Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Awit 136: 1-26

Awit ng Pagpapasalamat

1 Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

2 Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

3 Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

4 Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

5 Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

6 Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

7 Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

8 Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

9 At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

10 Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

11 Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

12 Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

13 Ang Dagat na Pula, a kanyang inutusan at nahati naman.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

14 Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
15 Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan.
Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

16 Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

17 Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

18 Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

19 Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

20 Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

21 Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

22 Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

23 Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

24 Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

25 Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

26 Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan.


Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Awit 111: 1-10
Awit ng Pagpupuri sa Kadakilaan ni Yahweh

1 Purihin si Yahweh!
Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

2 Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,


mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;

3 lahat niyang gawa'y dakila at wagas,


katuwiran niya'y hindi magwawakas.

4 Hindi maaalis sa ating gunita,


si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.

5 Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana;


pangako ni Yahweh ay di nasisira.

6 Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay,


nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

7 Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,


at maaasahan lahat niyang batas.

8 Ito ay lalagi at di magwawakas,


pagkat ang saliga'y totoo't matapat.

9 Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang,


may ipinangakong walang hanggang tipan;
Banal at dakila ang kanyang pangalan!

10 Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan.


Taong masunurin, pupurihing lubos.
Purihin ang Diyos magpakailanman!

You might also like