Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dapitan RIZAL Dapitan..

Ako bay dapat magmukmok Dahil tinapon sa sulok Palulunod sa hinagpis Sa lungkot na labis-labis KORO Dapitan.. May ilawan sa iyong isip Sindihan mot maaalis Pangungulila sa lamig Mga gabi na ligalig Dapitan.. Dapitan.. Dapitan.. Sa dibdib moy may tahanan Ligayang mauuwian Kung mapadpad kahit saan Kahit saan maparaan RIZAL Dapitan.. Itatanim sa damdamin Sa puso koy maghahardin Araw-araw pipitasin Ang iyong ganda Dapitan.. Ang iyong buwan at bituin Gabi-gabi kwikwintasin Alahas na magniningning Sa aking mata KORO Dapitan.. RIZAL Pinagtapunan kong Eden KORO Dapitan..

RIZAL Kalungin mot patahanin KORO Dapitan.. RIZAL Kapayapaan moy Ikumot mo sa akin KORO Dapitan.. RIZAL Kapayapaan moy Ikumot mo sa akin Karaniwang Araw TAGA-DAPITAN Kahit inaantok Tama nang pahinga At ang mga manok Ay tumilaok na Umigkas, umigtad Lumikwas, lumiyad Humatsing, humikab Kahit nangangatog Mag-inat ng braso Sa ginaw ng hamog Magbanat ng buto Magkamot ng kati Uminom ng kape Tapos na ang gabi Isa na namang karaniwang araw Ng mga karaniwang mortal nitong mundo Isa pa uling karaniwang araw Dito sa munting matadhanang pulo RIZAL Magtayo ng poso At ng paaralan Tumaya sa lotto

At manalo minsan Bumili ng lupa Magtanim, kumita At magkawanggawa Maglibot, mangalap Mag-ikot, tumuklas Ng mga halamat Hayop na likas Makipagsulatan Makitunggalian Sa mga kalaban Isa na namang karaniwang araw Ng isang karaniwang mortal nitong mundo Apat na taong karaniwang araw Dito sa mundong bilangguang pulo TAGA-DAPITAN Mag-alaga ng bata Linis, saing, laba Mangisda, magsaka At magpaka-ama Magmano sa pari Mag-abuloy onti Para di mabigti Kunin ang gitara Umakyat ng ligaw Pag nakainom na Kumanta, sumayaw Hanggang sa antukin Ang Diyos ay purihin At nakaraos din.. Sa isa na namang karaniwang araw Ng mga karaniwang mortal nitong mundo Isa pa uling karaniwang araw Dito sa munting matadhanang pulo

RIZAL Gumawa ng gusaling

Matutuluyan Ng mga panauhing Galing kung saan Ngunit mayat maya Ay magpapakita Sa punong kastila Lumikha ng tula, Magsulat, magbasa Gumawa ng tala Manggamot ng mata Magluksa, magdusa Malamang patay na Ang Leonor kong sinta Isa na namang karaniwang araw Ng isang karaniwang mortal nitong mundo Apat na taong karaniwang araw Dito sa mundong bilangguang pulo TAGA-DAPITAN Minsay may dumating Dayuhang pasyenteng May kasamang dilag Maganda, marilag At hindi nagtagal Siya ay napamahal Sumigla si Rizal! Estranghera sa Munting Pulo RIZAL Di ka kilala ngunit kakilala Dito sa dibdib di ka estranghera Kahit na ngayon lang tayo nagkita Sa aking mata ay di ka banyaga Parang noon pa minahal ka na Nasa langit pa iniibig na kita

Estranghera, Estranghera Ano ba ang iyong pinadarama JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo Na kaylayu-layo Dito pala naghihintay Ang katambal na puso Dito pala sa munting pulo Sa sulok ng daigdig Dito pala nagtatago Ang mailap na pag-ibig Dito pala matatagpuan Ang munting tahanan Ng lagi nang bilog na buwan At araw na walang hanggan Dito pala humahapon Dito pala naroroon Paruparong nagtitipon Naglalarong mga ibon RIZAL Tubig na tahimik ay iyong natinag Puso kong tulog napukaw ng liwanag Tabing na sagabal iyong hinawi Lumang panaginip kinalag ang tali May kung anong himig na naririnig Kay timyas na huni buhat sa dibdib TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Dito pala humahapon TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Dito pala naroroon

TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Paruparong nagtitipon TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Naglalarong mga ibon TAGA-DAPITAN Dito sa aming munting pulo RIZAL/JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo Sa silong ng ulap Dito pala mayayakap Ang mga pangarap RIZAL/JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito sa dulo ng dagat TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito pala makatatagpo TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Ng pagsingtang tapat GROUP 10 Alcober Maralit Tan

TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghera Ano ba ang iyong dala-dala

You might also like