Professional Documents
Culture Documents
Andres Bonifacio-Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio-Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa
Andres Bonifacio-Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa
11. At ang balang kahuy at ang balang sanga na parang niyat gubat na kaaya-aya sukat ang makitat sa ala-ala ang inat ang giliw lumipas na saya. 12. Tubig niyang malinaw sa anakiy bulog bukal sa batisang nagkalat sa bundok malambot na huni ng matuling agos nabaka aaliw sa pusong may lungkot. 13. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! gunita may laging sakbibi ng lumbay walang ala-alat inaasam-asam kundi ang makitang lupang tinubuan. 14. Kung ang bayang itoy nasa panganib at siya ay dapat na ipagtangkilik ang anak, asawa, magulang, kapatid isang tawag niyay tatalikdang pilit. 15. Datapwa kung ano ang bayan ng katagalugan ay nilalapastangan at niyuyurakan katwiran, puri niyat kamahalan ng sama ng lilong ibang bayan. 16. Di gaano kaya ang paghinagpis ng pusong Tagalog sa puring nalait at aling kaluoban na lalong tahimik ang di pupukawin sa paghihimagsik? 17. Saan magbubuhat ang paghihinayang sa paghihigantit gumugol ng buhay kung wala ring iba na kasasadlakan kundi ang lugami sa kaalipinan? 18. Kung ang pagka-baon niyat pagkabusabos sa lusak ng dayat tunay na pag-ayop supil ang pang-hampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaa-agos 19. Sa kanyang anyoy sino ang tutunghay na di-aakayin sa gawang magdamdam pusong naglilipak sa pagka-sukaban na hindi gumugol ng dugo at buhay. 20. Mangyari kayang itoy masulyap ng mga Tagalog at hindi lumingap sa naghihingalong Inang nasa yapak ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
21. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, nasaan ang dugong dapat na ibuhos? bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? at natitilihang itoy mapanuod. 22. Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay sa pag-asang lubos na kaginhawahan at walang tinamo kundi kapaitan, kaya ngat ibigin ang naaabang bayan. 23. Kayong natuyan na sa kapapasakit ng dakilang hangad sa batis ng dibdib muling pabalungit tunay na pag-ibig kusang ibulalas sa bayang piniit. 24. Kayong nalagasan ng bungat bulaklak kahoy niyaring buhay na nilantat sukat ng bala-balakit makapal na hirap muling manariwat sa bayay lumiyag. 25. Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na asal, ngayon ay magbangont bayay itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban. 26. Kayong mga dukhang walang tanging sikap kundi ang mabuhay sa dalitat hirap, ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. 27. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig hanggang sa mga dugoy ubusang itangis kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid itoy kapalaran at tunay na langit.
www.scribd.com/doc/7163296/Andres-BonifacioPagIbig-Sa-Tinubuang-Lupa
1/2
11/12/13
www.scribd.com/doc/7163296/Andres-BonifacioPagIbig-Sa-Tinubuang-Lupa
2/2