Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Andres Bonifacio (1863-1897)

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nakatapos sa kanyang pag-aaral sa isang primaryang paaralan sa ilalim ng pagtuturo ni Guillermo Osmena. Ngunit sa kadahilanang di-inaasahang pagkamatay ng kanyang mga magulang siya ay huminto sa pag-aaral upang suportahan ang kanyang sarili at kanyang mga nakababatang kapatid. Sa sapat na pinag-aralan at kaalaman sa pagsulat at pagbasa, sa gulang n labing-apat na taon siyay naging isang mensahero ng kumpanya ng Fleming and Company, isang negosyo sa paggawa ng mga rattan at iba pang pambenta. Hindi sa kasapatan ang mga salaping naipon kayat siyay inilipat sa kompanya ng Freshell and Company ay siyay nakakuha ng malaking sahod bilang ahente. Bagamat ang sariling kakayahan ay hindi pa kasapatan, siyay nagbasa ng ilang mga aklat ni Rizal, mga nobela nito, mga talambuhay ng president at iba pa. Sa ibat ibang opinion na nalathala sa kanyang isipan, siyay nagtatag at nagtaguyod ng Katipunan. Kasama niya sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano na nagtatag din ng Katipunan, isang organisasyon ng masa na nagpasimula ng Rebolusyon ng Pilipinas. Hindi lingid sa isipan ni Bonifacio na siyay handa na upang pamunuan ang isang organisasyon, Mayo 1896. Siyay nagpadala ng isang tauhan ni Rizal upang ipamungkahi na sumapi siya sa isang Rebolusyon ni Bonifacio. Si Bonifacio ay nagsimulang pamunuan ang samahan ng buong talinot lakas upang lumaban bilang siyang kampeon. Higit sa isang libong katao ang nakilahok at nagkaroon ng pagpupulong sa Pugad Lawin, Kalookan noong ika-23 ng Agosto. Si Bonifacio, kasama ang mga tauhan ay buong hirap na nakipaglaban sa mga Kastila. Silay nagwagi ngunit dumating ang mga Amerikano na humantong muli sa isang pagtutunggali. Nagkaroon ng pagkatalo sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang. Isang Asembliya sa Tejeros, Cavite ang naganap kung saan nagkaroon ng pagpapasya ang Republika ng Pilipinas. Nang dumating ang eleksyon, nahalal bilang pangulo si Aguinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, at kalihim ng samahan si Bonifacio. Isang pag-aalitan ang naganap sa nasabing pagtitipon hinggil sa kakayahan ni Bonifacio na humawak sa nasabing posisyon. Nainsulto si Bonifacio at siyay lumipat sa Naic, Cavite at nagpasimulang bumuo ng sariling gobyerno. Kasama ang kanyang asawang si Gregoria de Jesus, silay lumisan sa Naic at planong bumalik patungong Montalban. Nagpadala ng ibang mga tauhan si Aguinaldo upang arestuhin si Bonifacio. Sa naganap na pangyayari, sugatan si Bonifacio at sa di inaasahan namatay ang tatlong kasamahan. Humarap siya sa isang pagsubok laban sa isang bagong gobyerno at nagawaran ng parusang kamatayan. Siyay namatay noong ika-10 ng Mayo, 1897 sa Maragondon, Cavite.

Francisco Balagtas (1788-1862) Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan. Palibhasay may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa. Palibhasay mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag uukulan niya ng wagas na pag ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya. Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas. Dahil sa may mataas na pinag aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera. Mainam inam na sana ang buhay ng mag anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya. Noong ika 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

Dr. Jose Protacio Rizal (1861-1896) Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

You might also like