Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Grazylle Roce Garcia III-St.

Peter

Makakaya ko ba?
Ang bawat tao,kahit na hindi mo tanungin, ay may pangarap. Mga pangarap na gustong maabot, at mga pangarap na nais makamtan. May mga bagay na dapat mo munang pagdaanan bago mo marating ang tagumpay na inaasam. Sa pagtahak nito, kaakibat nito ang pagsabay mo rin sa alon ng buhay kung saan, makakakuha ka ng mapakikinabangan. Kagaya ng karunungan, na magdadala sa iyo sa nais mo na makamtan. Gaya ng ibang tao ay may pangarap din ako. Sa hirap ng buhay ngayon, walang sinuman ang hindi mag aasam na yumaman, hindi ba? At isa iyon sa mga tatahakin ko. Pero naisip ko, Paano naman ako yayaman kung hindi ako magkakatrabaho? Handa na rin kaya ako? Oo, makakaya ko, at magiging handa ako. Bakit? Isa lang ang dahilan. Dahil may kakampi ako. Siya ang nagpapalakas ng loob ko ang nasa itaas. Higit noon, may mga taong handa akong tulungan at kailanman, hindi rin ako iiwan ang aking pamilya. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ko. Sila ang dahilan kung bakit nagkapangarap ako.. kung bakit ako bumabangon at nagpupursige. Kung wala sila, ano pa ang silbi ko sa mundo? Siguroy mananatili akong manhid at taong walang pakialam at taong makasirili. Nakahanda na ako sa lahat ng ito. Nakahanda na rin ako sa mga pagsubok at sakit na aking mararanasan ko kung sakaling dumating ang araw na iyon. Dahil naniniwala ako, na tatamis ang mga bagay na mapapait. Tutulungan at gagabayan ako ng mga nagmamahal at taong aking minamahal. Iyon, ang dahilan kung bakit makakaya ko ang lahat.

You might also like