Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mula Barangay Ginebra patungong San Simon (Rebyu ng Basurero ng Luneta ni Gary Granada) Una kong nakilala ang

mga awitin ni Gary Granada sa mainstream. Natatandaan ko pa noong manalo ang kanyang kantang Mabuti Pa Sila sa Metropop contest, kung hindi ako nagkakamali. Natawa ako sa linya ng isang karakter na hindi makahanap ng pag-ibig: Pigilan nyo akong magpatiwakal/ Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal? Pero nung mag-kolehiyo ako, nalaman ko na malalim pala ang pinag-uugatan ni Gary, bilang isa sa mga musikerong umaawit ng mga kantang may mga kasamang komentaryo sa kalagayan ng bansa at ng lipunanat ng buhay. Doon ko nalaman ang iba niya pang mga kanta, katulad ng Bahay, Dam, Paano Mahalin, at iba paat akoy nagpasalamat. Ngayon ay kakalabas lamang ng kanyang bagong album, ang Basurero ng Luneta, na may laman na sampung bagong kanta. Ang sabi ni Gary sa kanyang web site, ito na ang kanyang panghuling albumalbum ng pamamaalam, ika nga. Kung iaayon sa mararamdaman mo kapag pakikinggan ang Basurero ng Luneta, puwedeng sabihin na seryoso nga si Gary Granada sa pagsabing last na ito. Karamihan ng kanta sa BNL ay may tema ng pagmumuni-muni sa nakalipas ng 50 taon ng buhay. At katulad ng lahat siguro, itoy pinaghalong tuwa at kalungkutan. Kabilang sa mga pang-edad medya na mga kanta sa album ang Natutunan sa Buhay: Dapithapon na ng buhay/ Alam ko na kahit pano/ Pasimplehin ang mga bagay/ Iwasan ang kumplikado. Ngunit ang sabi ni Gary, nai-in love pa rin siya hanggang ngayon, nangangapa pa rin pagdating sa pag-ibig. Kapansin-pansin ang pag-gamit ng teklado at ng silindro sa buong album, kasama siyempre ang passionate na gitara. Pero karamihan sa mga kanta ay may malalambing na himig talaga ng piano, na nakakadagdag sa malumbay at makalumang pakiramdam sa album. Hindi mawawala ang mga kantang sumusuri o tumatampok sa mga panlipunang usapin, katulad ng Pablong Propitaryo na nagsasalarawan sa isang tipikal na lokal na pulitiko-hasenderokomprador sa mga maliliit na bayan sa mga probinsya ng Pilipinas, na kung uungkatin ang mga nagawa sa bayan ay nakakahon lamang sa mga limos sa dukha at abuloy sa patay. Pero nang mamatay si Pablo, nakikain at nakiluksa din naman ang buong bayan na kanyang pinagharian. Sa masayang awiting O Kaysarap, pakutyang pinuri ang buhay sa Pilipinas: O kay sarap mabuhay/ Sa lupang hinirang/ O kay madaling mabuhay/ Dito sating bayan. Pinapangarap ng kanta ang isang Pilipinas na maunlad, isang Pilipinas na sa loob ng ilang dekada ng pag-gawa ni Gary ng mga mapanuring kanta ay halos hindi umaasenso, sa lirikong: Murang-mura ang bilihin/ Suweldoy kay laki Ang lahat ng iyong naisin/ Iyong mabibili Murang-mura ang kuryente/ Sagana sa tubig Ang gamot ay halos libre/ Kaya ang bukang-bibig koy O kaysarap Ngunit ang paborito kong kanta sa album ay mismong ang kantang ipinangalan dito, ang Basurero ng Luneta, isang panawagan sa mga tao na huwag naman magtapon nang magtapon ng basura kung saan-saan dahilkung ayaw nilang makinig sa mga dahilang may kinalaman sa climate changemay mga taong napapagod na maglinis ng mga kalat nila: Ang akin lang ay kuro-kuro/ Pano naman ang hardinero at katuwang na kaminero ng bangketa? Sa dami ng taong bolero/ Ay malamang ang hirap siguro

ng buhay ng isang basurero ng Luneta Ang simple lang ng kanta, pero ang ganda. Ang lambing ng, ewan, melody siguro iyon kung tawagin ng mga musikero. Kung ano man iyon, iyon ang bahagi ng kanta na nagpapaamo sa mga nakikinig, na nagpipilit sa kanila na buksan ang kanilang mga pusoat isipan. Maiisip mo tuloy, Oo nga naman, bat ba kasi kailangan nating magkalat e alam naman natin na may taong walang ginawa kung hindi pulutin ang mga kalat natin? Nandiyan pa rin ang mga pang araw-araw na pagsasalarawan sa buhay ng karaniwang lipunang Pilipino sa mga kantang Isang Araw, kung saan sa may kanto ay buhat-buhat ang anghel/ Ng mga deboto ni Senior San Miguel. Pero kagaya nga ng buong tema ng album, mula sa nakakaindak na beat sa Barangay Ginebra ay nag-mellow na ang mga kanta sa BNL, tanda na sa kanyang edad, habang kumakapit pa rin sa pangarap si Gary na makita ang San Simon, isang bayan na kung saan tanaw ang magpakailanman, ang haring araw ang dagat at ang buwan, maaaring hindi niya na rin ito masilayan pa. Sabi nga sa pambungad na Emcee, ang BNL ay para sa lahat, ladies and gentlemen, lapis and fountainpen. Siguro, ganon talaga pag tumatanda, kagaya nga ng tema ng kay rami nang pelikulang nagawa tungkol sa middle at old age. Kung minsan, katulad ng sinabi ni Gary sa Tulad ng Dati: Ang aking diwa, butot balat lumulundo Ang kay sariwa at kay siglat punong-puno Kong daigdig ay dambuhala nang puwang Ang dating pag-ibig, ala-ala na lang Sa panghuling track na Maco, na magiging opisyal na awitin na ngayon ng kanyang pinagmulang bayan sa Compostela Valley, tila ba kinanta na ni Gary ang kanyang swan song. Tumindig ang balahibo ko sa lumbay at kaluwalhatian ng kanta na may anthemic na pakiramdam. Ang nakakamangha, ni hindi ko ito gaanong naintindihan dahil na sa isang dialect ng Mindanao ito. Kung barbaro ka, mapapaamo ka ng kantang ito. Para tuloy akong tanga na napaluha sa loob ng FX nung papunta ako sa trabaho. Ganon katindi. Kapansin-pansin nga na sa BNL, wala na ang mga sobrang nakakatuwang mga linya at mga joke kung saan kilalang-kilala si Gary. Pakinggan nyo ang Basurero ng Luneta at minsan pang balikan ang mga pangarap ng bayan sa mata ng isang alagad ng musika na sa kanyay nagmahal. xxx

You might also like