Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KASALO: ISANG ARKETIPONG PAGTALAKAY Bern Lesleigh Anne Jamero Ochavillo

1. Panimula Sa lahat ng uri ng pagsusuring pampanitikan, pinakamalawak ang nasasakop ng paraang arketipal. Kailangan ng manunuri ang kaalamang sikolohikal, pangkasaysayan, moral, antropolohikal, gayundin ang mga disiplina ng panitikan at pilosopiya. Samakatuwid, ang buong kultura ang siyang nilulundo ng pagsusuring arketipo. Kung minsan itoy tintawag na pagsusuring mala-totemiko,makametiko, at malaseremonya(ritualistiko) ngunit di ito nangangahulugang di-makatao o humanistiko. Ano nga ba ang arketipo? Ayon sa diksyunaryo, ang salitang arketipo ay halaw sa salitang Griyego na archetypum(Latin, buhat sa arketupon,or sa walang kasarian ng arketupos) na ang ibig sabihiy isang prototipo, isang uliran o pinagmulang anyo. Si Carl Gustav Jung(1875-1961), isang sikolohistang taga Swisa, na dating tagasunod o mag-aaral ni Sigmund Freud(1856-1939), isang Austriano na tagapagtatag ng psychoanalysis, ang nagpalawak ng kahulugan ng arketipo. Sa pananaw ni Jung, ang arketipo ay pangunahing imahen, isang bahagi ng mga sama-sama o natipong walang kamalayan(collective unconscious) o mga naiwang alaala sa mga kaisipan ng mga di-mabilang ng mga karanasan ng tao, o sa sariling uri. Mawiwikang ito ang mga minanang tagahulma o tagahugis ng mga pansariling karanasan na pasalin-salin sa ating kabihasnan. May nagsasabi pa na ang kalipunan ng walang kamalayan ay siyang mananagot sa malayang pagbibigay ng pananaw, mito,pangkaisipang panrelihiyon, ibat ibang uri ng panaginip na palasak sa mga kultura at kasaysayang pampanahon. 2. Buod Ang babae ay pilit inilalayo sa pagkakahalintulad sa kanin na iniluluwa kapag naiinitan, sinasabawan kapag nakukulangan at itinatapon sa katandaan. Siya ay nararapat na alagaan,mahalin at tratuhin ng may halaga at paggalang at pantay sa sinuman. Malaking bahagi ang ginagampanan ng babae sa buhay, hindi lamang siya pangalawa sa pagsasaalang-alang sa mga bagay, siya ay kasama, katuwang at kasalo sa lahat ng bagay. 3. Pagpapahalaga ayon sa nilalaman 3.1 Arketipong Pagsusuri Simula pa lamang ng tula ay ipinadama na ni Joi Barrios ang tono nito: malumanay ngunit may pagdiriin, malumbay, magiting ngunit may pagbabala. Ipinamalas din niya ang isang istilong kaiga-igaya; liriko, matimpi, ngunit makahulugan. Sa mga sumusunod na saknong ang istilong ito, lalo na ang mga salitang ginamit at ang konteksto ay maririnig sa pang-araw-araw na usapan, bukod dito, ang paglalarawan niyay tiim sabagang,nakahahambal,bagamat di nakayayamot; tuwiran ang pagkalahad ng mga ideya subalit di garapal o malaswa sa pandinig. Magugunita ng mambabasa ang kaiklian ng bawat saknong na siya ring paraan ni Hemingway. Katunayan sa unang siniping saknong sa itaas ay nailahad nang tuluyan ang napakapayak na tunguhin at ideya ng tula.

Ang babae ay hindi kaning inihahain sa mesa ng matrimony iniluluwa kapag mainit at takot kang mapaso,

sinasabawan ng kape sa umaga


kapag ikaw ay nagkulang, at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.

a. Sa kalagayang sosyal o pangkabuhayan - Sa tulang sinusuri, ang paglalayo sa tauhang inilalarawan sa isang kaning inihahain at iniluluwa ay simula ng tuwirang paglalahad ng ideyang pagpapataas ng antas ng kababaihan sa lipunan. Maaalaala, halimbawa, ang kahanga-hanga at di mapantayang pamumuno ni Catherine II (The Great) na namuno sa Russia sa loob ng 34 taon at pinalawak niya bilang isang babaeng pinuno ang nasasakupan ng Emperyo. Ang babae ay hindi karneng dinuduro at kinikilo, ginigisa ang laman sa iyong mga pangako, nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo at ginagawang chicharon ang balat upang maging pulutan.

b. Kultura Mula sa siniping ikalawang saknong ng tulang sinusuri, maliwanag pa sa umagang ipinamamalas ang pagkitil at pagpatay sa kulturang ang kababaihan ay mas mababa ang antas kaysa kalalakihan. Tinitira ng kaisipang ito ang kahinaan ng kababaihan, kung paano siya nadadala ng matatamis na pangako at kung paano napalalambot ang kanyang puso sa huwad na panunuyo. Kung ating titingnan sa ilang kilalang mga panulat, katulad ng nobelang The Sacrlet Letter ni Nathaniel Hawthorne makikita natin kung paano nagiging mababa ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan. Ang karakter ni Hester Prynne sa nobela, ay sumisimbolo sa kahinaan ng kababaihan at ang paguumpugan ng kanyang puso at isipan. May tiyan din siyang kumakalam, May sikmurang kailangang mapunan At pusong dapat mahimasmasan. Kasama mo siyang nagtatanim ng maisasaing, Katuwang na naghahanda Ng almusal, tanghalian at hapunan, Kaharap at kasalo sa kinabukasan. c. Simbolismo Bagamat tuwiran ang pagpapahayag ng mga ideya at konteksto sa tula, idinirrin nito ang kahalagahang panlipunan ng kababaihan, may simbolismo pa rin itong ipinapakita sa mambabasa. Lumitaw ang ideyang pagpapataas ng antas ng kababaihan sa lipunan at sa panitikan dahil na rin sa paniniwala ng karamihan na ang kababaihan ay inilalarawan ng ilang manunulat na lalaki bilang mahina;marupok,tanga,sunodsunoran,maramdamin,emosyonal,pantahanan at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglaganap ng opresyon ng kababaihan. 4. Teorya Feminismo - Tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at political. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Makikitaan din ng transpormasyon ng isang babae mula sa pagiging mahina na naging aktibo at matatag.

Samakatwid, pinaniniwalaan sa teoryang ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng mga kalalakihan gaya ng nais patunayan sa kilusang itinatag ni Simone de Beauviour na sinusugan naman ni Virginia Woolf.

You might also like