuhan ng kanyang ina ngunit dahil gusto niya talaga maging isang doktor siya'y nalagay sa San Juan de Dios Hospital sa Maynila. Pero dahil sa kakulangan ng pera napilitan siyang umuwi sa Iloilo at doon tumulong siya sa mga mahihirap. Dito natutunan niya ang hindi pagkapantay pantay ng mga tao. Sa edad na 18, naisulat niya ang Fray Botod

Fray Botod

Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao.

Ang Fray Botod ay tungkol sa isang prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae Inilarawan niya sa akdang ito ang mga prayle na noong unang dating pa lamang sa Pilipinas ay kasimpayat ng mga insekto, subalit pagkaraan na makakain ng papaya at saging ay naging botod o malaki ang tiyan. Tinuligsa rin dito ang ugali ng mga prayle na pagpapabayad nang mahal sa paglilibing sa mga patay, ang pagpapautang nang may malaking tubo, at ang pagbibigay ng masamang halimbawa at huwaran sa mga mamamayan.

At dahil sa kanyang sinulat na Fray Botod nagalit ang mga prayle sa kanya dahil alam nilang sila ang kanyang pinapatamaan.
Siya'y napahamak dahil tumanggi siya na tumestigo na kaya namatay ang mga nakulong dahil sa sakit kung saan halata naman na sila ay namatay dahil sa kamay ng kanilang mayor ng Patotan.

Patuloy siya nakipaglaban para sa hustisya subalit siya ay umalis ng bansa patungong Espanya noong may mga nagbabanta sa kanyang buhay.

Sa Espanya, pinapatuloy niya ang pag-aaral ng medisina sa University of Valencia pero hindi parin niya ito natapos. Siya rin ang nagtatag ng La Solidaridad sa Espanya. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Nakilala rin siya bilang mahusay na mananalumpati ng Kilusang Propaganda.
Namatay siya dahil sa sakit na tuberculosis noong Enero 20, 1896.

Ibang Akda ni G.L. Jaena

El Bandolerismo Akdang nagtatanggol sa mga Pilipino sa paratang ng mga prayle na ang mga Pilipino ay mga bandido at mga magnanakaw. Sa Mga Pilipino talumpating naghahangad na magkaroon ng maayos, malaya at maunlad na kalagayan ang mga Pilipino.

You might also like