Filipino Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.

Guimba, Nueva Ecija

Banghay Aralin
Mala-Detalyado

I.

LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. b. c. d. e. Nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito. Nakapagbibigay ng mga haimbawa sa bawat uri ng tayutay batay sa sariling pang-unawa. Nakikibahagi sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain. Nakikimahagi sa pagsagot sa mga katanungan ukol sa aralin. Nakagagawa ng tula batay sa tinalakay na paksa.

II.

PAKSANG ARALIN

Tayutay at mga Uri nito (Figure of Speech) A. Kagamitan - Pisara - Yeso - Powerpoint Presentation B. Sanggunian Emily Marasigan et-al, Pluma (Wika at Panitikan), Pahina 63-64

III.

PAMAMARAAN
- Pagpapaayos ng silid

A. Pagsasagawa ng mga pangaraw-araw na gawain: - Pagbati at Pagdarasal - Pagtatala ng mga lumiban sa klase B. Pagbabalik aral Pang-uri ayon sa limang pandama

C. Pagganyak Ang guro ay naghanda ng isang maikling iskrip. Ito ay kanyang ipababasa ng may damdamin sa dalawang napiling mag-aaral sa harapan ng klase. Matapos ang pagsasadulay may inihandang katanungan ang guro sa mga mag-aaral. a. Ano ang napansin niyo sa mga salitang binibitiwan ng dalawang mangingibig? b. Kaya-aya ba itong pakinggan? c. Kung ikaw ang tatanungin bilang isang Pilipinong mag-aaral, nanaisin mo bang gamitin ito sa kasalukuyan? D. Pagpapakilala sa Aralin Paghahanda Sa tulong nang isinagawang pangganyak ay maipakikilala na ng guro ang panibagong aralin Tayutay at mga uri nito Striving for Excellence, Stewardship and Patriotism -

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.


Guimba, Nueva Ecija

IV.

PAGTALAKAY SA ARALIN
Tayutay
ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa tulong ng patalinghagang pagpapahayag na kaiba sa karaniwan . Layunin ng tayutay na mapaganda at magawang mabisa, masining at kawiliwili ang paglalarawan.

Mga Uri ng Matalinhagang Pagpapahayag(Tayutay) 1. Pagtutulad (simile)


naghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salitat pariralang: tulad ng, gaya ng, animo, mistula, tila, wari, kagaya ng, kawangis ng, kapara ng at parang. Hal. Ang kanyang matay mistulang bituwin na kumikislap sa kalangitan.

2. Pagwawangis (metaphor)
isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga pariralang nabanggit sa pagtutulad. Hal. Si Daniel Padilla ay isang Adonis sa aking paningin.

3. Pagsasatao (personification)
Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng Pandiwa. Hal. Ang mga Puno ay marahang isinasayaw ng hangin.

4. Pag-uyam (irony)
ginagamitan ng pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salita na kung pakikinggan ay tila kapuri-puring pangungusap. Hal. Talagang napakabait ni Adong at nambugbog nanaman ng kanyang kamag-aral.

5. Eksaherasyon o Pagmamalabis (hyperbole)


lubhang pinalalabis o pinagkukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Hal. Nabasag ang bambam ng aking tainga dahil sa lakas ng tili ng aking kamag-aral.

V.

PAGLALAHAT/PAGPAPAHALAGA
Bubuo ang bawat mag-aaral ng isang saknong na tula na binubuo ng 4 na taludtod, maaaring malayang taludturan at walang tugma. Ito ay kanila lamang tatapusin sa loob ng limang minuto. Aktibidad: Matapos na makabuo ng tula, ang mga mag-aaral ay hahatiin ng guro sa 5 o 6 na pangkat na kung saan binubuo ito ng tigatlong miyembro. Ang isasagawang pangkatang bahaginan ay isasagawa sa labas ng silid. Ito ay maihahalintulad sa larong Open the Basket na kilalang laro ng mga musmos

Striving for Excellence, Stewardship and Patriotism

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.


Guimba, Nueva Ecija
na kabataan. Magbibigay ng hudyat ang guro kung silay lilipat na sa kasunod na basket. Sa kanilang nahintuan ay kanilang ibabahagi ang tulang kanilang ginawa at sasabihin ang uri ng mga tayutay na nagamit sa loob lamang ng 2 minuto. Matapos nito ay papalit naman ang isang mag-aaral na kabilang sa basket at ang mag-aaral na nasa loob ng bahay ang siya namang magiging basket. Ito ay isasagawa hanggang sa matapos ang lahat ng mag-aaral na magbahagi.

VI.

PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang pangungusap ayon sa uri ng Tayutay. Ilagay ang kasagutan bago ang bilang. ____________1. Hindi mahulugang karayom ang simbahan tuwing simbang gabi. ____________2. Kayganda ng kuwarto mo! Parang binuhawit binagyo. ____________3. Ang aking karibal ang natatanging tinik sa aking lalamunan. ____________4. Halos lumuwa ang kanyang mata sa sobrang ganda ng artista. ____________5. Animo engkantada sa dilim na mapanglaw ang kanyang kasintahan. ____________6. Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan. ____________7. Ang malakas na hampas ng alon ang siyang kumitil ng kaniyang buhay. ____________8. Ang ganda ng sulat ni Pepe, parang kinalaykay ng manok.

VII. TAKDANG ARALIN


Pumili ng isang kanta na naglalaman ng matatalinhagang pahayag. Salungguhitan ang pahayag at tukuyin ito ayon sa uri ng Tayutay.

Inihanda ni:

Bb. Maria Camille L. Villanueva


BSEd Filipino 4th year

Sinangayunan ni:

Ms. Maureen Manuel Ambalina

Striving for Excellence, Stewardship and Patriotism

You might also like