Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Koneksyon ng Pamagat sa takbo ng storya sa Pelikula

Walang pamilya na perpekto, lahat ay may mga problema. Imposible mang malutas sa tingin mo pero possible ito. Sa Mga panahong ito saan pa tayo hihingi ng tulong. Walang iba kundi sa Diyos. Sa pelikulang ito ipinakita ang pagka-relihiyoso ng pamilyang Pilipino. Ang lakas n gating pananampalataya sa Poong Maykapal.Na dapat ay isa-puso at isa-buhay natin ang mga turo ng Diyos. Dapat sundin kung ano ang nakasaad sa Bibliya.

Kagaya lamang ng Hindi na maaari pang paghiwalayin kung ano mang ibinigkis ng Diyos, ito ang tumutukoy sa sakramento ng kasal, masama ang paghihiwalay ng magasawa dahil labag ito s autos ng Diyos. Isa pa ay ang pabubuklod at pagsasama ng pamilya, na dapat ay mahalin ang isat-isa. Sa pelikula ay isinabuhay nila ang isang tipikal na pamilya, ngunit ipinakita din nila ang ibat ibang aspeto ng pagiging anak at mga magulang. Sa lahat nito ay kailangan ng gabayng Diyos upang maiwasan ang pagkawatak-watak at pagkasira ng pamilya.

Mahirap mang aminin ay maraming pamilya na ang nasira dahil sa kawalan ng pananalig. Kaya itong pelikulang ito ang, isang pangmulat sa ating lahat na iwasan na ang pagsuway s autos ng Diyos sa halip angmaniwala at manampalataya na lamang, upang masakatuparan ang minimithi mong uri ng pamumuhay.

Ipinakita ng Sa Yo Lamang ang kahulugan at kahalagahan ng pagpapakasakit at pag-aalay ng sarili ukol sa ikabubuti ng marami. Na dapat ay marunong tayong magparaya at iwasan ang pagiging makasarili. Na dapat matuto tayo na isipin muna ang iba bago an gating sarili. Lalung- lalo na sa ating mga kapamilya at maging sa mga taong hindi man natin kadugo. Dahil sa mata ng Diyos ay mabuti ng magparaya kaysa magpakasasa.

Sa panahon ng labis na kalungkutan at kahirapan, tunay na walang ibang malalapitan ang tao kundi ang Diyos at tanging Siya lamang ang dapat kapitan sa oras ng pighati upang itoy maging mas makahulugan at makabuluhan.

You might also like