Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ST.

PAUL UNIVERSITY SURIGAO

Kathang Isip
PROYEKTO SA FIL 102
Celine Rose C. Merto BSECE 1

MIDTERM PROJECT

Nagmahal ako. Minahal niya ako. Pero tadhana na mismo ang nagpasya. Lalabanan ko pa ba?

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

Sa buhay hindi ka makakasiguro na matatapos ang lahat ng Masaya. Hindi ka makakasiguro na lahat ay magiging okay. Minsan, malungkot at minsan nakakamatay. Sa murang edad marami akong naranasan na hindi kapani-paniwala. Dahil ang istorya ng buhay ko ay parang telenobela na puno ng drama. Kahit ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwala na nangyari nga ang lahat ng iyon. Wala pang nakakaalam ng buong kwento kung paano nagsimula at nagtapos ang lahat. Wala akong pinagsabihan kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko sinabi kahit kanino pwera nalang sa mga involve sa storya ng buhay ko. Hindi ko pa kayang sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol doon pero ngayon pipilitin kong ibahagi sa kanila para mabawasan naman ang pinapasan ko. Ako si Celine at ito ang kwento ng buhay ko. Akoy isang ordinaryong babae at hindi ganun kaalindog, pero minahal ako ng isang lalakeng kabaligtad ng kung ano ako. Mayaman siya, may itsura din naman kahit na palagi ko siyang inaasar na pangit, at sobrang bait. Hanggang ngayon napapangiti parin ako kapag naaalala ko pa yung mga panahong magkasama kami pero mismong tadhana na ang nagpasya. Nakilala ko siya sa isang social gathering sa Tagaytay noong Abril 8, ng taong 2005. Sabi ng mga nakakatandang pinsan ko, kababata ko daw siya, pero hindi ko naman maalala kung sino siya. Nung nagsayawan na ang mga tao, naiwan kaming dalawa sa mesa. Nagkwentuhan saglit at nagtawanan dahil sa mga kakornihan nung magsyotang nasa kabilang table. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero, nakakaaliw talaga. Mamayang onti ay nagpaalam siyang pupunta sa restroom. At nung paalis na siya ay siya ring pagtawag sa akin ng tita ko at andyan na daw ang driver sa labas at pinapauwi na ako. Hindi ko na nakuhang magpaalam sa kanya nung hapong iyon, at maniwala ka man o hindi, nakalimutan kong itanong sa kanya ang pangalan niya at ganun din siya. Umuwi na ako sa bahay namin sa Alabang, malaki nga ang bahay pero ako lang naman ang nandoon pati na rin ang tatlong maid at ang dalawang bisaya na driver. Nasa Surigao kasi ang pamilya ko tapos ang iba ko namang mga kamag-anak ay nasa Pampanga, at kung hindi naman ay nasa abroad na. Pagkatapos kong maghanda bago matulog ay di ko maiwasang isipin kung sino talaga siya. Minura-mura ko pa ang sarili ko kasi sa lahat lahat ba naman ng pwedeng kalimutan na itanong ay ang PANGALAN? Hindi ako makatulog ng maayos nun, kaya nagdrawing nalang ako ng kung anu-ano hanggang sa naabutan na ako ng sikat ng araw. Pagkatapos ko namang maligo at magbihis ay dumiretso ako sa kusina at nagluto ng paborito kong breakfast. Hindi ko na inabala yung mga maid kasi ako lang naman ang may alam kung paano lutuin to. Pagkatapos kong magluto ay dumiretso ako sa harap ng bahay at nagtampisaw sa swimming pool. Kung nagtataka kayo kung bakit nasa harapan ang swimming pool, ewan ko din. Kasi nung binili tong bahay na to ay ganito na ang itsura. Alam ko na kung an ong iniisip niyo, Paano nalang kung may magswimming, eh di kitang-kita sa daan? ang sagot ko diyan, hindi naman kasi mataas naman ang bakod. Balik na nga sa kwento, ayun nga nagtampisaw ako dun. Nagisip ako ng ibang bagay gaya nung crush ko na naiwan sa Surigao, at paano niya ako tinreat after niyang malaman ang tungkol dun at nalaman ko nalang din na may gusto din siya sa akin. Naaaliw na ako habang iniisip ko yung tungkol dun, pero nasira yun

Page 2

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

nang biglang may nahulog na piso sa gitna ng pool. Dahil sa nagtaka ako kung paano nahulog ang piso sa gitna ng pool ay tumingala ako sa langit at itinaas ang aking mga kamay na kunwari ay may isinasalo nang may biglang tumawa ng malakas mula sa terrace ng kabilang bahay. Agad-agad kong binaba ang mga kamay ko, at handa nang harapin yung hinayupak na tumatawa. Pero nung paglingon ko sa kanya ay nabigla ako. Siya yung kagabi -- yung lalaking nakausap ko na hindi ko alam ang pangalan. Teka, magkapitbahay kami? Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang mga sinabi niya, Baliw! Anong akala mo? Uulan ng pera? Hahaha. Ang sama mo, hindi ka man lang nagpaalam Celine. Sabay ngiti ng pang-asar. Mas lalo naman akong nabigla nung nabanggit niya ang pangalan ko. Pero hindi ko na pinalampas ang pagkakataong itanong sa kanya ang pangalan niya. At ayun nga sinabi din naman niya kung ano pangalan niya. Cedric Villanueva po. Oi, Celine punta ako dyan ha? Nabitin ako kagabi eh. Nagnod lang naman ako sa kanya. At least naman nagkaroon ako ng kaibigan ditto na hindi lang pera ko ang habol. Buong umaga nagkwentuhan lang kami pero kinakailangan kong umalis kasi may usapan kami ng mga pinsan ko na magkita-kita sa MOA. Simula nun, naging close kami. Sinasama niya ako sa mga gig nila ng mga kabanda niya. Hindi ko din naman aakalain na magaling pala siyang kumanta. Nung malapit nang matapos ang bakasyon ay kinakailangan ko nang umuwi ng Surigao para mag-aral. Nung sumama siya sa paghatid sa akin sa airport ay pinagtapat niya sa akin yung nararamdaman daw niya. At eto naman si ako, kinilig kaya walang masabi. Tinanong niya kung pwede ba daw siya manligaw. Pero umapila ako, duh?! Paano siya manliligaw ng maayos kung nandito siya at ako naman ay nasa Surigao. Nabasa niya yata ang nagtataka kong mukha, kaya bigla niyang sinabi: Dont worry I have my own ways. At kahit na tumanggi ka man ngayon, liligawan parin kita. Sa ayaw at sa gusto mo. Hindi na ako nakasagot nun kasi tinulak-tulak na niya ako papasok sa entrance ng airport. Sige na at baka malate ka pa sa flight mo. Nagpaalam na ako sa kanya nun at nagcheck-in na ng baggage ko. Nagsimula na ang klase nun, kahit anong pag-aaral na gawin ko ay hindi ko talaga maiwasang isipin siya. Medyo naeexcite kung ano man ang balak niya, at medyo natatakot din. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinisita na ako ng mga kabarkada ko kasi daw para raw may thumbtacks yung inuupuan ko dahil ang likot likot ko. Kaya tumigil din naman ako. Pagkaraan ng ilang araw, ay bigla siyang tumawag sa cellphone ko. Ngayon lang ulit siya nagparamdam simula nung umalis ako ng Maynila. Tinanong niya kung nasaan ako, sinabi ko namang nasa school. Nagalit pa ako nun kasi bigla niyang binaba yung telepono. Ikaw ba naman ang ganunin, hindi ka ba magagalit? Pero nabigla nalang ako nung may nagpark na van ng Gateway Hotel sa aking harapan. Nawala lahat ng galit ko nung nakita ko siyang nakangiting pababa ng sasakyan daladala ang isang bouquet ng blue roses. Ang alam ko genetically blue roses dont exist. Yun ang una kong sinabi sa kanya pagkatapos niyang iabot yung mga rosas sa akin. Nothing is impossible kapag ako ang manliligaw mo. Yun lang din naman ang isinagot niya sa akin. Niyaya niya akong kumain sa labas pagkatapos nung paglalahad kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng blue roses.

Page 3

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

Sinagad na niya ang panliligaw niya sa akin habang andito siya sa Surigao. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya pumapasok sa eskwelahan. Ang sabi lang naman niya ay my private tutor daw siya at hindi na daw niya kailangang pumasok sa school. Kaya hindi ko na siya muling tinanong tungkol doon. Pagkaraan ng ilang linggo ay kinakailangan na niyang bumalik sa Maynila kasi dumating daw ang Papa niya galing States. Bago siya umalis ay nagkita muna kami, at nung gabing iyon din ay sinagot ko siya. Naging kami at nagkaroon kami ng long distance relationship. Hindi naman siya masyadong mahirap. Paminsan-minsan ay pupunta siya kung nasaan ako at magsestay ng isang linggo. At nung naopen na ang airport dito sa Surigao ay nagsestay siya ng dalawang araw at minsan naman ay overnight lang. At kapag summer naman ay ako ang pupunta sa Maynila. Naging maayos naman ang daloy ng relasyon namin. Maraming masasayang pangyayari ang hinding-hindi ko malilimutan. Akala ko nga magtatagal pa kami. Pero nagkamali ako. Hulyo ng taong 2009 nang biglang umeksena ang papa niya. Pinasundo ako ng ama niya at gusto raw akong makausap. Gusto daw niyang makipaghiwalay ako kay Cedric dahil hinding-hindi daw yun magagawa ni Cedric sa akin. Siyempre naman at nagdahilan ako sa kanya. Mahinahon pa ako nun, pero dahil sa mga masasakit na salita na kanyang binabato sa akin ay hindi ko na mapigilang makipagsagutan sa kanya. At dahil nga sa pagkawalang respeto ay tinakot niya ako. Sinabi niyang kaya niyang ibagsak ang kumpanya ng lolo ko, at pwede din niyang ipapatay ang mga mahal ko sa buhay. Natahimik ako, yumuko at pumayag na din sa kagustuhan niya. Umuwi akong talunan. Gusto kong umiyak pero walang tumulo na luha. Naramdaman kong ang dami kong pinapasan nun. Idagdag mo pa ang nakakairitang plates sa isang subject namin. Kinabukasan ay umuwi na ako sa Surigao. Hinintay kong dumating ang 4 th anniversary naming dalawa. Inenjoy ko ang mga huling saglit na makakasama ko siya. At nung lumampas na ang kamay sa alas dose ay saka ko siya binreak. Hindi ko na sinabi kung bakit, at hindi ko na rin hinayaang magsalita pa siya. Tumakbo na ako palayo. Alam kong hindi na niya ako maaabutan nung lumiko ako sa isang madilim na kanto. Pinagpatuloy ko ang pagtatakbo, at nung napagod na ako ay naglakad nalang ako. Hindi ko na alam kung nasaan na ako, pero buti nalang at walang ilaw nun sa dinadaanan ko kasi sa mga oras na yun ay umiiyak na ako. Unti-unti ko na ring naramdaman ang takot kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagtext. At nung may nagreply ay pinagpatuloy kong aliwin ang sarili ko habang hinahanap ang daan pabalik sa sibilisasyon. Naaalala ko pa na nakwento ko sa katext ko kung nasaan na ako isang lugar na madilim, lubak-lubak ang daan, at walang katao-tao at pilit ko namang itinatanong sa katext ko kung nasaang lupalop na ako ng Surigao. At ang kawawang katext ay walang maayos na maisagot sa akin. Napatawa nalang ako sa sarili ko nun at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Sa awa naman ng Diyos ay nahanap ko rin ang tamang daan, nasa Kaskag na pala ako nun. Sumakay na ako kaagad sa unang tricycle na nakita ko. Huling balita ko kay Cedric ay ipinadala siya sa Amerika ng papa niya at engage na siya sa anak nung may-ari ng sister company ng kanilang kumpanya. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita. Napupuno parin ang inbox ko sa yahoo ng mga

Page 4

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

messages niya na hindi ko naman nirereplayan. Hanggang ngayoy nandoon parin yun, pero hindi ko na ginagamit yung e-mail add na iyon. Pinilit kong kalimutan siya. Arawaraw pinipilit ko ring pangitiin ang sarili ko para naman hindi magtaka ang mga sira kong mga katropa. Inaamin kong sa mga panahong iyon ay mahal ko parin siya. Pero pinilit ko talagang mabuhay ng walang text niya sa umaga, at tawag niya sa tanghali at sa gabi. Binuhos ko ang lahat ng panahon ko sa barkada, lakwatsa ditto, lakwatsa doon. Tapos sa gabi naman ay nagbabasa ng libro para hindi ko na siya maisip pa. Pagkaraan ng dalawang buwan, muli siyang nagpakita. Hindi niya pinalipas ang pagkakataong ito at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Matagal din kaming ganun. Niisa sa amin ay walang nagsalita. Nung mga panahong pilit kong kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya ay nabalewala lang. Nanumbalik ang lahat sa isang yakap lang. Nag-usap kaming dalawa nun. Nalaman niya ang ginawa ng papa niya kaya alam na niya ang tunay na dahilan kung bakit ako nakipagbreak sa kanya. Gusto niyang makipagbalikan pero sinabi kong ayaw ko na, mas maganda yung bumalik na siya kung saan siya nararapat para iwas gulo na rin at total nalinaw na rin naman ang dapat linawin. Ngunit nagmatigas siya, maghihintay daw siya kahit matagal. Pero hindi rin nagtagal ay nakinig siya sa akin at bumalik sa Maynila. Sembreak nun nung muli kaming nagkita, pero sa pagkakataong ito ay wala akong makitang bakas ng nakaraan. Parang nakapagmove-on na kaming dalawa. Nagyaya siya noon magisland hopping kaya sumama ako. Kaming dalawa lang pati yung mga alalay niya. Nung nasa Basul kami, sumakay kami ng floating cottage. Naalala ko pa dati na sinisid niya ang dagat para kumuha ng starfish. At sa buong biyahe namin sa ibat ibang isla ay nagtetext-text lang ako pero siyempre naman ay kinakausap ko siya kapag kinakausap niya rin ako. Hindi ko rin malimutan yung pinilit ko siyang kumuha ng lobster dahil makulit yung isa kong kaibigan, gusto daw niya ng lobster. Pero nang dahil dun ay malapit na siya malunod kaya tumahimik nalang ako. Kinabukasan ay umuwi na siya ng Maynila. Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pagkikita. Yun na ang huling pagkakataon para Makita ko ang mga mata niyang kumikislap sa tuwing ngumingiti siya. Hindi ko rin alam na hinding-hindi ko na siya makikita pa pagkatapos ng araw na yun. Nakaraan na ang ilang buwan, Pebrero nang muli siyang nagparamdam. Tumawag siya sa akin. Kinumusta ako. Napangiti ako, naaalala pa pala niya ako. Mahal pa daw niya ako hanggang ngayon. Gusto ko rin sanang sabihin sa kanya na mahal ko pa din siya, pero natakot ako. Natakot ako at baka may humadlang nanaman. Pero kapag hindi ko naman sinabi sa kanya, baka ito na talaga ang huli naming pag-uusap. Sasabihin ko na sana nang, Sh*t! may siraulong driver na humahabol sa red light. Nag-alala ako bigla, pinagpawisan ako ng malamig. Teka Ced, nagdadrive ka? Mamaya nalang tayo mag-usap. Nanginginig na ako, parang may mangyaya ring hindi ko alam. Celine, I Biglang naputol ang linya. Alam kong ang bata ko pa para magmahal ng ganito. Alam kong mali kasi hindi pa ito ang tamang panahon. Buong magdamag ay hindi ako makatulog. Pilit kong tinatawagan ang cell phone niya pero palaging out of coverage area. Nagpaload pa talaga ako para itext siya.

Page 5

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

Sumikat nalang ang araw ay hindi parin pumipikit ang mga mata ko. Ang alam ko lang ay naiiyak na ako. Para na akong sira na nakatutok sa cell phone ko. Hinintay ko ang reply niya. Hinintay ko ang tawag niya. Inabot na ako ng tanghali kakahintay pero wala parin. Hindi ako lumabas ng kwarto. Nagdahilan nalang ako sa mga magulang ko para manatili nalang ako ditto at hintayin ang tawag niya. Naghintay ako kahit inabot na ako ng kinabukasan. May pasok na. Kahit labag man sa kalooban ko ay lumabas ako ng bahay, dala dala ang cellphone na naka vibrate mode. Hanggang sa klase ay sinusulyapan ko parin ang cellphone ko. Natutuwa kung biglang magvibrate pero nababadtrip pag tingin ko ay hindi naman pala siya. Nag-alala na talaga ako ng husto. Isang linggo na ang nakaraan. Tinetext ko parin siya. Kinukumusta, kung ok lang ba siya. Tinatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpaparamdaman. Kasalukuyan ko siyang tinetext nang may tumawag sa akin. Unknown number. Sinagot ko. Hindi ko alam na sa oras na sagutin ko ang tawag ay magbabago ang lahat. Magbabago ang aking pananaw, nararamdaman, lahat-lahat. Celine, si Angie to. Ate niya. Oh ate? Kumusta? Si Cedric nga pala? Biglang tumahimik ang kabilang linya. Magsasalita na sana ako nang narinig kong humikbi si Ate Angie. Nanumbalik lahat ng naramdaman ko nung huli kong nakausap si Cedric. Kinabahan ako bigla. Naiiyak nanaman ako, parang alam ko na kung anong nangyari. Wala na siya. Last week pa. Car accident. Ayaw kang ipatawag ni papa, dahil na giguilty daw siya. Celine, Im really sorry Binaba ko na ang tawag. Ako ang may kasalanan kung bakit ganun. Ako ang huli niyang nakausap. Ako ang dahilan. Hindi ko alam kung gumagana pa ba ang utak ko sa mga sandaling iyon. Nanghihina ako at patuloy na humina ang kanina pang mabilis na pagtibok ng puso ko. Humina siya nang humina hanggang sa nawalan ako ng malay. Pag-gising ko, nasa ospital na ako. Binabantayan ako ni mommy, ni daddy. Naiiyak nanaman ako. Naalala ko yung nalaman ko kagabi. Hindi nila alam ang tungkol dun, at wala akong balak na sabihin ang tungkol dun. Napagpasiyahan kong hindi ipagsasabi ang lahat ng nangyayari sa akin. Huwebes ngayon at may pasok. Pinilit ko ang doctor na palabasin na ako ng ospital kahit hindi ko pa kaya. Nagdahilan nalang ako na may pasulit kami sa physics at kailangan kong makarating sa skul kahit na alanganin na at 15 minutes late na ako. Kahit labag sa kalooban ng doctor ay pinayagan niya ako. Pumasok ako sa skul na parang walang nangyari. Nagpakitang Masaya sa lahat, nginingitian ko ang bawat makasalubong ko. Hindi masyadong nakipag-usap sa mga kaibigan kasi baka bigla nalang akong maiyak. Pinagpatuloy ko ang buhay, kahit mahirap. Hanggang ngayon naaalala ko parin siya at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano siya palitan. Wala nang makakahigit sa kanya. Mukha man akong Masaya ngayon, pero kung tititigan mo lang nang mabuti ang mga mata ko, makikita mo kung ano talaga ang nararamdaman ko. Wala na siya, pati ang tunay na kasiyahan ko, nawala na rin. Akoy nagmahal at minahal. Nagsakripisyo at Nagtiis. Naging Masaya at nagging malungkot. Kinilig ng lubusan at nangulila. Pinilit ang sarili na kalimutan ang

Page 6

Kathang Isip MIDTERM PROJECT

lahat. Kinumbinsi ang saril na ang buhay ko ay parang K.I lang. Siya ang buhay ko. At SIYA ay parang isang KATHANG ISIP lamang.

Page 7

You might also like