Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

John Carlo J.

Pattaguan

History 2

Ms. Parcon

Lima sa na pili kong nagawa ni Presidente Benigno Aquino III sa SONA 2013
1. 2. 3. 4. 5. Pagpapalaki sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program Pagdistribusyon sa lupa ng Hacienda Luisita Pagayos sa sistema ng irigasyon para sa mga magsasaka Pagpapalakas sa sector ng agrikultura Pagpapalakas sa pwersa ng mga pulis

Lima sa na pili kong gagawin ni Presidente Benigno Aquino III sa SONA 2013
6. 7. 8. 9. 10. Pagprotekta sa mga Pilipino mula sa kalamidad Paglutas sa problema ng baha Pag-alis ng impormal na settlers mula sa mapanganib na lugar Posibleng pagtaas ng pamasahe sa MRT/LRT Paglutas sa problema ng trapiko sa Metro Manila

Reaksyon mula sa mga nabangit na proyekto. 1. Noong 2010 daw nasa 700,000 sambahayan ang benepisyaryo ng programa at sa tatlong taon na pinmunaan ni Pnoy ay tumaas ito ng 4 na Milyong sambahayan. Masasabi ko na gumanda ang pamumuno ni Pnoy kumpara sa nakaraang administrasyon. Ngayon marami ng mga pamilya karamihan sa probinsya ang nakakaahon sa kahirapan. At marami ng mga magulang ang natuto ng mga possible pagkititaan nila at marami naring mga batang nakakapag aral. 2. Sawakas maibabalik na sa mga taong naghirap at nagsakripisyo sa lupang sinakahan nila sa hacienda luisita, hindi na muling maghihirap ang ating mga magsasaka sa hacienda luisita dahil masaya na silang nagsasaka sa kanilang lupang pagmamayari. Masasabi ko na ito rin ay isa sa mga magiging dahilan ng pag-angat ng ating agrikultura. 3. Minsan nahihirpan tayong bumili ng magandang uri ng bigas dahil mahal kasi nagiimport lang tayo mula sa ibang bansa. Grabe naman ang yaman-yaman ng agrikultura ng bansa tapos nag-iimport tayo, dapat nga nage-export tayo. Kapag Tag-init na natutuyo ang mga sakahan dahilan sa kakaunti lang ang na-aani nating bigas. Buti nalang sa magandang administrasyon natin at 31,840 ektarya ng lupa ang malalagyan ng patubigan. Malaking tulong ito sa mga magsasaka dahil hindi na sila mahihirapan sa tubig at magiging maganda pa ang kalidad ng bigas. 4. Napakalawak ng agrikultura ng ating bansa. Napakahalaga ng sektor ng agrikultura dahil dito ng gagaling ang ating mga kinakain, mga hilawa na materyles atbp. Dapat nating palakasin ang ating agrikultura para tumaas ang ating ekonomiya. Dapat pang taas ang priyoridad sa ating agrikultura para mas tumaas pa ang ating ekonomiya. 5. Hindi naman nagbago ang bilang ng dami ng pulis sa ating bansa. Marami paring nabibiktima sa panghoholdap, pagpatay atbp. Dapat pa bang damihan pa natin ang ating

John Carlo J. Pattaguan

History 2

Ms. Parcon

mga pulis? O Marami lang tlaga sa kanila ang hindi kumikilos at hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin? Sa tingin ko marami naman mga pulis na naglilikod sa mga sibilyan na katulad natin na handang tumulong. Katulad nlang na hinalimbawa ni Pnoy sa SONA yung tatlong pulis na pinangaralan dahil sa kanilang mga nagawa, yung una ginagawa nya yung trabaho nya sa pag dakip ng mga most wanted sa bacolod handang itaya ang kanyang buhay, yung isa naman ay ginagampanan nya parin ang kanyang trabaho kahit naka OFF DUTY at yung isa naman ay tumulong sa nangangailan ng hindi tumatanggap ng kapalit. Ang saya isipin kung ang lahat ng pulis ay katulad ng tatlo siguro magiging confident tayo kapag lalabas ng bahay dahil ramdam natin na ligtas tayo. 6. Napakaganda ng proyektong pagprotekta sa ating mga pilipino, ang PROJECT NOAH, layunin nitong malaman kagad natin ang mga kalimidad na tatama (bagyo, lindol, landslide, pagsabog ng bulcan, baha) sa ating bansa. Malaking tulong ito satin upang mabigyan kagad tayo ng maagang balita. Sana mas magaaga pa nilang matapos ang proyekto na ito , mas maaga pa sa kanilang petsa na nabanggit (katapusan ng 2015). 7. Numero uno sa kalimidad ng bansa ang pagbaha. Disiplina ang kailangan, Bawal Magtapon ng Basura pero sige parin ang mga tao sa pagtapon ng basura sa mga ipinagbabawal na lugar, kaya ang epekto ay ang pagbabaha. Dapat taasan pa ang multa sa mga taong nag tatapon ng basura. Ilang taon na itong problema ng mga tao. Pero tao rin man ang dahilan ng problema. Kailngan nalang natin ng disiplina sa sarili, sumonod sa batas. At mas pagadahin pa ang mga kanal at estero. 8. Isa rin sa mga dahilan kung bakit mabilis bumaha ay ang mga informal settlers na naninirahan sa estero, isa sa mga proyekto ni Pnoy ay ilipat ang mga naninirahan sa estero at sa iba pang mapanganib na lugar upang masulusyonan na ang problema sa baha. Dapat masmaaga palang magawa na ito hindi yung aatayin pa yung panibagong sa kalamidad. 9. Sa tingin ko mas maganda munang ayusin at pagandahin ang pasilidad ng bawat estasyon at dagdagan pa ng marami at bagong tren para kahit papano ay hindi nakapapanglumong isipin ang pagtaas ng pamasahe. Pabor naman ako sa pagtaas ng pamasahe, kahit papano matipid parin sa budget. Yun nga lang dapat may discount sa mga students at senior citizens para hindi mahirapan ang mga katulad namin. 10. Isa rin ito sa problema sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Problema talaga ang transportasyon. One time nanuod ako ng balita at ang sabi ay billion ang nasasayang na pera dahil sa transportasyon. Dapat ayusin tlaga ang ang mga kalsada, bawasan ang mga dumaan sa metro manila na mga PUV lalo na yun bus. Iso rin ito sa kailngan natin upang umangat ang ating ekonomiya mabilis na transportsyon mabilis din napagtaas ng ekonomiya.

You might also like