Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO PANUNURING PAMPANITIKAN

ni Bern Lesleigh Anne Jamero Ochavillo


I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa Susuriing Genre Halimbawang Akda Mga Kagamitan II. : : : : Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan Nobela Batbat hi Udan ni T.S. Sungkit Sipi ng Buod ng Batbat hi Udan

PROSESO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain : Pagtatanong at paghihinuha(15 minuto)


1. Pagganyak : Magtatanong ang guro kung sino ang marunong ng mga salitang Binukid. Pagkatapos ay hihingi siya sa mga mga-aaral ng ilang mga halimbawa ng kwento na nagmula sa Bukidnon. 2. Pagbibigay ng kahulugan sa salitang nasa kahon.

UDAN
3. Paghihinuha sa pamagat.

Batbat hi Udan
Paglalahad(20 minuto)
1. Pagpapabasa sa akda. 2. Dugtunga pagbasa. Madula ang istayl. 3. Pangkatan ang presentasyon.

BATBAT HI UDAN ni Telesforo S. Sungkit Jr. (Buod ni Bern Lesleigh Anne Jamero-Ochavillo)

Ang Batbat hi Udan ay umiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan na si Udan, isang binata mula sa Hanapulon na nagpalaya sa kanyang mga nasasakupan mula sa masamang kamay ni Kalibato, Tium hu Gaun, at iba pang mga tagbaya na naghahangad ng kasamaan. Sa kanyang paglalakbay, Udan - matapang at sanay sa labanan - nagtamo siya ng paggalang at paghanga maging sa kanyang mga kaaway na hindi makapagpigil kundi magtaka sa kanyang taglay na kakaibang lakas at tulin sa pakikipaglaban. Nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Udan, nang siya ay inatasan ng kanyang amang si Datu Maghusay na sumama sa paghahatid ni Datu Manlidasan ng manggad (dote) sa Impasug-ong. Nasasabik sa ideyang makakalanghap ng hangin mula sa kabilang bahagi ng bundok at makaapak sa ibang lupain, sumama si Udan sa mga kawal. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kanyang paglalakbay ay maghahantong sa kanya, ang kanyang tribu Hanapulon at mga kalapit na banuwa Lantapan, Yandang , Kimambong , Dalwangan , Impasug - ong , at Sumilaw sa pagsiklab ng mga pangayaw, isang serye ng mga labanan na siyang kikitil sa buhay ng iilan sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa kanilang paglalakbay patungong Impasug-ong, mawawala si Udan sa wastong daanan at kanyang matatagpuan ang sarili sa isang lihim na lagusan papuntang Lidasan, isang mundo na pinaniniwalaan ng lahat na nabubuhay lamang sa imahinasyon. Ngunit,

ang Lidasan ay tunay. Dito natagpuan ni Udan ang ibat ibang uri ng mga nilalang mga aligasi, bakesan, tagbusaw , mantianak , at marami pang iba na kumakain ng laman ng tao. Sa Lidasan, dinaranas ni Udan ang matinding paghihirap, kamalasan at pagkaharap sa kamatayan ng mata sa mata. Lidasan, gayunpaman ay lugar din ng pagbabagong-anyo ni Udan. Dito niya nakamit ang kanyang buong potensyal na pantao at napagtanto ang kanyang kapangyarihan at mabigat na responsibilidad bilang isang bagani. Dito niya natuklasan ang kanyang bahagi sa maringal na disenyo ng ikot ng buhay ang pagkamatay at muling pagkasilang. Isang kapalaran na nakasaad ang bawat tao upang sumunod. Dito sa Lidasan ay makakatagpo niya si Hapoy ha Tagkalegdeg, Bolak ha Mahumot (Nagliliyab na Apoy, Mabangong Bulaklak) o Ananaw isa ring magaling at sanay na bagani na sa hindi kalaunan ay kanyang iniibig. Kay Ananaw siya nakaranas ng lubos na kaligayahan ng pagkawala ng kawalang-kasalanan . Sa kanyang panghuling pagsagupa sa pinakamabigat niyang kalaban Tium hu Gaun, bumulong ang hangin kay Udan na siyay kumaharap ng isang kalabang mas malakas sa kanya; kaya kailangan niyang mag saut (sayaw pandigma). Alam niyang ang bulong ay mula sa tagbayang tumulong sa kanyang talunin ang unang mga alagasi. Subalit kanya nang nauunawaan, ngayong nalaman niya ang nangyari sa mga ninunong tumanggap ng tulong mula sa mga Tium hu Gaun. Kaiba sa kanila, hindi niya isasanla ang kanyang puso at atay para sa kapangyarihang alam niyang mayroon siya at makukuha niya.

At tumanggi si Udan na isagawa ang saut: Bakit ako magsasaut? Sinasabi mo bang hindi ko kayang pumaslang ng tagbaya? Nagalit ang tagbaya sa naturang kawalanggalang ni Udan at walang ano anoy nagpatawag ng isang napakalakas na i po-ipo sa tangkang malupig ang magaling na bagani. Ngunit nakamit na ni Udan ang kanyang buong katauhan. Sapagkat ang lahat ng nananahan sa kaniyang katawan ay naging iisa. (Sapagkat ang lahat ng nananahanan sa kanyang katawan ay nagsama-sama at naging iisa.) Umikot-ikot si Udan at sumama sa ipo-ipo. Nang humina at tumigil na ang malakas na hangin, nakitang lumuluhod ang tagbaya at nagmamakaawang siyay paslangin na lamang ng bagani bilang karapat sa kanyang kapanalunan.Ngunit, hindi tumanaw ng utang na loob ang bagani. Sa halip, inatasan niya ang tagbaya na lumisan kasama ang hininga ng mga puno at doon kumuha ng lakas. Inutusan niya ang mga tagbaya na bantayan ang lupa ng kanyang mga ninuno laban sa mga bagyo. Pagkatapos ay kanyang hinampas ang kanyang kampilan sa Tium hu Gaun. Nang gumulong ang ulo nito, isang liwanag na parang kidlat ang lumabas at pinuno ang paligid ng isang napakaitim na usok. Nang mawala na ang maitim na usok, nagkalat sa lupa ang atay at puso ng mga kawaning nilinlang at kinain ng Tium hu Gaun. Sa tabi ng bawat pares ng pusot atay ay lumulutang ang gimukod(kaluluwa) ng may-ari. Bilang panghuling gawain, pinalaya ni Udan ang kanyang lipi mula sa sumpa ng pagkakautang sa mga pinaka- makapangyarihang tium at kanyang tatahakin ang kapalaran bilang pinakamalakas na bagani ng kanyang nasasakupan.

B. Pagtalakay sa akda batay sa mga sumusunod(20 minuto):


Tauhan Tagpuan Pangyayari Simula Wakas

C. Pagkuha ng feedback sa mga mag-aaral. D. Pagbubuo ng sintesis ng kaalamang natutuhan.

You might also like