Filipino III 2nd Periodical

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Dibisyon ng Siyudad ng Calamba Paaralang Pansekundarya ng Punta Punta, Siyudad

ng Calamba, Laguna Taong Pampaaralan 2013- 2014 FILIPINO III Ikalawang Pamanahong Pagsusulit Panuto: Basahin mabuti ang mga teksto at mga tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu. Si Raden Kaslan ay . . . a. Maraming pambayad c. nagmamadali b. Gutom na gutom d. Patay gutom 2. Alam ko pong akong me kasalanan pero patayin nyo man ako wala akong ibabayad, wika ni Pak Idjo. Si Pak Idjo ay . . . a. Hindi pa sumusweldo c. pobre b. Nanakawan d. nagkukunwari 3. Parang nakasabit na lamang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kaniyang namumula at nagluluhang mata. Si Pak Idjo ay . . . a. Nasasaktan sa kaniyang mga problema b. Nahihirapan sa pakikitungo sa mga kapamilya c. Payat na payat at pinahihirapan ng sakit d. Gutom at walang makain 4. Magsasalita sana siya, pero hindi lumalabas sa kaniyang nangangatog na mga labi ang boses niya. Siya ay . . . a. Takot na takot c. galit na galit b. Ginaw na ginaw d. duwag 5. Daang ulit nang nakapag-ayos ng banggaan ang batang pulis. Ang pulis ay . . . a. Tinatamad na sa serbisyo c. nagpupumilit mag-imbistiga b. Sanay na sa ganitong pangyayari d. nagyayabang 6. Binibigyang pansin ang kakayahan o katangian ng tao higit sa lahat. Anong uri ito ng dulog sa panitikan? a. Eksistensyalismo c. Humanismo b. Moralistiko d. Arketipo 7. Ipinakikita na ang tao ay malayang magpasiya para sa kaniyang sarili. Ito ay tumutukoy sa dulog na ... a. Eksistensyalismo c. Humanismo b. Moralistiko d. Arketipo 8. Sinusuri kung ang panitikan ay nagpapahalaga sa kaayusan, disiplina, at moralidad. a. Eksistensyalismo c. Humanismo b. Moralistiko d. Arketipo 9. Sinusuri kung ang panitikan ay gumagamit ng modelong sumasagisag sa isang kaisipan. Anong uri ito ng dulog? a. Imahismo c. Humanismo b. Moralistiko d. Arketipo 10. Sinusuri ang panitikan kung naipahahayag ang mensahe gamit ang mga tiyak na larawang biswal. a. Imahismo c. Humanismo b. Moralistiko d. Arketipo 11. Dahil sa pagiging isip bata, maraming kasamahan sa trabaho ang naiinis kay Karlo. Anong uri ito ng pagkabansot? a. Pagkabansot na pisikal c. pagkabansot sa puso b. Pagkabansot sa isipan d. pagkabansot sa moral 12. Galit na galit si Nelia tuwing may mga pulubing manghihingi ng limos sa kaniya. Anong uri ito ng pagkabansot?

a. Pagkabansot na pisikal c. pagkabansot sa puso b. Pagkabansot sa isipan d. pagkabansot sa moral 13. Hindi natanggap sa trabaho si Arturo dahil hindi niya maabot ang mataas na makina. Anong uri ito ng pagkabansot? a. Pagkabansot na pisikal c. pagkabansot sa puso b. Pagkabansot sa isipan d. pagkabansot sa moral 14. Limang taon na sa high school ay hindi pa rin makatapos si Norman dahil hindi niya matutuhan ang mga aralin kayat madalas siyang bumagsak sa pagsusulit. Anong uri ito ng pagkabansot? a. Pagkabansot na pisikal c. pagkabansot sa puso b. Pagkabansot sa isipan d. pagkabansot sa moral 15. Madalas na mapagkamalang bata si Michael dahil sa taas niyang apat na talampakan. Anong uri ito ng pagkabansot? a. Pagkabansot na pisikal c. pagkabansot sa puso b. Pagkabansot sa isipan d. pagkabansot sa moral 16. Anong damdamin ang nakapaloob dito: Lalaki, ngunit hindi nagmana sa kanyang nuno . . . Pagkat walang nunong mapagmamanahan. a. Naiinis c. nakikiusap b. Nagsusumamo d. nababahala 17. Anong damdamin ang nakapaloob dito: Ako, manaog ako? O heto ang inyo . . . a. Nagmamakaawa c. namimigay b. Nakikiusap d. naghahamon 18. Ang asawang sinasabi ninyo at ang amang inyong nabanggit ay hindi dito nakatira. Hindi ko siya nakikilala . . . kung ang ibig ninyong sabihin ay ang aking anak . . . pwes, akoy walang anak . . . kamamatay lamang. Anong damdamin ang nasa pahayag? a. Nagdadalamhati c. nagmamakaawa b. May matinding galit d. nananaghili 19. Ito ang eredero, unibersal ng lahat ng aking kayamanang dumating na, dumarating, at darating pa . . . Anong damdamin ang nakapaloob dito? a. Naiinis c. natutuwa b. Nagsisisi d. nagdududa 20. Anong damdamin ang nasa pahayag: Sinasabi ko nap o . . . Hindi ako makapagpapalimos ng asawa. a. May galit c. may hinaing b. May pagmamalaki d. may pagdududa 21. Liban sa nawiwiwling umalis si Jason dala ang kaniyang bike, wala akong problema sa trese anyos kong ito. Si Jason ay . . . a. Mabait c. masayahin b. Matigas ang ulo d. mapagkawanggawa 22. At si Binggo? Ayun don na naman siya nagsasaranggola sa bubong nina Lola Asyang. Yan naman ang masama sa isang to, napakahirap pagsabihan! Kabilin-bilinan kong iwasan ang bubong ng may bubong! Si Binggo ay . . . a. Masunurin c. maingay b. Matigas ang ulo d. palakaibigan 23. Dati namang matiyaga si Jules kay Binggo. Pero lately yata ay lagi siyang may lakad. Pag nasa bahay naman ay nakakulong sa kuwarto. Lagi niyang sinasabi pag sinusundan siya ni Binggo: Teka. Mamaya na. Marami kong assignment. Si Jules ay . . . a. Tila nagkakaproblema c. nagpapakita ng galit sa ina b. Tila yumayabang na d. tila nalululong sa masamang bisyo 24. Binuklat ko ang mga kasamahan pa ng babasahing nasa mesa ni Jules. Liberation, isa pa ring newsletter. Photocopy ng ilang pahina ng Southeast Asian Chronicle. Kinopyang pahina ng Newsweek. Pawang may lamang titulo pa lang ay halata mo nang tumutuligsa sa batas-militar, pumupuna sa ilang mensahe ng gobyernong Pilipino o tumatalakay sa pagkakatatag ng tinatawag nilang National Democratic Movement. Si Jules ay nagtataglay ng katangian ng taong . . . a. Atubili sa kaniyang pag-aaral c. nais maging pulitiko b. Mahilig mangulekta ng mga babasahin d. miyembro ng isang kilusan 25. At mula noon, nahahalata kong umiiwas na si Julian na makipagtalo kay Jules. Hindi niya maibibigay sa paksang pulitika ang giting at galling na kanyang-kanya kapag ang pinag-uusapan ay computer, infrastructure, o ano pa mang bagay na nasa linya ng engineering. Si Julian ay . . . a. Palaaway c. mataas ang pride

b. Nagtatanim ng sama ng loob d. tahimik na tao 26. Nakamasid si Amanda sa kaniyang mga anak habang naglalaro ang mga ito. Maraming bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan. Sa di kalayuan, nakatingin sa kanya si Julian. Nais nitong kausapin si Amanda tungkol sa anak na si Jules na lingid sa kaniyang kaalaman ay nasa loob ng kaniyang silid, gamit ang telepono at kausap an glider ng kilusan. Desidido na si Jules na sumali sa kilusan. Anong paningin sa tekstong ito? a. Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan b. Pangalawang Panauhan d. Masaklaw na Panauhan 27. Hindi yata ako makapaniwalang tatalunin ni Jules sa pangangatwiran ang kaniyang ama. Nahulog ang loob k okay Julian dahil sat alas ng kaniyang isip at giting sa pananalita . . . a. Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan b. Pangalawang Panauhan d. Masaklaw na Panauhan 28. Si Amanda naman ay nalulungkot sa nangyayari sa kaniyang pamilya. Siya na walang hiniling kundi ang isang maayos na pamilya. Inuuna niya palagi ang kapakanan ng kaniyang pamilya, minsan ay nalilimutan na niya ang kaniyang sarili. a. Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan b. Pangalawang Panauhan d. Masaklaw na Panauhan 29. Sa ganitong panahon, ikaw na isang ina ng mga kabataang may iba-ibang personalidad ay magiging matatag, upang ihanda sila sa mga pagsubok at pagbabago ng dekada. a. Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan b. Pangalawang Panauhan d. Masaklaw na Panauhan 30. Niyakap ko si Jules. Hindi ko alam kung sinong sila ang tinutukoy niya, ang naiintindihan ko lang ay patay na si Willy . . . a. Unang Panauhan c. Pangatlong Panauhan b. Pangalawang Panauhan d. Masaklaw na Panauhan 31. Nang magbunga ang pagmamahalan ng magsing-irog, ninasa nilang mapabuti ang lagay ng sanggol. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Hinanap c. ginusto b. Ginamit d. tinanggap 32. Sumama ang loob ng mgaulang ng babae, ngunit hindi naglaon ay napaglubag din ito. Ano ang ibig sabihin ng napaglubag? a. Nagamot c. napayapa b. Natakpan d. nasiyahan 33. Pinayuhan sila ng kanilang mga magulang upang mapag-isipan nilang mabuti ang kanilang pasya. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. a. Suliranin c. pakay b. Dasal d. desisyon 34. Sa kanilang pag-iisip, ang magsing-irog ay napadako sa isang tahimik na lugar upang manalangin. Ano ang kahulugan ng napadako? a. Napapunta c. napatago b. Napaiyak d. natahimik 35. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit: Naisip nilang kailanman ay hindi ka makapagpapalimos ng mga pang-unawa sa mga taong sarado ang isip. a. Makapaniniwala c. makatutulong b. Makahihingi d. makasasama 36. Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob. Linggo ng uamaga at ang palengke ay siksikan. Ano ang inilalarawan nito? a. Tauhan c. Damdamin b. Tagpuan d. Pangyayari 37. Ang batang lalakiy hindi nakapantalong maikli-putot; siyay nakalargo na at pantay na ang hati ng kaniyang buhok na nangingintab na sa pomade. Inilalarawan nito ay . . . a. Tauhan c. Damdamin b. Tagpuan d. Pangyayari 38. May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntung hininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ano ang inilalarawan ng pahayag? a. Tauhan c. Damdamin b. Tagpuan d. Pangyayari

39. Pumanhik ako sa ikawalong palapag. Me isang silid don na nong ginagawa pa lang naming ang building, e tinutulugan naming ng mga kasama kong piyon. Naisip kong magwasak. Ibinuwal ko ang telebisyon. Dumukot ako ng posporo at kiniskisan ko ang kurtina. Sinilaban ko rin ang mga magasing naron. Ito ay paglalarawang . . . a. Tauhan c. Damdamin b. Tagpuan d. Pangyayari 40. Latero si ama. Tumatanggap siya ng anumang gawaing may kaugnayan sa lata. Ang silong ng aming bahay ang nagsisilbing talyer niya. Ano ang inilalarawan sa pangungusap? a. Tauhan c. Damdamin b. Tagpuan d. Pangyayari 41-45. (5) Ibigay ang mga hangarin ng pananalumpati. 46-50 (5) Magbigay ng mga teorya o dulog sa panitikan.

You might also like