Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bugtungan Tayo!!!

1. Bugtong-pala-bugtong, kadenang umuugong. Tren 2. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Gunting 3. Buhok ni Adan, hindi mabilang Ulan 4. Bibingka ng hari, hindi mo mahati. Tubig 5. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob Kulambo 6. Dalawang pipit nag titimbangan sa isang siit. Hikaw 7. Hayan na, hayan na di mo pa makita. Hangin 8. Baka ko sa Maynila, hanggang dito, dinig ang unga. Kulog 9. Nagdaan si Kabo Negro, namatay na lahat ang tao Gabi 10. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob. Alkansiya 11. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila. Bituin 12. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba. Bahaghari 13. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo. Buwan 14. Nagsaing si Hudas, kinuha ang tubig itinapon ang bigas. Gata ng Niyog 15. Bahay ni Tinyente nag-iisa ang poste.

Payong 16. Maikling landasin, di maubos lakarin. Anino 17. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. sinturon 18. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos 19. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam 20. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. kandila 21. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. langka 22. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. ampalaya 23. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. ilaw 24. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. banig 25. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. siper 26. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. gamu-gamo 27. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. gumamela 28. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. kubyertos 29. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. kuliglig 30. May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan.

kumpisalan 31. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. kasoy 32. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. paruparo 33. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. mga mata 34. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. tenga 35. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. baril 36. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. batya 37. Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad. saraggola 38. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. ballpen o Pluma 39. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. sandok 40. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. kampana o batingaw

You might also like