Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JOSE C. PAYUMO JR. MEMORIAL HIGH SCHOOL Naparing, Dinalupihan, Bataan S.Y.

2013-2014 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa ARALING ASYANO VIII

Pangalan: ________________________________________________ Pangkat/Taon: ______________________

Petsa: ____________________ Guro: ___________________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot. 1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _________________________. a.Timog Asya b. Timog Silangang Asya c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya 2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng kontinente? a. Ang tawag sa pinakamalaking dibisyon sa lupain sa daigdig b. Ang pinagsama-samang anyong lupa at anyong tubig sa daigdig c. Ang mga katangiang pisikal ng daigdig d. Ang mga ibat ibang uri ng klima sa daigdig 3.Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitignan bilang magkaugnay? a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito 4. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat () ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria? a. steppe b. prairie c.savanna d. tundra 5. Alin sa mga sumusunod na uri ng grasslands ang may mga damuhang mayroong lamang ugat na mabababaw? a. tundra b. savanna c. prairie d. steppe 6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng Heograpiya? a. Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mundo at mga taong naninirahan dito b. Ito ay pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo, ibat ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang pook c. Ito ay paglalarawan ng daigdig/mundo d. Lahat ng nabanggit 7. Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay kilala sa pagkakaroon ng mga disyerto na katangiang pisikal,ngunit, mayroon din namang lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop. Ang lugar na ito ay tinatawag na _________________________________. a. Oasis b. Oman c. Orbit d. Ostrich 8. Mayaman ang Asya sa ibat ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito? a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig. b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito. c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha. d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

Suriin ang talahanayan tungkol sa kabuuang sukat ng mga kontinente sa mundo at sagutin ang kasunod na mga tanongkaugnay nito. Kabuuang Sukat (kilometro kwadrado) 44,486,104 30, 269,817 24,210,000 17,820,852 13,209,060 10,530,789 7,862,336 143,389,336

Kontinente 1. Asya 2. Africa 3. North America 4. South America 5. Antarctica 6. Europe 7. Australia Kabuuan

9. Alin sa mga sumusunod na kontinente sa talahanayan ang may pinakamalaking kabuuang sukat? a. Australia b. Europe c. Asya d. Africa 10. Ayon sa talahanayan, anong kontinente ang may pinakamaliit ang kabuuang sukat? a. Antartica b. South America c. North America d. Australia 11. Kung pagsasama-samahin ang mga kontinente sa talahanayan, alin sa mga ito ang tutumbas sa laki at kabuuang sukat ng Asya? a. Australia, Africa b. Australia, South America, North America c. North America, Africa d. Antartica, Europe, Australia 12. Paano isinagawa ang paghahating panrehiyon ng mga bansa sa Asya? a. Isinaalang-alang sa paghahating ito ang kalagayang pulitikal ng bawat bansa sa Asya b. Binigyang pansin ang taglay na yaman ng bawat bansa sa Asya c. Isinaalang-alang sa paghahating ito ang lawak at sukat ng bawat bansa sa Asya d. Isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto 13. Ang Asya ay kilala sa pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas, biniyayaan at nagtataglay ng ibat ibang katangiang pisikal tulad ng ibat ibang uri ng anyong lupa. Isang halimbawa nito ay ang tangway o peninsula. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa tangway? a. Philippines, Thailand, Indonesia c. Israel, Russia, Afghanistan b. Korea, India, Turkey d. Japan, Taiwan, Maldives 14. Ang bansang Pilipinas at Japan, at ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic Belt. Ano ang mayroon o taglay ng mga bansang ito para mapabilang saPacific Ring of Fire? a. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng mga matataas na hanay ng mga kabundukan b. Ang mga bansang ito ay saganasa likas na yaman c. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay at aktibong mga bulkan, d. Ang mga bansang kabilang dito ay binubuo ng maraming pulo 15. Ang Himalayas, Hindu Kush, Pamir at Ural ay halimbawa ng anong uri ng anyong lupa sa Asya? a. Tangway b. Kapatagan c. Pulo d. Bulubundukin 16. Ang mga bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia at Japan ay halimbawa ng mga kapuluan o archipelago, o mga bansang binubuo ng maraming pangkat ng mga pulo. Ano namang mga bansasa Asya ang halimbawa ng pulo? a. South Korea, India b. Sri Lanka, Taiwan c. Nepal, Pakistan d. Iraq, Iran 17. Gaano kahalaga na mapahalagahan ng tao ang kanyang pisikal na kapaligiran? a. Dahil dito nakukuha ng tao ang halos lahat ng kanyang pangangailangan upang mabuhay sa araw-araw b. Upang may madatnan o makita at magamit pa ang mga susunod na henerasyon c. Upang makaiwas sa mga posibleng kalamidad dulot ng pagkasira ng kalikasan d. Lahat ng nabanggit 18. Bakit humaharap ang Asya sa ibat ibang suliraning pangkapaligiran sa ngayon? a. Dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman at pag-aabuso sa paggamit sa likas na yaman

b. Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon c. A at B d. Wala sa nabanggit 19. Ano ang pinakamahalagang nakukuhang pakinabang ng tao sa ibat ibang uri ng likas na yaman? a.Tumutustos sa pangangailangan ng tao upang mabuhay b. Nagpapasaya sa taong nalulungkot c. Tourist spot para sa mga taong mahilig mamasyal d. Wala sa nabanggit 20. Bakit may mga bansa sa Asya na salat sa likas na yaman ngunit maunlad? a. Dahil mahusay at balanse ang programa ng kanilang pamahalaan sa paggamit sa kanilang likas na yaman b. Dahil may sapat na kaalaman ang mga mamamayan sa kahalagahan ng kalikasan at disiplina sa paggamit nito c. A at B d. A lamang ang tamang sagot Tunghayan ang kasunod na mapa upang masagot ang susunod na tanong.

21. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya? a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon. c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig. d. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya. 22. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng ibat ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya? a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan. b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo. c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa ibat-ibang buwan sa loob ng isang taon. d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao. 23. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya? a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig. b. Ang Asya ay tahanan ng ibat ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan. c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan. d. Ang ibat ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano. 24 Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit? a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.

b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya. c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito. 25. Mayaman ang Asya sa ibat ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito? a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig. b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito. c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha. d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan. 26. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa apatnapung porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan? a. problema sa solid waste b. polusyon sa hangin at tubig c. pagkawasak ng kagubatan d. pagkasira ng biodiversity 27. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan? a. ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman b. ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito c. ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa d. ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon 28.Ang mga Asyano ay nahahati sa ibat ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. An o ang tawag sa pagpapangkat na ito? a. Etniko b. Nomad c. Katutubo d. Etnolingguwistiko 29. Kung ibat iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya ,nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______. a. ideolohiyang politikal b. pagkakakilanlan c. modernisasyon d. pagkakaisa 30. Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawansa pahayag na Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi. a. Ang wika ay may ibat ibang layunin. b. Ibat iba ang wika ng ibat ibang tao. c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao. d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi 31. Bakit karaniwan ang mga pangkat etniko sa kapatagan ay ang mas marami ang bilangn at may maunlad na pamumuhay? a. Dahil mas masaya ang manirahan sa kapatagan b. Dahil mas mabilis ang transportasyon at komunikasyon sa kapatagan c. Dahil ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, komersyo at iba pa ay matatagpuan dito d. Wala sa nabanggit 32. Bakit mahalaga ang wika sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao? a. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa

b. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin c. Pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura d. Lahat ng nabanggit 33. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan upang mapagbuklod ang kanyang mga mamamayan at mapanatiling buhay ang pagpapahalaga sa kultura? a. Magpatupad ng batas sa paggamit ng dayuhang wika b. Magpalaganap ng kautusan na magbabawal sa paggamit ng ibang wika c. Humiram ng kultura sa ibang bansa na may maunlad na ekonomiya upang makasabay sa kanilang tinatamasang pagunlad d. Isulong ang pagkakaroon ng isang wika sa kanilang bansa 34.Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Makikita rin sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito? a. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin. b. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. c. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak. d. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng pamumuhay. 35. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Taong 1979 nang ipatupad nito ang One China Policy na naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Alinsunod sa patakarang ito ang mag asawang Tsino ay hihikayating magkaroon lamang ng isang anak. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng China.Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ng China na si Ma Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng China ay binubuo ng karamihan ay may edad ,edukado at mga dayuhan.Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito? a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito. b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito. c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon. d. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa. 36. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng ibat ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin .Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin? a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin. b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sakapaligiran. c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak. d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipa-unawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa 37.Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang manghikayat at makaimpluwensiya ng mga kabataang Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikakabuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano sa tungkol sa pamamagitan ng paggawa ng isang multimedia advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalangalang ? a. organisasyon , bilang ng pahina , pagkamalikhain b. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain c. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan d. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan 38. Sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagsugpo sa lumalalang kahirapang nararanasan ng bansa, isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap ang ipinatupad ng ating pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa panukalang batas na ito? a. One Child Policy b. Reproductive Health Bill c. Kasambahay Law d. Republic Act. 7610 39. Ang bansang China ang itinuturing na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa Asya at sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahulugan ng salitang populasyon? a. Ito ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng tao sa takdang lugar at panahon b. Dami ng mga naninirahan sa isang bayan o lalawigan c. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga mahihirap sa isang bansa d. Dami ng mga tao na hindi nakapag-aral at walang maayos na pamumuhay 40. Ang pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan ay isa sa dahilan ng paglaki ng populasyon sa isang lugar. Ito ay tinatawag na _______________________. a. migrasyon b. populasyon c. etnisidad d. paglikas 41. Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang tao at bansa?

a. likas na yaman b. edukasyon c. kabuhayan d. kasipagan 42. Sa paanong paraan naaapektuhan ng paglaki ng populasyon ang likas na yaman ng isang lugar? a. Sa pamamagitan ng pamamasyal dito ng mga turista b. Sa paggamit dito ng may sapat na kaalaman at pagpapahalaga c. Dahil sa paglaki ng populasyon, dumarami din ang dumidipende sa likas na yaman sa pagkuha ng kanilang pangunahing panngangailangan, habang hindi naman lumalaki o dumarami ang likas na yaman at unti unting nauubos at nagkukulang sa pagtustos sa pangangailangan ng dumaraming populasyon d. Hindi naman nakakaapekto ang paglaki ng populasyon sa likas na yaman 43. Ang isa sa dahilan ng kahirapan sa bansa katulad ng Pilipinas ay ang mabilis na paglaki ng populasyon, at malaki ang bilang dito ng mga Pilipinong walang maayos na hanapbuahy at nakatira sa mga barung-barong o squaters area. Ang sitwasyong ito ay patunay lamang ng mataas na _______________________________________ sa bansa. a. Literacy Rate b. Unemployment Rate c. Life Expectancy d. Population Growth Rate 44. Sa anong bansa sa Timog Asya ang may pinakamalaking bilang ng populasyon? a. Pakistan b. India c. Sri Lanka d. Bangladesh 45. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa maaaring maging dulot ng paglaki ng populasyon? a. Polusyon sa tubig at hangin c. Suliranin sa pagpaparami ng suplay ng pagkain b. Deporestasyon d. Pagpepreserba ng mga likas na yaman 46. Ang Asya ay mula sa salitang Asu na nangangahulugang ___________________________ a. Silangan b. kanluran c. Timog silangan d. Hilaga 47. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan. a. Tao b. katutubo c. Hayop d. daigdig 48. Ilang kontinente mayroon ang daigdig? a. 5 b. 6 c. 7 d. 8 49. Sentral kontinental at mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan at maigsi ang tag-init ang katangian ng klima sa rehiyong ito. a. Timog Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya 50. Ano ang pangunahing batayan sa pagsukat ng kahirapan ng isang bansa? a. edukasyon b. ekonomiya c. kalusugan d. pabahay

Pinagtibay ni: ANITA C. DUQUEZ HT-III AP

Inihanda ni: SUNSHINE S. SALALILA

AP Teacher

Key Answer in Araling Asyano VIII

1. b 2. a 3. a 4. b 5. d 6. d 7. a 8. a 9. c 10. d 11. b 12. d 13. b 14. c

26. d 27. c 28. d 29. d 30. d 31. c 32. d 33.d 34. d 35. c 36. d 37. c 38. b 39. a 40. a

15. d 16. b 17. d 18. c 19. a 20. c 21. c 22. a 23. d 24. b 25. a

41. b 42. c 43. b 44. b 45. d 46. a 47. a 48. c 49. b 50. b

You might also like