Sayaw Sa Asya

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sayaw ibat ibang anyo ng pag-indak ng katawan sa himig ng tugtog Dance comes from the old German word

Danson meaning to stretch Uri ng sayaw: 1. Ritual dance pagsasagawa ng paggalaw ayon sa buhay ng tao o lugar 2. Rain dance isinasagawa ng mga pueblo Indians 3. Rouno dance tinatawag na Maypole dances 4. Social dance sayaw na panlibangan lang Mga termino/katawagan: Paggalaw (movement) pagsasagawa ng mga sumasayaw ng paggalaw sa pamamagitan ng katawan Ritmo (rhythm) pagsunod sa tiyempo ayon sa sayaw Clockwise pagsunod sa direksyon ng orasyon Close position Ballroom dancing position. Ang magkapareha ay magkaharap na ang babae ay nasa gilid ng lalaki Curtsy ang pagyuko na nagpapahiwatig ng paggalang ng magkapareha Free foot ang paa na hindi nagdadala ng bigat ng katawan Open position ang magkapareha ay nakaharap sa mga manonood (audience) Footwork ang gamit ng isang tao sa pagpunta sa isang direksyon o ang pagsasayaw Timing ang akto ng paggalaw na may pagsunod sa musika Dance stance postura ng nagsasayaw Dance frame posisyon ng magkapareha Dance position posisyon ng katawan ng magkapareha habang nagsasayaw LATIN DANCES - mga sayaw na nagmula sa Argentina, Cuba, Brazil, Mexico at Puerto Rico Latin mambo salsa street version Guaracha mabilis at magaslaw na sayaw na may 2/4 time na isinasayaw ng mga Cuban Samba ang musika na may paggamit ng brass instruments at gitara Rumba isang emosyonal na sayaw na ang mga balakang at braso ng nagsasayaw ay may ipinahihiwatig na mensahe Mambo ito ang nag-impluwensya ng iba pang Latin dances Tango nagsimula sa kalsanda ng Buenos Aires. Ito ay isinasayaw ng magkapareha nang may komunikasyon sa bawat galaw ng katawan Cha-cha-cha sumikat sa bansang Cuba noong 1950s SAYAW SA ASYA Sayaw na sagana sa ritwal at seremonya na nagmula sa India noong 500 BC at patungo sa China, Korea at Japan. Ito ay mga sayaw kapag may ipinagdiriwang na mahalagang araw. Nagpapakita rin ng mayabog na paniniwala ayon sa relihiyon na naging daam upang maging kabilang sa pagtuturo sa mga paaralan o isa din itong libangan. Sa bawat pagsayaw ay sinasamahan ng ibat ibang emosyon gamit ang parte ng katawan tulad ng balikat, mata, kilay, leeg, daliri at kamay. At paggamit ng ibat ibang makukulay na pamaypay, espada, balabal at tambol. SAYAW SA JAPAN Mai ang dahan-dahang paggalaw ng mga kamay Odori ang mabilis na paggalaw ng mga paa Bugato smooth swaying dance Noh drama Kagura relihiyosong sayaw sa grupo ng Mai Kabuki & Bon mga sayaw na kagrupo ng Odori Geisha pinakasikat na sayaw sa japan

- ito ay sinasayaw lamang sa mga importanteng pagdiriwang at sa mga importanteng tao Bon Odori temple dance SAYAW SA TSINA ito ay nagpapahayag ng isang drama o opera at seremonya. Ang sayaw na may impluwensya mula sa India ngunit ito ay pinalaganap ng isang paring Tsino na nagpasimula ng Buddhism pinapahalagahan ng bawat sayaw ang mga pangyayari, kasaysayan at mabuting paguugali dito rin napapakita ang pagiging mahusay ng isang miyembro ng opera sa pagkanta, pagtula, pagsayaw at ang akrobatik. SAYAW SA KOREA ito ay may pagkakahawig sa sayaw sa Tsina dahil sa malaking impluwensya ng Buddhism ang bawat galaw nito ay simple ngunit may gradiyosong pananamit. Ito ay binase sa prinsipyo ng mga Koreano, at ang unang sayaw ay ginawa ng hari noong 18 th century na ang pamagat ay Nightingale Dance (Chun-aeng-jon). Sila ay may suot na dilaw na kapa at magagandang korona ang bawat sayaw ay nagpapakita ng kabutihang loob ng bawat tao at kasayahan sa isang lugar tulad ng sayaw ng mga magsasaka na gumagamit ng sombrero na may mahabang laso SAYAW SA INDIA mula sa ika-12 hanggang ika-15 siglo ang mga muslim ang naghadlang upang hindi makapagpakita ng emosyon ang mga Hindu dahil ayon kay Muhammed, ang pagsama sa bawat sayaw ng Diyos ay isang malaking kasalanan ngayon ang mga hindu ay naniniwala na si Vishnu, ang kanilang makapangyarihang Diyos, ay nasalin kay Krishna, isang nag-aalaga ng baka. Ayon sa kasaysayan, ang mga naunang sikat na sayaw ay tungkol kay Shiva kasama si Brahma at Vishnu at iyo rin ay halaw sa tulang epiko na Ramayana at Mahabharata. Uri ng sayaw sa India: 1. Bharata Natyam isinasayaw ng mga lalaki noon at ito ay base sa emosyon (Rasa) 2. Kathakali sayaw mula sa timog India at ito ay hinahaluan ng mabilis at ang pagsama ng pantomime 3. Kathak sayaw mula sa hilagang India at ito ay halaw sa paggalaw ng mga paa 4. Manipuri ang sayaw ay may halong akrobatik at pag-ikot at pagsama ng pagdarasal na ang paniniwala na sila ay ililigtas ng Diyos 5. Kolattam may hawak na dalawang makulay na patpat 6. Dandya Ras mula sa kanluran ng India na isinasayaw ng 24 na lalaki 7. Jata Jatin mula sa silangan ng India at isinasayaw ng mga babae na nagpapahiwatig ng pagmamahalan ni Jata at Jatin Pangunang galaw: 1. Abhimukha dalawang palad nakaharap sa labas 2. Abhomukha palad ay nasa harap ng dibdib 3. Paramukha palad ay nakaharap sa mukha 4. Tiryanmukha nakalahad ang mga palad 5. Uttana ang palad ay nakalahad pataas 6. Agratala ang dalawang heels ay nakataas sa sahig 7. Ancita ang heels ay nakalapat sa sahig 8. Nisanoru ang heels ay nakataas na naka-flex ang tuhod

SOCIAL/BALLROOM DANCE Sayaw na ginaganap sa mga bulwagan at hudyat ng pakikipagkilala sa mga tao Lumaganap noong 18th century at naging hudyat ng pagkakaroon ng mga ibat ibang pasayaw sa mga lugar ng mga may sinasabi sa buhay Mga grupo ng sayaw: A. Smooth dances a. Waltz b. Foxtrot c. Tango B. Latin Rhythm a. Rumba b. Salsa c. Mambo d. Cha-cha-cha C. American rhythm a. Swing b. Hustle D. Party/Line Dances a. Country line dances b. Party line dances Uri ng sayaw na ballroom: 1. Cha-cha-cha ito ay pinangalan na hango sa tunog ng mga paa na may 4/4 ang bilang. Ito ay sumikat noong 1950s na unang isinayaw sa bansang Cuba 2. Waltz ito ay kilala bilang Waltzen sa bansang Aleman na ang ibig sabihin ay roll o glide. Unang sumikat sa Austria noong 17th century. Ang magkapareha ay mas malapit sa isat isa kaya tinawag itong The Forbidden Dance. 3. Tango unang nakilala sa lugar ng Argentina na isinasayaw lamang ng mga mahihirap. Ang sayaw na ito ay nagpapakita ng mga hakbang na tinawag na cat-like movements.

You might also like