Buod NG Supremo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod ng SUPREMO

Supremo ang isang bahagi ng ating kasaysayan bilang isang bansa sa mata ng isang bayaning
lagi nating naririnig ngunit hindi gaanong kilalasi Andres Bonifacio. Matagumpay ang pelikula sa pagnanais nitong buhayin ang mga rebolusyon na pinamunuan ng Katipunan. Bagamat hindi kalakihang-produksyon, nagawa pa rin nitong iparamdam ang epiko at lawak ng digmaang pinag-buwisan ng buhay ng ating mga bayani noong panahon ng mga Kastila. Naging tunay at totoo rin sa kasaysayan ang pelikula kung kayat maraming kabataan ang makakapulot ng aral sa pelikula patungkol sa ating kasaysayan. Nagawa nitong pukawin ang natutulog na makabayang damdamin ng mga manonood. Anong pag-ibig kaya ang hihigit pa kaysa dalisay at dakilang pag-ibig sa inang-bayan? Iyan ang mga katagang pinasikat ni Gat Andres Bonifacio. Ito ay kitang-kita sa alab ng damdamin na ipinamalas ni Bonifacio para sa bayan, para sa mga inaapi nating kababayan. Bagamat naging madugo ang kanilang naging pamamaraan, naging bugso lamang ito ng kanilang dinanas na kaapihan. Maaring sa panahong iyon ay wala nang ibang paraan upang ipagtanggol ang kanilang kaapihan kundi ang madugong digmaan. Kita naman na itoy hindi naging madali at ginawa lamang nila ang pagbubuwis ng buhay alang -alang sa kalayaan at katarungan. Katapangan at pagmamalasakit ang ipinakitang halimbawa ni Gat Andres Bonifacio.

Sa direksyon ni: Richard Somes

You might also like