Bug Tong

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. (Sagot: Kubyertos) 2. Wang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay na ipit. (higad) 3. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. ( Gata ng Niyog) 4. Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. (Makahiya) 5. Puno'y layu-layo, Dulo'y tagpu-tagpo. (bundok) 6. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. (Akasya) 7. Dalawang batong malalim, hindi maabot ng tingin. (Tenga)

Karagdagang kasagutan: Mga sagot sa ating bugtong: 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: posporo BUGTONG TUNGKOL SA MGA HAYOP:

1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan. (ahas) 2. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali. (alimango)

3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)

4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka)

5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling. (kalapati)

6. Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)

7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)

8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong ko? (elepante) 9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)

10. Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas. (gamugamo)

12. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. (higad)

13. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito)

Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas. ( suso) Heto na si kurdapya may sunong na baga. ( manok)

11. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas. (igat ) 12. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano. (ibong batu-bato)

13. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal. (loro)

14. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon. (langgam)

15. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok. (palaka) 16. Tumatanda na ang nuno, hindi pa rin naliligo. (pusa) 17. Narito na si pilo, sunong-sunong munting pulo. ( pagong) 18. May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod. (tutubi)

19. Kawangis niya'y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso. (unggoy)

20. Anong insekto sa mundo na naglalakad na walang buto. (uod)

21. Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw) 22. Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. (bubuyog) 23. Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya) 24. Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. (paniki) 25. Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok. (lamok)

26. Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak. (alitaptap). 27. Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso. (anay) 28. Pinisa ko at pinirot bago sininghot. (surot) 29. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa. (gansa) 30. Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat.(kuhol)

You might also like