Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BATA BATA PAANO KA GINAWA?

Nag-umpisa ito sa pagtatapos ng anak na babae ni Lea sa kindergarten na si Maya kung saan nagkaroon ng pagdiriwang sa kanilang bahay. Si Lea ay hiwalay sa kanyang unang asawa na si Raffy na syang ama ni Ojie. Sa panahong iyon, may bagong kinakasama na si Lea pero hindi sila ganap na mag-asawa sapagkat hindi sila kasal at yun ay si Ding. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea kasama ang kanayang mga anak, mga kaibigan, at sa katunayay nakikipagtulungan pa siya sa isang samahan para sa pangkarapatang-pantao. Subalit sa kalaunan habang lumalaki na sina Ojie at Maya, nagbabago na rin ang pag-uugali ng mga ito. Mas nakikita na nila ang buhay nila sa hinaharap. Nang bumalik si Raffy, balak sana niyang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot ni Lea baka kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Pero hindi ito naging dahilan upang ipaggiit at higpitan ang kanyang mga anak. Sa katunayan pa nga ay ang mga anak mismo ni Lea ang kanyang pinapapili kung saan sila sasama kung darating ang panahon na silay kukunin na ng kani -kanilang ama. Sa huli , pinili pa rin nina Ojie at Maya na sumama sa kanilang ina. Para sa pagtatapos, si Lea ay dumalo sa isang recognition, kung saan naging panauhing pandangal siya. Nagbigay si Lea ng talumpati patungkol sa kung paano umiiral at kung gaano kabilis ang buhay ng tao. Madali magkaroon ng anak, pero ang mahirap ay kung paano mo sila palalakihin bilang isang disente at makataong mamamayan. Hindi wakas ang pagtatapos sa paaralan, dahil dito pa lamang nagsisimula ang panibagong buhay na tatahakin ng isang tao. Kung Mangarap Ka Nang Matagal KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa. Tuloy, tuloy, sabi ni Boon Teik na tumayot inilahad ang isang kamay. Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis kot tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. Me-I! tawag nito, Narito na si Kwang Meng! Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne. Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng, at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , Palagay koy magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I. Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne. Iiwan muna namin kayong mga lalaki, humihingi ng paumanhin si Me -I. Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundiy hindi tayo makapaghahapunan. Oo ba, sagot ni Kwang Meng. Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat. Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng? tanong ni Boon Teik. Tama na ang isang beer. Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasay walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismoy sama samang kuwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya. Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin. Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar nyo, Boon Teik. Hindi kami gumasta ng malaki riyan, sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei

Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro yon, kilala rin iyon bilang Thieves Market. Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pay binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan. Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik. Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito, sabi ni Kwang Meng. Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa kat magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na namin ito. Maganda talaga ang pagkakaayos mo, bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon. Sa palagay koy napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito. Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik. Pinipilit ko. Lahat tayoy dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin. Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo? tanong ni Kwang Meng. Walang bagay na talagang walang kahulugan, pagpapalagay ni Boon Teik. Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon. Ngunit sa halip, sinabi niya, Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan. Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya. Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng pagtan aw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng ibat ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan. Siguro nga. Pero hindi bat ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan. Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon, sabi ni Boon Teik. Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin. Hindi naman, tutol ni Boon Teik. Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik. Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan.

Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng demokrasya. Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan. Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan, sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. Pero sa huli, ang talagang problemay kung paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nilay mahalagat makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan, dagdag ni Boon Teik. Pero hindi pa rin yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin non magagawang kawili wili ang trabaho nila, di ba? salag ni Kwang Meng. Hindi nga, sang-ayon ni Boon Teik. Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob ma lang. Paano iyon magagawa, Boon Teik? Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga ma mamayan upang malaman nila ito. Hindi bat ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin? Oo. At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin. Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan. Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids. Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, angotak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I. Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng? tanong ni Anne. Hmmmmmm! Ang sarap, Me-I, pagpupuri ng Kwang Meng. Oy, masarap ding magluto ni Anne, sabi ni Me-I. Namula si Anne. Hindi kasing-husay mo, nginitian ni Anne ang pinsan. Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng, sabi ni Boon Teik. Kailangang matikman mo ang luto ni Anne. Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo, sabi ni Me-I. Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae. Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at kaeenroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraay sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon. Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina

Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito (Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain, sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong. Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Maramiraming collection ng libro si Boon Teik, kramihan dooy paperbacks sa literatura, history at politics. Masyado ka palang palabasa, sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid. Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Ganon din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko. Sana marami na rin akong nabasa, sabi ni Kwang Meng. Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto. Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa. Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa ganon hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura. Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng.Crime and Punisment ni Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan. Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!, sabi ni Kwang Meng. Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan, payo ni Boon Teik, siguradong matatawa ka riyan. Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanilay may dalawang maliit na puswelo ng black coffee. Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik? tanong ni Anne. Patingin kung alin-alin iyan. Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro. A, nakakatawa ang isang ito, sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan. Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya, sabi ni Me-I sa kanyang asawa. Wala akong makita, sagot ni Boon Teik. Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops. Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore kahit kailan. Tapos na ang plaka, Teik, sabi ni Me-I. Lumapit si Boon Teik sa record player. Huwag ka nang magpatugtog ng bago, sabi ng asawa nito. Kausapin na lang natin ang ating mga bisita. Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan. Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan. Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin. Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy. Rain trees, sabi nito. Hindi ba matanda na silat maganda? Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi. Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan, sabi nito. Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nagiisa, magkasama. Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng

badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siyat madaling nakatulog. MGA IBONG MANDARAGIT Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun. Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel. Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito. Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila. Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan. Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P. Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri. Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly. Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo. Maganda pa ang daigdig Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig (1955) ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin

siyang sumama sa kilusan upang wakasin ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino. Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao. Buod ng kabanata 3 ng nobelang Pinaglahuan ni Faustino Aguilar? Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya matatalikuran ang kaniyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuring niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasiya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleado lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piliing pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang walang kahihinatnang anoman ang kanilang pag-iibigan. TIMAWA Si Andres ay isang Pilipinong mahirap na tinupad ang pangarap sa Amerika. Isangkasama ang ama ni Andres at isang araw ay isinama si Andres ng kanyang ama sa bahay ngkanyang amo ngunit s hindi inaasahan ay dumating ang Donya ang asawa ng amo ng kanyangama at sinbihan silang Timawa parang isang aso s unay hindi ito naitindihan ni Andres kaya`tnang ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama ay hindi na nya ito nalimutan. Ang sabi ngkanyang ama ay dapat magsikap ka Andres sa pag-aaral at wag mong sasayangin ang pagkakataon ang gabi ay gingawang araw ng ama ni Andres para lang siya makapagtapos saintermedya ngunit namatay ito dahit sa pagkakasakit ng pulmonya. Ito ang dahilan ni Andreskaya`t siyay nag sikap sa pag-aaral sa amerika para doon mag-aral ng medisina at maging isangdoctor si Andres ay matalino at madaling makaisip ng paraan sa lahat ng bagay. Sa pagpunta niyasa amerika ay naging matalik niyang kaibigan si Bill at Alice na kapwa niya kaparehong nagtatrabaho sa ladies dormitory. Una pa lamang ay halata na kay Alice dahil sa ito daw ay magigingsagabal lang sa kanyang pangarap sa buhay. Ngunit hindi na rin naitago ni Andres ang kanyangnararamdaman kay Alice naging magkatipan ang dalawa at isang araw habang sila ay nasa loobng ladies dormitory ay may naghihintay na isang babaeng Filipina agad namang ipinakilala niAlice sina Bill at Andres ngunit sa una palamang ay kinakitaan na ng kagaspangan si Andres nag pabayaan siya sa pagdala ng maleta ni Estrella nagalit si Alice sa ginwa ni Andres at ang sabi niAndres ay tama lang yun sa kanya dahil ang tulad nilang mayaman ay walang pakialam satimawang tulad ko. Ang sabi pa ni Andres ay ipakikilala nila si Estrella kay Alfredo at ang hindialam ni Estrella ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa ni Andres ay hindi na sasama si Andreskina Estrella, Bill at Alice kapalit ng isangdaan kada buwan. Ganoon na nga ang nangyari siAndres o Andy ay sa iba na sumasama at kung pupunta ng dormitoryo ay lagging nagmamadalisa pagpunta sa pagtapos ng gawain at isang gabi ay nagabot-abot ang apat na mag kakaibigantinanong nila Alice, Bill at Estrella kung bakit hindi na sumasama sa kanila at ang sagot ni Andyay busy lang daw sya sa laboratoryo. Ngunit hindi naniwala si Alice kay Andres kaya`t nagusapsilng dalawa nang masinsinan hindi maintindihan ni Alice si Andres kung bakit niya gigawa iyonngunit nahantong ang kanilang usapan sa paghihiwalay at sa paglipas ng mga araw ay lagingmagkasama sina Estrella at Andres ay iaanyayahan pa silang pumunta sa konsiyerto nila Estrellaat doon na umamin si Andres sa kasunduan nila ni Alfredo na babayarab siya ng sangdaang piso para hindi na ito sumama sa kanila ang sagot ni Estrella babayaran kit ang higit kay Alfredosumama ka lang ulit sa amin nila Alice. Si Andres ay hinalikan at inakbayan si Estrella at ito ayhindi nagustuhan ngdalaga sinampal sampal niya ito at pumasok siya saladies dormitory ngumiiyak nagtka si Alice at ito`y sinundan ni Alice sa kuwarto at ikinuwento ang nangyarinagtawanan nalang ang dalawa at sabi ni Bill luko-luko talaga si Andres. Si Andres ay hindimuna sumama sa kanila hanggang sa sila makagraduate. Binati ni Mrs. Grey (itinuring na pangalawang ina ni Andres) sina Bill, Alice at Andres tuwang-tuwa si Mrs. Grey, ngunit siEstrella ay kailangan pa ng isang taon para makatapos dahil sa mga kanyang pamilya ay bumagsak daw ang negosyo

PINAGLAHUAN Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya matatalikuran ang kaniyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuring niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasiya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleado lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piliing pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang walang kahihinatnang anoman ang kanilang pag-iibigan. Ang TUNDO MAN MAY LANGIT DIN Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartment ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas. Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan. Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma. Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na "Victor-Alma." Si Flor naman ay nagregalo kay Victor ng isang relo. Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama. Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo. Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na siya'y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital. Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor. Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.

Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa't isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikakasal sila. Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa't isa. Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo'y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa't nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago't matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala'y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig. TITSER Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na

nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. pusong walang pagibig Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang tagaPulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapagaral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan

sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig". CANAL DE LA REINA Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyoekonomikal at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon. Sa patuloy na pag-iisang kahig, isang tuka ng karamihan ng mga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi lang ang kanyang bansa at lipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng nobela pagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya sa buhay kung kayat siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mga opisyal. Katulad ni Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walang inisip kung hindi ang sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararating na maganda sa buhay. Si Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit ang kaugalian ay walang kagandahan kung kayat sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay, lahat ng taong kanyang inapi noong simula ay hindi rin siya tinulungan. Tulad ng kasabihan Huwag kang gagawa ng kung anong bagay na ayaw mong gawin sayo, si Nyora Tentay ay masyadong inabuso ang kanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga nangangailangan ay ipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na silay mga hampas lupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman o ganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito ay walang kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas na kabutihan ay palaging tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isa pang aral na ipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila, sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao. Kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan pa rin ang naghahari. Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala agad ang mga pangunahing tauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at ang relasyon nila sa bawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang kwento. Sa pamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay masasabing may-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas ng wika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyang pansin na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita ang katatagan ng loob ng mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian upang lumaban sa buhay. Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang pamilyang de los Angeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior. Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isat isa. Masasabing isa silang halimbawa ng maayos at halo s perpektong pamilya. Dahil siguro sa magandang ugnayan at buhay-pamilya, naging mabubuting tao ang bawat isa sa kanila. Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo nat kung sa tingin niyay itoy tama at para sa ikabubuti ng asawa. Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap. Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical Board Exam. Ang huling miyembro ay si Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipagusap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang ay masyado itong nagiging mapusok at napag-aalala niya tuloy si Caridad at Salvador. Nalagay na kasi siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyang paguusisa. Sa kabilang dako, ang pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry. Kung

ang pamilyang de los Angeles ay puno ng pagmamahalan, ang pamilyang Marcial naman ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat pagdating sa katapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay dapat hangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap sa pagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa iba kundi nililinis din natin ang ating mga pusot konsensiya. Si Victor ay ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa dahil sa kagustuhan ng ina. Sa karakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng pagiging masyadong sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo. Sa paggawa ng desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling kaligayan at kabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat tayo nagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba. Sa kabila ng paghihiwalay nina Gracia at Victor, nagawa ni Graciang buhayin ang kanyang anak na si Gerry. Naging maunlad at marangya ang kanilang pamumuhay dulot na rin ng pagtitiyaga niya. Si Gerry ay katulad din ni Leni. Isang doctor na espesiyalista sa pangagamot ng mga bata. Iniwan man ng ama ay wala siyang kinikimkim na galit laban dito. Tanggap niya ang lahat at naiintindihan niya ito. Sa huli ay magkaka-ayos naman ang pamilyang Marcial ngunit sa umpisa ng nobela ay talagang magulo ito. Ganun din ang kanilang tinitirhan, ang Canal de la Reina. Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamayari ni Caridad ay nadirito. Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela. Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon ito ng solusyon nang isang araw ay may dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulot nito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canal de la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili pa rin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas. Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggap nito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Maraming makiktang isyung-panlipunan sa nobela. Bukod sa kahirapan ay makikita rin ang tungkol sa kurapsyon. Sa pagnanais ni Nyora Tentay ba mapasakanya ang mga lupain sa Canal de la Reina, maging ang mga pulis at mismong mayor ay sinuhulan niya. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa ibat ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa. Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahat ay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isang maayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuha ng abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasya silang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupa sa Canal de la Reina

You might also like