Professional Documents
Culture Documents
Implasyon
Implasyon
Ang sektor ng pananalapi ay may mahalagang ginagampanan sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Ito ang pangunahing sektor na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pananalapi at pagbibigay suporta sa mga institusyon ng pananalapi ng bansa.
PATAKARAN SA PANANALAPI
Ang pagmamanipula at pamamahala ng supply ng salapi sa ekonomiya ay tinatawag na patakaran sa pananalapi o Monetary Policy. Ang pangunahing layunin ng Monetary Policy ay kontrolin ang implasyon. Ito ay ginagawa upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa para sa katatagan ng buong ekonomiya.
Ang mga institusyon ng pananalapi ay may gampanin upang mapanatili ang magandang kalagayang pang-ekonomiya. Ang mga bangko ay isa sa tumutulong sa Pamahalaan upang maisaayos ang pananalapi sa loob at labas ng bansa. Ang pag-iimpok ay mahalaga at kailangan para sa kinabukasan ng tao at upang mayroong magamit ang prodyuser na pinamumuhunan sa tulong ng bangko.
INSTITUSYON NG PANANALAPI
Ang mga institusyon ng pananalapi ang inaasahan ng pamahalaan na mamahala sa paglikha, pag-supply, at pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonimiya. Ito ay maaaring bangko o di-bangko na inuuri ayon sa tungkulin at layunin nito.
BANGKO
Ang bangko ay isang uri ng institusyon na tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na iniimpok ng mga tao at negosyante. Nagsisilbi itong tagapamagitan sa mga nagimpok at namuhunan at mga prodyuser.
KOMERSIYAL NA BANGKO
Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na uri ng bangko sa bansa. Ito ang bangko na nakikipagugnayan sa mga nag-iimpok, mga prodyuser at kapitalista. Ito nagpapa utang ng puhunan sa mga prodyuser. Ito ay nagkakaloob ng auto loan, housing loan, car insurance, at iba pang serbisyo.
Tumatanggap rin sila ng lahat ng uri ng deposito ng mga tao. Upang mapabilis ang transaksiyon ay ipinapatupad ang isang pagbabago sa mga bangkong komersiyal na tinatawag na Universal Banking (Unibanking) o Expanded Commercial Banks.
RURAL NA BANGKO
Ito ay naitatag noong 1952 sa pamamagitan na Batas Republika Blg. 720. Ito ay nalalayon na tulungan at suportahan ang mga magsasaka at mangigisda upang magkaroon ng puhunan. Ang bangko rural ay nagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda at mga kooperatiba sa mga lalawigan. Tumatanggap din ito ng deposito ng mga taong nais mag impok.
BANGKO NG PAGTITIPID
Ang bangkong ito ang pinakamarami sa mga uri ng bangko. Hinikayat nito ang mga tao na mag impok at magtipid ng ilang bahagi ng kanilang kita.
Tumatanggap ng impok ng mga kasapi Nagpapahiram ng salapi Nagbibigay ng dibidendo sa mga kasapi
Tumatanggap ng deposito ng mga tao Nagpapahiram ng puhunan sa small medium scale industries Suportado ng DBP.
TRUST COMPANIES
Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions. Nangangalaga sa mga ari-arian, lalo na ang mga menor de edad.
ESPESYAL NA BANGKO
PANDAIGDIGANG BANGKO
WORLD BANK
Ito ay naglalayon na tulungan na makabangon muli ang mga bansang napinsala ng WWII. Pinauutang ng WB ang mga kasaping bansa na nagnanais palawakin at palaguin ang pamumuhunan sa ekonomiya. Maging ang mga mahihirap na bansa ay pinauutang din, ngunit maraming kondisyon ang dapat sundin ng mga nasasabing bansa. Palaging minomonitor ng WB ang takbo ng ekonomiya ng isang bansa upang matiyak ang pag-unlad nito.
Housing loan Policy loan Salary loan Calamity loan Educational Assistance loan Memorial and Health Insurance Life Insurance Retirement Insurance Disability Insurance
PAG-IBIG Fund
Itinatag ito upang matulungan ang mga kasapi na magkaroon ng sariling bahay. Tumatanggap ito ng kontribusyon sa mga kasapi, tulad ng mga empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor at mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ito ay isang negosyo na mahalaga sa ekonomiya sapagkat nagiging takbuhan ito ng mga tao na nangangailangan ng cash na salapi. Tumatanggap ito ng mga bagay na maaring isangla o gawing kolateral ng mga tao upang makautang, lalo ng iyong dimakautang sa bangko.