Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kimberly Ann D.

Bagtas FIL002 1) Maikling Kwento- Ang Batang Matulungin at Masunurin

Huwebes Oktubre 3, 2013

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Paggagalitan siya ng ina kapag mahuli siya sa pag-uwi. Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul. Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata. Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipina-ubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang. 2) Alamat- Ang Alamat ng Maya Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya. Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon. Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya. 3) Sanaysay- Ang Kahalagahan ng Edukasyon Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga

bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. Pinagmumulan: http://mgahalimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/2012/09/halimbawa-ng-maiklingkwento-na-pambata.html#chitika_close_button http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-tungkol-saedukasyon.html#uds-search-results http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html

You might also like