Filipino III (Talambuhay Ni Rizal) I Made It

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Angelika Joy R. Paragas TALAMBUHAY NI DR.

JOSE RIZAL:

III- Antoine Becquerel

Ang Dakilang Henyo ng Lahing Malayo Bayani, ito ang ating unang maiisip kapag ating narinig ang pangalang Jose Rizal. Marami na sa atin ang nakakaalam na siya ay isang bayani simula pa lamang nang tayo ay pumasok sa paaralan. Nakakalungkot mang sabihin dahil marami sa atin ang nalalaman lamang sa kanya ay isang bayani ngunit hindi naman alam ang kanyang pagkatao ang kanyang mga pinagdaanan at mga ginawa para sa ating bayan bago siya itinuring na pambansang bayani ng ating bansa. Hindi lamang isang bayani ang ating maaaring mailarawan kay Jose Rizal, siya rin ay isang dakilang henyo ng ating lahi. Dahil simula pa lamang ng kanyang pagkabata ay nagpakita na siya ng kanyang hilig sa pag-aaral, na nagbigay-daan upang malinang ang kanyang angking talino at mga talento. Pero, bakit siya naging isang dakilang henyo? Dahil ginamit niya ang kanyang talino sa mabuting paraanupang ipamulat sa isipan nating mga Pilipino ang kalupitan at walang-awang pagtrato ng mga Kastila sa atin, sa pamamagitan ng pagsulat sa anyong nobela. Kung hindi niya isinulat ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, siguro hanggang ngayon ay sakop at naghihirap pa rin tayo sa mga kamay ng Kastila. Mahalagang malaman nating mga Pilipino ang talambuhay ng ating pambansang bayani sapagkat ito ay paggalang at pagbibigay ng papuri sa kanyang mga nagawa para sa ating bayan. Maaaring sa ating pag-alam sa kanyang talambuhay ay siyay magsilbing isang inspirasyon sa atin na sundan at isabuhay ang kanyang mga yapak. Marami pang ipang dahilan kung bakit kailangan nating alamin ang kanyang buhay, kaya halina! At atin itong simulan. Si Jose Rizal ay isinilang noong ika-18 ng Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ay isang biyayang ibinigay sa mag-asawang Francisco Mercado at Teodora Alonzo. At kanilang naisipang pangalanan itong Jose Protacio bilang karangalan sa mga patron nina San Jose (patron ng mga manggagawa at ama sa lupa ni Hesukristo) at San Protacio (isang martir at isinasagawa ang kapistahan nito tuwing ika-19 ng Hunyo). Ang kanyang tunay na pangalan ay Jose Protacio Alonzo Mercado, pero bakit ang kanyang apelyido ay naging Rizal? Ito ang kanyang pansamantalang ginamit bilang kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo noong kabibitay pa lamang ng Gomburza, sa dahilang ang kanyang kapatid na si Paciano ay konektado kay Padre Burgos. Si Rizal ang ikapito sa labing-isang magkakapatid. Tanging si Paciano lamang ang lalaking kapatid ni Rizal dahil siyam sa kanila ay pawing mga babae. Ang kanyang mga kapatid ay sina: Saturnina, Paciano (ang tumustos ng pag-aaral ni Rizal sa Europa at naging hukbo ng Rebolusyong Pilipino), Narcisa (ang ginamit niya na pangalan na isa sa mga pangunahing karakter ng kanyang nobelang Noli Me Tangere), Olympia (namatay sa labing-tatlong oras na

panganganak), Lucia, Maria, Concepcion (ang kasunod ni Jose at namatay sa sakit sa edad na tatlong taong gulang), Josefa (naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan), Trinidad (tinuruan ni Rizal ng Ingles at ang kanyang pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng tula na Mi Ultimo Adios), at si Soledad. Ang ina ni Rizal ang kanyang naging unang guro na nagturo sa kanya ng alpabeto ng Kastila (abecedario), pagdarasal sa Latin at pagbabasa. Isang mabait at mapagmahal na bata si Rizal sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Mahilig din siyang makipaglaro sa kanyang kapatid na si Concepcion (Concha) noon hanggang sa nagkaroon ito ng malalang sakit na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa edad na tatlong taong gulang. Pero hindi ito ang nagpatigil kay Rizal upang mawalan ng pag-asa sa buhay. Siya ay nag-aral ng mabuti at sa edad na walong taong gulang ay nakapagsulat ng isang tulang may pamagat na Sa Aking mga Kabata. Ito ay nakasulat sa wikang Tagalog na tungkol sa pagmamahal ng isang tao sa kanyang sariling wika. Noong Hunyo 1896, siya ay pumasok sa elementary sa paaralan ng Binan, Laguna. Siya ay inaaway ng kanyang mga kaklase dahil sa magaling siya sa kanilang klase. Pagdating ng highschool, si Rizal ay nagpasyang mag-aral sa Ateneo. Hindi siya tinanggap dito dahil sa siyay huli sa patalaan at maliit pa para sa kanyang edad. Hindi rin si ya nakapasa sa pagsusulit sa Ateneo pero nakapasok dito dahil sa kakilalang Jesuits at si Padre Burgos. Si Rizal ay masipag sa pag-aaral at sa kanyang pagtatapos sa Ateneo ay nagtamo siya ng sobreseliante o mataas na marka sa lahat ng kanyang asignatura. Siya rin ay nakatanggap ng diplomang Bachiller en Artes na katumbas ng highscool diploma ngayon. Noong Abril 1877, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST), na pinapatakbo ng mga Dominikano, para magkolehiyo. Kumuha siya ng Pilosopiya at Letra sa kanyang unang taon, batay sa kagustuhan ng kanyang ama. Lumipat siya sa medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramonisang rektor ng Ateneo. Noong 1979, siya ay nagwagi ng unang gantimpla sa kanyang tula na A la Juventud Filipina o Sa Kabataang Pilipino, na binigyang-diin na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Nong 1882, siya ay nagpasyang mag-aral sa ibang bansa sahil di-gaanong mahusay ang pagtutura sa UST noon. Minamaliit din ng mga Dominikano ang mga Pilipino, at galit sila sa kanya dahil sa pagtatatag ng isang kapatiran na Campanerismo. At dahil sa kagustuhang gamutin ang mata ng kanyang ina. Noong Mayo 1882, siya ay naglakbay papuntang Europa mula sa Maynila. Dumating sa Espanya noong Hunyo 1882. Una niyang sinulat sa Europa ang sanaysay na Amor Patrio o Pagibig sa Bayan sa sagisag na Laong Laan (matagal nang inalay) na isinalin sa wikang Tagalog ni Marcelo H. Del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores Manapat. Ito rin ay unang lumabas sa Dyaryong Tagalog, ang unang dyaryo sa wikang Tagalong ng Pilipinas.

Siya rin ang nagtalumpati ng nanalo sina Juan Luna at Felix-Resureccion Hidalgo, na nagwagi sa Pambansang Eksposisyon sa Sining ng Espanya para sa kanilang ipininta na La Spolarium at Virgenes Expuestas Al Populacho, na tumuligsa sa masamang pamamahala ng Kastila sa Pilipinas. Noong 1885, siya ay nagpunta sa Paris, France upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert, na naging bahagi ng La Solidaridad (dyaryo ng Kilusang Propaganda). Noong 1887, natapos ang paglimbag ng Noli Me Tangere sa Alemanya ,Germany. Siya at pinautang ni Maximo Viola na kaibigan niang taga-San Miguel, Bulacan, para sa pagpapalimbag ng unang dalawang libong sipi ng nobela. Bago umuwi ng Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipno sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola. Sa kanyang unang pagbabalik sa Pilipinas ay naging isa siyang manggagamot sa pangalang Dr. Ulliman. Siya ay naging makatarungan sa paniningil sa kanyang mga pasyente dahil ito ay depende sa kanilang katayuan o status. Maraming tumuligsang prayle sa nobelang Noli Me Tangere ng lumabas ang nobela dahil sa mapanuligsa nitong teksto sa masamang pamamahala ng Kastila. Dahil dito, siya ay binigyan ng mga gwardya ni Jose Taviel de Andrade upang masigurado ang kanyang kaligtasan. Sumulat din ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na pinamagatang Caiingat Kayo o Mag-ingat kayo, kung saan pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang nobela ni Rizal sapagkat ito ay supersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan). Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos at makapagsulat dahil mahirap tumira sa Pilipinas sapagkat matraming bumatikos sa kanyang sinulat at malakas ang mga impluwensya ng mga prayle. Siya ay naglakbay muli sa ibang bansa at pumunta sa bansang Hong Kong, kung saan siya ay pumasyal sa mga Pilipinong naninirahan doon at nakilala si Jose Maria Basa na tumulong sa kanya upang maipuslit ang mga kopya ng Noli Me Tangere. Nagpunta din siya sa Japan pagkatapos ay dumiretso sa Estados Unidos. Siya ay nabiktima dito ng diskriminasyon na ayon kay Rizal ay, Bansang Malaya ngunit para lamang sa mga puti. Kaya naisipang pumunta sa Belgium. Sa Ghent, Belgium nailimbag ang El Filibusterismo, ang karugtong ng Noli Me Tangere. Ito ay inalay niya sa tatlong paring martir o mas kilala sa ngalang Gomburza. Ipinautang siya ni Valentin Ventura upang itoy maipalimbag. Naisipan niyang bumalik sa Pilipinas upang: mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda kung saan nag-away sila noon sa Europa kung sino ang karapat-dapat na maging pangulo ng kilusan, kausapin si Despujol para alamin ang mga pagbabago sa mga pasya nito, at upang itatag ang La Liga Filipina o Ang Liga ng mga Pilipino sa Pilipinas.

Nang bumalik si Rizal sa Pilipinas ay itinatag niya ang La Liga Filipina noong ika-2 ng Hulyo 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco sa Tondo, Maynila. Ang La Liga Filipina ay isang samahang sibiko para sa mga Pilipino na ang layunin ay magsulong ng reporma sa Pilipinas. Si Andres Bonifacio ay orihinal na kasapi ng samahang ito. Noong Hulyo 7 1982, limang araw bago itatag ang La Liga Filipina, siya ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga dahil may nakuhang sipi ng Pobres Frailes (isang babasahing kontra sa Simbahan) sa unan ng kanyang kapatid na si Lucia at ang pag-aalay ni Rizal ng El Filibusterismo sa Gomburza na laban sa simbahan. Sa Dapitan niya nakilala ang kanyang asawa na si Josephine Bracken na nag-alaga sa kanya. Sila rin ay nagkaroon ng anak ngunit namatay dahil sa pangangak. Noong Disyembre 11 1896, ay binasahan siya ng sakdal ng mga ikinaso sa kanya: ang sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa, rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan, at ang pagtatatag ng diumanoy lihim na samahan ng La Liga Filipina. Dumipensa si Rizal sa kanyang abogado na mali at walang batayan ang mga ikinaso sa kanya. Sinabi ni Rizal na wala siyang kinalaman sa pag-aalsa ng Katipunan, dahil tutol siya sa rebolusyon, kung saan siya ay nagpalabas ng mga manipesto upang patunayan ito ngunit walang nangyari. Hindi rin daw supersibo ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito itinago ni Rizal sa kaninuman at ang layunin lamang niya ay isiwalat ang katotohanan. At lalong hindi daw lihim ang La Liga Filipina dahil alam ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawa itong mali sa batas sapagkat humihingi lamang ito ng mga reporma. Walang nangyari sa mga depensa ni Rizal dahil sa pagbabaligtad at pagtratraydor sa kanya ng dati niyang kasamahan na si Dr. Pio Valenzuela. Maraming prayle ang galit nag alit kay Rizal dahil sa kanyang pagsisiwalat ng baho ng simbahan, kaya idiniin nila ito kahit na siyay inosente. Noong Disyembre 29 1896, isinulat ni Rizal ang kanyang huling tula na pinamagatang Mi Ultimo Adios o Ang Huling Paalam. Ibinigay niya ito sa kanyang kapatid na si Paciano sa loob ng lamparang kanyang ginagamit upang mabasa ito ng kanyang pamilya at ipahayag ang kanyang pamamaalam sa mga Pilipino. Noong Disyembre 30 1896, siya ay binaril sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta), habang sumisikat ang araw sa silangan na ang ibig sabihin ay hindi na niya makikita ang paglaya ng Pilipinas. Dahil sa kanyang mga ginawa, itinuring siya na isa sa mga nagmulat sa sambayanan upang sa huli ay mag-alsa ang mga Pilipino sa kanilang pagkakaalipin.

You might also like