Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangangalaga sa Pusod ng Bagong Panganak na Sanggol

Ang pusod o umbilicus ay isang bahagi ng katawan sa tiyan ng isang tao. Isa itong bakas ng sugat na bunga ng pagkakaputol ng taling nagdurugtong sa katawan ng ina at ng isang bagong-silang na sanggol. Panatilihing tuyo ang pusod. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pangangalaga sa bagong putol na pusod laban sa impeksiyon. Para matuyo ito, kailangang lagi itong nahahanginan. Kung malinis ang inyong bahay at walang langaw, hayaang walang takip at lantad sa hangin ang pusod. Kung may mga alikabok at langaw, takpan nang bahagya ang pusod. Pinakamabuting gumamit ng isterilisadong gasa o bagong plantsang tela. Mas mabuti, huwag gumamit ng bigkis. Pero kung gagamit nit, gumamit ng manipis, at magaang na tela, gaya ng katsa. Tiyaking sapat ang luwang nito para makapasok ang hangin at manatiing tuyo ang pusod. Huwag itong sisikipan. Tiyaking hindi matatakpan ng lampin ang pusod, para hindi ito mabasa kapag umiihi ang bata.

Mga Senyales ng Impeksyon:

You might also like