Professional Documents
Culture Documents
Sa Mga Kuko NG Liwanag
Sa Mga Kuko NG Liwanag
NI EDGARDO M. REYES
Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian naman siya sa baon
ni Omeng. Ibinahagi nito ang baong tatlong pritong galunggong at kamatis. Matapos
nilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang namamahinga.
Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay taga- Marinduque, doon siya ay
mangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay pumila
sila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa walang matirahan
si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong konstruksyon site.
Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo. Sa
konstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo. Lumabas
si Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke.
Sa pagkakahatid ni Julio kay Atong. Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng
buhay. Mula sa Bus, bumaba sila sa North Boulevard na patunong Estero Sunog-Apo. Sa
esterong ito nananahan ang ama at kapatid na babae ni Atong. Si Perla kapatid ni Atong
na sumalubong sa kanilang pagdating. Siya ay tumatanggap ng pagantsilyuhing kobre
kama. Samantalng ang ama naman niya ay paralitiko dahil nakipaglaban sa nais
kumamkam ng lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril at
tinamaan sa buto.
Nang malaman ni Julio at ni Pol ang nangyari kay Atong. Napagpasyahan nilang
magtungo sa tahanan nina Atong sa Estero Sunog-Apo. Masikip ang eskinitang kanilang
dinaanan patungo kina Atong, nang marating nila ang barung-barong kumatok sila at
pinagbuksan sila ni Perla. Iniwanan panamantala ni Perla ang gawain niya na
paggagantsilyo. Samantalang nakita nila ang Ama nitong nakahiga at animo’y walang
nakikita. Nagkausap ang tatlo tungkol sa nangyari kay Atong. Bakas pa sa mga mata ni
Perla ang matinding paghihinagpis. Iminungkahi ni Pol na kasuhan ni Perla si Mister
Balajadia ngunit tumanggi ito, dala ng matinding takot. Bago pa man umalis sina Pol at
Atong kina Perla inabutan nila ito ng salapi . Dahil dito kinapos sila ng pamasahe kaya
naglakad nalang sila.
Nagkita si Imo at Julio isang hapon, Nasa Quezon Boulevard siya, nang magkita
sila. Si Imo ay nagyayang makipag-tomaan. Sa isang sosyal na restawran dinala ni Imo si
Julio at umorder ng pulutanng chicken ala king. Nagkakwentuhan sila tungkol sa mga
nangyayari sa buhay nila. Nalaman ni julio na si Perla ay nasa putahan o hindutan sa
Makati na kay Aling Erang. Matapos nilang mag-inuman ay umuwi na sila. Si Julio ay di
makapaniwala. Umuwi siya kina Pol at ibinalita rito ang nalaman tungkol kay Perla.