Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bully! Lagot Ka Kay Lolo!

Break! Para! Sa lugar lang iho! Bababa na ako! Naku! Hindi po puwede, Lolo! May No Parking signage kaya bawal! Anong bawal-bawal eh, senior citizen na to! Puwede akong bumaba kahit saan! Ang layo na nito sa gusto kong babaan Hmmph! Kayo talagang mga drayber! Ang titigas ng mga ulo niyo! Lolo, tama na po. Pinagtitinginan na tayo ng mga pasahero. Dyahe naman Hayaan mo sila, Sarah, apo. Kailangan matuto sila ng leksyon. Iyan si lolo! Disciplinado, istrikto, masungit! Pero sa pinakapaborito niyang apo, super bait! Habang naglalakad Sobrang init na talaga ngayon, apo, anoh? Oo nga lolo. Narinig ko nga sa Balita sa Panahon kaninang umaga, 38.3 C ang temperatura para sa araw na ito. Dont worry apo! Kakain tayo ng halo-halo. Ayan, malapit na tayo sa Chow Queen. Ahhh Magpalamig muna tayo, apo. Sige lolo! Hehe. Eto ang maganda kay Lolo Pisko, pagdating sa pera, galante siya. Marami kasi ang pera niya sa bangko, noon daw kasi, nagagabok lang ang pera niya sa bahay. Pero ngayon, iba na, kaya kailangan niyang gastusin ito habang alive and kicking pa siya. At ako, ang paborito niyang apo, ang nag-i-enjoy! Habang umoorder, kailangang pumila, di ba? Pero si lolo, astig! Ineng, medyo usog-usog lang ng konti at mauuna ang senior citizen. Ito ang ID ko oh! 72 years old na ako! Ummm Fine Lolo. Ano po ang order niyo, Sir? Ah Eh dalawang order ng super halo-halo with three scoops of ice cream! Ingles yon ah! Magaling diyan si Lolo! Hanep pa ang diction! Kumpleto pa kasi ang ngipin at may braces pa. Paano kasi, sandamakmak ang pera kay pati porma, bongga din! Gayahin ba naman si Daniel Padilla. Pagkatapos kumain Hayyy Busog na busog na ako, apo! Ako rin, Lolo. Salamat po dito sa tatlong Jumbo Siopao na binili ninyo. Sabihin mo lang kung ano pa ang gusto mo at bibilhin natin! Wag na po, Lolo. Sobra-sobra na. Atsaka, nabili na lahat ng gamit ko ni Mommy! Ah eh, ganun? Ah sige, magtaxi na lang tayo papuntang dorm ninyo. Ang hirap kasi magpapara ng dyipni. Buti pa noong araw, noong karosa pa lang ang sinasakyan namin. Paghila mo ng lubid, titigil kaagad ang kalabaw! Oh! Heto na pala ang taxi. Sakay na apo at dito lang ako sa front seat.

Pagdating sa dorm Ang dami nating dala, Lolo. Bumili ka pa kasi ng microwave oven eh hindi naman masyadong kailangan. Dapat meron ka niyan apo kasi lagi ka na lang busy sa iskul at Phil. Sci. pa yata tong iskul ng apo kaya dapat sosy! Atsaka, gusto kong hindi ka mahirapan para mabilis lang ang pagluto ng almusal sa umaga. Sa kantina po ako kumakain, Lolo. Ah basta! At least, kung feel mong magluto, meron ka. Kung gustong mong mainit o initin ang pagkain, mabilis lang. Mahal po ang kuryente, Lolo. Ako, ang magbabayad, apo! Naks! Wala talaga akong magagawa. Kung ano ang gusto ni Lolo, masusunod! Kapag hindi, basi magsunggod. Oh. Okey ka na dito sa dorm, apo? Aalis na ako. Pinahintay ko lang ang taxi sa labas. Sige po, Lolo! Tenk you! Babay! Kinaumagahan Sarah! Sarah! Narinig mo na ba yung balita kagabi sa TV? Hindi Yhel, eh, bakit? Anong nangyari? May babae na binully sa loob ng isang comfort room sa loob ng isang iskul. Kawawa talaga. Sinabunutan, sinampal, at iniuntog ang mukha sa salamin. Pagkatapos ay tinadyakan at iningudngud ang mukha sa sahig! Totoo ba yan, Yhel? Oo, Sarah! Kitang-kita sa CCTV camera! Eh, kumusta, buhay pa ba yung biktima? Siyempre naman. Yung nga lang bugbog-sarado siya! Di ba krimen yun? Eh yung bully, nahuli ba? Hindi nabanggit sa balita eh. Huh? Teka May kumakatok. Pagbukas Apo! Kumusta ka dito? Lolo, bumalik ka agad-agad? Oo apo. Pero magmula ngayon, gugwardiyahan na kita laban sa mga bully. Nag-aral kaya ako ng wushu, taekwondo at kick boxing! Ah Eh Bully Tsk Lagot ka!

You might also like