Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ang Pananaliksik sa Asignaturang RIZLIFE

Ang Kahalagahan ng Pagiging Babae at Pagkababae Ayon sa Pahayag ni Rizal na Ang Pinakadiwa ng Pagiging Babae ay ang Pagiging Mabuting Ina at Asawa

Ipinasa nina: CARINGAL, Jarra M. GUZMAN, Jovil S. OLASO, Florabel B. PEREGRINO, Pauline G. SILAO, Lorelyn D. TIANCHON, Kamille C. AC111

Ipinasa kay: G. Gerard Concepcion

Page | 1

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pamagat . 1 Talaan ng mga Nilalaman .. 2 Panimula ... 3-4

Nilalaman

Pagunawa sa pahayag ni Rizal sa pagiging babae at Pagkababae sa liham para sa mga kababaihan ng Malolos.... 5 Ipakilala ang mga piling karakter sa Noli Me Tangere at maunawaan sila gamit ang pahayag ni Rizal .. 5-8 Pagunawa kay Rizal bilang manunualt hinggil sa pagtalakay niya sa isyu ng pagkababae . 9-10 Saloobin at opinion ng mga mananaliksik tungkol sa pahayag ni Rizal 10-11

Konklusyon. 11-13 Rekomendasyon. 14 Sanggunian .. 14

Page | 2

PANIMULA
Sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng liham para sa mga kababaihan ng Malolos ay kanyang inilahad ang kanyang paghanga sa mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang katapangan na sumulat sa mga nakakataas upang humingi ng karapatan na sila ay bigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa kadahilanang ang tingin niya sa mga kababaihan noon ay mahinhin, mabait, magalang at masunurin sa mga sinasabi ng mga pari gaya ng isa sa mga karakter na makikita sa kanyang librong isinulat na may pamagat na Noli Me Tangere sapagkat ito ang nasasalamin o naalala niya na ugali ng mga kababaihan na kanyang nakasalamuha mula ng kanyang kabataan ngunit ng dahil sa pagpunta ni Dr. Jose Rizal sa Europa ay napagtanto niyang ang mga kababaihan sa Pilipinas ay dapat kagaya ng mga babae sa Europa na Malaya, malakas ang loob at mulat sa katotohanan.

Kung kayat ng kanyang malaman ang ginawa ng mga kababaihan sa Malolos ay nagbigay pa siya ng karagdagang payo sa mga kababaihan kung ano ba dapat ang maging katangian nila. Isa sa mga sinabi niya ay ang basehan kung ano nga ba ang pagiging babae na ayon kay Dr. Jose Rizal, Ang pagiging babae ay ang pagiging isang mabuting ina at asawa na dapat ay maging tungkulin ng mga Pilipina. Ayon kay Dr. Rizal ang mabuting ina ay dapat pinalalaki saimahe ng tunay na Diyos at tinuturan ang kanyangmga anak ng katapatan, pagmamahal sa kapwa, respeto sa Diyos at respetadong mga mamamayan, mapagmahal sa kapwa at sabayan.

Page | 3

Kaya ang mga mananaliksik ay sinubukang ikumpara kung ang mga katangiang nabanggit ni Dr. Rizal sa kanyang liham sa mga kababaihan sa Malolos ay masasalamin sa mga kababaihan na ipinakita sa mga karakter sa libro ni Dr. Rizal na Noli Me Tangere at nais din ng mga mananaliksik na alamin kung ano ang ipinagkaiba ng Pagiging babae, sa Pagkababae na naaayon sa sinabing kahulugan ni Dr.Rizal sa liham para sa mga kababaihan ng Malolos Bukod pa rito ay nais ng mga mananaliksik magbigay ng mga suhestiyon kung ano pa ang maaring maging katangian ng mga babae sa kasalukyang panahon upang masabi na sila ay naging babae.

Page | 4

NILALAMAN
PAGUNAWA SA PAHAYAG NI RIZAL SA PAGIGING BABAE AT PAGKABABAE SA LIHAM PARA SA MGA KABABAIHAN NG MALOLOS

Ayon kay Rizal ang dapat na maging katangian ng isang Pilipina ay katulad ng mga babae sa Europa kung saan sila ay Malaya, malakas ang loob at mulat s a katotohanan ngunit sa kasamaang palad ang mga katangian at ugali ng mga Pilipina ay kasalungat ng katangiang ng mga kababaihan sa Europa dahil ang mga Pilipina ay takot na maparusahan ng diyos dahil ayon sa mga prayle ay dapat ang mga babae ay maging mahinhin, sa bahay lamang at masunurin sa mga utos ng simbahan.

Sa kabilang banda ang pagkababae ay nababase sa kaanyuan o pisikal na itsura ng isang tao katulad na lamang ng kanyang kasarian ng siya ay ipinanganak kung kayat sa kasarian na kadepende kung babae o lalaki ba ang isang sanggol.

IPAKILALA ANG MGA PILING KARAKTER SA NOLI ME TANGERE AT MAUNAWAAN SILA GAMIT ANG PAHAYAG NI RIZAL Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlong karakter sa Noli Me Tangere na sina Pia Alba, Sisa, at Donya Victorina, na nagsasabuhay ng diwa ng pagiging babae ayon sa pahayag ni Rizal.

Page | 5

Base sa pag-aaral ng mga mananaliksik, kanilang napag-alaman kung papaano isinabuhay nang mga piling karakter sa Noli Me Tangere ang kahalagahan ng pahayag ni Rizal. Kung ating babalikan ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere at lubusang uunawain ang buhay nang mga napiling karakter inyong malalaman na mayroon silang ibat ibang estado sa buhay.

Si Pia Alba, nagmula sa isang maykayang pamilya, ang kanyang napangasawa na si Kapitan Tiago ay nagmula naman sa isang mayamang pamilya ngunit hindi naging hadlang ang kanilang estado sa buhay upang maging matagumpay at matiwasay ang kanilang pamilya. Sa kadahilanang ito nagging mabuting asawa si Pia alba sa kanyang irog na si Kapitan Tiago; naging katuwang siya sa buhay ni Kapitan Tiago lalong lalo na sa pagpapayaman at sa pagpapaunlad nang kanilang kabuhayan. Sa kabilang banda, hindi siya naging mabuting ina sapagkat ayon sa kanyang liham, ginusto niyang mamatay si Maria Clara noong ipinagbubuntis niya pa ito sa kadahilanang di raw siya karapat-dapat na isilang sa mundo, anak daw siya nang pagkakasala at dapat isumpa ng simbahan at lipunan.

Page | 6

Si Sisa, katulad nang kanyang asawang si Pedro ay nagmula sa pamilyang salat sa buhay. Sa kadahilanang lasenggero, sugarol, sabungero, basagulero ang kanyang asawa hindi naging matiwasay ang kanilang pamumuhay kasama ang kanilang mga anak. Bagamat ang kanyang buhay ay hindi masasabing perpekto, itinaguyod niya ang kaniyang pamilya nang walang pag-aalinlangan. Samakatuwid, siyay nagging mabuting asawa at ina. Siyay naging mabuting asawa dahil kahit na paulit-ulit siyang sinasaktan nang kanyang asawa patuloy niya itong inuunawa. Bilang isang ilaw nang tahanan, patuloy na umaasa si Sisa na darating ang araw na magkakasama-sama silang muli na masaya at masagana; kaligayahan na niyang maalala nang kanyang walang kwentang asawa ang kanilang mga anak. Siya namay naging mabuting ina sapagkat para sa kanya, ang kanyang mga anak ay mga anghel at bilang isang ina alam niyang kailangan nang kanyang mga anak na matutong bumasa at magsulat. At higit sa lahat, bilang isang ina, maybahay, at ilaw nang tahanan siyay patuloy na nagsisikap upang buhayin ang kanyang pamilya bilang mananahi. Makikita sa mga pahayag mula sa Noli Me Tangere ang mga patunay kung gaano kabuting ina si Sisa sa kanyang mga anak sa kabila ng hirap na kanyang dinadanas na kalupitan sa kanyang asawa.

Kung malalaman ni inay na pinapalo ako rito (simbahan), tiyak na hindi siya papayag. Crispin

Pasensya na anak, alam kong hindi ka kumakain ng tuyo. Dahil sa alam kong

Page | 7

darating kayo, naghanda ako ngunit di inaasahang dumating ang inyong ama at inubos niya ang lahat. Kawawa naman ang mga anak ko. - Sisa

Si Donya Victorina, isang mayaman na nag asawa ng isang pekeng doktor na si Don Tiburcio. Dahil sa nais niyang maging sikat, kilala at dahil din sa kanyang katandaan ninais na niyang agad-agarang mag-asawa, kanyang inasawa si Don Tiburcio upang maging kilala at matawag ding doktora. Si Don Tiburcio, bilang isang pekeng doktor at nagmula sa isang pamilyang salat sa buhay kaya siyay kumapit kay Donya Victorina; naging sunod-sunuran siya dito. Samakatuwid, silay nag-gagamitan lamang kung kayat si Donya Victorina ay hindi naging mabuting asawa. Kung tutuusin hindi masasabing siyay naging mabuting ina sapagkat hindi siya nabigyan nang pagkakataong magkaroon ng anak. Ang malaking pangangailangan ng donya na makapag-asawa ng Kastila.,

Huwag kang hangal at hayaan mo akong umayos sa bagay na iyan,Di ka kailangan manggamot, ngunit nais kong matawag kang doktor at ako namay doktora- Donya Victorina

Ang unang pahayag ay ang dahilan ng pagpapakasal ni Donya Victorina kay Don Tiburcio samantalang ang pangalawang pahayag ay ang pagpipilit ni Donya Victorina na magpanggap muli si Don Tiburcion na doktor. Ang mga pahayag na ito ay sapat na upang masabi ng mga mananaliksik kung anong klaseng asawa si Donya Victorina.

Page | 8

PAGUNAWA KAY RIZAL BILANG MANUNULAT HINGGIL SA PAGTALAKAY NIYA SA ISYU NG PAGKABABAE Sa tingin ni Rizal masyadong masunurin ang mga kababaihan kaya kalimitan ay napapagsamantalahan ang kanilang mga karapatan at ginagamit ng simbahan ang kahinaan ng mga iyon ng kababaihan para sila ay kontrolin at manipulahin.Kaunti lamang sa mga kababaihan ang nagpapakita ng katapangan marahil na sa dahilang iba ang pamantayan ng panahong iyon. Na ang babae ay dapat mahinhin at walang ibang tungkulin kundi maging maybahay lamang.Nakita ni Rizal na ang babae ay may dalawang katungkulan sa buhay, ang maging butihing ina at asawa. Ngunit ano ba ang depinisyon ni Rizal ng isang butihing ina at asawa?

Isa sa mga nasabi ni Rizal sa kanyang liham sa mga babaing taga Malolos ay ang papel ng mga kababaihan bilang isang ina. Noong mga panahong iyon parang walang silbi ang mga babae kung hindi magbigay ng buhay at magpalaki ng mga bata, magdasal at magnobena araw araw.

Ayon sa isang artikulo sa Inquirer 7 ni Rina Jimenez-David noon pang Disyembre, In his letter, Rizal acknowledged that he once thought most Filipinas tended to be servile to the wishes of the friars, but the Women of Malolos convinced him that there now existed women who understood that religiousness was not to be equated with endless prayers, big rosaries and grimy scapularies but with spotless conduct, firm

Page | 9

intention and upright judgment; and that prudence is not blind acquiescence to the friar but obeying only that which is reasonable and just.

Nag iba ang pananaw ni Rizal sa kababaihan nung nalaman niya ang ginawa ng mga kababaihan sa Malolos. Mayroon na palang mga babae na nakakaunawa na ang relihiyon ay hindi lang pagdarasal, pagnonobena, pagrorosaryo at paghawak ng bibliya ngunit mas mahalaga ang pagkakaroon magandang ugali, matibay na paninindigan, magandang ugali at tuwid na panghuhusga at ang pagkamasunurin ay hindi lamang sa mga prayle kundi ang pagsunod din sa kung ano ang makatwiran at tama.

MGA SALOOBIN AT OPINION NG MGA MANANALIKSIK TUNGKOL SA PAHAYAG NI RIZAL Para sa mga mananaliksik, ang pinakadiwa ng pagiging babae ay matatamo lamang Kapag ang babae ay nagkaroon nang sarili niyang boses na lumaban at ipagtanggol ang kanyang mga karapatan. Kung bilang isang babae ay hindi mo hinahayaang tapakan nang ibang tao ang iyong pagkatao. Bilang isang babae na ninanais malaman ang dulo ng limitasyon ng iyong pagkababae. Kapagikaw ay isang babaeng hindi lang basta nanay kung hindi isang babaeng marunong maging ina.

Page | 10

Kung isa kang babaeng hindi lang karamay kung hindi isang kaibigan. Kung isa kang babaeng hindi lang basta asawa kung hindi isang katuwang sa buhay.

Kung ikaw ay isang babaeng may silbi, may kwenta sa lipunan at hindi lamang isang estranghero.

KONKLUSYON Base sa pag-aaral na ginawa, masasabi ng mga mananaliksik na ang pagiging tunay na babae ay matatamo sa mga sumusunod na sitwasyon:

Maaaring maging isang mabuting ina sa pamamagitan ng pag-aaruga at pagmamahal sa mga anak

Hindi matatamo ang isang pagiging mabuting ina kung hindi nabigyan ng pagkakataon na magka-anak

Hindi makakamit ang pagiging isang mabuting ina dahilan ng isang kasalanan Maaari maging isang mabuting asawa sa kabila ng pagkakaroon ng isang hindi mabuting kabiyak.

Makakamit ang pagiging isang mabuting asawa kahit na ang naging anak nito ay hindi galing sa kanyang asawa

Hindi matatamo ang pagiging isang mabuting asawa sa pamamagitan ng pag sangayon sa masasamang gawain ng kabiyak

Page | 11

Ang suhestiyong ng mga mananaliksik sa basehan kakbabaihan sa pagiging babae.

ng mga modernong

Siya dapat ay may silbi sa kanyang lipunan Katulad na lamang ng pagtuturo sa kanilang mga anak ng tamang asal at

mabuting gawain dahil kung ano ang itunuturo ng mga ina sa bahay ay ang magiging ugali ng bata sa paglabas niya dahil ito ang huhubog sa pagkatao niya. Samantalang kung ang babae ay hindi pa kasal o ina ang maitutulong niya sa lipunan ay ang pagiging isang halimbawa sa kapwa niya dahil ito ay tutularan ng mga taong sa paligid niya lalo na kung siya ay isang huwarang halimbawa.

Hindi lamang siya basta ina o asawa kundi katuwang sa buhay ng kanyang pamilya Ang isang ina ay hindi lamang ina o asawa na nagaasikaso sa mga gawaing

bahay nag-aalaga sa mga anak kung hindi isang inspirasyon na magpapakita sa kanyang mga anak na hindi dapat sumusuko sa kahit anong problemang pagdaraanan nila at suporta sa kanyang asawa sa bawat bagay na kanyang kahaharapin para ang kanyang asawa ay mas mabigyan ng sapat na pagpupursige para ipagpatuloy at ang mga bagay na kanyang ginagawa para sa kanyang pamilya.

Dapat may respeto sa sarili at kayang kuhanin ang respeto ng ibang tao. Ang babae ay tila dapat na nirerespeto. Ngunit siya ay rerespetuhin lamang

kung siya muna ay marunong rumespeto sa kanyang sarili.Sa paraang ito, masasabi na

Page | 12

din na inaalagaan na din niya ang sarili niya. Pag siya naman ay pinakitaan man o hindi ng respeto ng ibang tao, ikabuti rin dapat ng babae na siya'y magpakita ng respeto sa mga taong nasa kanyang paligid.

Marunong tumayo at lumaban para sa kanilang mga karapatan Bawat isa ay binigyan ng kanya-kanyang karapatan. Ngunit hindi lahat ay

kayang panindigan at tumayo sa kanilang mga karapatan. Ang isang babae'y dapat alam ang sariling karapatan. Hindi lang dapat alam, kundi dapat kanyang isasabuhay ang mga karapatang binigay sa kanya lalo na sa mga panahong kailangan niya ang mga ito. Ang babae ay hindi dapat basta-bastang magpapaapi kahit kaninuman. At siya'y hindi matatakot panindigan ang karapatang kanyang ipaglalaban.

Page | 13

REKOMENDASYON Sa pagsusuring ito naipakita ang iba't ibang pananaw ng iba't ibang uri ng tao sa kung ano ang ginagawang basehan kung sino ang maituturing na babae. Ginawan ng pagkukumpara ng mga mananaliksik ang pananaw ni Dr. Jose Rizal, pati na din ang mga iniasal at ikinilos ng tatlong piniling karakter sa Noli Me Tangere, ayon sa pagpapakita sa pinakadiwa ng pagiging babae. Napagtipon-tipon ng mga mananaliksik na ang pagkakatulad mula sa ginawang batayan ay makikita ang pinakadiwa ng pagiging babae sa pagiging mabuting ina at asawa. Ang ginawang batayan ng mga mananaliksik ay ang liham ni Dr. Jose Rizal sa mga kadalagahan sa Malolos. Niligyan ng limitasyon ang pagaaral na ito sa katangian at ipinakita ng mga babaeng may asawat anak. Para sa mga susunod, inirerekomenda ng mga mananaliksik na gumamit pa ng mas maraming batayan tulad ng iba pang mga liham na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Mas maduti rin na kunin ang ibat ibang panig ng mga sumusunod: 1. May anak, Walang asawa. 2. Walang anak, May asawa. 3. May anak, May asawa. 4. Walang anak, Walang asawa.

SANGGUNIAN Liham para sa mga kababaihan ng Malolos Libro sa Noli Me Tangere

Page | 14

You might also like