Russia

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Page 1 of 6

Panglan: ________________________________ PAGSISIMULA NG RUSSIA

Section: III- _________

Bago pa ipanganak ang Panginoong Jesus, ang mga Slavic ay nanirahan na sa timog ng Black Sea. Aryan ang wika nila at namuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda at pakikipagkalakalan sa Constantinople. Rurik Lider ng Viking na mula sa Sweden, sinakop niya ang tribong Slavic s Novrogod noong 862 A.D. Unti-unting kumalat ang mga Viking sa Black Sea at nakuha nila ang Kiev sa Dnieper. Dahil sa pgtatag ng Kiev kinikilala bilang Tagapagtatag ng Russia Russia mula sa salitang Rus, na ang ibig sabihinay manlalayag, na tawag ng mga Finnish sa mga Viking.

Ninais nilang sakupin ang Crimea subalit nabigo sila; ngunit pumayag ang Byzantine na makipagkalakalan sa kanila.

Vladimir I o Vladimir the Saint (980-1015) Ipinakilala niya ang Greek Orthodox sa Russia. Pinayagan niyang makarating sa Russia ang mga misyonero na mula sa Constantinople. Bumagsak ang estado ng Kiev pagkatapos ng kanyang pamumuno. Mga Dahilan ng Pagbagsak ng estado ng Kiev: 1. Pagbabanggan ng mga nasa pamahalaan; 2. Alitang pang-ekonomiya sa panig ng Novrogod at Kiev; at 3. Pagbaba ng populasyon na resulta ng palaging pag-aaway. 1240-1480 sinakop ng mga Mongol ang Russia sa loob ng 240 taon. Batu Khan Apo ni Genghis Khan; pinamunuan niya ang pagsakop sa Kiev at pinamunuan ang pagsakop sa Kiev at itinatag ang pamumuno ng Tartar sa Russia.

Nagbayad ng mataas na buwis ang mga Russian sa Tartar. Ang ibang mga Russian ay umalis sa Kiev at nanirahan sa Moscow.

Page 2 of 6

1325 Ang Moscow ay naging sentro ng Russian Orthodox at dito nila itinayo ang Kremlin na nagsilbing kuta.

Ivan I (1325-1341) Ang Moscow ay naging isang estado at ito ang naging pangunahing estado sa Russia, kapalit ng Kiev. Ginamit niya ang titulong Grand Duke. Ginamit niya ang kanyang kayamanan upang mapaboran ng mga Tartar at mapalawig ang teritoryo ng Moscow. Ivan III o Ivan the Great (1462-1505) Labanan sa Oka (1480) Natalo ang mga Tartar at nagwakas ang kanilang pamumuno sa Russia. Ginawa niyang Ikatlong Rome ang Moscow (Byzantine ang Ikalawang Rome) Pinalakas niya ang kanyang pamumuno sa pamamagitan ng pagpapakasal sa pamangkin ng huling emperador ng Byzantine. 1453 matapos ang pamumuno ng mga Ottoman Turk sa Constantinople ay inagaw niya ang pagiging emperador ng Byzantine at ginamit ang dalawang agila ng Byzantine bilang tanda ng kaharian ng Russia. Ivan IV o Ivan the Terrible Apo siya ni Ivan III na pumalit bilang pinuno ng Russia noong 1533. Tinwag siya The Terrible dahil sa kanyang pagiging mainitin ang ulo. Czar sinimulan niyang gamitin ang titulong ito bilang pinuno ng Russia; mula ito sa wikang Slavic na nangangahulugang Caesar o emperador Nang siya ay mamatay, humina ang kapangyarihan ng Moscow dahil sa mga digmang-sibil. Mga Nagawa niya para sa Russia: Pagtatag ng ganap o absolutong monarkiya; Pasimula ng pananakop sa Siberia; Pagsakop sa Astrakhan at Kazan; Pagpapakilala ng sistema ng huwes sa korte; at Ginawang legal ang pang-aalipin.

Michael Romanov o Michael I (1613-1645)

Page 3 of 6

1613 Natapos ang kaguluhan sa Russia 16 taong gulang lamang siya nang ihalal ng mga Boyars (maharlika), alipin at Cossack bilang bagong Czar. Siya ay kamag-anak ng unang asawa ni Ivan IV. Siya ang nagpasimula ng Dinastiyang Romanov (1613-1917) Mahina ang pamumuno niya bilang czar.

1645-1676 naghari si Alexis I subalit mahinang pinuno rin 1676-1682 Mas maayos kaysa sa dalawang naunang pinuno at nasaksihan niya ang unti-unting paglakas ng Russia Peter I o Peter the Great (1682-1725) Kapatid sa labas ni Feodor 7 ft. ang taas, may magaspang na pag-uugali at malupit sa kanyang mga kaaway ngunit mahusay na lider Ninais niyang palawakin ang Russia subalit isa sa naging hadlang ay ang mga Turkong Ottoman Nalaman niya na upang matalo ang mga Turkong Ottoman ay kailangang humingi ng tulong sa Kanlurang Europa at palakasin ang Russia 1697 Nagpadala siya ng mga tauhan sa Kanlurang Europa para makipagkasundo sa isang alyansa laban sa mga Turko ngunit nabigo ang hangarin niyang ito kung kaya sumama siya sa isang misyon at nagkunwaring pribadong indibidwal Bumisita siya sa England, France, Holland, Austria at Prussia sa mga bansang ito nakilala niya ang mga siyentipiko, artisan at mg dalubhasa sa ibat ibang larangan at hinikayat sila na gamitin ang kanilang kaalaman upang magtrabaho sa Russia. Naging karpentero rin siya sa Netherlands sa paggawaan ng barko at natutunan ang paggawa ng sasakyang pndagat Sa pagbabaik niya sa Russia, pinamunuan niya ang mga Russian sa ibat ibang reorganisasyon ng military at binigyan din ang mga ito ng mahuhusay na mga sandata. Nagpatayo siya ng paaralan upang ituro ang mga sining ng Europa para sa mga batang maharlika. Nagpatayo siya ng pagawaan n barko sa may Dagat ng Baltic. Ipinagbawal niya ang pagkakaroon ng balbas at pinagamit sa mga maharlika ng mga damit na istilong kaluran. Hinikayat ang mga mamamayan na makipagkalakalan sa silangan (Asya) at sa kanluran (Europa).

Page 4 of 6

Sa pamahalaan, ginaya niya ang absolutong kaisipan/kapangyarihan ng Haring Louis XIV ng France. Kinontrol niya ang pamahalaan at simbahan. Inutusan niya ang mga batang mahrlika na mag-aral sa ibang bansa at gamitin ang napag-aralan sa Russia. Nag-alsa siya sa Turkey at Sweden para makapagpatayo ng ice-free ports o daungang yelo. Natalo siya sa Turkey subalit tagumpay sa Sweden. Kasunduan sa Nystad (1721) nakuha ng Russia ang mga probinsya sa Baltic (Karelia, Ingria, Estonia at Livonia). Itinuturing sa kasaysayan na napagtagumpayan niyang gawin ang Russi na bintana ng kanluran. Sa labas ng Baltic, itinayo niya ang bagong siyudad ng Russia na St. Petersburg (naging Petrograd, ngayon ay Leningrad) 1703 inilipat niya ang kabisera ng Russia ula sa Moscow patungong St. Petersburg Sa huling bahagi ng kanyang pamumuno ay kinilala ang Russia bilang makapangyarihang bansa.

Catherine II o Catherine the Great Isang prinsesang German na matalino, malupit at matapang Mahinang pinuno ang asawa niyang si Peter III 1762 Matapos ng koronasyon ng kanyang asawa bilang czar, nagplano na si Catherine II ng kamatayan ni Peter III at inagaw niya ang trono; siyay 33 lamang siya noon Ipinagpatuloy niya ang pamamalakad ni Peter the Great Lalo pa niyang pinalawak ang impluwensiya ng Russia sa Europa Ginawa niyang French ang wika ng mga tao sa matas na lipunan Kinuha niya ang serbisyo ng mahuhusay na Europeo tulad ni Frederick the Great ng Prussia Nakipag-ugnayan siya kay Voltaire ang pamosong manunulat ng France; at inimbitahan ang mga siyentipiko at mga mahuhusay sa sining sa kanyang pamahalaan Nagpatayo siya ng paaralan para sa mga batang maharlika Naging maluwag siya sa pagtanggap ng ibat ibang relihiyon subalit malupit siya sa mahihirap na alipin kung saan nagkaroon siya ng batas kung ang mga alipin ay mag-aalsa laban sa kanyang amo ay parurusahan ng pagpalo at itatapon sa minahan ng buong buhay niya.

Page 5 of 6

Ninais din niyang gawing imperyo ang Russia kung kayat bumayad siya ng digmaan laban sa Ottoman noong 1768-1774 at siyay nagtagumpay, nakuha niya ang Crimea sa Turkey Kinilala rin ng Turkey ang Russia na maglakbay sa Dagat ng Bosporus at Dardanelles Sinamantala rin niya ang kahinaan ng Poland kung saan noong 1772, kasama ang Austria at Prussia, kumuha sila ng teritoryo ng Poland tinaguriang Unang Partisyon. 1791 Nagkaroon ng Konstitusyon ang Poland ngunit bago maipatupad ang reporma nagkaroon muli ng paghahati ng mga lupain sa Poland sa pagitan ng Russia at Austria. Ang Ikalawang Partisyon ay nauwi sa rebolusyon Para mapigilan ang paglawak ng Poland nagkasundo ang Russia, Prussia at Austria sa Pangatlong Partisyon na naging dahilan ng pagkabura/pagkawala ng Poland sa mapa.

PAG-ISIPAN MO! A. Magbigay ng mga positbong dulot ng pagkakaroon ng malawak at malaki na isang bansa? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Mayroon bang negatibong dulot ang pagiging malawak at malaki na isang bansa? Patunayan ang iyong sagot. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____________________________________________________________

Page 6 of 6

B. Paghambingin Pumili kayo ng PINKA Peter the Great Catherine the Great

MABUTING GINAWA

MASAMANG GINAWA

TALASANGGUNIAN Capino, Diosdado. World History. Quezon City: Manlapaz Publishing Co., 1977. Perry, Marvin, et al. A History of the World. Bouston:Houghtin Mifflin Co., 1989. Soriano, Celia, et al. Turning Points III. Sampaloc, Manila: REX Book Store, Inc., 2007. Santiago, Aurora L. Araling Pandaigdig. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2012. Santos, Teresita, et al. World History. Quezon City: New Horizon Publications, 2004. Zaide, Sonia. World History. Cubao: All-Nations Publishing Co., Inc., 1999.

You might also like