Kasaysayan NG Bird Flu PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

ANG KASAYSAYAN NG BIRD FLU

Ang kasalukuyang pagkalat ng bird flu ay naiiba sa mga naunang paglaganap nito sa paraang hindi na ito napigilan ng mga awtoridad na kumalat. Unang kumalat ang sakit na bird flu sa Hong Kong noong 1997 ngunit madali itong napigilan. May kabuuang bilang na 18 katao ang naospital dahilan sa sakit na ito at napaulat na anim sa kanila ay namatay. Sa pagsisikap na masugpo ang pinagmumulan ng virus na ito, humigitkumulang na 1.5 milyong manok ang pinatay. Kaiba sa naganap noong 1997, ang sakit ay mabilis na kumalat sa iba pang mga bansa na mas lumawak pa ang pagkakalantad nito sa mga tao sa ibat-ibang lokasyon. Tumaas ang posibilidad na ang virus na ito ay humalo sa sa virus ng karaniwang trangkaso ng tao. Kabilang sa mga ulat ng pagkalat ng bird flu sa mga tao ay ang mga sumusunod: 1997: Sa Hong Kong, ang avian influenza A (H5N1) ay parehong kumalat sa mga tao at manok. Ito ang kauna-unahang pagkakataong napatunayang direktang nakakahawa ang sakit sa tao mula sa mga ibon. Noong kalaganapan ng sakit na ito, 18 katao ang naospital at 6 sa kanila ay namtay. Upang masugpo ang pag;aganap nito, ang mga awtoridad ay pumatay ng halos 1.5 milyong bilang ng mga manok. Tiniyak ng mga siyentipiko na ang virus ay direktang naihawa mula sa ibon tungo sa tao, bagamat may lumitaw na bibihirang pagkahawa ng tao sa tao. 1999: Sa Hong Kong, may mga kaso ng avian influenza A H9N2 ang nakumpirma sa 2 bata. Parehong gumaling ang 2 pasyente at wala nang panibagong kaso ng sakit ang naiulat. Batay sa katibayan, ang pagkahawa ng sakit ay mula sa manukan. Ang pangunahing sanhi ng pagkakahawa ay direktang pagkahawa ng tao mula sa manok. Nanatiling nakabukas ang posibilidad ng tao sa tao na pagkahawa. Sa Tsina, may ilang naiulat na karagdagang pagkakasakit pa ng tao mula sa H9N2 virus noong 1998-99. 2003: May dalawang kaso ng pagkakasakit ng avian influenza A (H5N1) sa ilang miyembro ng isang pamilya sa Hong Kong na nagbiyahe sa Tsina. Ang isa ay gumaling ngunit namatay ang isa. Hindi matiyak kung paano at saan nahawa ang 2 miyembro na ito ng pamilya. May isa pang miyembro ng pamilya ang namatay sanhi ng sakit sa respiratory ngunit walang pagsusuri ang ginawa. Wala nang karagdagang kaso pa ng sakit ang naiulat. 2003: Sa paglaganap ng avian flu sa mga manukan sa Netherlands, nakumpirmang may avian influenza A (H7N7) ang ilang trabahador sa manukan pati na rin ang ilan sa kanilang mga kapamilya. Mahigit sa 80 kaso ng sakit ang naiulat (kadalasan sa mga sintomas ay impeksiyon sa mata at respiratory). Namatay ang isang pasyente (beterinaryo ito na bumisita sa isang naapektuhang bukid). May mga katibayan nang pagkakahawa ng tao sa tao.

AVIAN INFLUENZA (TRANGKASO SA IBON) Avian influenza sa Ibon Ang avian influenza ay isang uri ng impeksiyon dulot ng mga viruses ng avian influenza. Hango ito sa salitang avian (ibon) at influenza (trangkaso). Ang virus ng bird flu ay karaniwang umiiral sa mga ibon. Ang mga ibong maiilap sa buong mundo ay nagtataglay nito sa kanilang mga bituka ngunit hindi naman sila nagkakasakit sanhi nito. Gayunpaman, ang avian influenza ay lubhang nakahahawa sa mga ibon. Higit nitong naaapektuhan ang mga alagang ibon gaya ng manok, pato at pabo na kung saan maaaring magkasakit nang lubha ang mga ito na maaaring ikamatay ng mga ibon. Naihahawa ng mga apektadong ibon ang virus sa pamamagitan ng laway, sipon o dumi. Madaling kapitan ng sakit ang mga ibon na napadikit sa mga kontaminadong dumi o sipon ng mga apektadong ibon. Ang mga alagang ibon ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa isang apektadong ibon o manok, Maaaring mahawa rin ang mga ibon sa pamamagitan ng kontaminadong kulungan, tubig o pagkain (feeds) ng manok. Ang pagkakontaminado ng avian flu virus sa mga karaniwang manukan ay nagbubunga ng 2 uri ng sakit. Ang isang pagkakasakit ay dulot ng isang di-gaanong nakakahawang uri ng virus. Ito ay karaniwang hindi gaanong napapansin. Ang indikasyon o sintomas nito pagbaba sa bilang ng pangingitlog at pagtaas ng mga balahibo ng manok. Sa kabilang banda, ang isa pang uri ng virus na ito ay mabilis kumalat sa mga manukan. Ito ay nagdudulot ng grabeng pagkakasakit sa mga manok na nakakaapekto sa mga ibat-ibang panloob na bahagi ng katawan gaya ng bituka. Ang porsiyento ng pagkamatay ng manok ay umaabot ng 90-100% sa loob ng 48 oras. Pagsalakay ng Avian Influenza Viruses sa Tao Kalimitang mababa ang tsansa ng pagdapo ng avian influenza sa mga tao sa kadahilanang ang avian flu viruses ay matatagpuan sa mga ibon at ang mga ito ay bihirang makahawa sa mga tao. Ngunit mula pa noong 1997, mahigit sa isandaang mga kaso ng avian influenza sa mga tao ang naitala. Karamihan sa mga kaso ng pagkahawa ng tao sa mga ibon ay nakuha sa paghipo sa mga kontaminadong ibon (Halimbawa: manok, pato o pabo) at pagkahantad sa mga kontaminadong kulungan, pagkain o tubig ng mga ibon. Maaaring mahawakan ng isang tao ang mga sahig o dingding ng kulungan ng manok kung saan may dumi nito. Ang pagkahawa ng bird flu mula sa tao sa tao ay bihira lamang ang naitala at wala pang naobserbahang kaso na nailipat ito ng isang taong nahawahan ng tao sa iba pang tao. Maraming klase o uri ng influenza A viruses. Ang mga ito ay nagkakaiba-iba dahil sa mga pagbabago ng protina sa surface ng influenza A virus (hemagglutinin [HA] at neuraminidase [NA]). Napag-alamang may 16 na klase ng ng HA at 9 na klase ng NA. Posible ang maraming kombinasyon ng HA at NA. Bawat kombinasyon ay

naglalarawan sa ibat-ibang klase ng virus. Lahat ng napag-alamang klase ng influenza A virus ay makikita sa mga ibon. Ang avian influenza virus ay tumutukoy sa influenza A viruses na kadalasang matatagpuan sa mga ibon ngunit maaaring magdulot rin ng sakit sa mga tao. Ang human influenza virus ay tumutukoy sa iba pang klase ng virus na mabilis kumalat sa mga tao. May tatlong kilalang subtype ng human influenza virus na karaniwang nagdudulot ng sakit na trangkaso sa mga tao (H1N1, H1N2 AT H3N2). Maaaring orihinal na nanggaling sa mga ibon ang mga ilang henetikong bahagi ng kasalukuyang human influenza A virus. Palaging nagbabago ang virus na ito at sa paglipas ng panahon at ito ay maaaring magbunga ng panibagong uri ng trangkaso na dadapo at kakalat sa mga tao. Nang kumalat ang avian influenza sa mga manukan, may panganib na mahawa ang mga taong nalantad sa mga kontaminadong ibon at humipo o napadikit sa mga surfaces na mayroong dumi ng mga kontaminadong ibon. Ang mga sintomas ng avian influenza na lumabas sa tao ay nagsimula sa mga ordinaryong sintomas ng pagkakasakit ng trangkaso gaya ng lagnat, ubo, sakit sa lalamunan at pananakit ng kalamnan. Umabot ito sa impeksiyon sa mata, pulmonya, matinding karamdaman sa respiratory at iba pang matitindi at nagsasapanganib ng buhay na mga komplikasyon. Ang sintomas ng avian influenza ay depende kung anong uri ng virus ang dumapo sa isang tao. Ang mga pag-aaral na isinagawa sa mga laboratoryo ay nagpahiwatig na ang mga gamot na may preskripsiyong aprubado para sa trangkaso ng tao ay maaaring makagamot sa avian influenza na dumadapo sa tao. Gayunpaman, ang mga influenza viruses ay maaaring maging hindi talaban ng mga gamot na ito kung kayat ang mga gamot na ito ay hindi palaging maaasahang tumalab. Kailangan pa ang karagdagang pag-aaral upang maipakita kung gaano kaepektibo ang mga sakit na ito.

Ang Avian Influenza A (H5N1)

Ang Avian Influenza A (H5N1) sa Asya at Europa Ang Influenza A (H5N1) virus na kilala rin sa tawag na H5N1 virus ay isang klase ng influenza A virus na karaniwang umiiral sa mga ibon, lubhang nakakahawa sa mga ibon, at nakamamatay sa kanila. Nagkaroon ng pagkalat ng avian influenza H5N1 sa mga manukan saw along bansa sa Asya (Cambodia, Tsina, Indonesia, Hapon, Laos, Timog Korea, Thailand at Vietnam) noong huling bahagi ng 2003 at unang bahagi ng 2004. Sa mga panahong iyon, mahigit sa 100 milyong ibon sa mga apektadong bansa ang namatay sa sakit o kusang pinatay ng maga awtoridad upang masugpo ang pagkalat ng sakit. Ang pagkalat ng sakit ay

naiulat na kontrolado na ang sakit noong Marso 2004. Subalit mula noong Hunyo 2004, iniulat ang pagkalat ng influenza H5N1 sa mga manukan ng ilang bansa sa Asya gaya ng Cambodia, Tsina (Tibet), Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Mongolia, Russia (Siberia), Thailand at Vietnam. Pinaniniwalaan na patuloy pa rin ang mga pagkalat na ito. Ang influenza H5N1 ay naiulat din sa mga manukan ng Turkey at Romania, maging sa mga naglalakbay na maiilap na ibon sa Croatia. Ang pagdapo ng sakit na influenza A (H5N1) sa mga tao ay naiulat sa Cambodia, Tsina, Indonesia, Thailand at Vietnam. Ang Mga Panganib sa Kalusugan ng Tao nang Kumalat ang H5N1 Ang H5N1 virus ay kadalasang hindi naaapektuhan ang tao ngunit mahigit sa 100 kaso ng pagkahawa ng tao sa sakit na dala ng virus na ito ang naiulat mula pa noong Disyembre 2003. Karamihan sa mga kasong ito ay umiral bilang resulta ng direktang pagkakalantad at pagkakalapit ng tao sa mga kontaminadong ibon at kulungan ng mga ito. Mayroon ding mababang bilang ng kaso ng pagkakahawa ng tao sa tao ng influenza H5N1. Sa mga kaunting bilang ng avian influenza viruses na nakapangyaring maihawa sa tao mula sa iba pang nilikha, ang H5N1 ay nagging sanhi ng pinakamalaking bilang ng kaso ng pagkakasakit at kamatayan sa mga tao. Sa pangkasalukuyang pagkalat ng sakit sa Asya at Europa, mahigit sa kalahating bilang ng mga taong dinapuan ang mga namatay. Karamihan sa mga kasong naiulat ay umiral sa mga dating malulusog na mga bata at mga kabataang adulto. May posibilidad na ang mga kasong naiulat ay pawing sa mga malulubhang kaso lamang ng sakit kung kayat ang buong saklaw na ibinubunga ng sakit na ito ay hindi pa gaanong masiguro. Hanggang sa mga panahong ito, ang pagkalat ng H5N1 virus sa tao sa tao ay bihira lamang at ito ay hindi na naihahawa pa ng isang taong nahawahan sa isa pa uling tao. Sa kabila nito, nababahala ang mga siyentipiko na balang araw ay madali nang dumapo ang sakit sa mga tao at madali na itong maihawa sa pagitan ng mga tao. Ang dahilan dito ay ang kakayahan ng virus na baguhin ang sarili nito. Sapagkat ang mga sakit na idinudulot ng mga viruses na ito ay hindi karaniwang dumadapo sa tao kung ka yat maliit lamang o walang proteksiyon sa imyunidad ang mga tao laban dito. Kung magiging mabilis na ang pagkakahawa ng tao sa H5N1 virus, maaaring magsimula ang isang pandemic (pangglobong epidemya o pagkalat ng sakit) ng trangkasong ito. Walang nakakabatid kung kalian magkakaroon ng pandemic. Ang mg adalubhasa sa ibat-ibang panig ng mundo ay patuloy na nagbabantay at naghahanda sa posibilidad na ang virus ay maging madali na sa pagkalat mula sa tao sa tao.

Ang Paggamot at Bakuna para sa H5N1 virus sa mga Tao Ang H5N1 virus na nagdulot ng trangkaso sa tao at kamatayan sa Asya ay hindi tinatalaban ng amantadine at rimantadine, dalawang karaniwang medikasyon na ginagamit laban sa mga virus na nagdudulot ng trangkaso. Dalawa pang medikasyon, oseltamavie at zanamavir, ang pinaniniwalaang makagagamot sa trangkaso dulot ng

H5N1 virus. Ngunit kailangan pa ang mga karagdagang mga pag-aaral upang masiguro kung gaano kaepektibo ang mga ito.

Avian Influenza Ano ang avian influenza (bird flu o trangkaso sa ibon)? Ang avian influenza ay isang uri ng impeksiyon dulot ng mga viruses ng avian influenza. Hango ito sa salitang avian (ibon) at influenza (trangkaso). Ang virus ng bird flu ay karaniwang umiiral sa mga ibon. Ang mga ibong maiilap sa buong mundo ay nagtataglay nito sa kanilang mga bituka ngunit hindi naman sila nagkakasakit sanhi nito. Gayunpaman, ang avian influenza ay lubhang nakahahawa sa mga ibon. Higit nitong naaapektuhan ang mga alagang ibon gaya ng manok, pato at pabo na kung saan maaaring magkasakit nang lubha ang mga ito na maaaring ikamatay ng mga ibon. Ang pagkakontaminado ng avian flu virus sa mga karaniwang manukan ay nagbubunga ng 2 uri ng sakit. Ang isang pagkakasakit ay dulot ng isang di-gaanong nakakahawang uri ng virus. Ito ay karaniwang hindi gaanong napapansin. Ang indikasyon o sintomas nito pagbaba sa bilang ng pangingitlog at pagtaas ng mga balahibo ng manok. Sa kabilang banda, ang isa pang uri ng virus na ito ay mabilis kumalat sa mga manukan. Ito ay nagdudulot ng grabeng pagkakasakit sa mga manok na nakakaapekto sa mga ibat-ibang panloob na bahagi ng katawan gaya ng bituka. Ang porsiyento ng pagkamatay ng manok ay umaabot ng 90-100% sa loob ng 48 oras.

Paano kumakalat ang avian influenza sa mga ibon? Naihahawa ng mga apektadong ibon ang virus sa pamamagitan ng laway, sipon o dumi. Madaling kapitan ng sakit ang mga ibon na napadikit sa mga kontaminadong dumi o sipon ng mga apektadong ibon. Ang mga alagang ibon ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa isang apektadong ibon o manok, Maaaring mahawa rin ang mga ibon sa pamamagitan ng kontaminadong kulungan, tubig o pagkain (feeds) ng manok. Nakakahawa ba sa mga tao ang mga avian influenza viruses? Ang mga viruses na nagdudulot ng trangkaso sa ibon ay kadalasang hindi naaapektuhan ang tao ngunit mahigit sa 100 kumpirmadong mga kaso ng pagkahawa ng tao sa sakit na dala ng virus na ito ang naiulat mula pa noong 1997. Paano nahahawa ng avian influenza viruses ang mga tao? Karamihan sa mga kaso ng pagkahawa ng tao sa mga ibon ay nakuha sa paghipo sa mga kontaminadong ibon (Halimbawa: manok, pato o pabo) at pagkahantad sa mga kontaminadong kulungan, pagkain o tubig ng mga ibon. Maaaring mahawakan ng isang tao ang mga sahig o dingding ng kulungan ng manok kung saan may dumi nito. Ang pagkahawa ng bird flu mula sa tao sa tao ay bihira lamang ang naitala at wala pang naobserbahang kaso na nailipat ito ng isang taong nahawahan ng tao sa iba pang tao. Nang kumalat ang avian influenza sa mga manukan, may panganib na mahawa ang

mga taong nalantad sa mga kontaminadong ibon at humipo o napadikit sa mga surfaces na mayroong dumi ng mga kontaminadong ibon. Anu-ano ang mga sintomas ng pagkakahawa ng avian influenza sa tao? Ang mga sintomas ng avian influenza na lumabas sa tao ay nagsimula sa mga ordinaryong sintomas ng pagkakasakit ng trangkaso gaya ng lagnat, ubo, sakit sa lalamunan at pananakit ng kalamnan. Umabot ito sa impeksiyon sa mata, pulmonya, matinding karamdaman sa respiratory at iba pang matitindi at nagsasapanganib ng buhay na mga komplikasyon. Ang sintomas ng avian influenza ay depende kung anong uri ng virus ang dumapo sa isang tao.

Paano nalalaman na may avian influenza ang isang tao? Ang pagsusuri sa isang laboratoryo ay kinakailangan upang makumpirma kung may avian influenza ang isang tao. Anu-ano ang mga implikasyon ng avian influenza sakalusugan ng tao? May dalawang panganib sa kalusugan ng tao ang maidudulot ng avian influenza sa kalusugan ng tao: 1) ang panganib ng direktang pagkakalipat ng virus sa tao mula sa ibon at kadalasang nagreresulta ito sa malubhang pagkakasakit, at 2) ang panganib na ang virus kung magkakaroon ng tamang pagkakataon ay magbago sa isang anyo na lubhang nakahahawa sa mga tao at madaling lumipat mula sa tao sa tao.

Paano ginagamot ang avian influenza sa tao? Ang mga pag-aaral na isinagawa sa mga laboratoryo ay nagpahiwatig na ang mga gamot na may preskripsiyong aprubado para sa trangkaso ng tao ay maaaring makagamot sa avian influenza na dumadapo sa tao. Gayunpaman, ang mga influenza viruses ay maaaring maging hindi talaban ng mga gamot na ito kung kayat ang mga gamot na ito ay hindi palaging maaasahang tumalab. Kailangan pa ang karagdagang pag-aaral upang maipakita kung gaano kaepektibo ang mga sakit na ito.

Mapoprotektahan ba ako ng mga pangkasalukuyang bakuna para sa mga panapanahong karaniwang trangkaso mula sa avian influenza? Hindi. Ang bakuna sa trangkaso para sa 2005-06 ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa avian influenza. Dapat ba akong magsuot ng surgical mask upang hindi malantad sa avian influenza? Sa kasalukuyan, ang pagsusuot ng mask sa publiko para mapigilan ang pagkakalantad sa sakit na trangkaso ay hindi inirerekomenda. Sa Estados Unidos, karaniwang ginagamit sa mga ospital at iba pang mga pasilidad na pangmedisina ang mga disposable (mga bagay na dapat nang itapon pagkatapos gamitin) surgical mask upang hindi mahantad sa mga impeksiyon sa respiratory. Ngunit ang mga ito ay hindi karaniwang ginagamit sa paligid ng komunidad gaya ng paaralan, lugar na pangkomersiyal at mga pampublikong pagtitipon.

May panganib bang magkasakit ng avian influenza ang isa kung siya ay kakain ng manok? Walang katibayan na pagmumulan ng avian influenza viruses ang mga nalutong mabuti na manok at itlog. Ang pamahalaang Amerikano ay maingat na kinokontrol ang mga lokal at inangkat na mga produktong pagkain. Ito rin ay nagpalabas ng pagbabawal sa pag-angkat ng mga manok mula sa mga bansang apektado ng avian influenza viruses kabilang na ang H5N1. Ipinagbabawal pa rin ito hanggang ngayon. Mayroon kaming maliit na kawan ng manok. Ligtas bang alagaan pa sila? Oo. Dito sa Estados Unidos, walang pangangailangan na alisin ang kawan ng manok dahilan sa pag-aalalatungkol sa avian influenza. Ang Departamento ng Agrikultura ng Estados Unidos ay binabantayan ang mga manok at mga produkto ng manok na hindi makontamina ang mga ito ng avian influenza viruses at iba pang viruses ng mga nakakahawang sakit.

Avian Influenza A (H5N1) Ano ang avian influenza A (H5N1) virus na naiulat sa Asya at Europa? Ang Influenza A (H5N1) virus na kilala rin sa tawag na H5N1 virus ay isang klase ng influenza A virus na karaniwang umiiral sa mga ibon, lubhang nakakahawa sa mga ibon, at nakamamatay sa kanila. Nagkaroon ng pagkalat ng avian influenza H5N1 sa mga manukan saw along bansa sa Asya (Cambodia, Tsina, Indonesia, Hapon, Laos, Timog Korea, Thailand at Vietnam) noong huling bahagi ng 2003 at unang bahagi ng 2004. Sa mga panahong iyon, mahigit sa 100 milyong ibon sa mga apektadong bansa ang namatay sa sakit o kusang pinatay ng maga awtoridad upang masugpo ang pagkalat ng sakit. Ang pagkalat ng sakit ay naiulat na kontrolado na ang sakit noong Marso 2004. Subalit mula noong Hunyo 2004, iniulat ang pagkalat ng influenza H5N1 sa mga manukan ng ilang bansa sa Asya gaya ng Cambodia, Tsina (Tibet), Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Mongolia, Russia (Siberia), Thailand at Vietnam. Pinaniniwalaan na patuloy pa rin ang mga pagkalat na ito. Ang influenza H5N1 ay naiulat din sa mga manukan ng Turkey at Romania, maging sa mga naglalakbay na maiilap na ibon sa Croatia. Ang pagdapo ng sakit na influenza A (H5N1) sa mga tao ay naiulat sa Cambodia, Tsina, Indonesia, Thailand at Vietnam.

Anu-ano ang mga panganib sa tao na dala ng kasalukuyang kumakaslat na H5N1 sa Asya at Europa? Ang H5N1 virus ay kadalasang hindi naaapektuhan ang tao ngunit mahigit sa 100 kaso ng pagkahawa ng tao sa sakit na dala ng virus na ito ang naiulat mula pa noong Disyembre 2003. Karamihan sa mga kasong ito ay umiral bilang resulta ng direktang pagkakalantad at pagkakalapit ng tao sa mga kontaminadong ibon at kulungan ng mga

ito. Mayroon ding mababang bilang ng kaso ng pagkakahawa ng tao sa tao ng influenza H5N1. Hanggang sa mga panahong ito, ang pagkalat ng H5N1 virus sa tao sa tao ay bihira lamang at ito ay hindi na naihahawa pa ng isang taong nahawahan sa isa pa uling tao. Sa kabila nito, nababahala ang mga siyentipiko na balang araw ay madali nang dumapo ang sakit sa mga tao at madali na itong maihawa sa pagitan ng mga tao. Ang dahilan dito ay ang kakayahan ng virus na baguhin ang sarili nito. Sapagkat ang mga sakit na idinudulot ng mga viruses na ito ay hindi karaniwang dumadapo sa tao kung kayat maliit lamang o walang proteksiyon sa imyunidad ang mga tao laban dito. Kung magiging mabilis na ang pagkakahawa ng tao sa H5N1 virus, maaaring magsimula ang isang pandemic (pangglobong epidemya o pagkalat ng sakit) ng trangkasong ito. Walang nakakabatid kung kalian magkakaroon ng pandemic. Ang mg adalubhasa sa ibat-ibang panig ng mundo ay patuloy na nagbabantay at naghahanda sa posibilidad na ang virus ay maging madali na sa pagkalat mula sa tao sa tao.

Ano ang panganib na dala sa mga taong naninirahan sa Amerika ng kasalukuyang kumakalat na H5N1 sa Asya at Europa? Mababa ang panganib na dala sa mga taong naninirahan sa Amerika ng kasalukuyang kumakalat na H5N1 sa Asya at Europa. Ang klase ng H5N1 virus na natagpuan sa Asya at Europa ay hindi pa natatagpuan sa Estados Unidos. Wala ring kasong naiulat na may H5N1 influenza sa mga tao sa Estados Unidos. May posibilidad na nahawa ng avian influenza ang mga biyaherong nanggaling sa mga bansang apektado sapagkat sila ay nahantad sa virus. Ngunit mula pa noong Pebrero 2004, mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ng Estados Unidos kung may ganitong mga kaso sa mga pumapasok na biyahero sa bansa.

Paano naiiba ang H5N1 virus sa mga viruses na nagdudulot ng pana-panahong trangkaso sa mga tao? Sa mga kaunting bilang ng avian influenza viruses na nakapangyaring maihawa sa tao mula sa iba pang nilikha, ang H5N1 ay nagging sanhi ng pinakamalaking bilang ng kaso ng pagkakasakit at kamatayan sa mga tao. Sa pangkasalukuyang pagkalat ng sakit sa Asya, mahigit sa kalahating bilang ng mga taong dinapuan ang mga namatay. Karamihan sa mga kasong naiulat ay umiral sa mga dating malulusog na mga bata at mga kabataang adulto. May posibilidad na ang mga kasong naiulat ay pawing sa mga malulubhang kaso lamang ng sakit kung kayat ang buong saklaw na ibinubunga ng sakit na ito ay hindi pa gaanong masiguro. Kaiba sa pana-panahong trangkaso kung saan ang impeksiyon ay nagdudulot lamang ng di-gaanong grabe na mga sintomas sa respiratory ng mga tao, ang sakit na dulot ng H5N1 ay nagdudulot ng di-karaniwang mabilis na pagkalat ng sakit sa katawan na may kasamang mabilis na pagbagsak ng katawan ng maysakit na nagpapakita ng bagsik na pumatay ng sakit. Karaniwan sa mga taong nagkasakit na dinapuan ng H5N1 influenza ay nagkaroon ng primary viral na pulmonya at di-paggana ng mga ibat-ibang lamangloob g katawan (multi-organ failure).

Paano maaaring gamutin ang mga taong nahawahan ng H5N1 virus? Karamihan sa mga H5N1 viruses na nagdulot ng trangkaso at kamatayan sa tao ay hindi tinatalaban ng amantadine at rimantadine, dalawang karaniwang medikasyon na ginagamit laban sa mga virus na nagdudulot ng trangkaso. Dalawa pang medikasyon, oseltamavie at zanamavir, ang pinaniniwalaang makagagamot sa trangkaso dulot ng H5N1 virus. Ngunit kailangan pa ang mga karagdagang mga pag-aaral upang masiguro kung gaano kaepektibo ang mga ito.

Mayroon bang bakuna na magpoprotekta sa mga tao mula sa H5N1 virus? Walang bakuna na kasalukuyang mabibili sa mga botika ang makakapagprotekta sa mga tao mula sa H5N1 virus na nadiskubre sa Asya at Europa. Ngunit patuloy na humahanap ng lunas ang mga siyentipiko. Nagsimula noong Abril 2005 ang mga pagaaral na subukin ang bakuna na makakapagligtas sa mga tao mula sa H5N1 virus. May mga klinikal na pagsubok pa ang nakahansa para dito. Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa pagsulong sa pagtuklas sa bakuna laban sa H5N1 virus, bisitahin ang National Institutes of Health website.

Ano ang inirerekomenda ng CDC ukol sa H5N1 virus? Noong Pebrero 2004, nagplabas ang CDC ng rekomendasyon sa mga departamento ng kalusugang pampubliko para sa mas malaking pagmamanman ng H5N1 influenza sa bansa. May mga karagdagang mensahe na ipinamahagi sa pamamagitan ng Health Alert Network ang ipinadala sa mga departamentong pangkalusugan noong Agosto 12, 2004 at Pebrero 4, 2005. Ang mga ito ay nagpaalala sa mga rekomendasyon sa pagalam, pagkilala at pagsugpo sa pagkalat ng H5N1 virus. Inirekomenda rin ang mga kaukulang hakbang para sa mga pagsusuri ng H5N1 virus sa mga laboratoryo. Upang mabasa ang mga mensahe, bisitahin ang Health Updates tungkol sa avian influenza.

Inirerekomenda ba ng CDC na huwag magbiyahe ang mga tao sa mga lugar na may pagkalat ng H5N1? Hindi inirekokomenda ng CDC na huwag magbiyahe ang mga tao sa mga apektadong bansa sa mga oras na ito. Gayunpaman, kasalukuyang iminumungkahi ng CDC sa mga biyahero na papunta sa mga apektadong bansa na iwasang puntahan ang mga bukid na may manukan, iwasang lapitan ang mga buhay na hayop sa mga pamilihan at ang mga lugar na may mga dumi ng mga manok o iba pang mga hayop. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa Travelers Health.

Paghahanda sa pandemikong Trangkaso Anong mga pagbabago ang kailangan ng H5N1 o iba pang mga avian influenza virus upang magresulta sa isang pandemic? Tatlong kondisyon ang kinakailangan upang magsimula ang isang pandemic: 1) kailangang lumitaw ang isang bagong klase ng virus; 2) dapat itong dumapo sa mga tao

at magdulot ng grabeng pagkakasakit; at 3) dapat itong mabilis na kumalat nang walang patlang sa mga tao. Ang H5N1 virus sa Asya at Europa ay tumutugon sa dalawang naunang mga kondisyon: ito ay isang bagong virus sa tao (hindi pa gaanong laganap ito sa mga tao) at ito ay dumapo sa mahigit na 100 katao, na kumitil sa buhay ng mahigit sa kalahati sa kanila. Ngunit ang ikatlong kondisyon ay hindi gaanong natugon (ang mabilisang pagkalat nito at tiyak na pagkalat na walang hinto sa mga tao). Upang mangyari ito, ang H5N1 virus ay dapat na maging mahusay sa pagkalat sa mga tao. Ito ay mangyayari sa pamamagitan ng reassortment o pagbabago sa henetikong kayarian nito at adaptive mutation. Mangyayari ang reassortment kung magkakaroon ng palitan ng mga henetikong materyal sa pagitan ng avian viruses at viruses na karaniwan sa tao kapag ang isang tao o isang baboy ay sabay na dinapuan ng dalawang uring ito ng virus. Ang maaaring maging bunga nito ay panibagong uri ng virus na mabilis at laganap ang direktang pagkalat nito sa mga tao. Ang adaptive mutation ay banayad na proseso, pauntiunting tumataas ang kapabilidad ng virus na kumapit sa mga selula ng taong dinapuan nito.

Bakuna para sa bird flu na walang itlog? Ang Pranses na kompanyang Sanofi na gumagawa ng gamot at iba pa na gumagawa ng bakuna sa trangkaso na sans oeufs. NEW YORK (CNN/Money) T: Ano ang mas nauuna, ang bakuna sa trangkaso o ang itlog? A: Sa ngayon, ang itlog. Ngunit maaari itong mabago. Ang mga gumagawa ng gamot ay gumagawa ng mga bakuna sa trangkaso sa loob ng itlog ng mga manok sa loob ng 30 taon. Ngunit dahilan sa pagtaas ng mapanganib na banta ng bird flu sa Asya at Europa at ang pagmamadali ng mga pamahalaang magipon ng mga gamot, ang pamamaraang subok na totoo at napatunayan nang proseso gamit ang itlog ay nagsisimula nang magmukhang hindi epektibo at kumakain ng napakatagal na panahon. Nagtatrabahong mabuti ang mga siyentipiko na makahanap ng mga paraan sa paggawa ng bakuna na hindi na kailangang gamitan pa ng itlog. Ngunit mukhang napakaraming taon pa bago maganap ito. Noong Abril, Ang kompanyang Pranses na gumagawa ng gamot na Sanofi-Aventis ay binigyan ng 97 milyong dolyar na kontrata ng US Health and Human Services Department na makaisip ng pamamaraang nakabase sa selula ang produksiyon ng bakuna sa trangkaso sans oeufs. Sinabi ni Dr. James Matthews, senior director ng science and health policy para sa mas mababang kompanyang Sanofi Pasteur na gumagawa ng bakuna, na ang pagpapalaki ng bakuna sa kulturang selula ay makapangyayaring pababain ng isang buwan ang anim na buwang ginagamit sa pamamaraang ginagamit ang itlog. Magagawa nitong pabilisin ang pangglobong produksiyon sa isang maliit na kapasidad na merkado.

Gayunman, idinagdag ni Dr. Matthews na ang produksiyon ng bakuna base sa selula ng Sanofi ay nasa bahagi pa lang ng pagpaplano at aabot sa 4 o 5 taon bago ito makumpletong matapos. Kasama rito ang pagtatapos ng Bahagi 3 ng produksiyon, ang huling bahagi ng pagsusuri na hinihiling ng Food and Drug Administration. Upang maiwasan ang isang pandemic, maaaring baguhin ng pamahalaan ang kanilang tuntunin sa kasong ito. Kami ay gumagawa ng isang proseso na magiging madaling gawin ang sabi ni Dr. Matthews. Sa aming kasalukuyang pagtantiya, mayroon kaming panahong gawin at magagawa naming hanggang Bahagi 3 na may malawakang ligtas na mga pagsusuri. Sa pamamaraang base sa selula, ginagawa ng Sanofi ang mga bakuna sa loob ng stainless steel reactors na mayroong libu-libong litro ng kulturang selula sa mga pasilidad ng Sanofi sa Swiftwater, Penn at Mary LEtoile sa Pransiya. Sinabi ni Dr. Matthews na ang pamamaraang base sa selula ay lisensiyado ng Dutch biotech Crucell. Kapag ito ay natapos na, ang pamamaraang ito ay maaari nang gamitin sa lahat ng bakuna sa trangkaso, hindi lang sa bird flu. Ang Sanofi ang unang kompanya na binigyan ng pamahalaang Amerikano ng kontrata para makagawa ng isang bagong pamamaraan sa produksiyon ng bakuna. Ngunit hindi ito lamang ang kompanya na nag-e-eksperimento ng mga alternatibong pamamaraan. Ang Crucell, isang kompanya na gumagawa ng bakuna sa pamamagitan ng pamamaraang base sa selula at DNA, ay nagbigay ng opisyal na permiso na gamitin ang kanilang teknolohiya sa GlaxoSmithKline at Roche. Ayon sa analistang Bernstein na si Gbola Amusa, ang di-gumamit ng itlog na pamamaraan ay maaari nang ilabas sa taong 2008. Ang pribadong kompanya na PowerMed sa Britain ay gumagawa rin ng mga pamamaraang base sa DNA upang magamit sa produksiyon ng bakuna. Ang Hemispherx Biopharma na nakabase sa Philadlphia ay gumagamit ng pamamaraang base sa selula. Kami ay napakaaktibo sa mga gawaing base sa selula, ang sabi ni William Carter na chief executive officer ng Hemispherx. Nais naming makagawa ng bakuna sa mas maikling panahon. Pero hindi ako sigurado kung gaano katagal at kung matagumpay ba ang mga bagong pamamaraan. Huwag ninyong asahan na na magagamit naito ng inyong lola sa loob ng isa o dalawang taon. May mga iba pang kompanya na gumagawang mga alternatibong pamamaraan sa produksiyon ng bakuna. Ngunit hindi na ipinaalam ng pamahalaang Amerikano ang mga iba pang mga kompanyang tumugon sa kanilang kahilingan na magpasa ng proposal.

Ang Paglaban sa Bird Flu Karagdagan sa paggawa ng mga bagong pamamaraan sa produksiyon ng bakuna, ang Sanofi ay sumusubok sa isang eksperimental na bakuna laban sa bird flu na kilala ring

H5N1. Ito rin ay nagpadala ng mga suplay sa pamahalaang Amerikano para masubukan at masuri ito. Ang bird flu ay naihahawa sa tao mula sa ibon at kumitil na ito ng 60 katao sa Asya na ang pinakabagong naiulat na namatay ay kapapangyari pa lamang sa Thailand. Mga kawang dinapuan ng sakit na ito ay nadiskubre nito lamang sa Turkey, Romania at Russia. Ito ay lumikha ng mga pag-aalalang magkaroon ng pandemic sa Europa. Nadiskubre kamakailan ng mga siyentipiko na ang pandemikong trangkaso noong 1918 na kumitil ng 50 milyong katao ay nagmula sa mga ibon at naihawa sa mga tao. Nagkakaroon ngayon ng takot ang mga tao na ang H5N1 ay magbago at maging madali nang maihawa ng tao sa tao. Naglaan ang pamahalaang Amerikano ng 4 na bilyong dolyar upang makalikom ng mga gamot upang maprotektahan ang populasyon laban sa bird flu. Ang bakuna ay pumipigil sa trangkaso. Ito ay itinuturing na pinakamabsang paraan upang masugpo ang isang pandemic ng bird flu bago pa man itong mag-umpisa. May lumalagong merkado para sa mga gamot laban sa viruses. Ang Tamiflu na nilkha ng Roche ay isang gamot na makapagliligtas sa tao mula sa bird flu kung ito ay iinumin sa loob ng 48 na oras pagkatapos mahawa ng bird flu. Ayon sa analistang si Andreas Theisen ng bangkong Aleman na WestLB, ang Roche ay makakatanggap ng 1.7 hanggang 1.8 bilyong dolyar mula sa pamahalaang Amerikano para sa mga order ng Tamiflu. Sa karagdagan, may ibinebenta Ang GlaxoSmithKline na anti-viral inhalant, ang Relenza. Gayunman, ag Roche ay nakatanggap ng mga order mula sa 40 bansa at tuloy nagkakaroon sila ng problema sa paggawa ng tamang bilang ng Tamiflu para matugunan ang mga order. Ang Tamiflu ay ginagawa sa pamamagitan ng mahabang 10-hakbang na proseso na hindi na ginagamitan ng itlog. Bagamat nangako nang patiuna ang Roche na hindi ito kukuha ng outsource (ekspertong kinuha mula sa labas ng kompanya na ala sa kompanya mismo), ang Roche ay sumang-ayon na makipagpulong sa apat na malalaking kompanyang gumagawa ng gamot upang pag-usapan ang pagkuha sa mga ito bilang outsource. Ito ay sinabi ni Sen. Chuck Schumer. Ang apat na mga kompanya ay ang Teva Pharmaceuticls, Barr Laboratories, Mylan Laboratories at Ranbaxy Laboratories. May walang-takdang pangangailangan para sa bakuna sa bird flu at anti-virals. Napakaraming order sa internet at itinigil ng Roche ang pagbebenta sa online. May pera para sa bawat kompanyang ito. Ngunit ang pagtaas ng presyo nito ay hindi katalinuhan ayon sa analista ng Bernstein na si Amusa. Pinaniniwalaan naming hindi magbibigay ng napakataas na presyo ang mga malalaking kompanyang gumagawa ng mga gamot sapagkat kailangang-kailangan ito ng mga papaunlad na mga bansa at magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kung ang lalabas na mga imahe nila ay negatibo sa panahon ng internasyonal na pangangailangan, ang isinulat ni Amusa sa isang ulat sa mga kliyente.

Mayroon bang bakuna para sa bird flu? T: Ako ay magpapabakuna ng karaniwang bakuna sa trangkaso. Maililigtas ba ako nito sa bird flu? Sagot: Ang karaniwang bakuna sa trangkaso ay hindi magpoprotekta laban sa bird flu. Sa kasalukuyan, walang bakuna para sa publiko ang maaaring magamit. Isang eksperimental na bakuna para sa bird flu ang ginawa. Importanteng maunawaan na kaunting tao lamang ang nadapuan ng bird flu. Ag mga taong nahawahan nito ay ang direktang lumapit o nalantad sa mga ibong meron nito karamihan sa Asya na may kakaunting posibilidad ng pagkahawa mula sa tao sa tao. Hanggang sa mangyari iyon, isang malawakang paglaganap o pagkalat ng bird flu sa tao ay mababa ang posibilidad. Ang pinakanakakatakot na katotohanan ay napakakaunti o wala pa ngang imyunidad ang tao labansa bird flu. Kayat pag dinapuan ang isa, kadalasang matindi silang nagkakasakit at 50 porsiyento sa kanila ay namamatay. Palagiang nagbabago ang bird flu. Ibig sabihin nito na kailangang bantayang maigi ng mga siyentipiko ang bird flu; baka kailanganin pa nilang iakma ang bakuna base sa klase ng bird flu virus na dadapo sa tao at ang paglaganap nito mula sa tao sa tao. Ang mga gamot na ginagamit laban sa mga karaniwang trangkaso ay napatunayang mabisa ng kaunti sa bird flu. Hanggat walang nadidiskubre na bakuna sa bird flu, ang mga gamot na ito ang ating pinakaunang depensa sa ngayon laban sa bird flu kung sakaling magkaroon naito ng abilidad na kumalat nang mabilis sa mga tao. Ang UK ay gumagawa ng bakuna sa bird flu Isang laboratoryo sa UK ay isa sa tatlong laboratoryo sa mundo na gumagawa ng bakuna na susugpo sa pagkalat ng bird flu. Ang mga siyentipiko sa National Institute for Biological Standards and Control ay gumagamit ng henetikong teknolohiya sa pagdiskubre ng bakuna. Magiing lubhang kailangan ang mga ito kung magsisimula nang kumalat sa mga tao ang virus. Sa ngayon, ang avian flu ay naipapasa sa tao mula sa ibon sa pamamagitan ng malapitang pagkakalantad ng tao sa ibon. Ang mga mananaliksik ay nagtatayo ng isang bakuna sa pamamagitan ng paghahalo sa mga genes ng avian flu virus at virus ng karaniwang trangkaso sa tao. Ang mga

genes ng bird flu virus ay iniba upang maging ligtas. Ang henetikong material mula sa virus ng trangkaso sa tao ay kukunin. Ang resulta na pinaghalong virus ay dapat maging daan sa paghahanap ng bakuna. Inaasahan ng mga mananaliksik na magawa ito sa loob ng dalawang buwan.

Mga Pag-iingat Ang buhay na virus na ginagamit ng mga siyentipiko ay inilipad sa UK mula sa Vietnam sa loob ng isang sisidlan na hindi tinatalaban ng bomba. Pinanatili itong bahay sa pamamagitan ng panatilihin itong malamig. Ang mga siyentipikong nagtatrabaho sa loob ng laboratoryo ay gumawa ng mga istriktong hakbang upang mapangalagaan na walang sinuman ang nahantad sa virus. Sila ay nagsuot ng mga nagbibigay ng proteksiyon na mga damit at pang-suot sa paa. Ang laboratoryo ay nasa loob ng gusali na nasa isa pang gusali; lahat ng hangin at tubig na lumalabas dito ay sinasalang mabuti. Ang hangin sa mataas na teknolohiyang laboratoryo ay hinihigop pabalik sa loob upan walang makatakas na hangin at insekto. Sinabi ni Virulogist Dianne Major sa BBC: Ang virus na ginagamit natin ay nakapatay na ng mga manok sa Timog Asya at nakapatay na rin ito ng tao. Kaya dapat tayong maging maingat at siguraduhin na ang kasamahan natin sa trabaho ay protektado laban sa virus. Protektahan din natin ang kapaligiran. Si Dr. Alan Hay ng World Health Organization ay umaasang matigil na ang pagkalat nito sa buong Timog Asya. Idinagdag pa niya: Ang pinakamatinding alalahanin natin ay ang pagkakaroon nito ng abilidad na malawakang kumalat sa partikular na rehiyon. Kapag nangyari ito, kakaunti lang ang magagawa natin upang mapigilan itong kumalat sa buong mundo.

TONY JONES: Ang Hungary ay nag-aangkin ng major breakthrough sa paggawa ng bakuna ng bird flu. Sinasabi nila na matagumpay na nasubukan na ang kanilang bakuna at ito ay handa na sa malakihang produksiyon sa Marso ng isang taon. Ang Ministro ng Kalusugan ng Hungary ay lubhang kumbinsido kayat pumayag na gamitin siya na parang guinea pig sa mga pagsusuri sa bakuna. Sa ngayon, may bilang ng mga bansa kabilang na ang Indonesia na nagpakita ng interes sa bakuna. Ngunit ang World

Health Organization ay nagpakita ng alinlangan sa bakunang ito. Sa maikling panahon, kami ay makikipag-usap sa Ministro ng Kalusugan Tony Abbott ngunit sa ngayon si Michael Edwards ang may hawak ng report na ito. Itinanghal ito ni Annamaria Talas. MICHAEL EDWARDS: Walang katiyakan ang bantang ito pero ito ay pumapakanluran patungong Europa. Ang bird flu na nagging responsable sa mahigit na 60 na pagkamatay sa Asya ay nakapasok na ngayon sa ilang mga bansa sa Europa. Ngayong nasa tarangkahan nanito ang virus, inaangkin ng Hungary na ang mga siyentipiko nito ay nanguna na sa buong mundo sa paglikha ng bakuna. DR. JENO RACZ, MINISTRO NG KALUSUGAN NG HUNGARY (TRANSLASYON): May tradisyon na sa loob ng mahigit na 100 na taon ang Hungary sa pagsasaliksik at pagsulong tungkol sa paglikha ng bakuna. Ito ang angbigay ng solidong pundasyon sa mga mananaliksik sa ngayon. Mayroon kaming sariling pasilidad para sa produksiyon ng bakuna, pananaliksik at produksiyon ay naririto na sa Hungary kung kayat naging possible na makalikha ng bakuna sa H5N1. MICHAEL EDWARDS: Biglaan ang pagiging madaling pasukin ng bird flu ang Hungary. Ang H5N1 virus ay natagpuan na sa malapit na Romania at Russia. Ngayon ay kumbinsido ang Hungary na nadiskubre nito ang isang bakuna sa sobrang kumpiyansa ng Ministro ng Kalusugan ay nagpabakuna na siya nito kaagad. DR. JENO RACZ (TRANSLASYON): Nang unang makumpleto ang pangbakuna para sa tao, ako ang kaunahang nagboluntaryo upang matanggap ang pagsubok na bakuna. May mga panganib, ngunit kung hindi lamang malaking banta ang bagong virus ng trangkaso ay hindi ko isasalang ang sarili ko sa pagsubok. MICHAEL EDWARDS: 100 tao ang ginamit sa pagsubok, ang gastosa ay umabot sa milyong dolyar, at ang National Epidemiology Institute ay nag-uukol ng panahon at kaalaman sa Gawain. Sinasabi ng chief medical officer ng Hungary na walang pagaalinlangan na may pruweba sila na magiging epektibo ito. DR. LASZLO BUJDOSO, CHIEF MEDICALOFFICER (TRANSLASYON): Ang isang bagong bakuna ay masasabing epektibo kung ito ay makakapagpataas ng antibodies sa dugo ng 2.5 beses . Ang aming bakuna ay nakapagpataas ng level ng antibodies ng 10 beses na mas mataas. MICHAEL EDWARDS: Tumatagal ng anim na buwan ang pagbubuo ng bakuna. Kahit na ang ibang mga bansa kabilang na ang Australia ay gumagawa ng kanilang sariling bakuna, ang Hungary ay nag-aangkin na may malaking interes na sa kanilang produkto. DR. JENO RACZ (TRANSLASYON): Ilang bansa sa Timog-Silangang Asya, mga bansang Arabo, mga bansa ng Unyon ng Europa, ang mga kalapit-bansa at mga iba pang bansa ay nagpakita ng interes sa aming bakuna. Kung kami ay nasa produksiyon na, sana ay nakapagbenta na kami ng sampu-sampung milyong bakuna.

MICHAEL EDWARDS: Ang Indonesia ay isa sa mga bansang interesado sa bakuna ng Hungary, ngunit ang World Health Organization at Unyon ng Europa ay nagbigay ng babala, kinukuwestiyon ang mabilis na paggawa nito at ang kaepektibuhan nito kung sakaling magkaroon ng mutasyon ang virus. Ang Australyanong virulohistang si Alan Hampson ay may mga pag-aalala rin sa mga pag-aangkin ng Hungary.

ALAN HAMPSON, VIRULOHISTA: Mayroong maraming mga isyu tungkol sa paggawa ng bakuna ng H5N1 virus dahil sa mga potensyal na panganib na dala ng virus kahit na ito pa ay binago na nang kaunti ang kayarian. At bilang binagong H5N1 virus, ito ay mapasasailalim sa control ng mga genetic regulators ng mga bansa. Kayat sa Australya, halimbawa, sa palagay ko ay tumagal nang kaunti bago malagpasan ang ganitong mga isyu at masigurong ang lahat ay maayos kung ang pag-uusapan ang kaligtasan at regulasyon. MICHAEL EDWARDS: Ang CSl ay nagsuslong ng bakuna sa Australia. Ang mga pagsubok ay nakatakdang matapos sa unang bahagi sa isang taon. Ang tagapagsalita ng kompanya ay nagsasabi na ang pinakamagandang senaryo ay mailalabas na ito sa katapusan ng 2006. Ang Australia ay nakatakdang magdaos ng isang sariling rehiyonal na pagpupulong tungkol sa bird flu sa Brisbane sa isang linggo. Ito si Michael Edwards, Lateline.

You might also like