Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BASKETBALL WINNER-TAKE-ALL GAME 3 La Salle, UST kita-kits sa Sabado Kita-kits pa sa Sabado.

Hindi pa tapos ang season ng 76th UAAP mens basketball. Wala pang nagmamay-ari ng korona. Dinala ng La Salle Green Archers sa sudden-death ang kanilang best-of-three Finals ng University of Sto. Tomas Tigers nang iligtas ang sarili mula sa maagang bakasyon sa Game Two, 77-70 kahapon sa pagtabla ng serye sa tig-isang laro. Sa harapan ng record-crowd na 23,337 manonood sa Big Dome ay dinugtungan ng Green Archers ang kanilang buhay nang asahan ang kanilang mga big man sa ilalim para makaipon ng 42 points sa painted area kasabay ng pagbusal sa arsenal ng Tigers sa rainbow arc. Bumawi sa kanyang masamang 2-point game sa series opener noong Miyerkules, nangalabaw si 6-foot-6 Norbert Torres ng kabuuang 16 points sa 4-of-7 field goal shooting at 8-of-8 sa foul stripes, nagbaba ng 10 rebounds, at bumura pa ng tatlong tira ng UST sa pagbuhat sa La Salle para dalhin ang isang Finals series sa unang do-or-die match mula noong 2009. Nagsara si Jeron Teng ng 19 markers na sinahugan niya ng siyam na boards, apat na assists at tatlong steals para sa naghahanap ng isusunod sa 2007 title na Taft-based squad, na dinomina ang boards sa 57-39 abante at kumuha pa ng 18 second chance points mula sa mga nakukuhang rebounds. May double-double din si Arnold Van Opstal sa La Salle sa kanyang 13 points at 14 rebounds habang may 11 naman si Almond Vosotros. Everyone played well and everyone contributed on rebounds, even the guards contributed on rebounds, patungkol ni La Salle coach Juno Sauler, na gumamit lang ng masikip na 7-man rotation. Kinuha ng UST ang maagang 12-10 kalamangan matapos ang unang anim na minuto, ngunit dambuhalang 16-3 run ang isinagot ng La Salle para makuha ang manibela, may 8:43 sa second. Pinakamalapit na nahabol ang Tigers ang 44-43, may 7:30 sa third, sa back-to-back triples nina Jeric Teng at Clark Bautista bago bumulusok ng 13-5 pagkalas muli ang La Salle para tuluyang kontrolin na ang takbo ng laro. Hindi namin ma-stop yung mga bigs nila inside and then masama ang start namin. Wala maganda ang nilaro nila e, we just have to step up sa Saturday, sa Game Three, ani UST coach Pido Jarencio, na naharap sa kanyang ikalawang deciding match sa Finals sapul nang dalhin ang Tigers sa huli nitong titulo noong 2006 sa kanyang rookie year. Lilipat ang serye sa MOA Arena sa Sabado. Malayo sa kinuhang 73-72 win sa Game One kung saan gumawa ito ng 20 sa 5-of-8 shooting sa three-point area, nalimitahan si Kevin Ferrer sa anim na puntos lamang sa 1-of-6 field goal clip.

Sinolo nina Jeric Teng at Cameroonian Karim Abdul ang scoring ng Tigers kung saan nagtapos si Teng ng career-high 28 markers, at may 13 naman si Abdul kasama ang siyam na rebounds para sa UST. NAUNA ANG SAN MIG Sinamantala ng San Mig Coffee Mixers ang may iniindang si Meralco import Mario West, ibinagsak ang 79-73 win para tapusin ang kanilang semifinals series 3-1 kagabi sa Smart Araneta Coliseum para unang bumiyahe sa championship round ng PBA Governors Cup. Tumabo si Marqus Blakely ng 23 points, umayuda si James Yap ng 19 at may 16 si Marc Pingris para sa Mixers. Kahit iniinda ang balikat, tumapos pa rin si West ng 22 points. We dont know how to make it easy. We always make it hard for ourselves, ani Mixers coach Tim Cone. West battles through a lot of stuff. He had problems lifting his arm he played under control. Hihintayin ng San Mig sa Finals ang mananaig sa hiwalay na serye ng Petron Blaze at defending champion Rain or Shine. Lamang sa serye ang Boosters, 2-1, at susubukang tapusin na rin ang serye mamaya sa Big Dome. Either team we play is gonna be a tough matchup, lahad ni Cone hinggil sa inaabangang makakaribal. Petrons playing fluid. Rain or Shine has their own brand of play. Either opponent will be tough for us. Hindi nga halos nahirapan ang San Mig sa pagdispatsa sa Bolts, mula umpisa ay lumayo na at nasa unahan pa rin makalipas ang tatlong quarters, 66-56. Bahagyang kumasa ang Bolts sa final stanza pero naubusan na may tig-13 sina Macmac Cardona at Reynel Hugnatan para sa Meralco. They played a really good series. Just went into bad luck in getting Mario West injured, wika pa ni Cone. Lady Archers muling nagreyna Napasakamay muli ng La Salle Lady Archers ang korona matapos ang lagpas isang dekada nang tangayin ang 69-61 panalo kontra National U Lady Bulldogs sa winner-take-all Game 3 ng 76th UAAP womens basketball tournament Finals sa Big Dome kahapon. Gumamit ng 23-11 scoring sa third period ang Lady Archers para pabukahin ang dikitang 30-29 abante lang ng La Salle sa halftime bago lagpasan ang huling palag ng Lady Bulldogs sa fourth. I tried to be stoic like coach Juno (Sauler) but its hard. I have a different character, patungkol ni Tyrone Bautista, sa dati niyang Green Archers teammate na kasalukuyang mentor ng mens team. Nagsumite ng double-double si Ara Abaca sa kanyang 16 points at 13 rebounds habang ang tinanghal na Finals MVP na si Trisha Piatos ay nagbigay ng 15 markers sa Taft-based squad, na

binawi ang titulong huling hinawakan noong 2002 ng Lady Archers na binubuo noon ng solidong roster ng mag-utol na Jessica at Jessamine Manalo. Nagdagdag si Inna Corcuerra ng 10 points para sa Lady Archers. I cant explain to it right now. It hasnt sink in to me. More than anything, I m happy for my players, I know the work and sacrifice they put in, ani Bautista. Generals isinalba ni Tayongtong Inulit ni John Tayongtong ang kanyang masakit na dagok sa heartbreak kids na College of St. Benilde Blazers noong first round. Sa ikalawang paghaharap sa eliminations ng 89th NCAA seniors basketball competition, ipinasok ni Tayongtong ang gamewinning layup may 1.2 segundo na lang sa orasan para itawid ang Emilio Aguinaldo College Generals, 85-83, kagabi sa Blazers at palakasin ang tsansa ng tropa na makapasok sa Final Four. Pinahaba ng EAC ang kanilang winning run sa tatlo para sa 8-7 win-loss record upang makadikit ng kalahating laro na lamang sa likuran ng kasalukuyang nasa no. 4 spot na San Sebastian Stags. Binasag ni Tayongtong, ang game hero din sa 73-72 win ng Generals sa parehong karibal noong Hulyo 4, ang 83-all count nang ipagpag nito sa crossover move si Travis Jonson sa top of the key bago sumalaksak sa pakaliwa at ilusot ang kaliwang kamay na layup sa tapat ng help defense ni Mark Romero. Matapos ang timeout ay bigo ang CSB na makaporma ng tira nang magbago ng isip ang nakasalo ng inbound na si Jonson na imbes itira ang bola sa three-point arc ay ipinasa pa ito sa pagtunog ng final buzzer. Nagsara si Tayongtong ng 17 points, limang rebounds at dalawang assists para sa Generals, na kumuha ng 20 markers kay Cameroonian Noube Happi at 16 markers kay Igee King. Bumagsak ang Blazers sa ikasiyam na talo sa 14 games kapantay ng Arellano U at nalagay sa alanganing posisyon sa paghahabol ng Final Four berth.

Mukhang nasasagad nang husto ang San Mig Coffee laban sa Meralco Bolts, at unti-unti nang nararamdaman ng Mixers ang pagod. Siguro nga, kasama na rin yung pagod, ani James Yap kahapon. May mga lapses din kami, hindi nakapag-execute sa huli, kaya siguro nga dala na rin ng pagod. Kamakalawa sa pang-apat na laro ng San Mig sa pitong araw ay naubusan ang Mixers laban sa Bolts at yumuko, 69-73, at naitabla sa tig-isang laro ang kanilang PBA Governors Cup semifinals series. Naigapang ng Mixers ang 83-73 win sa opener. Sa quarterfinals pa lang ay napiga na ang Mixers nang isagad din sa dalawang laro ng Alaska. Mabagal ang umpisa ng San Mig noong Martes, nakakuha ng ritmo sa kalagitnaan ng laro pero sa dulo ay tumukod. Bagamat sablay sa 14 sa 26 free throws, tumapos pa rin si Marqus Blakely ng game-highs na 24 points at 15 rebounds. May 13 si Yap, pero si Yancy de Ocampo lang ang isa pang San Mig player na umiskor ng double figures sa 10 off the bench. Nawala sa ritmo sina Joe Devance, Marc Pingris, Mark Barroca at Alex Mallari. Hindi umiskor sina Devance at Pingris, may pinagsamang 0-for-9 sa field. Narinig ko nga si Ping, sinasabing medyo pagod na rin siya, dagdag ni Yap. Ang sabi ko, Pahinga ka muna. Imagine naman, kinuha niya yung import ng Alaska na sobra lakas sa loob. Ngayon naman super trabaho siya kay (Meralco import Mario) West na loob at labas naglalaro. Maging si Yap, ramdam din ang pagkapiga. Apat lang sa 11 tira ang naipasok niya, airball pa ang huling pukol. Ako nga feel ko na rin, first quarter pa lang. Pero habang tumatagal ang laro medyo nawala. Yun nga lang, kinapos sa huli. Sa kabilang bench, kita ang enerhiya ng Bolts. Mula umpisa ay hawak ang lead, lumayo pa ng 12 sa second quarter. Eight of 36 si West pero tumapos pa rin ng 15 points at 11 rebounds, may 15 at 12 si Reynel Hugnatan, at 12 at 9 si Cliff Hodge. Sa kanyang ikatlong laro lang ngayong conference, nacover ni Jared Dillinger ang halos lahat ng sulok ng court sa kinamadang 10 points, 4 assists, 2 rebounds at block. Nakabentahe rin ang Meralco sa rebounds, 54-47, 20 rito sa offensive end. We gave them 20 offensive rebounds, and that means 20 more extra possessions. Thats the difference, suma ni Blakely. GENERALS HINARANG NG CHIEFS

Gumawa si Paolo Taha ng 20 points bago mawala sa game dahil sa injury sa kanang braso matapos ang go-ahead basket ng CSB para sa 81-80 lead may dalawang minuto na lang. Naka-steal pa sa inbound si Jonson sa sumunod na play para sa ibigay kay Jonathan Grey ang layup sa 83-80 abante ng Blazers bago itabla ni Jan Jamon ang laro sa pinakawalang tres may 1:11 nalalabi. Gumanti ng tres si Jonson ngunit binawi ng mga referees ang trey kasabay ng pagtawag kay Fons Saavedra ng offensive foul. Si Jonson ay may 13 markers gaya ni Romero habang may 12 points si Grey para sa CSB, na may three-game losing streak. MIXERS NAPIPIGA SA BOLTS

Humulagpos ang dalawang beses na 14-point lead sa third at fourth quarters ng Chiefs ng Arellano University, pero nakipkip pa rin ang komposyur sa endgame upang matamis na mapaghimagsikan ang Generals ng Emilio Aguinaldo College via 71-70 escape sa 89th NCAA seniors basketball tournament second round eliminations sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Split si John Marco Tayongtong sa kanyang free throw na sumala para sa EAC na mahatak sana ang deadlock na 71-all at potensyal na overtime. Natawagang may violation sa miss second FT niya kaya jumpball ang magkabilang kampo. Narekober ng AU ang bola mula roon pero natawagan ng 24second shot clock violation sa manipis ng 9.1 seconds na nalalabi sa ballgame. Kabyos sa huling posesyon ang Ermitabased squad na 24 oras lang ang pahinga mula sa 73-56 victory noong Huwebes sa Cardinals ng Mapua Institute of Technology. Kaya suminghap pa ang paghahabol ng Legarda cagers sa playoff spot sa huling silya sa Final Four. Kailangang mawalis nila ang huling tatlong sabak kontra defending three-time champion Red Lions ng San Beda College sa Oktubre 14, Blazers ng College of Saint Benilde sa Okt. 17 at Heavy Bombers ng Jose Rizal University na wala pa lang petsa tapos makansela noong Setyembre 23 dahil sa bagyo. Pumukpok si Nard John Pinto ng 18 points, nagbaba ng 8 rebounds at nag-isyu ng 9 assists para sa Arellano na ginanti sa first round tormentor ang 63-79 defeat noong Agosto 17. Umalalay si Prince Renmer Caperal ng 14 markers. UNANG SIGAW SA TIGERS! Isang magandang defensive stop. Isang hakbang palapit sa korona. At unang umalingawngaw sa Big Dome ang sigaw ng Growling Tigers. Binawi ni Cameroonian center Karim Abdul ang turnover ng kakamping si Aljon Mariano sa huling posesyon ng University of Sto. Tomas nang supalpalin nito ang huling pukol ni La Salle guard LA Revilla sa nalalabing dalawang segundo ng laro sa pagtangay ng Tigers ng 73-72 thriller kontra Green Archers sa Game One ng best-of-three 76th UAAP mens basketball Finals. Breaks of the game. Pwedeng sila, pwedeng kami, ani UST coach Pido Jarencio, isang panalo na lang ang layo sa pag-ulit ng kampeonatong huli niyang dinala sa Espaa-based squad noong 2006 sa kanyang rookie year at posibleng ika-19 kabuuan ng paaralan. Na-rebound ni Revilla, binlock ni Abdul, ibang klase. Happy ending, dagdag pa ni Jarencio. What a game. Malayo ang dikitang huling sandali ng laro mula sa bakbakang nagsimula sa batuhan ng runs at rally kung saan nakalayo ng hanggang 17 points ang Tigers bago mahabol at lamangan ng Green Archers ng apat sa pagsasara ng third. Umusok si Kevin Ferrer sa first half sa perpektong 3-for-3 sa threepoint area, 1-of-1 sa twinners at 3-for-3 sa foul line tungo sa pagsasara ng 20 points sa kabuuang 6-of-9 field goal sa UST, na pinahaba sa apat na sunod ang winning run at tinapos naman ang 9-game win streak ng karibal. Si Abdul ay may 19 points at 12 rebounds kasama ang dalawang blocked shots, pinakamalaki na ang butata sa floater ni Revilla matapos mahablot ng Archer ang rebound sa sablay na triple ni Almond Vosotros habang naghahabol ang La Salle, 73-72.

They just shot better on all departments. Made points percentage, points and even free throws so its gonna be hard to win if the opponent shoots better, sambit ni La Salle coach Juno Sauler. Nagsumite naman si Jeric Teng ng 17 points at pitong boards sa Tigers. Lalaruin ang Game Two sa Sabado sa parehong venue. Tumudla si Ferrer ng top-of-the-key three-pointer may 41.6 segundo sa payoff period para apulahin ang 6-2 run ng Archers na naglapit sa La Salle, 70-69. Lumapit ng isa ang Taft-based squad sa three-point play ni Jeron Teng mula sa putback sa sariling miss may 29.1 tikada pa. Matapos ang timeout ay nagkomit si Mariano ng turnover nang hindi masalo ang inbound pass ni Ferrer para sa huling posesyon ng La Salle sa laro. Nagtapos si Almond Vosotros ng 20 points, may 15 markers at seven rebounds si Jeron Teng, 13 points si Arnold Van Opstal at tig-11 markers at boards si Jason Perkins. Sinimulan ng Tigers ang laro sa 21-4 run bago gantihan ng parehong run ng La Salle sa huling bahagi ng first hanggang sa nalalabing 7:13 ng second para sa 25-all. Na-outscore pa ng Archers ang UST sa third period, 23-12, para kunin ang 54-50 advantage patungo sa huling canto. E-PAINTERS BABALIKWAS Masaklap ang talo ng Rain or Shine sa Petron Blaze sa opener ng kanilang PBA Governors Cup semifinals series. Ngayon ay tatangkain ng Elasto Painters ni Yeng Guiao na bumalikwas sa pagdayo ng serye sa Astrodome. Pipilitin ng RoS na pigilang lumayo sa 2-0 sa best-of-five affair ang Boosters, aawatin din ang tangkang 11th straight win ng hukbo ni Gee Abanilla. We made it close and we had a chance to win it in the end, ani Guiao sa 83-91 loss nila noong Lunes. Its a morale booster on our part. We gave them a good fight. It proved that Petron Blaze is not unbeatable. Nakipagdikdikan ang defending champions kahit wala ang injured na si Paul Lee, umahon mula sa 10-point deficit at lumamang pa, 77-73. Kahit si Abanilla ay aminadong naramdaman nila ang paninindak ng E-Painters sa kabila ng 56-48 edge ng Petron sa rebounds. They played really well, they matched us up pretty well, aniya. Sinuwerte lang sa dulo si Elijah Millsap at kumonekta ng clutch 3 si Alex Cabagnot kaya nakawala sa RoS.

Tinampukan ni Millsap ang kanyang PBA career-high 41 points sa 11 sunod para ilayo ang Boosters, 84-81, bago ang 3 ni Cabagnot tungo sa 87-83 mahigit isang minute na lang. Nagdagdag si Millsap ng 14 rebounds, tumapos si Cabagnot ng 18 points at six boards. May double-double para sa Boosters si June Mar Fajardo na 15 points at career-high 17 rebounds. Para tumabla sa serye, kailangang rumesponde ang locals ni Guiao. Kahit binagabag ng cramps simula sa third, pumutok ng 28 points, 11 rebounds si Arizona Reid pero si Jeff Chan ay 1-for-7 sa labas ng arc bagamat tumapos ng 16. Wala nang iba pang E-Painter na nagsumite ng double figures. May pinagsamang 14 sina Beau Belga at Ryan Arana, bulto rito ay mula sa pag-ahon ng Painters sa 58-48 deficit. Petron vs RoS match GIYERA-PATANI! Umaatikabong giyera sa pisikal at mentalidad ang nasisilip sa Petron Blaze at Rain or Shine sa papasinayaan ngayong alas7:15 ng gabi sa Philippine Basketball Association Governors Cup race-to-three win semifinals showdown sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Umentra ang top seed Petron sa yugtong ito nang malagok ang kadugong No. 8 seed Barangay Ginebra San Miguel, 101-94, may apat na araw pa lang ang nakararaan. Noon ding Huwebes tinabig ng third seed RoS ang No. 7 seed GlobalPort, 108-106, sa quarterfinals. Pero nakauna ang PB sa RoS sa hamukan sa eliminations noong Agosto 23, 99-84, at kasama pa ang napakalalim na bench, sila ang tinuturo ng lahat na patok laban sa titleholder na karibal. Bentahe naman ang guro sa pamamagitan ni Elasto Painters coach Joseller Guiao sa kanyang estudyante o dati niyang assistant coach na si Gelacio Abanilla, ang nagmamando na sa Boosters. We are excited about our game tomorrow. We have to raise our level of play notch higher and expect a battle against RoS, pahayag ng rookie Petron coach sa bisperas ng digmaan. Being physically and mentally prepared against them is a priority if we want to be successful. Di naman nakatingin na agad si Guiao sa kung saan, gaya nang back-to-back Finals o sa matagumpay na title-retention ng kampo para sa 38th o 2012-13 season-ending ng pro league. Going back to the old cliche, we will take this one game at a time. We cant afford to look any further. We have to look for a weaknes even if they have none, ani Guiao. We have to be strong mentally to make up their depth and talent. Mamanibela sa mga gasolina sina Elijah Millsap, Arwind Santos, Alex Cabagnot, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, at Douglas Kramer. Hahagod naman sa mga magpipintura sina Arizona Reid, Gabe Norwood, Jeff Chan, Beau Belga, Paul Lee, at Chris Tiu. TIGERS BALIK SA FINALS De La Salle Green Archers hahamunin sa kampeonato

Mahigpit na niyakap ni Jeric Teng ang kanyang coach na si Pido Jarencio, may 16.1 segundo na lang sa laro. Sa umpukan ng mga katawan sa bench ng University of Sto. Tomas ay nasa gitna si Jarencio, umaagos ang luha. Matapos ang mahirap na daan makarating lang sa Final Four, balik muli sa championship round ang Tigers. Destiny ang tawag ni UST forward Kevin Ferrer sa malaking bundok na natawid ng No. 4 seed UST laban sa may twice-tobeat advantage na National U Bulldogs. Kasaysayan naman ang nasulat matapos ang kauna-unahang pagtibag ng isang last semifinals qualifier sa isang top seed sa 76-69 panalo kahapon ng UST sa napahiyang NU sa 76th UAAP mens basketball tournament sa dinagsa ng dagat ng mga nakadilaw na MOA Arena. Gumamit ang Tigers ng 11-0 run para makabalikwas mula sa dalawang puntos na pagkakaiwan sa huling 4:25 ng laro para tuluyang iwan ang Bulldogs. Nasa ikalawang sunod na finals stint ang UST at kakalabanin para sa koronang huling napunta sa Espaa noong 2006, rookie year ni Jarencio, ang nauna nang naghihintay na La Salle Green Archers. Sa Miyerkules ang simula ng best-of-three championship sa Big Dome na unang pagkikita ng UST at La Salle mula 1999. Nagsara si Teng ng 19 points, may 18 markers si Ferrer at doubledouble na 12 points at 10 rebounds si Aljon Mariano para sa UST, na naunang tinalo sa simula ng Final Four pairing ang NU, 71-62, noong Miyerkules at pagpuwersa ng do-or-die. Speechless ako ngayon, ang garalgal na pahayag ni Jarencio. Hindi ko akalain na aabot kami ng finals. Then siyempre maraming tao na nagdududa sa kakayanan ko, ang hindi na natapos na pahayag ni Jarencio sa post game interview nang yumuko na lamang ito at biglang lumabas ng press room. Gaya ng nangyari sa kanyang unang laro sa semis, miserable ang buhay ni dating back-to-back MVP Bobby Ray Parks sa depensa ni Ferrer nang gumuhit ito ng 15 points sa 3-of-10 field goal shooting sa NU. May tig-10 markers sina Cameroonian Emmanuel Mbe at Joshua Alolino sa muling namaalam sa semis sa ikalawang sunod na season na Bulldogs. Umabante pa ang NU, 61-59, sa fourth sa hindi nakumpletong three-point play ni Alolino bago bumitaw sa pressure ng rally ng UST. Bumulusok sa unang isat kalahating canto ang Tigers kung saan na nagsimula lang maka-field goal ang NU, may dalawang minuto na lang sa opening period. Hinawakan pa ng UST ang 26-15 lead sa second period ngunit naging kapalit naman ang maagang foul-trouble nina Tigers center Karim Abdul at Paolo Pe, na may tatlo at apat na fouls, ayon sa pagkakasunod.

Kumalas pa ang Tigers, 29-19, sa kalagitnaan ng second ngunit kumahol ang Bulldogs ng 11 sunod na puntos na isinara ng back-to-back baskets ni Mbe para sa unang two-point lead ng NU. Nagsara ang halftime sa 31-all matapos ang dalawang freethrows ni Kevin Ferrer, may 4.3 bago magsara ang second. ALTAS IBINITIN NG PIRATES Hindi pa sumusuko ang Pirates ng Lyceum of the Philippines of the University na maabot ang pakay na pitong panalo sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) seniors basketball tournament second round eliminations at ibinitin pa ang dapat sanay tuluyang pagmartsa ng kalaban sa semis. Napipintong maisakatuparan pa rin ito nang matamis na sorpresang resbakan kagabi ng LPU ang first round tormentor Altas ng University of Perpetual Help System Dalta, 84-61, sa The Arena sa San Juan City. Binawi ng Intramuros-based quintet ang 71-66 loss sa UPHSD para matakasan din ang tatlong sunod na semplang at ginawa ang talo ng biktima na magkasunod na para umangat ang baraha ng una sa 5-10 win-loss at ang huli ay sa dumausdos sa11-5. Di nga lang natinag sa kinalalagakang tersera ang Perpetual at ang Lyceum ay nanatili pa rin sa pangsiyam. Nadiskaril ang entra sa Final Four ng nabiktima na masaklap lalot out na sa next round ang LPU. Pero nakakuha pa ang Lyceum ng moniker sa taong ito na giant killer dahil sa paggawang suki sa mga bigatin. Bago ang isang ito, binulaga rin ng kampo ang defending three-time champion Red Lions ng San beda College at Knights ng Colegio de San Juan de Letran sa parehong tig-apat na puntos na panalo. Sumandal ang Pirates sa mabagsik na simula sa pamamagitan ng atakeng 20-4 at di na nilingon pa ang mga natulala at nangangang basketbolista mula sa Las Pias tungo sa pagabante ng 34-puntos 58-24 at 75-41. Talagang nabansagan na kami ng lahat as giant killers, although it doesnt mean na kaya naming talunin yung top three teams na malalakas, di na kami matatalo sa iba, litanya ni Lyceum coach Bonnie Tan. Its not how we start the league, but its how we end it. We still have three games left, hopefully kung ano yung nasimulan namin, magandang matapos namin. Bida si Mark Anthony Francisco sa Pirates sa tinabas na18 points sa likod ng 4-of-7 3-pt. shots, na kinabitan pa ng 7 rebs. Naka-17 pts. 6 assts. at 5 reb. si Shane Albert Ko na umeklipse sa 16 markers, 8 boards, 5 feeds at 3 steals ni Earl Scottie sa UPHSD. Sa juniors, wagi ang Altalettes sa Jr. Pirates, 83-68. Nanaig din ang Red Cubs ng SBC sa Staglets ng Baste, 77-72. TABLE TENNIS

Gumawa ng kasaysayan ang University of the Philippines Lady Maroons nang tibagin nito ang halos imposibleng thrice-tobeat advantage ng La Salle Lady Archers para angkinin ang 76th UAAP womens table tennis title kamakailan sa Blue Eagle Gym. Sinungkit ni Lusha Maderal ang panapos sa 3-2 win ng Lady Maroons sa Game 3 ng Finals sa 11-9, 12-10, 11-8 tagumpay kay Lady Archers bet Marcelle Galera. Ito ang unang pagkakataon na ang isang team sa kahit anong sports sa liga ang nakalagpas sa pagkakadehado sa thrice-tobeat incentive ng kalaban sapul nang gamitin ang outright semis format noong 2008. Ang Lady Archers ay may 14-game sweep sa elims para sa awtomatikong championship berth dala ang bentahe. Kinopo ng Lady Maroons ang unang dalawang laro sa parehong 3-1 panalo sa pagpuwersa ng Game 3. Nakaresbak ang La Salle sa mens division nang walisin ang dalawang laro sa Finals at ang pagtapos sa 13-taong paghihintay sa korona sa 3-1 paggapi sa Far Eastern U. Sa juniors division, winasak din ng University of the East ang thrice-to-beat advantage ng National U sa championship round. BASEBALL / SOFTBALL MLB: Rays nilusaw ng Red Sox Laglag ang isang bola sa pagitan ng dalawang outfielders. Ang isay masamang gumulong sa Green Monster standings. Nakaentra papasok ang isang batter sa pagbagsak ng third strike at ang isa pa ay nang bumagal ang pitcher para koberan ang una. Sa oras na mga natapos na iyon, nakaiskor na ang Boston Red Sox ng limang runs sa fourth inning, sinamantala ang kamalasan at masagwa pang depensa ng Tampa Bay upang makahulagpos sa maagang iwan at tinibag ang Rays, 12-2, noong Biyernes sa Game 1 ng AL division series.

You play 162 games, a lot of innings, a lot of pitches, a lot of runs. One thing you can guarantee in the playoffs is youre going to see something you havent seen all year, paglalahad ni Jonny Gomez, na naka-double para itabla ang game at nakaiskor mula sa segunda sa infield single tungo sa pagputong ng bentahe na walang nang bitawan para sa Boston. And we saw that right away. Nangailangan ng 163rd para makadaklot ng wildcard berth, nakaalpas ang Rays sa tatlong win-or-go-home games sa tatlong magkakaibang lungsod upang makatapak sa serye. Ngayoy kailangan nilang manalo sa Game 2 sa Sabado upang itabla ang best-of-five series bago ito malipat sa St. Petersburg, Fla. para sa Games 3 at 4. CHESS JP Gomez kipkip pa ang liderato

UP, DLSU, UE table tennis winners

Tumabla si John Paul Gomez sa nakabase sa Estados Unidos at kapwa Grandmaster Rogelio Barcenilla, Jr. sa 30 moves ng Scotch defense sapat para makipkip pa rin ang liderato sa mens division tapos ng ninth round ng 2013 Battle of the Grandmaster Chess Championships kamakalawa ng gabi sa Administration Bldg. conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. Tangan ni Gomez ang 24.0 points sa torneo na nagamit ng GM Eugenio Torre-NCFP president PPJ scoring system na ang panalo ay may kaakibat na tatlong puntos, ang tabla ay 1.5 points, ang talo ay zero, at ang stalemate para sa huling player na tumira ay may 2.0 pts. at sa player na di makakasulong pa ay 1.0 pt. Mag-isa rin sa segunda si GM Oliver Barbosa tapos kulektahan ng buong tatlong puntos si National Master Narquinden Reyes. May kabuuan na siyang 19.5 points.Tumabla lang si GM Rogelio Antonio, Jr. kay Fide Master Roderick Nava para 18.0 pts. at maupo sa tersera. Taob si International Master Joel Pimentel kay defending champion GM Mark Paragua para mapako sa 15.0 points at ang huli ay may 14.0 markers, habang nailista naman ni GM Eugenio Torre ang unang panalo kay FM Jony Habla matapos ang 8th straight draws. Sa iba pang resulta, tinalo ni GM Darwin Laylo si IM Richilieu Salcedo III, at angat si GM Richard Bitoon kay IM Emmanuel Senador. Hawak ni Laylo ang total output 17.5 para sa 4th place habang si Bitoon ay may13.5 points. At sa womens play, binayo ni Woman IM Janelle Mae Frayna si Lucelle Bermundo tungo sa 24.0 points at pagtatrangka. VOLLEYBALL No. 3 spot sinelyuhan ng Smart Sinelyuhan ng Smart-Maynilad Net Spikers ang kanilang placing sa best-of-three semifinals bilang no. 3 seed kahapon nang lagpasan sa pagsilip sa matchup sa serye ang Philippine Army Lady Troopers, 25-18, 22-25, 25-23, 20-25, 15-13, sa penultimate playdate ng Shakeys V-League 10 Open Conference. Ipinalasap ng Net Spikers sa Lady Troopers ang unang kabiguan sa quarters at ikalawang talong kabuuan sa torneo upang maiangat ang sariling carryover record sa 5-4 at makabawi sa pinagmulang kabiguan sa kamay ng sumiguro ng top seeding na undefeated Cagayan Valley Rising Suns. Nangailangan ang Smart ng halos dalawang oras para ipagpag ang Lady Troopers at angklahan ang third spot sa pagsemento ng Final Four match sa Army. Nagtulong ng tig-19 kills sina Thai import Lithawat Kesinee at Ateneo star Alyssa Valdez, na may 23 at 20 points ayon sa pagkakasunod, para sa Net Spikers. Samantala, kumuha ng unang panalo sa quarters ang Meralco Power Spikers nang kuryentehin ang winless na Philippine National Police Lady Patrollers, 25-19, 25-15, 16-25, 2523, sa no-bearing game ng mga sibak na sa kontensyon. Pinaganda na lamang ng Meralco ang kanilang baraha sa 2-7 habang ibinaon ang PNP sa 0-9 record. Nagdeliber ng 19 points si Maureen Ouano para sa Meralco, na binigyan ng 14 markers ni Chinese import Coco Wang at 13 ni Stephanie Mercado. Ito ang unang talo ng Army matapos mabigo noong preliminaries sa Cagayan Valley. May 19 points si Jovelyn Gonzaga gayundin si Rachel Anne Daquis para sa Lady Troopers, na may ambag na tig-11 hits kina Joanne Bunag at dating MVP Mary Jean Balse.

Air Force pupundihin pa ang Meralco Maniniguro na ng slot para sa semifinals ang Philippine Air Force Aiwomen kasabay ng pagputol ng three-game losing streak sa pagharap sa nag-aagaw buhay nang Meralco Power Spikers ngayon sa kanilang quarterfinals pairing sa Shakeys VLeague 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan. Sa bisa ng hawak na carryover 3-5 record, isang panalo na lang sa alas-kuwatro ng hapon at tuluyan nang ipipinid ng Airwomen ang habulan sa huling dalawang Final Four berth. Ang Smart-Maynilad Net Spikers ay nakasiguro ng playoffs para sa semis berth sakali mang magkaroon ng tablahan sa tig-apat na panalo sa pagsasara ng quarters sa pagitan nila at ng Air Force at Meralco. Nauna nang nakaupo sa best-of-three semis ang undefeated Cagayan Valley Rising Suns, na sa alas-dos ng hapon ay karibal ang nasibak nang Philippine National Police Lady Patrollers at ang Philippine Army Lady Troopers. Galing ang Airwomen sa pagsadsad sa kamay ng Lady Troopers ng 25-22, 25-21, 21-25, 19-25, 15-13, kamakalawa upang manatiling winless sa quarters. Nakasandal naman sa pader ang Power Spikers sa bitbit na 1-6 kartada kung saan isang talo lang ay sasamahan nila ang PNP sa maagang bakasyon. Noong Biyernes ay mula ang Meralco sa pagkakadiskonekta sa Cagayan Valley, 25-14, 16-25, 25-22, 2325, 15-13, at gaya ng Air Force ay wala pang naipapanalo sa round. May malinis na 8-0 baraha ang Lady Rising Suns habang 0-7 ang carryover record ng PNP.

Air Force sumuko sa Army Nilagpasan ng Philippine Army ang 29-point game ni Judy Ann Caballejo at ang meltdown sa third at fourth set laban sa Philippine Air Force Airwomen sa pagkubkob ng Lady Troopers ng 25-22, 25-21, 21-25, 19-25, 15-13, win kahapon sa quarterfinals ng Shakeys V-League 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan. Inabot ng dalawang oras at pitong minuto ang nakakapagod na laro para lang mapaganda ng Final Fourbound Army ang kanilang carryover record sa 7-1 sa second spot ng six-team quarters round-robin. Nailayo ng Lady Troopers ang fifth set, 13-10, sa hit ni Jovelyn Gonzaga ngunit muling nakabalik ang desperadong makakuha ng isa sa huling dalawang semis slot na Air Force sa dalawang sunod na puntos na idiniin ng palo ni Joy Cases. Nakauna sa paglapit sa matchpoint ang Army ngunit nagbanta ng pagpapahaba sa set ang Air Force, 14-13, bago tuluyang isara ng Lady Troopers ang match na naglagay sa Airwomen sa delikadong posisyon. Nagpasok ng 20 spikes at tatlong service aces sa kanyang kabuuang 24 points si dating MVP Mary Jean Balse para sa Army, na kumuha ng 17 points kay Gonzaga at 14 naman kay Rachel Anne Daquis. Bagsak sa ikatlong sunod na talo sa quarters ang Air Force sa 3-5 record. Puwersado ang Airwomen na maipanalo ang huling dalawang nalalabing laro para makasiguro ng posisyon sa semis o makaiwas sa pwedeng komplikasyon ng playoffs kung may makakatabla sa tig-apat na panalo sa pagitan ng Meralco at Smart-Maynilad. Galing ang 23 sa kabuuang puntos ni Caballejo sa kills, may 15 markers naman si Semana habang tig-12 ang iniabot sa Air Force nina Cases at Maika Ortiz.

Mixers ease out Bolts, reach finals San Mig Coffee, the PBA Governors Cup losing finalist last year, is back in the title playoff with another opportunity to be on mountaintop at seasons end. Marqus Blakely and Mark Barroca conspired for a big basket on a crucial defensive lapse by Chris Ross at the finish and the Mixers fended off the Meralco Bolts, 79-73, to grab the first berth in the best-of-seven titular series at the Smart Araneta Coliseum last night. Foiled in their sweep bid the last time out, the Petron Blaze Boosters take another shot at finishing off the Rain or Shine Elasto Painters in Game Four of their own semis duel also at the Big Dome tonight. Game Five, if necessary, is Wednesday over at the Cuneta Astrodome in Pasay City. Either team is gonna be a tough matchup for us. Petrons playing fluid, and Rain or Shine has its own brand of good basketball, said San Mig Coffee coach Tim Cone. Against the Bolts, Cone said they ended up on top as we had more horses. Were in control with a 10-point lead almost throughout the fourth then we allowed them to get back, he said. The Mixers, who actually took control almost throughout, flirted with disaster at endgame but survived, thus gaining a return stint in the finale of the tourney the franchise has never won in a decade. The Bolts had come to within a basket, 73-75, when Blakely spotted a defensive lapse by Ross. He dished off an assist to Barroca who converted a basket underneath to make it 77-73 with time down to 23.2 seconds. Ross left Barroca open as he provided a double-teaming defense on Blakely. After his crucial feed on Barroca, Blakely a little later grabbed a big offensive rebound and knocked in two charities as the Mixers secured a 24th finals in the history of their franchise. The San Mig Coffee import outworked just everybody, delivering 23 points, 19 rebounds, five steals, two assists and one block against three errors in 43 minutes of play. Mario West endured a shoulder injury sustained in Game Three and spearheaded Meralcos challenge with 22 markers and 17 boards. West, Macmac Cardona and Reynel Hugnatan fuelled Meralcos endgame charge that got the team back in the thick of the fight after falling behind by as many as 16 at 46-62. The Mixers enjoyed double-digit spreads right in the opening quarter as the Bolts started flat, unable to score a basket in the first four minutes of the game. West, obviously trying to protect his injured shoulder, scored his first basket with already 14 minutes into the contest.

Cagayan nips Army, sweeps V-League elims Cagayan Province took control of the last two sets to turn a 1-2 set deficit into a thrilling 25-15, 20-25, 19-25, 25-18, 15-9 victory over Philippine Army and sweep its way to the Final Four in the Shakeys V-League Season 10 Open Conference before a big Sunday crowd at The Arena in San Juan City. Aiza Maizo and Angeli Tabaquero delivered the key hits in the decider as the Rising Suns broke away from a tight 8-7 count in the decider en route to the 1:53-hour victory, their 12th straight, beating the Army Women for the second time this conference and formalizing their claim on the top seeding in the Final Four. Its nice to go to the semifinals on a winning note, we hope to ride on this strong performance, said Cagayan coach Nes Pamilar in Filipino. For a while, Cagayan appeared headed for a rare setback as Army came back from an opening set setback by seizing the next two behind the power-spiking duo of Rachel Anne Daquis and Jovelyn Gonzaga. But Maizo and Tabaquero, along with Thai ace Kannika Thipachot, took charge to dominate the fourth and decider with clutch hitting. Daquis and Gonzaga finished with 20 and 15 hits, respectively, but failed to deliver when their team needed it most. Cagayan will take on No. 4 Air Force in the best-of-three semis beginning tomorrow with the No. 2 Army and the third seeded Smart-Maynilad clashing for the other finals berth. The Rising Suns won four of next five points after changing court in the fifth to turn a shaky 8-7 margin into a 12-8 lead then took three of the next four points to wrap up the match and re-assert their mastery over the Army Women, whom they swept in the elims. The five-setter was also Cagayan and Armys third straight game that went the distance, underscoring the level playing field in the league sponsored by Shakeys. Thipachot finished with 24 hits while Tabaquero and Maizo dished out a 17-point game each as the Rising Suns head to their duel with the Air Women oozing with confidence following a 12game run. In contrast, Army goes to its keenly awaited showdown with a souped-up Smart-Maynilad squad reeling from back-to-back setbacks. Rachel Anne Daquis fired 20 hits while Jovelyn Gonzaga added 15 for the Army Women, who seized control after three sets but lost steam in the face of the Rising Suns mighty comeback. Earlier, Air Force, behind Joy Cases and Judy Caballejo, subdued Phl National Police, 25-16, 26-22, 14-25, 25-17, to finish with a 7-5 card. Cases unloaded 22 kills for a 24-point game while Caballejo added 17 hits as the Air Women recovered from a third set defeat to finish off the Patrolers with a strong fourth-set performance.

Maika Ortiz tossed in eight markers while skipper Liza de Ramos and Wendy Semana added seven points apiece for Air Force, which will face powerhouse Cagayan Province in tomorrows Final Four. Thai Sangmuang Patcharee came through with 17 hits while Frances Molina and Janine Marciano combined for 29 points for PNP which closed out their stint in the season-ending conference of the league backed by Mikasa and Accel with a 2-10 mark.

You might also like