Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Student Union Building, CLSU, Science City

of Munoz, Nueva Ecija Miyembro: College Editors Guild of the Philippines


Tomo XLIX Blg. 6

CLSU Collegian
Pre-Intrams Isyu 2013

Cuaresma: We will enjoy the game


CHSI ikawalong yunit sa intramural games
Ito ang idiniin ni Dr. Hilaria Cuaresma, dekana ng College of Home Science and Industry (CHSI) na ngayoy bagong Yunit na sasabak sa 50th Intramural Games na magsisimula ngayon hanggang Setyembre 7. Matatandaang magkahalong pwersa bilang Yunit III ang CHSI at College of Engineering (CEn) simula nang itoy lumahok sa taunang palaro.
ni Kenneth Antolin Matalo man kami, we will enjoy the game. Hindi sasama ang loob namin.

GIRL POWER. Ang buong pwersa ng pamunuan ng bagong yunit na College of Home Science and Industry sa pangunguna ni dean Hilaria Cuaresma (gitna) kasama ang department faculties. (File photo of CHSI)

Sa ginintuang yugto ng intramural games

ISPEAR muling mangunguna sa paghahanda


nina Areli Joy Esguerra at Albert Tolin

Pangungunahan ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) angpaghahanda para sa 50th Intramural Games ngayong araw. Pinaghahandaan din ng ISPEAR ang pagbalik ng buong pamamahala ng Intrams sa mga faculty ng

unibersidad mula sa mga estudyante noong nakaraang Intrams. Makikipagtulungan din ang ISPEAR sa University Hospital, University Security Force (USF), CLSU Collegian, Communicators for Development
sundan sa Pahina 6

Its really difficult to accept change, saad ni Cuaresma. But we believe that we can stand as a unit, dagdag niya. Mayroon lamang 17 guro ang hahawak sa 960 estudyante ng CHSI. Samantala, inamin ni Ms. Jimili Lopez, athletic manager ng CHSI na hirap ang kanilang kolehiyo sa pagkalap ng mga manlalaro at idagdag pa ang kakulangan sa budget na nagpahirap sa kanila para makasabay sa ibang yunit. Ang aim lang namin ay maipakilala ang CHSI, ani Lopez. Tapos sa mga susunod na taon, doon kami babawi, paniniguro nito. Binanggit naman ni Cuaresma na hinuhugot nila ang

50th intrams kasado na


ni Paul John Villamor

Kasado na sa walong koponan ang magpapasiklaban sa Intrams ngayong taon. Bibitbitin na ng College of Home Science and Industry (CHSI) ang kanilang sariling bandila bilang ikawalong yunit na makikipagtunggalian sa 50th Intramural games sa CLSU ngayong araw hanggang Septyembre 7. Pormal nang nahiwalay sa panig ng College of Engineering (CEn) ang CHSI makaraang maselyuhan ang mga inalatag na plano sa pulong na nasundan sa Pahina 7

sundan sa Pahina 6

Pre-Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Sino-sino kaya ang magiging makabagong Ambo, Estong, Francing, at Dot? Marahil nagtataka kayo kung sino ba ang mga iyan. Base sa Disyembre 1964 Enero 1965 na isyu ng pahayagang ito, sila ang mga produkto ng 1964 Intramural Games ng CLSU. Sila ang nagtayo ng bandera ng unibersidad sa State Colleges Athletics Association (SCAA) III na ngayoy State Universities and Colleges (SUC) Olympics III. Mayroong 50 taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ang Intramural Games noong unang semester ng 1964. Kaya hindi malabo na magkaroon ng makabangong bersyon nila. Ang binansagang Ambo o si Pablo dela Cruz ay umangat sa basketball. Siya ang kauna-unahang most valuable player sa kasaysayan ng intramural. Si Estong naman o Pacifico Alejo ay nanalo sa 800m run at 1500m run sa 1964 SCAA. Ang nakilalang Francing o Francisca Olivar ay ang susi ng mga panalo ng CLSU sa larangan ng softball at volleyball na kung wala siya sa bawat laro ay siguradong matatalo ang CLSU. Hindi din nagpahuli ang Thai na si Dot o Sadudee Laungaroom na soccer star player noong kanyang kapanahunan. Ilan lamang sila sa mga personalidad na nag-ukit ng pangalan sa kauna-unahang intramural games ng CLSU. Habang humahakbang sa makabagong panahon ang palarong ito, nakalulungkot isipin na tila alon sa karagatan ang standing ng CLSU sa SCUAA. Ano kaya ang posibleng dahilan nito? Ang dike kapag mahina ang pundasyon ay madaling magigiba ang kabuuan. Madaling matangay ang itaas nito. Ganoon din sa isports. Kapag hindi natutukan ng maigi ang intramural game na nagsisilbing pundasyon ng pagkatuto ng mga atleta, siguradong mahina ang delegado sa mas matataas pang lebel ng palakasan. Sina Ambo, Estong, Francing, at Dot ay ilan lamang sa mga manlalarong nahasa na ng panahon. Sila ang mga manlalarong pinagkagastuhan at sinoportahan ng ating unibersidad. Sila ang mga atletang sinunog sa apoy hanggang lumabas ang ginto sa kanila. Ang resulta? Karangalan sa ating unibersidad.

Nasa pundasyon

E D I T O R Y A L
Ngayong 50th intramural games, malaki ang tyansang makahubog ang Institute of Sports, Physical Education and Recreation ng mga makabagong Ambo, Estong, Francing, at Dot. Kung lalo pa nilang susuportahan kaisa ng unibersidad ang mga atleta, hindi malayong madagdagan pa ang gintong maiuuwi nila sa SUC IIIat National State Colleges and Universities Athletics Association (NSCUAA). Baka nga sa pamamagitan nito, tuluyan ng putulin ng CLSU ang pising nagtatali ng kampeonato sa halos dalawang dekadang pagkakakabit nito sa ugnayan ng Bulacan State University. Kung lalong mapag-uukulan ang suporta sa mga manlalaro, baka sakaling mag-overall champion na ang region III sa NSCUAA. Oo, naniniwala kami na ang 50th intramural games ang magsisilbing pintuan sa mga bagong yugto ng kasaysayan ng CLSU sa larangan ng isports. Ang intramural games na ito ang tatayong matibay na pundasyon ng CLSU sa hilera ng mga mandirigma nito na sasabak sa giyera ng mas matataas pang lebel ng palakasan. Nasa pundasyon ang solusyon sa mas marami pang ginto na makakamit ng CLSU.

Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2013-2014

CLSU

Collegian

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Van Alen N. Lumandas: Associate editor/ Layout artist | Karina Yvonne D. Pascua: Managing editor | Ellaine M. Aquino: Opinion editor | Paul John P. Villamor : Sports editor | Prince Jerson M. Senorin: News editor | Jessa M. Rarama: Feature editor | Julius Dinglasan: Staff writer | King Philip Britanico, Ramon Rarama, Areli Joy Esguerra, Albert Tolin, Meryll Taroma, Charmie Manangan, Dana Mae Carbonel, Ammabelle Bazar, Ren-ren Echanez:Probationary staffers

Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office, Student Union Building, CLSU Science City of Munoz, Nueva Ecija o bisitahin ang www. collegian.clsu.edu.

Pre-Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Ang konsepto ng talo ay namamalagi lamang sa mga taong hindi hinaing ang matalo. Pero ang totoo, lahat ng manlalaro ay panalo.

Lahat panalo!
ROADRUNNER
Kenneth F. Antolin 09351750920

Tatlo. Tatlong bagay ang napansin ko ngayong 50th Intramural Games. Una, walo na ang yunit na maglalabanlaban. Nangangahulugan na balanse na ang bawat sagupaan. Masasala na talaga ang totoong magaling sa bawat events lalo na sa mga team events. Samakatuwid nga, lubos nang matatawag na bilog ang bola. Ikalawa, hiwalay na ng koponan ang tambalang College

of Engineering at College of Home Science and Industry. Nakatutuwa ngunit tila isang hindi inaasahang pangyayari ito sa kasaysayan ng CLSU na sakto pang naitapat ang paghihiwalay sa ika-50 taon ng Intramural Games. Patunay lamang ito na handa na ang nabansagang kolehiyo ng mga kababaihan na CHSI na kaya na nilang makipagsabayan sa ibang kolehiyo. Nakatutuwa pero hindi ko lubos maisip na puro

kababaihang guro, 17 lahat, ang hahawak sa 960 estudyante ng naturang kolehiyo. Pero sabi nga nila, kung kaya ng lalaki, kaya din ng mga babae. Isa nga itong magandang subaybayan! Ikatlo, naibalik na sa mga guro ang pamamahala sa nasabing patimpalak. Matatandaan na inako ng mga estudyante ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng palaro nitong nagdaang taon. Patunay lamang na hindi pa sapat ang kakayahan ng mga estudyante para pamahalaan ang ganito kalaking aktibidad ng unibersidad. Oo, malawak pa ang dako para sa pagkatuto. Hindi pa huli ang lahat.
ROADRUNNER / Pahina 9

Ngayon ay ang simula ng CLSU 50th Intramural Games. Wika nga ng marami golden anniversary daw ng Intrams. Ito ay itinuturing na mahalagang araw hindi lamang ng mga student athletes kung hindi maging lahat ng mga mag-aaral at guro sa pagkakatatag ng Intrams, limampung taon na ang nakalilipas dahil pinatutunayan nito ang patuloy pa ring nabubuhay ang spirit of sportsmanship sa ating pamantasan. Ang tatlong araw ng kompetisyon ng walong kolehiyong mag-aagawan sa korona ay magsisilbing daan upang maipakita ng bawat isa na may ibubuga sila hindi lamang sa gawaing pang-akademiko kung hindi maging sa larangan ng isports. Nagbubuklod pa rin ang buong komunidad ng CLSU sa pagdiriwang at pakikiisa sa intramsisa ka

UNDERSCORED
Van Alen Lumandas
09268451313

KJ

mang atleta na maglalaro para sa karangalan ng iyong kolehiyo, isang guro na magsisilbing coach ng team o isang simpleng estudyante na manonood at magbibigay ng suporta sa iyong kaklase ,kaibigan o kasintahan na maglalaro. Ngunit magagawa kaya ng mga estudyante na makapagcheer sa kanilang mga kaklase gayundin sa mga atletang naglalaro ngunit hindi makapagconcentrate sa kompetisyon sa kadahilanang sila ay may klase? Nakatutuwang isipin na tila naging tradisyon na ng ilang mga guro sa CLSU ang magk-

lase sa kasagsagan ng Intrams na kung tutuusin ay magsisilbing pahinga na ng ating mga pagod na estudyante mula sa mga academic-related activities. Sa kasamaang palad, mukhang mauulit na naman ang taun-taon nang kaganapan dahil may mga estudyante na nagrereklamo dahil may pasok daw sila sa Intrams. Grabe naman po maam at sir, ang kill joy naman po ninyo. Ikatuwiran man nilang make-up class ang pagpasok ng mga estudyante dahilan sa hindi pa nakapag-eexam o may mga araw na hindi naUNDERSCORED / Pahina 7

Ngunit magagawa kaya ng mga estudyante na makapag-cheer sa kanilang mga kaklase gayundin sa mga atletang naglalaro ngunit hindi makapagconcentrate sa kompetisyon sa kadahilanang sila ay may klase?

Pre-Intrams Isyu 2013

OPINYON
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Kung dati ay may sarili kang routine na isinasagawa, sa pagkakataon na magtetreyning ka na bilang varsity ng unibersidad ay marapat ka lang na mag-adapt sa nakagawian na nilang balangkas ng pageensayo.
Puso. This might be a very familiar word especially if one had been watching the recent FIBA Asia games held at the MOA arena. Filipino fans cheered and shouted the word in every game Gilas played. Some even had the word written on banners which were projected on air. To sum it all up, their cries suggested that one should play the game with all thy heart. It is because, as others say, it would make them win the game. At first I had a hard time speculating whether or not the assertion, Play with all your heart, is logical, for I thought games are only played through intellect and physical capabilities alone. But it all came clear as I contemplate on a womens basketball game which Ive watched in the previous intramural. Its as though a battle between Da-

Espesyal
Paul John Villamor
09057094781

TAKEDOWN

Sa ika-50 taon ng Intramural games, kailangang bawat punto ay maging espesyal. Kabi-kabilaang mga tuneup at invitational games ang kinaugnayan ng ating mga manlalaro partikular na sa futsal,softball, volleyball, at basketball sa loob at labas ng unibersidad nitong mga nagdaang buwan at sa mga nakalipas na taon. Sa mabilisang analisasyon, maganda at positibong hakbang ito subalit sa kritikal na pagsusuri, hindi ito balanseng aksyon. Mas mag-aalab ang ating kampanya sa nalalapit na re-

hiyunal na kompetisyon kung magiging mulat tayo at titindig na hindi lang pala ang mga nabanggit na laro ang dapat pagpursigihan na lapatan ng masusing treyning. Sa pagsapit ng ginintuang taon ng Intrams sa CLSU, muli na namang mabibigyan ng oportunidad ang mga estudyanteng magpapamalas ng natatanging galing sa bawat laro na maikarga sa hukbo ng mga atleta ng ating unibersidad na makikipagbuno sa SUC-III Olympics. Kung ikaw ay magiging isa sa mga mapapasama sa mga dati-

hang varsity ng institusyon, yuon pa lamang ang magiging simula ng tunay na hamon sa pagbuhat ng iyong sarili sa pampalakasang larangan. Isa sa mga agarang hamon na lilitaw ay ang istilo ng pagsasanay ng mga varsity players at ikalawa ang team chemistry. Sa punto ng pagpapraktis ng mga datihang atleta, kung dati ay may sarili kang routine na isinasagawa, sa pagkakataon na magtetreyning ka na bilang varsity ng unibersidad ay marapat ka lang na magadapt sa nakagawian na nilang balangkas ng pag-eensayo. Ang mas mabigat naman na punto ay ang team chemistry. Ikaw bilang bagong salta ay tatayo bilang bagong sangkap na magbibigay ng bagong timpla sa pagsasamahan ng
TAKEDOWN / Pahina 9

Do you have the heart?


STRONGER
09267089978

Prince Jerson Seorin

vid and Goliathonly that the former wasnt fortunate enough to succeed that time. The winning team was composed of seasoned varsity players while the other was just a squad of starters. In the early phase of the game, anyone can easily sense despair in the faces of the losing team. Each of its players already appears to have the idea of quitting, except for one who is very persistent. She was their team captain. As captain, she bears the teams pride. I felt the burden on her shoulders as

I studied her in the court. Shes dead serious in picking up score for her team notwithstanding teases from the winning crowd shouting, Uwian na.Despite too much exhaustion, she desperately continued to play. And all throughout the game she played without any substitution. The team captains perseverance to bring her team forward depicts a game played with all thy heart. Perseverance comes from the heart. The mere fact
STRONGER/ Pahina 6

Its as though a battle between David and Goliathonly that the former wasnt fortunate enough to succeed that time. The winning team was composed of seasoned varsity players while the other was just of a squad of starters.

5 Jay C. Santos at ang kampanyang Closing the Gap


Pre-Intrams Isyu 2013

LATHALAIN
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

ni Karina Yvonne Pascua

anibagong hamon muli ang dapat harapin ng CLSU. Paano mapananatili ng ating unibersidad ang nasimulang adhikaing, Close the Gap laban sa nagtatanggol na kampyeon kung ang natatanging indibidwal na pasimuno nito ay lilisanin pansamantala ang unibersidad patungo sa pagabot ng kanyang pangarap? Simula ng mailuklok sa posisyon bilang director ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR), ang mga sumunod na taon ni Jay C. Santos ang naging hudyat upang mapalakas pa ang diwa ng pagiging Green Cobras matapos umangat mula sa ika-walong pwesto noong 2010 sa State Colleges and Universities (SUC-III) Olympics paatungong ikalawang pwesto noong nakaraang taon. Not in my crazy mind na naisip ko na magiging director ako ng ISPEAR,ito ang kauna-unahang pahayag ni Santos sa CLSU Collegian sa isang lathalaing isinapubliko noong 2011. Samantala, hindi rin inaasahan ang unti-unting paghakbang ng CLSU patungong kampyeonato laban sa mga kilalang unibersidad na nangunguna sa nasabing patimpalak. Si Santos ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Social Science (Major in Psychology) at ipinagpatuloy ang kanyang Master of Arts in Community and Social Psychology sa University of Massachusetts Lowell. Sa darating na Marso sa susunod na taon ay inaasahang kukuha siya ng Doctoral degree sa Sports and Exercise Psychology sa University of Queensland, Australia. Ang kanyang Adbokasiya para sa CLSU Gusto ko kasi yung fusion ng Sports at ng Psychology, ito ang kanyang saad kung bakit nais niyang ipagpatuloy ang pagdadagdag ng kaalaman. Habang siya ay nag-aaral sa ibang bansa, kumuha si Santos ng kanyang internship sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), kung saan natutunan niya kung paano mas magiging epektibo ang mga sports development program para sa mga estudyante. Naging inspirasyon niya ang Athletics Department ng United States kung saan siya nag-aral sa loob ng isang taon. Lubos niyang pinagtuunan ng pansin ang operasyon at approaches ng nasabing departamento na naging basehan niya upang ilapat sa sistema ng pagpapalakas sa ating unibersidad. Sa kanyang pamumuno, binigyang-diin niya ang kanyang adbokasiya sa pagiging holistic. Nararapat lamang na may kaalaman rin sa ibat-ibang aspeto ang mga student athlete gaya na lamang sa akademiks, pampalakasan, personalidad, social development at sa career na kanilang pinili. Idinagdag din niya ang pagbibigay importansya sa komunidad. Karanasang hindi malilimutan Nang naging director ng ISPEAR, nalasap ng CLSU ang

matamis na tagumpay nang makamit nito ang ikalawang pwesto kasunod ng Bulacan State university noong nakaraang taon. Idagdag pa rito ang patuloy na paglago ng bilang ng gintong nakuha mula tatlo noong 2010 hanggang sa 46 noong 2012. Dahil dito, nagsilbing baseline ang numerong ito sa gintong medalyang dapat maagaw ng CLSU sa bawat koponan saSUCIII Olympics sa mga darating pang taon. Pwede nating sabihin na light years yung steps natin at pwede nating sabihin magiging maganda yung improvement,dagdag ni Santos. Liban dito, nabigyan din ng pagkakataon na makakalap ng suporta ang Sports Development Program mula sa ibat ibang organisayon gaya ng University Supreme Student Council, ang SCs ng mga kolehiyo at ang Alumni Association. Nadagdagan din ang mga sponsorships at naisama ang buong komunidad ng CLSU sa pagbibigay ng tulong. Mga Aral na napulot bilang Director Dalawa ang importanteng bagay na dapat bigyan ng suporta: ang mga players, na kung saan ay hindi dapat tawaging players kundi student athletes; at ang mga coach. Kasi yung diploma mo, magagamit mo yun for the rest of your life. Kapag wala ka ng diploma, hindi mo pwedeng ipakita yung gold medals mo, then sasabihin mong, pwede po ba akong magtrabaho dito?,sabi ni Santos tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Idinagdag niya na ginagamit lamang na dahilan
sundan sa Pahina 7 Jay C. Santos

Post-Intrams Isyu 2012

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

SABI NILA
Tinanong namin ang mga estudyante kung sino ang tatanghaling golden intramural games champion?
tinipon ni Jessa Rarama

STRONGER
...mula sa pahina 4

CAS ang mananalo! Kasi maraming varsity, magiging exciting siguro ang labanan. - Nerius, BSAB4 Syempre ang mananalo yung college namin, magagaling kaya ang mga players namin, kasi for the first time college talaga naming ang irerepresent naming. Magiging Masaya ang darating na intrams. - Fernandez, BSCE2-3 Hindi ko alam siguro exciting kasi nadagdagan ng isang unit ang dating pitong units. Mananalo syempre yung magagaling tsaka deserving at marunong sa salitang laro. - Padilla, BSTGT3 Mas mahigpit ang laban dahil nadagdagan ng isang team ang magkokompetensya para sa championship. Go engineering pa rin ako. - BSAEN3-1 Sa nalalapit na intrams ng CLSU, inaasahan ang mahigpit na labanan lalo nat walong units na ang maglalaban-laban para sa natatanging tropeyo at karangalang maihahatid sa kolehiyo. Pero syempre sa huli, CE dang mananalo. Go Mighty Educ! Jojie Orpilla. -BSED2-6

ISPEAR

that she played seriously amidst the mocking crowd displays an act of courage. Courage that comes from the heart. What the team captain has done is a proof of the crucial importance of putting thy heart in ones game. It might not win you the game, but it might also actually help you win the game. Intellect and physical capability can fail especially when a difficult opponent comes along. However, putting thy heart in a game can somehow result into an unexpected outcome. Perhaps a miraculous victory, one would say.

...mula sa pahina 1

(CODE), at The Educators sa nasabing taunang aktibidad. Nag-aayos na rin ang University Hospital at ang kanilang mga empleyado, gayundin ang mga miyembro ng Medical Team ng Reserve Officers Training Corps (ROTC). Ayon kay Danilo Serrano, Supervisor ng Nursing Department, ang kanilang unang paghahanda ay ang pagkakaroon ng first aid kit at inihahanda na rin nila ang mga ambulansya at ang mga paramedics na mula sa ROTC. Tinanggap naman ng USF ang pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa Intrams.

Magpapadala rin sila ng kanilang mga tauhan sa mga booth ng USSC bilang tugon sa kahilingan ng USSC. Ang request lang naman sa amin, maintain peace and order. Magpapadala kami ng five personnel daily at may dalawa din na game supervisor mula sa amin. May mga magbabantay din sa mga booth request ng USSC, wika ni SO3 Rogelio Duldulao, USF Chief. Naatasan naman ang mga miyembro ng Collegian, CODE, at Educators upang tumulong sa paglilikom ng mga iskor sa bawat isports.

CVSM handa na sa 50th intramural games


ni Julius Dinglasan

CUARESMA

...mula sa pahina 1

kanilang lakas sa mga estudyante na pursigidong lumaban bilang isang yunit. The clamor of students and faculty to make us as one unit strengthened our determination to stand as one

unit, wika ni Cuaresma. Ang CHSI ang ika-walong Yunit at makikilala sila sa uniporme na may kulay na pinaghalong dark grey at pink.

Bilang paghahanda sa darating na University Intramural games, isinagawa ng College of Veterinary Science and Medicine ang kanilang mini intrams sa University oval nitong Agosto 9. Pinangunahan ng Veterinary Student Council (VSC) ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mahigit kumulang 400 estudyante at mga guro ng kolehiyo. Nakilahok din ang ilang mga student organization bilang suporta sa programa tulad ng Rodeo Club Philippines (RCP) at Tau Alpha Upsilon na tumayong facilitator ng mga laro. Sa pangunguna ng RCP, sama-samang tumakbo ang mga estudyante at guro mula CVSM hanggang sa

oval bago tumungo sa pagsasagawa ng aktwal na mga laro. Ayon sa VSC, ito ay hindi lamang panahon para maglaban-laban ang bawat estudyante bagkus, panahon din ito upang magkasamasama ang bawat magkakabatch at makabuo ng bonding ang bawat isa sa CVSM. Masaya ang naging mini-intrams kahit may problema sa simula ay naging masaya naman ang lahat sa huli, saad ni Jerico Binayug, VSC president. Mahalaga pa ay nabuo ang bonding between batches in different year level. Idinagdag pa ni Binayug na sa palagay niya ay madaragdagan ang 6 na ginto na nasungkit ng kolehiyo
sundan sa Pahina 7

Post-Intrams Isyu 2012

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CHSI di pahuhuli sa Intramural games


ni Prince Jerson Senorin

Sa unang taon ng pagsasarili

Bagamat sa unang taon na pagkakatatag nito bilang Yunit VIII, positibo pa rin ang College of Home Science and Industry (CHSI) na hindi nito makukuha ang huling puwesto sa 50th intramural games. Positive thinker naman kami eh since, kahit baby pa

kami, siguro nasa 6th naman kami, pahayag ni Ms. Jimili Lopez, athletic manager ng CHSI. Matatandaan na sa mga nakalipas na taon, nakakabit ang CHSI sa Yunit III na kinabibilangan din ng College of Engineering (CEn). Ang pagbukod nito mula sa

Yunit III ay sanhi ng patuloy na paglago ng bilang ng mga estudyante nito. Samantala, inaasahan ni Lopez na hindi lalabas na talunan ang kanilang yunit dahil mayroon silang laban pagdating sa basketball, baseball, at lalo na sa mens futsal . Well be competitive namang na pumasok ang CVSM sa top 5. Samantala, tinanghal naman bilang Ms. Intrams big edition si Bernadeth Ramirez. Nakuha naman ng batch Xantrons ang kampeonato sa mini-intams ng CVSM.

man, saad ni Lopez. Sa naganap nitong mini intrams noong Hulyo 23, bigo ang nasabing yunit na makabuo ng sapat na mga manlalaro para sa sepak takraw at football.

JAY C. SANTOS
...mula sa pahina 5

CVSM

...mula sa pahina 6

sa gaganaping University Intrams dahil sa maganda ang kinalabasan ng aktibidad. Naging daan din ito upang makapili ng mga atleta ang kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng try-outs sa ibat-ibang uri ng laro at ang mga mapipili ay siyang kakatawan sa kolehiyo sa para sa

University intramural games. Ayon kay Karlo Tawataw, beteranong manlalaro ng VetMed sa University intrams ay malaki ang posibilidad na tumaas ang puwesto ng CVSM dahil mas marami ang magagaling na manlalaro ngayon na nagmula sa 2nd year at 3rd year at iginiit pa niya na mala-

50th intrams

...mula sa pahina 1

ganap sa Office of the Vice President nitong Hulyo 2. Balik coach na din ang mga faculty at staffs matapos ibaba ang partisipasyon ng mga estudyante na maaari na lamang italaga bilang assistant coaches o mas mababa pa sa nasabing posisyon sa bawat koponan na ilalahok ng walong kolehiyo ngayong taon. Samantala, knockout system pa din ang ilalapat sa mga individual events gaya ng taekwondo, karatedo, lawn tennis, table tennis at badminton, na kung saan magkakaroon ng awtomatikong puwesto sa semifinals ang dalawang finalists

noong nakaraang taon. Makapaglilista naman na ng pantay na bilang ng mga kalahok sa bracket A at bracket B sa mga team events na matatandaan noong mga nagdaang intrams, ang defending champion nang partikular na team competition ay makikipagduwelo sa dalawang kolehiyo sa isang bracket habang tatlo naman ang kagitgitan ng runner-up base sa roundrobin format. Nakatakdang depensahan ngayong taon ng College of Arts and Sciences (CAS) ang titulo sa
sundan sa Pahina 8

UNDERSCORED ... mula sa pahina 3


kapagklase dahil nagkasakit ang guro ay hindi makaturangan lalo pa at nagpalabas na ng memo ang ating VPAA na suspendido ang lahat ng klase upang makadalo ang lahat sa Intrams. Nawa po ay masunod ang memo na ito at kung sakaling magkakaroon ka ng klase sa kasagsagan ng Intrams sana ay matapang mong sabihin na, Mam/Sir bawal po yan! at para sa ating mga minamahal na mga guro, sana po ay hayaan naman po natin ang ating mga estudyante na masaksihan at mag-enjoy sa Intrams . Huwag po sa tayong maging KJ.

ang pagkakaroon ng talent sa isports upang makapagaral. Isinusulong din niya ang pinaka-importanteng makuha ng bawat estudyante sa loob ng apat, ikalima o ika-anim na taonang kanyang diploma. Hindi dapat sinasamantala ang mga tao ang pagkakataong ito upang iwasan ang pag-aaral. Maiiwang Pangarap para sa unibersidad Apat na taon ang gugugulin ng Doctoral degree ng kasalukuyang director, isang henerasyon din itong mga estudyante. Gusto ko sanang magchampion tayo. Pero ang realistic kasi were still 2-3 years away, sabi nito ukol sa kanyang pangarap para sa mga student athlete at coaches subalit pinabulaan na ito ang agwat laban sa nagtatanggol na kampyeon. Yun yung agwat para makapag-compete tayo sa championship. Hindi porket nakakuha ng gold medal yan sa palaro, huwag mong asahan na magcocontributeyan agad. Ibayung college competition. Patuloy na development
sundan sa Pahina 10

Post-Intrams Isyu 2012

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Mga faculty oobligahin sa pagsubaybay ng mga laro


ni Prince Jerson Senorin

Sanhi ng di-aktibong partisipasyon ng karamihan sa mga guro noong nakaraang 49th intramural games, oobligahin na ang mga ito na lumahok sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanilang muli sa coaching.

CEd nagdaos ng GTD


nina Meryll Taroma at Charmie Manangan

Ayon sa direktor ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) na si Mr. Jay Santos, maraming estudyante ang umalma sa takbo ng nakaraang intramural games sapag-

Nagsagawa ng Grand Tryout Day ang College of Education (CEd) nitong Agosto 2 upang piliin ang mga manlalarong ilalahok sa 50th University Intramurals ngayong araw hanggang Septyembre 7. Ang naturang try-out ay magsisilbing hakbang upang maiangat ang kartada ng kolehiyo at muling makuha ang kampeonato matapos ang pagbaba sa ikatlong puwesto noong nakaraang taon. Nagpaabot din ng suporta ang mga mag-aaral at mga

faculty members sa mga napiling manlalaro na idadagdag sa koponan ng kolehiyo na lalahok sa nasabing taunang aktibidad ng institusyon. Ayon kay Ms. Hiyasmin Malicdem, adviser ng CEd student council ay maglalaan sila ng mga pangangailangan ng mga manlalaro tulad ng lugar at mga kagamitan na magagamit sa pag-eensayo. Idinagdag pa nya na magsisilbing inspirasyon sa mga manlalaro ang ipinapakitang suporta ng kanilang kolehiyo.

kat hindi nila umano naramdaman ang suporta ng mga guro. Bagamat ang nakaraang intramural games ay pinangasiwaan ng mga estudyante, mayroon pa rin umanong kasunduan na gagabayan ng mga guro ang mga ito sa kanilang mga hakbangin. Ang magli-lead ay yung estudyante pero hindi iiwanan nung faculty, saad ni Santos ukol sa sistema ng nakaraang intramural. Idinagdag pa niya na ang darating na 50th intramural games ay nasa pamamahala pa rin ng mga estudyante, maliban na lamang sa coach-

ing. Student led pa rin siya dahil student activity naman ito eh. Pero in terms of coaching, ang magko-coach yung mga faculty na, ani Santos. Samantala, hinikayat naman niya ang mga manlalaro na ibuhos ang lahat ng kanilang makakaya sa darating na gintong anibersaryo ng intramural games. Ngayon yung golden edition kaya historic kaya ako ine-encourage ko ang lahat ng players na to give it all kasi minsan lang na sasabihin mo, We are the golden intramurals champion, pahayag ni Santos.

CBAA nagsagawa ng mini-intrams


ni Julius Dinglasan

50th intrams

...mula sa pahina 7

intrams matapos maideklarang pinakamagilas nang ika49 na serye ng naturang palarong pang-kampus. Itutuloy din ang pagpapatupad ng modified medal system, na ang yunit na makalilikom ng pinakamaraming bilang ng ginto ang tatanghaling over-all champion at ang bilang ng naisikwat na pilak at tanso ay gagamitin namang basehan kung sakaling pareho ang bilang ng gintong medalya ng dalawa o higit pang yunit. Sa kabilang banda, ang na-

sabing pulong ng University Intramural Board (UIB) na nagtala ng mga iaakmang regulasyon sa Intramural games 2013 ay dinaluhan nina Dr. Soledad M. Roguel, VPAA at chairman ng UIB; Mr. Jay C. Santos, direktor ng ISPEAR at Mr. Paul A. Cardenio, pangulo ng USSC bilang cochairs; Ms. Melane F. Fernandez, chairman ng sports and recreation department na tumayong secretary; unit athletic managers at mga council presidents.

Inorganisa ng College of Business Administration and Accountancy (CBAA) ang mini-intrams ng kanilang kolehiyo na ginanap sa University oval nitong July 26. Pinamunuan ni Allan Paul Gabriel, president ng CBAA-SC ang naturang aktibidad na naglalayong makapili pa ng mga maaaring maging manlalaro ng kolehiyo sa darating na intramural games. Maganda ang activity kasi naachieve naman ang goal na mag enjoy ang lahat. Also, nakamit din naming ang objective na makapag select ng maaaring maging players ng kolehiyo para sa university intrams. Ayon

kay Gabriel sa isang interview. Balak naman ng CBAA na pataasin ang kanilang kartada sa intrams mula sa ikalima patungong ikaapat na puwesto kaya inagahan ng kolehiyo ang pagkakaroon ng try-outs bago pa man ang mini-intrams. Kaugnay din nito, ayon kay Gabriel ay magsisilbing fun day ang mini-intrams dahil mas magkakaroon ng oportunidad ang lahat ng mga estudyante sa kanila na makilahok sa mga aktibidad. Ayon din sa CBAA student council ay pumayag nang maging coach sa ibatibang mga laro ang mga guro upang masubaybayan ang kanilang mga atleta.

Rampage

ni Ramon Rarama

KOMIKS

Bayad-Utang

ni Ren-ren Echanez

MAKE MY DAY ni Christopher Narne Snatser ni Ren-ren Echanez

Hulog ng langit

ni Ren-ren Echanez

Para sa inyong kabatiran

No classes will be held. I-report sa akin ang pangalan ng faculty and subject ng sinumang magkaklase during the 50th Intramural Games.
-- Dr. Soledad Roguel, Vice President for Academic Affairs.

Post-Intrams Isyu 2012

BALITA
CLSU COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Fisheries nagdaos ng mini-intrams


nina Ammabelle Bazar at Dana Carbonel

Nagsagawa ng mini-intams ang College of Fisheries (CF) nitong Agosto 15 bilang preparasyon at upang pataasin ang kanilang kartada sa 50th University Intramural

games ngayong araw hanggang Septyembre 7. Sinungkit ng white team ang kampeonato matapos ang magilas na kampanya partikular na sa table tennis, basketball at volleyball.

Makaraang mamayani ay irerepresenta ng naturang kulay ang mga sasabak na manlalaro sa taunang intrams. Hindi rin naman nagpatalo ang yellow team na nilikuran ang white team buhat sa apat mga natirang players. Tunay na makatutulong sa pagpapaganda ng samahan ng koponan ang pagsabak sa madalasang pag-eensayo dahil buhat dito ay mapag-aaralan at maibabahagi nila ang kanikanilang mga galing, ngunit sa takbo ng pampalakasang torneo sa gitnang Luzon,

na koponan. Kabilang sa mga larong pinaglaban-labanan ay table tennis, basketball, volleyball, futsal, sepak takraw, badminton, chess, track and field, at lawn tennis. hindi sapat na kayo-kayo na lamang ang magsusukatan. Sa mga nagdaang taon nga ay lumahok at nag-organisa ang ating unibersidad ng mga tune-up games sa tulong at kooperasiyon na din ng ibatibang pamantasan. Dahil dito ay naluklok tayo sa hanay ng mga pinakamatitikas na State Universities and Colleges sa Region III sa larangan ng isports. Samantala, kahit pa nasa ikalawang puwesto tayo sa ating rehiyon ay pikit-mata pa rin tayo sa mga laro na hindi nabigyan ng mga tune-ups. Ito na lamang din ang buhay na patunay na hindi balanse ang pagtutuon ng pansin sa bawat laro dito sa CLSU kung kayat dose-dosenang ginto pa rin ang agwat sa atin ng Bulacan State Univesity, ang ilang dekada nang hari sa SUC III Olympics.. Mapagsikapan lang ng mga responsableng awtoridad na mabigyan ng balanseng uri ng pag-eensayo ang bawat laro na para na rin sa kapakanan ng bagong tipak ng mga atleta ay di malayong mas makinis ang kartadang iuukit natin sa mga darating na paligsahan. Ngayon ay espesyal na taon, gawin din nating espesyal ang paghakot ng ginto sa mga sasabakang kompetisyon.

JAY C. SANTOS

...mula sa pahina 7

TAKEDOWN ... mula sa pahina 3

ang nais mangyari ni Santos sa mga susunod pang taon para sa mga natitirang atleta mula una hanggang ikalimang taon nila sa pag-aaral sa kolehiyo. Sa patuloy na pagpupursige ng bawat student athlete at patnubay ng kanilang coaches, hindi na maitatanggi na ang dalawa hanggang ikatlong taon para makarating muli sa championship ay mararamdaman nang bawat kabilang sa patimpalak na ito. Matatandaan na noong 2010, nagkamit ng tatlong gintong medalya ang CLSU at mahigit 200 ang BulSU. Sa pagsapit ng 2011, nakuhaang 31 ginto samantalang 136 ang sa kampyeon. Lamang ng 105 medalya upang maungusan. At sa nakaraang taon, 46 na ginto ang nasungkit ng unibersidad laban sa 121 na gintong medalya ng BulSU. Ang agwat ay nahulog sa 75 gintong medalya. Ang adhikaing bawasan pa ang lamang hanggang 40 na ginto ay malaking tulong na sapagkat tatlo hanggang apat na events lamang iyon. Ang hudyat ng pag-alis ay hindi nangangahulugang habangbuhay na pagkakawala. Sa apat na taong kawalan ng presensya ni Santos, kailangang tumbasan nito ang kontrata na returnservice na dalawang taon sa bawat taon na mawawala dahil sapag-aaral. Kumbaga, may pitong taon pa siyang dapat gugulin sa CLSU matapos makapag-aral sa Australia. Malaki ang naging kontribusyon niya sa pag-angat ng pwesto ng CLSU sa mga patimpalak ng palakasan sa loob ng dalawang taong termino. Sa desisyong paglisan sa susunod na taon sa pagkalap ng mas maraming kaalaman, isa itong hamon hindi lamang sa maitatalagang bagong director, sa student athletes at coaches. Ito ay pagsubok para sa lahat ng tao sa CLSU. Kahit wala kang kinalaman sa sports, basta kapag tagaCLSU ka, kapag may achievement yung team natin, you can count in,saad niya tungkol sa pagiging kalahok ng bawat indibidwal saunibersidad. Tangan ng bawat estudyante at ng mga guro ang pangalan ng CLSU. Ang anumang tagumpay ay makakamit lamang sa pamamagitan ng patuloy na pagbuhos ng suporta mula sa mga ito at sa mga organisasyong naghahangad na magbigay ng suporta, sa labas man o loob ng komunidad. Sino pa nga ba ang magtutulungan sa pagkamit ng unang parangalkundi ang mga taga-CLSU rin lang?

ROADRUNNER ... mula sa pahina 3


Ang taong ito ay ang simula ng pag-uukit ng bagong narating ng CLSU sa larangan ng isports. Pansamantala muna nating iwaglit ang mga isyung nakapaloob sa tatlong bagay na inilahad ko. Hindi biro ang 50 taon na sakripisyo ng mga nagdaang pamumuno dito sa unibersidad. Nakatutuwa dahil napreserba ang pagsasagawa nito sa loob ng 50 taon. Nakagagalak dahil isa tayo sa magiging bahagi ng tagpong ito. Bagamat hindi maaalis ang sakitan, hinanakit, hidwaan, o anupamang hindi magandang naidudulot ng tunggalian, lagi nating isipin na walang talo sa lahat ng labanan kung ginawa mo naman ang lahat ng iyong makakaya. Ang konsepto ng talo ay namamalagi lamang sa mga taong hindi hanaing matalo. Pero ang totoo, lahat ng manlalaro ay panalo.

Ang Hamon

You might also like