Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KASUNDUAN SA UPAHAN NG BAHAY (CONTRACT OF LEASE)

Alamin ninyong lahat na ang kasunduan na ito ay nagawa sa pamamagitan nina EDUARDO M. DE LA CERNA, may ari ng bahay na tinantawag dito na si PARTE-A. Nasa legal na edad, may asawa at nakatira sa Blk. 6, Row 3, Unit 829, Barangay 649, Baseco, Port Area, Manila, at Ni ROMEO MAGDADARO ang tao na nakilala dito na interesado na mangupahan sa nabanggit dito na bahay, na tinatawag rin dito na si PARTE-B, siya ay nasa legal na edad, binata, at may postal address sa Blk. 8 Lot 48 New Site, Brgy. 649 Baseco Port Area, Manila. 1. Na si PARTE-A ay may isang Commercial Unit, na bahay, na matatagpuan sa Block 6, Row 3, Unit 829 na nilalarawan nitong mga sumusunod: itoy gawa sa yero, bakal, kahoy, hardiflex at semento, may C. R. at may connection na sa tubig at kuryente. Na ang okopasyon ni PARTE-B sa nasabing ditong bahay ay magmula sa plywood na dingding na may kahoy na shelves hanggang buong harapan na pwedeng matindahan niya. Kasama na ang C.R./banyo, daanan nito na 3 feet ang lapad. 2. Na si PARTE-A ay magpapagamit sa kanyang nabanggit na bahay Unit 829 sa ground floor lamang, hindi kasama ang mezzanine doon kay PARTE-B. At si PARTE-B naman ay gagamit sa nasabing bahay kapalit ang pera na halagang TWO THOUSAND FIVE HUNDRED PESOS kada isang linggo. (Php 2,500.00/week), bilang upa o renta ng mga ito. Hindi buwanan ang basehan sa pagparenta kundi lingguhan lang talaga. 3. Na si PARTE-A ay magbigay discount doon kay PARTE-B ng singkwenta pesos sa lingguhang singil sa upa, kada sabado (P50.00 per week) kapalit ang: a. Pagpayag ni PARTE-B na makadaan si PARTE-A sa harapan (sa gutter na flooring lamang) sa nasabi ditong bahay papunta, paakyat at palabas mula sa mezzanine na tinitirhan niya, ano mang rasonableng oras na kailangan ni PARTE-A. b. Pagpayag ni PARTE-B na makakaparking ang single motorcycle ni PARTE-A sa harap, gilid na bahagi, pabor sa bahay ni Mang Berong Pellazar ano mang oras na kailangan ni PARTE-A, basta nakaayos lang ito na hindi pabalagbag sa harap ng tindahan/bahay na nabanggit dito. 4. Na ako si PARTE-B ay sumasang-ayon at pumapayag naman sa kondisyon na nakatala sa ibabaw, paragraph # 3 section a & b. 5. Kaya si PARTE-B nangakong magbabayad ng DALAWANG LIBO APAT NA DAAN AT LIMAMPUNG PISO (Php. 2,450.00) kada araw ng Sabado, (Php 2,450.00 every Saturday) doon kay PARTE-A bilang upa sa nasabi ditong bahay.

Page 1 of 5

6. Na ang haba o tagal ng upahan na ito ay 12 na buwan lamang, na mag-uumpisa sa araw ng aming paglagda sa CONTRATANG ITO. At itoy matatapos sa ika 28 na araw, sa buwan ng Nobyembre taong 2014 at itoy pwede pang mai-renew ng isa pang 12 na buwan kung parehong may gusto pa ang magkabilang panig. 7. Na si PARTE-B ay magbabayad muna doon kay PARTE A ng eight (8) week cash deposit at four (4) week advance payment sa pangungupahan ng bahay. Kaya, ang suma total ay THIRTY THOUSAND PESOS (Php 30,000.00) lahat ang magiging down payment nito bago papasok si PARTE-B sa nasabing bahay. 8. Na kung hindi tatapusin ni PARTE-B ang contrata na ito ang eight (8) week cash deposit ay hindi na mababawi o makuha pa ulit ni PARTE-B mula kay PARTE-A. Itoy ituturing na BREACH OF CONTRACT PENALTY O PAGSIRA SA TERMINO NA 12 na buwan. 9. Na ang usapan dito ay ang nabanggit na bahay ay gagamitin lamang para tindahan/tulugan na purpose. Bawal singitan ng pagtinda ng pang apoy na NEGOSYO o tulad ng L.P.G., paputok, panggatong at iba pang kahalintulad nitong nakakasunog. At lalo nang bawal sa nabanggit ditong bahay na gawing tagpuan para sa CRIMINAL na Gawain tulad ng pagdala o pagpasok ng ipinagbabawal na gamut, armas at iba pang criminal na actividades. Itoy isa sa mga mabibigat na dahilan para ma-terminate o mapawalangbisa ang contratang ito. O ang agarang pagpapaalis ni PARTE-B sa nasabing bahay. 10. Na ako, si PARTE-B ay nangako kay PARTE-A na wala akong tatanggalin na ni isang PARTE sa nasabing bahay dito, pag repair, o paggawa ng kahit anong improvements kung walang sinulat na pagpayag o approval mula kay PARTE-A. 11. Na kung sakali mang si PARTE-B ay may balak gumawa ng improvements sa nabanggit ditong bahay, si PARTE-B ay magpapaalam muna doon kay PARTE-A. At si PARTE-A naman ay makikinig at iintindihin o mag-e-evaluate sa improvement proposal ni PARTE-B. At kung sakaling naaprubahan man ni PARTE-A ang nasabing proposal ni PARTE-B sa pamamagitan ng sulat. Si PARTE-B na ang bahala sa disenyo at mga gastusin sa gusto niyang improvements sa loob at labas na harapan hanggang kalsada sa nasabi ditong bahay. Huwag lang magsira o magtanggal si PARTE-B ni-isa sa mga orihinal na parte o kabuuan ng nabanggit ditong bahay. 12. Na ako si PARTE-B, nangangakong tutupad sa kondisyon na ang lahat-lahat na improvements na nagawa ko (PARTE-B) sa loob at labas na harapan ng hanggang kalsada sa nasabi ditong bahay ay automatikong pagmamay-ari na ni PARTE-A kung aalis na ako (PARTE-B) sa lugar na ito, matapos man o hindi ang contratang ito. 13. Na ako si PARTE-B aminado na karapatan ni PARTE-A bilang may-ari ng nabanggit na bahay na hindi siya (PARTE-A) dapat mahaharangan, matatakpan, sa kanyang harapan kung ako si (PARTE-B) ay aalis na sa lugar na ito. 14. Kaya ako si PARTE-B nangangako doon kay PARTE-A na kung ako, (PARTE-B) ay magbibitiw o aalis na matapos man o hindi ang contratang ito, ako si PARTE-B ay hindi

Page 2 of 5

mananatili sa harapan ng nasabi ditong bahay ni PARTE-A. At wala ring mananatili na kadugo ko, kaibigan ko o empleyado ko sa nasabi ditong lugar pag-alis ko. At lalong wala akong iiwan na barong-barong, kariton, building materials o ano mang bagay na makakatakip sa harapan ng iniwan kong bahay ni PARTE-A. 15. Na ako si PARTE-B, ay nangako doon kay PARTE-A na hindi ako magpa-sub-lease o magpaupa pa ulit sa nasabing bahay sa ibang tao. Dahil alam ko na bawal para sa aming dalawa ang third party system. Ako si PARTE-B at si PARTE-A lamang ang gumawa ng contratang ito at wala nang ibang taong makisali sa usapan ng pag-uupa at pag-ocupa. a. Na ako si PARTE-B ay nangangako doon kay PARTE-A na magtitinda ako ng kahit anong klaseng paninda, basta hindi lang pang karenderya. 16. Na ang presyo ng kuryente (electric) na isu-supply ni PARTE-A doon kay PARTE-B ay TWENTY FOUR PESOS kada kilowatt hour (Php24.00/kW). 17. Na ang presyo ng tubig na isu-supply ni PARTE-A doon kay PARTE-B ay THIRTEEN CENTAVOS kada litro (Php. 0.13/L). 18. Na ako si, PARTE-B ay nangako doon kay PARTE-A na susunod sa mga batas, regulaciones at ordinansa na ipinapatupad ng ating gobyerno, patungkol sa paggamit, pag-ocupa at pagpanatili sa kalinisan sa loob at paligid ng nabanggit ditong bahay pang COMMERCIAL. Ang hindi pagsunod ni PARTE-B sa nasabing batas na nasabi sa ibabaw at siyay nahuli sa authoridad ng ating gobyerno ang risko at gastusin ng multa ay sagot lahat ni PARTE-B. 19. Sa mga danyos (damages) nasugatan o mga nasugatan ,namatay na tao /mga tao,at mga nawawalang propidad na naging resulta sa kapabayaan ni PARTE-B, si PARTE-A ay walang pananagutan doon sa mga kina uukolan. 20. Na si PARTE-B ay maluwag na magbigay karapatan doon kay PARTE-A sa pagsisiyasat (INSPECTION) sa kanyang pinpaupahan na bahay na nabanggit dito, ano mang rasonableng oras, araw man o gabi na gusto ni PARTE-A. 21. Na ang pagkabigo ni PARTE-B sa pagbayad ng renta sa 3 na beses ng lingguhang pagsisingil ni PARTE-A ay dahilan na para magdeklara na si PARTE-A ng pagpapawalang bisa sa CONTRATANG ito sa pamamagitan ng legal na proseso. 22. Na ako si PARTE-B,deklarado at amenado na wala talaga akong ni katiting na construction material/s na nadala o naikabit sa nasabing bahay, bakuran o kalsadang harap sa nabanggit na pwesto dito ni PARTE-A. Kaya ako si PARTE-B aalis ng bahay ni PARTE-A na wala ni-isang building material/s na dadalhin pag-alis ko sa takdang panahon. 23. Na ako si PARTE-B ay nangako doon kay PARTE-A na hindi ako at kasama ko gagawa ng ano mang klaseng extension o dugtong sa nasabi ditong building ni PARTE-A.

Page 3 of 5

24. Na ako si PARTE-B ay nangako doon kay PARTE-A na hindi magdadala ng kahit anong building materials tulad ng kahit anong klaseng kahoy, yero,semento, bato, graba, buhangin, at malaking payong na silongan ng paninda at sa nagtinda. 25. Na ako si PARTE-B nangako doon kay PARTE-A na hindi ako maglagay ng kariton, o ano mang klaseng de gulong at hindi rin magtatayo ng ano mang klase ng maliliit na tindahan sa kalsada na makakatakip sa nasabi ditong pwesto ni PARTE-A. 26. Na ang contratang ito ay automatikong mapapawalang bisa kung mapatunayan ni PARTEA, na may dayaan na nangyari na gawa ni PARTE-B o ng kanyang kasama , kahit malayo pa ang eksaktong petsa ng pagtatapos nitong contrata. 27. Na sa paggulong ng mga araw, matapos ang pirmahan nina PARTE-A at PARTE-B sa contratang ito, at biglaang umatras si PARTE-B, na hindi na siya tutuloy sa pag-ocupa sa nabanggit ditong bahay, sa loob o wala pang isang buwan, matapos pirmahan itong contrata, ang depositong cash na pang 8 weeks, na naibigay doon kay PARTE-A ay hindi na makukuha ni PARTE-B dahil ipinaglaan ito sa improvements sa nasabing pwesto dito na gusto sanang ocupahin ni PARTE-B, forfeited na ang nasabing deposit dito pabor kay PARTE-A. Pwedeng gagamitin ito ni PARTE-B sa pamamagitan ng pag-ocupa o paggamit sa nasabi ditong pwesto hanggang matapos ang 8 weeks mula sa pag-umpisa ng contratang ito. 28. Na ako, si PARTE-B ay nagbigay karapatan ni PARTE-A at sa kanyang mga sakop na magbuhat o maghakot sa mga gamit ni PARTE-B palabas sa nasabing bahay dito ni PARTE-A sa takdang panahon na paaalisin na si PARTE-B. Matapos man ang contratang ito o hindi, gawa ng paglabag sa kasunduan (Makita sa kas. # 34 ng contratang ito) 29. Na panatilihin ni PARTE-B ang kalinisan at kaayusan sa loob at paligid ng nasabing pwesto dito ni PARTE-A. 30. Na kapag gagamitin na ng gobyerno ang gutter ng kalsada sa harap ng bahay na nabanggit dito na temporaryong iniskwat ni PARTE-A na pinaupahan doon kay PARTE-B, si PARTE-A ay mapipilitan nang magbawas ng 10% sa lingguhang upa doon kay PARTE-B. At kung gagamitin ulit ni PARTE-B ang nasabing gutter dito ay automatikong ibalik din ni PARTE-B ang 10% sa lingguhang upa doon kay PARTE-A. 31. Na kung gagamitin na ng gobyerno ang gutter ng kalsada sa harapan ng nabanggit na bahay dito. At matapos na ang palugit ng ating pamahalaan ngunit hindi pa rin nagligpit si PARTE-B sa kanyang mga gamit na paninda. Si PARTE-A ay walang pananagutan ni isa sa maaapektuhan na mga gamit at paninda ni PARTE-B na resulta ng demolisyon. 32. Na ang gastos sa maintenance ng paglilinis sa paligid at paglinis ng baradong tubo (pipe) ay sagot ni PARTE-B dahil si PARTE-B o mga sakop niya ang nakatira ang may gawa nito sa loob ng nabanggit na bahay dito. 33. Na ako si PARTE-B nangako doon kay PARTE-A na hindi ko ipalagay ang pangalan ko, sa asawa ko, sa anak ko, sa kamag-anak ko, o sa kaibigan ko , kung may kahit sinong mag-survey, o

Page 4 of 5

magtanong kung kaninong bahay ang Unit 829 na ino-okupa ni PARTE-B. Bagkus, ako si PARTE-B ang magsasabi o mag-uutos/magbilin sa mga sakop ko na si PARTE-A ang totoong nagmamay-ari ng Unit 829, O ang nabanggit na bahay dito. Ang pagsuway o pagbali ko sa pangakong ito ay nangangahulugang nandaya ako (PARTE-B) at dahilan na para mapapawalan ng bisa ang contrata na ito. Ibig sabihin maagang terminasyon nito. 34. Ang lahat na nakasaad dito sa bawat paragraph o probisyon ay malinaw na kasunduan at may parehong importansya na dapat sundin. Na kung may nilabag o sinuway man si PARTE-B na isa o mahigit pa sa isa sa mga kasunduan na nakatala dito. ay dahilan para makansela o mapawalan ng bisa ang kontratang ito.At si PARTE-B ay mapilitan nang umalis sa bahay ni PARTE-A sa loob ng labinlimang araw(15 days) matapos matanggap ni PARTE-B ang notice galing kay PARTE-A. Dito sa dulo, sa ibabang bahagi nitong papel sa ika-5 na pahina ay lumapat po ang aming mga kamay, kapwa po naming nilagdaan, bilang tanda ng aming pagkakaintindihan o pagkakaunawaan at pagkakasundo sa bawat nilalaman ng probisyon na nakasaad sa contratang ito. Sa ngalan ng ating panginoong Diyos, sa harapan ng aming mga saksi, pinirmahan po namin nitong ika-____, na araw sa buwan ng buwan ng ______________ taong ________.

EDUARDO M. DE LA CERNA May-ari ng bahay/PARTE-A


C.T C. No. _______________ Issued On ________________ At ______________________

ROMEO D. MAGDADARO Nangungupahan/ PARTE-B


C. T. C. No. ______________ Issued On ________________ At ______________________

MGA SAKSI:

Severo P. Pellazar

Arlene C. Luis

Page 5 of 5

You might also like