Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Impeng Negro

Ang Impeng Negro ay isang maikling kuwentong isinulat ni Rogelio R. Sikat. Nagwagi ito ng Unang Gantimpala sa Timapalak Liwayway noong 1962 at Ikalawang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa gayon ding taon. Hanggang sa ngayo'y hindi iilang teksbuk sa hayskul at kolehiyo, antolohiya ng malilikhaing akda, at iba pang aklat-pampanitikan ang kinabilangan ng Impeng Negro. Gayon din, hindi ito iilang beses na ginawan ng bersyong maikling pelikula, at dula para sa presentasyon sa klase. Noong 1998, ginawan ang kuwento ng bersyong maikling pelikula ni Auraeus Solito na may pareho ring pamagat. Nagwagi ang maikling pelikula ng Gawad Cultural Center of the Philippines noong 1999; at itinanghal sa Guggenheim Museum sa New York bilang bahagi ng ekshibisyong Empire & Memory. Sa mga nabanggit, maaaring sabihing isa ang Impeng Negro ni Sikat sa mga naging pinakamaiimpluwensyang akdang pampanitikan sa nakalipas na ika-20 siglo.

Lagom
Si Impen, 16, isang agwador o taga-ibig ng tubig sa isang komunidad ng mga maralitang tagalungsod, ay laging iniinsulto at pinagkakaisahan ng kanyang mga kasamahang agwador at iba pa dahil sa kanyang kulaysi Impen ay anak ng isang Afrikano-Amerikano sa kanyang inang labandera. Kaiba, kung ikukumpara sa iba pa niyang kapatid na maputi pagkat ang ama naman ng mga nito ay isang maputing Amerikano. Pinakamadalas na nang-iinsulto kay Impen si Ogor, isang kapwa agwador na siga sa igiban ng tubig at halos ka-edaran lang din ni Impen. Laging sumisingit sa pila ng mga balde si Ogor. Sa isang tanghali na si Impen na ang sasalok ay masisingitan siya ni Ogor. Bagaman ay pangiming pagtanggi, pagbibigyan ni Impen si Ogor. Sa pagbawi ni Impen sa kanyang balde at akmang pag-uwi matapos magpasyang mamaya na lamang mag-iigib, papatirin ni Ogor si Impen. Magkakaroon ng biyak sa pisngi si Impen. Sisipain pa siya ni Ogor. Pagtatawanan ng mga naroon si Impen. Magpapambuno ang dalawa. Magagapi ni Impen si Ogor. Makukuha ni Impen ang respeto sa kanya sa mga nakasaksi sa labang iyon. Ayon sa kuwento: Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.

Kritisismo
Sa naging pamimili ng magwawaging maikling kuwento sa Gawad Palanca 1961-62, mababanggit ni Brigido Batungbakal bilang pagtatasa sa akda ni Sikat: Pinatutunayan ng mayakda na ang kayumanggi, dili iba't ibang mga Filipino, ay kabilang sa mga lahing matindi ang pagtatangi-tangi... sa kuwentong ito'y ipinakilala ang sibasib ng isang lahing ibig matamo ang

pagkilala sa kanyang lipi at ang pagnanasang maipantay ang sarili sa kanyang kapuwa. (Tolentino 2009, 116) Bukod sa opresyong iginagawad ng isang kapwa maralitang taga-lungsod, ipinapaliwanag rin ang posibilad ng ganitong gawi opresyon ng mga nasa laylayan ng kapangyarihan dahil wala silang mapagbuntunan ng galit na hindi nila mawari kung paano, bakit at kanino iyon nararapat ibunton (Lumbera 1994, 191-194). Sa isang lipunang biyolente, nagiging biyolente rin, kalaunan, ang sa simula'y biktima (Melendrez-Cruz 1986, 119). Matutuklasan ng isang biktima ang kanyang lakas at ito na rin ang kanyang gagamitin upang magapi ang lakas ng nagsasamantala sa kanya. Ganito maaaring ipaliwanag ang pagkakaroon ng tapang ni Impen nang mgpasyang labanan si Ogor sa karurukan ng kuwento.

Mga Tauhan Impen - isang lalaking labing-anim na taong gulang, laging kinukutya ng mga tao dahil sa kanyang kaitiman Ogor - matipuno ang kanyang katawan, laging nangunguna sa pangungutya kay Impen Inay - nangangaral at nagpapaalala kay Impen na huwag makipag-away Kano - pitong taong kapatid ni Impen na maputi Boyet at Diding - mga nakababatang kapatid ni Impen mga agwador - kasamahan ni Impen sa pag-iigib ng tubig na palaging nangungutya sa kanya Taba - pagbibilhan ni Impen ng gatas para sa kanyang kapatid

You might also like