Dont English Me

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang "Don't English Me" na dokumentaryong gawa ni Howie Severino ay isang maikling presentasyon na nagpakita sakin at sa aking mga

kamag-aral ng tunay na estado ni Juan dela Cruz pagdating sa paggamit ng wikang Ingles dito sa ating bansa. Tunay na nakakatawa ang dokumentaryo dahil ipinakita nito ang samu't saring mali-maling pagkabaybay ng iba't ibang Ingles na salitang nakikita sa mga poster, karatula, at iba pa. Ako'y napangiti rin ng mga grupo ng salitang Ingles na mali ang balarila o grammar. Dagdag pa ang mga taong natanong sa kalye at sobrang nahihihirapan sagutin ang mga katanungang napakadali naman sagutin! Sayang at hindi ko nakasabay manood ang mga kaklase ko. Siguro ay napangisi rin sila habang pinapanood ang dokumentaryo at ang mga kakatwang laman nito. Nakakatuwa man ang mga salitang mali-mali at ang mga taong tinatanong sa kalye at sumasagot ng mali, nakalulungkot ang kanilang ipinahihiwatig sa kalagayan ng sistemang pang-edukasyon ng ating bansa. Ang mga salitang ito ay mga salitang naisip at isinapubliko ng isang ordinaryong Juan; mga salitang akala niya'y tama ngunit mali talaga. Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng Pilipino, sa katunayan, napakakaunti na lamang, ang totoong mahusay gamitin ang Ingles sa pang-araw araw na buhay. Sabi nga sa dokumentaryo, ang mga Pilipino ay tinitingala noon sa Asya dahil sa angkin nating husay sa paggamit ng wikang Ingles. Ngunit noon iyon. Noon pang 1920. Ngayong 2013 na (o kahit 2010 pa, noong unang pinalabas ang nasabing dokumentaryo) tayo ay mistulang napag-iwanan na ng panahon. Hindi na natin angkin ang husay na sinasabi nila. Ang Ingles, noon ay bihasang-bihasa tayo, ay isang wikang lumalabas na wala na tayong kaalam-alam ngayon. Nakakadismaya... kasi bata pa lang ako, Ingles na ang asignaturang paborito ko. Ang asignaturang ang akala ko ay madali lang dapat para sating mga Pinoy na bilingual (sanay gumamit ng dalawang wika) ay asignatura palang nahihirapang intindihin at gamitin sa totoong buhay ng aking mga kababayan. Sabihin man nilang iba na ngayon at wikang FIlipino na lang ang dapat nating pag-aralan, pahalagahan at wikang dapat ay tama tayong gamitin, wag natin kalimutan na ang Ingles ay tinaguriang universal language, wikang gagamitin natin upang maintindihan ang sinasabi natin ng ibang lahing hindi alam ang pasikot-sikot ng wikang Filipino at upang maintindihan rin natin sila.

Nakakagulat para sakin na ang mga salitang akala ko'y normal lang, madali lang ibaybay o i-spell, nagkakamali pa ang mga kababayan natin. Para sa akin, kakulangan at pagkakamali sa ating sistemang pang-edukasyon ang dapat sisihin sa problemang ito. Umaasa akong ang K to 12 na pinasimulan noong nakaraang taon ay magiging makabuluhang hakbang upang baguhin ang suliranin ng ating bansa tungkol sa kamangmangan ni Juan pagdating sa Ingles. Sana maibalik natin ang nakalipas. Sana, hindi lang wikang Filipino at baluktot na Ingles ang ating maipamana sa mga susunod na henerasyon, sana'y kasama na dun ang talino at husay natin sa dalawang wikang parte ng ating kasaysayan at makabagong mundo.

You might also like