Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Comment [M1]:

Asignatura: FILIPINO 4 Petsa: Hunyo 6-14, 2013 Paksa: Pagbasa: Saan nagmula ang mgaunang tao? a. Pagtukoy sa Detalye b. Paggamit ng Magagalang na Pananalita c. Pagbuo ng Salita Wika: a. Kahulugan b. Kahalagahan c. Uri

Bilang ng Araw: 6 Sanggunian: Bagong Likha, Wika at Pagbasa 4 pp. 2-14

Mga Layuning Pangnilalaman Malaman kung saan nagmula ang mga unag tao base sa kwento na nabasa. Matukoy ang mahahalagang detalye ng kwentong sinalaysay. Malaman ang mga salitang nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Malaman ang kahulugan, kahalagahan at uri o antas ng wika.

Enduring Understanding: Sa bawat tribo na mayroon ang ating bansa, mayroon karampatan istorya na kanila namang pinaniniwalaan at pinagyayaman patungkol sa pinagmulan ng tao. Ang paggamit na Po, Opo, Ginoo, Ginang, Nanay, Tatay, Ina, Ama, Ate, Kuya at iba pa ay naglalarawan ng paggalang sa bawat isa. Ang Wika ay nagsisilbing tulay sa pagkakaintindihan ng mga tao sa bawat nasyon. Ito rin ang isa sa mga mahahalagang instrument upang pagbuklud-buklorin ang mga tao. Mga Gawaing Pangkarunungan Unang araw Pagbabalik Tanaw Anu-ano ang mga istoryang inyong narinig patungkol sa kung saan nagmula ang mga tao? Ikaw ba ay naninawala na totoo ang kwentong inyong narinig? Sa paanong paraan ito naging tama? Patunayan ang iyong sagot.

Mga Layuning Pangwika: Masagot ang mga tanong patungkol sa kwentong nabasa. Gumawa ng sulatin hinggil sa kwentong nabasa gamit ang mga mahahalagang detalye na nakalap. Bumuo ng pangungusap gamit ang mga magagalang na salita Magsalaysay ng kahalagahan ng wika sa ating bansa. Essential Question/s: Magbigay ng iyong opinyon hinggil sa kwentong napag aralan? Ito ba ay kapinaipaniwala? Kung hindi, saan ka mas naniniwala? Sa istorya nila Ebat Adan o sa iba pa? Paano maipapakita ang Paggalang sa mga nakatatanda? Anu-ano ang mga salita na maaring gamitin uang maipakita ang paggalang sa kapwa? Paano mo nasabi na ang wika ay isa mga salik na nakakaapekto sa ating bansa? Sa paanong paraan ito naging mahalaga?

Comment [M2]: Teacher, para sa layunin gamitin ang panlaping Na at ang unang pantig ng pandiwa ay nauulit. Hal. Natutukoy, Nasasagot, Nakabubuo, Nalalaman

Comment [M3]: Revised your EQ. EU must answer the EQ.

Comment [M4]: Magaling!

Pagbasa ng Istorya. Ikalawang Araw Pagtukoy sa Detalye Pagsasalaysay ng mga mahahalagang detalye base sa istoryang tinalakay sa tulong mga tanong gaya ng mga sumusunod: - Ano ang paniniwala ng matatandang Bisaya tungkol sa unang nanahan sa digdig? - Ano ang nangyari sa isa sa mga kawayang itinanim I Kaptan? - Bakit nais ni Sikalak na magpakasal sila ni Sikabay? - Kani-kanino sila sumangguni? Ano ang payo ng mga ito sa kanila? - Paano dumami ang mga tao sa Visayas? Pagbubod ng istorya base sa mga sagot sa tanong na inilahad. Ikatlong araw Paggamit ng Magagalang na Pananalita Maglalahad ng 2 magkaibang senaryo; ang isa ay ang tipikal na pag-uusap na na hindi nagpapakita ng paggalang sa isat isa, ang isa naman ay senaryo nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Base sa 2 magkaibang senaryo, ang mga estudyante ay magbigigay ng kanilang konklusyon hinggil sa kaibahan ng 2 senaryon. Paglalahad ng mga salitang maaring gamitin upang ipakita ang paggalang sa kapwa. Paggamit ng mga salitang nabanggit sa kanilang sariling pangungusap. Ika-apat na Araw Pagbubuo ng salita Ang klase ay hahatiin sa tatlo. Sa bawat grupo ay may mga salita na ibibigay na kailangan nilang paghiwa-hiwalayin base sa kung paano ito nabuo (Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan). Ang grupo na unang mapaghiwa-hiwalay ang mga salita ng tama at pasama-samahin ang mga ito base sa ganap ay ididiklarang panalo sa laro. Pagsasanay Takdang Aralin - Tukuyin kung ang mga sumusunod sa salita ay Payak, Maylapi, Inuulit oTambalan. Isulat ang sagot katabi ng mga salitang tinutukoy. 1. magpakasal 2. gabi-gabi 3. balikbayan 4. takipsilim 5. araw Ikalima-ikaanim na araw Wika (Kahalagahan, kahulugan at Uri) Ang mga estudyante ay tatanungin ng mga sumusunod: - Anong wika ang sa tingin nyo ang pangunahing ginagamit dito sa ating bansa? - Bakit ba natin kailangan gumamit ng wika? Sa paanong paraan ito nakakatulong sa atin sa ating pangaraw-araw na pamumuhay? Pagsasalaysay ng kahulugan ng wika at ang kahalagahan maging ang uri nito. Pagalahad ng Flow Chart patungkol sa proseso ng komunikasyon at kung paano naging isang malaking salik ang wika sa araw araw na komunikasyon. Paghahalayhay ng Limang Antas ng Wika. Pagsasanay - Tukuyin ang mga salita kung ito ay wikang Pabalbal, Kolokyal, Lalawiganin, Pambansa at

Comment [M5]: Bago ang pagbasa sa kwento ay ang paghawan sa balakid o talasalitaan muna.

Comment [M6]: Teacher, isama mo ito sa day 1.

Comment [M7]: Pagbubuod

Pampanitikan. Pagsulat ng Sulating Pormal - Paksa: Wika- Instrumento ng Komunikasyon

Comment [M8]: Maganda ang paksang ito ngunit hindi kaya masyadong mahirap ito para sa Grade 4?

You might also like