Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ph 103 M at N Oscar Bulaong Jr.

, PhD

Panggitnang Pabigkas na Pagsusulit Unang Semestre, 2013-14

Maghanda ng malinaw, buo, at may daloy na pagtatalakay para sa bawat thesis statement. Mungkahi: malaking tulong ang pagsusulat ng balangkas (mula sa mga babasahin at panayam sa klase) para sa bawat isa, lalo na kung ikaw ang nagsulat nito. Ang pagsusulat ng balangkas ay bahagi ng paghahanda, sapagkat dito ka magbibigay ng kaayusan at paglilinaw sa punto ng bawat isang thesis statement. (Kaya huwag humiram ng mga balangkas ng iba.)

THESIS STATEMENTS 1. Ayon kay Eliade, ang banal at pawang pisikal (sacred and profane) ay dalawang modus ng pagmemeron. Ano ang kinalaman nitong mga modus sa cosmogony? Dito ipinahihiwatig na mula sa pagkilala sa ibat ibang axis mundi mababatid natin ang ultimong ka-hulug-an ng buhay ng tao, lalo na sa pagkilala sa natatanging pagnanasa na nasa kaibuturan ng karanasan ng bawat tao. Bakit? 2. Ipaliwanag ang kabuoan ng relihiyosong karanasan bilang mysterium tremendum et fascinans, ayon kay Otto. Bakit nga ba mauunawaan na nasa pagharap sa ganap na iba (wholly other) ang karanasang ito? Palawakin ang sagot sa pamamagitan ng pagsisid sa babasahin. 3. Wika ni Anselmo, hinahanap ko ang Iyong mukha. Ipaliwanag ang paghahanap na ito sa konteksto ng totoong pamagat ng Proslogion, kung saan mababatid ang wastong pagunawa sa talaban ng tatlong pangalan. 4. Sa pamamagitan ng limang paraan na nagpapatunay sa pag-iral ng Diyos ipinahihiwatig ni Tomas na maaaring lampasan ang sapientia per modum cognitionis. Ano ang nagsusukat sa pananalig ng isang taong may karanasang relihyosokaalaman ba, o pag-ibig? Ipaliwanag. 5. Ayon kay Rakover, bakit kinukubli ng Diyos ang kanyang mukha? Ibalangkas ang pangangatuwiran ni Rakover upang maipaliwanag ang itinuturing niyang pagkakubli. 6. [God after the Big Bang ni Fr. de Schrijver. Ibibigay ang Thesis Statement pagkatapos ng kanyang panayam. Hanapin sa bulletin board ng Kagawaran ng Pilosopiya, kung saan ito ipapaskil.]

You might also like