Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ramadan

Ito ay isang buwang pagdiriwang ng mga Muslim na ginaganap tuwing ika-9 buwan ng kalendaryong Islam(Marso- Abril). Ito ang panahon ng pag-aayuno kung saan iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Ang pag-aayuno ay ginagawa upang maturuan ang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Muhammmad, ang propeta ng Islam. Ito'y panahon kung saan humihingi ng kapatawaran ang mga Muslim para sa kanilang mga kasalanan, at nagdarasal sila para sa kanilang kaligtasan at para malayo sa masasamang espirito. Tuwing Ramadan, sinusubukan din nilang malinis ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawang-gawa. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Ang mga babaing Muslim ay nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nagtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa. Nagsasama-sama at nagkakaisa sila tuwing ipinagdidiriwang ang okasyong ito.

Salaah
Bukod pa sa pang-araw-araw na pagdarasal, ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isa ring tungkulin na iniatas sa bawa't Muslim. Bagama't hindi ito gawain ng mga kababaihang Muslim, ang kanilang pagsagawa nito ay pinahihintulutan basta't hindi nila napapabayaan ang kanilang tungkulin sa pamamahay at hindi ito nagbibigay sa kanila ng malaking kaabalahan. Ang Salaah sa araw ng Biyernes ay isinasagawa ng sama-sama o kongregasyon sa oras ng Duhr. Una, ang Imam (namumuno ng dasal) ay magbibigay ng Khutbah (sermon o paalaala). Pagkatapos ay kanyang pamumunuan ang Rak'a na Salaah. Pagkatapos nito, ang bawa't isa ay mag-aalay ng kanya-kanyang Sunnah. Ang mga Sunnah ay maaaring isagawa sa Masjid ngunit higit na kanais nais na isagawa ito sa bahay. *Sunnah mga karagdagang dasal * Masjid Salaah ng Tarawih (Pagdarasal tuwing gabi ng Ramadan) Ang Salaah na ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan pagkatapos ng Salatul Isha. Ito ay kina-bibilangan ng walo, o sampu o higit pang Rak'a at iniaalay ng dala-dalawang Rak'a na

may maikling patlang sa bawa't apat na Rak'a. Ang Tarawih ay maaaring ialay nang mag-isa subalit higit na ipinapayo na ialay ito nang sama-sama. Ito ay winawakasan sa pag-aalay ng Salatul Witr. *Salatul Isha is the night-time daily prayer recited by practising Muslims *Rakah - consists of the prescribed movements and words followed by Muslims while offering prayers to God(Allah). * Salatul Witr - is an Islamic prayer (salah) that is performed at night after isha'a (night-time prayer) or before fajr (dawn prayer Salaah sa mga araw ng Eid o Salaah Eidan (Pagdarasal sa dalawang Pagdiriwang) May dalawang Eid o malaking pagdiriwang ng mga Muslim. Ang una ay tinatawag na Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa katapusan ng pag-aayuno, at ang pangalawang Eid ay ang Eidul Adha o pagdiriwang ng Dakilang Pag-aalay. Isang sermon (Khutbah) ang bibigkasin ng Imam pagkatapos ng dalawang Rak'a ng Salatul Eid na siyang kabaligtaran ng Salatul Jumaah na ang sermon ay binabanggit bago ang dalawang Rak'a. Ang pagdalo ng lahat ng Muslim kabilang na ang mga kababaihan at mga bata ay lubos na itina-tagubilin.

Eid-ul-Fitr o Hari Raya Puasa


Ang salitang Eid ay nagmula sa Arabeng salita na ang ibig sabihin ay araw na madalas nagbabalik (a day which returns often). Ang Hari Raya ay isang Malay na salita na nangangahulugang enggrandeng araw ng pagsasaya Ang Puasa naman ay salitang Malay na ang ibig sabihin ay pag-aayuno Ang Eid-ul-Fitr ay ipinagdidiriwang tuwing ika-unang araw ng buwang ng Shawwal. Ang buwan ng Shawwal ang ikasampung buwan sa kalendaryong Islam (Agosto 8 Setyembre 6). Nagsisimula ito pagkatapos ng buwan ng pag-aayuno(Ramadan) kaya tinatawag din itong Pista ng Pagtigil ng Pag-aayuno(Feast of Breaking of the Fast). Ang Eid ay isang okasyon ng katuwaan ngunit hindi ito para magpakalabis sa kalokohan. Ang pangunahing layunin nito ay maghangad ng kasiyahan kay Allah sa pamamagitan ng pagpuri at pagpapasalamat sa Kanya dahil sa tulong ni Allah, nagagawa nilang mga Muslim ang kanilang gawain gaya ng nararapat. Tuwing ginaganap itong pista, ang mga disipulo na nakapagbahagi sa mga kapus-palad ng limos na kung tawagin ay Sadaqatu'l-Fitr ay nagtitipun-tipon sa labas ng siyudad ng Igdah. Ang Imam, bilang tagapagsimuno ng okasyon, ay magdadasal ng dalawang rak'ah. Pagkatapos ng dasal, aakyat ang Imam sa Mimbar at bibigkasin niya ang orasyon na tinatawag na Khutbah.

Sadaqatu'l-Fitr: Sa unang araw ng Shawwal iginaganap ang Ramazan ki'Id o selebrasyon ng Ramazan kung saan ang mga nag-ayuno ay kinakailanagang mag-alay sa Faqir ng trigo(wheat) at prutas. Ito sy ginagawa lamang ng pinuno ng pamilya sa ngalan ng buong pamilya nito. Tuwing umaga ng Hari Raya Puasa o Eid-ul-Fitr, kinakilangang bumisita sa mosque at magdasal bilang pagdiwang sa katapusan ng buwan ng pag-aayuno. Dito humihingi ng kapatawaran ang lahat sa kani-kanilang mga magulang upang masimulan ang Hari Raya Puasa nang walang mabigat na damdamin. At kahit hindi naman kinakailangan, marami ang bumibisita sa sementeryo bilang pag-aalala sa mga namayapa na. Karaniwang ginagamit na pagbati sa mga Muslim tuwing Hari Raya Puasa ang Selamat Hari Raya.

*Imam tagapagsimuno *Mimbar where the Imam (prayer leader) stands to deliver sermons *Igdah malaking lugar kung saan ginaganap ang malalaking pagtitipon na dadalo sa pagdasal ng Eid *rak-ah consists of the prescribed movements and words followed by Muslims while offering prayers to God(Allah). *Faqir poor people who live through the alms given by others

Buwan ng Shawwal(2003 -2017) CE / AD 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010 2011 2012 2013 2014 AH 1424 1425 1426 First day 26 November 14 November 3 November Last day 25 December 12 December 2 December 21 November 10 November 29 October 19 October 8 October 28 September 16 September 6 September 26 August

1427 24 October 1428 13 October 1429 1 October 1430 21 September 1431 10 September 1432 30 August 1433 19 August 1434 8 August 1435 28 July

2015 2016 2017

1436 17 July 1437 7 July 1438 26 June

15 August 6 August 24 July

Shawwl dates between 2003 and 2017

Eid-ul-Adha o Hari Raya Haji


"Pagdiriwang ng Sakripisyo" o "Mas Malaking Eid" ay isang kapistahang ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlak ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang gawain ng pagsunod sa Diyos. Ito ang pangalawa at panghuli sa dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim, na ibinatay mula sa Kuran.[1] Katulad ng Eid al-Fitr, sinisimulan ang Eid al-Adha sa pamamagitan ng isang maikling panalanging sinusundan ng isang sermon (khuba). Taunang pumapatak ang Eid al-Adha tuwing pang-10 araw ng buwan ng Dhul Hijja ng maka-buwang kalendaryong Islamiko. Nagtatagal ng tatlong mga araw ang pagdiriwang o mahigit pa, depende sa bansa. Nagaganap ang Eid al-Adha sa araw na pagkaraan ng pagbaba ng mga peregrino o pilgrimong nagsasagawa ng Hajj mula sa Bundok ng Arafat (isang taunang pilgrimahe sa Mecca na nasa Arabyang Saudi ang Hajj). Nangyayari ang Eid al-Adha bandang 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan. Binibigkas nila ang: Allah ho Akbar, Allah ho Akbar La illaha illa Allah, wa Allah ho Akbar, Allah ho Akbar wa Lillah hil Hamd na ang kabuuang mensahe ay tungkol sa pagpupuri kay Allah Milyon milyong hayop ang kinakatay tuwing ginaganap itong okasyon at ibinibiagy sa charity ang mga balat ng mga pinatay na hayop *Dhul Hijja - the twelfth and final month in the Islamic calendar *peregrinasyon pilgrimage *Eid gah - is an open-air mosque usually outside the city (or at the outskirts) to perform the Salat al Eid (Eid prayers) for Eid ul-Fitr and Eid al-Adha.

Ang Tatlong Mahahalagang Gabi sa Islam


1. Laylatul-Qadr

Ang banal na gabing ito ay tinatawag ding Gabi ng Kapanyarihan o Night of Power at ito ay pinaniniwalaang ika-27th gabi ng Ramadan. Ito raw ang gabi kung kalian lumitaw mula sa langit ang banal na Quran. Walang katiyakan ang mga pangyayari sa gabing iyon; gayon pa man, sinasabing naganap ito sa huling 10 araw ng Ramadan Kadalsan idinadasal ng mga Muslim ang tarawih sa gabing iyon *Quran holy bible of the Muslims 2. Laylatul-Bara'ah Ang ikalawang pinakamahalang gabi sa Islam ang Laylatul-Bara'ah na tinatawag ding Gabi ng pagtatala o Night of Record. Ito ay pumapatak sa ika-15th gabi ng Shabaan, ang buwan bago ang Ramadan. Sa gabing ito sinabi ni Muhammad na taun-taong nililista ng Diyos ang ating bawat kilos, at kung kailan ang kapanganakan at kamatayan ng bawat tao. Tinatawag rin itong Shabi-Baraat at sinasabing mayroon daw isang puno sa langit na naglalagas ng ilang dahon sa gabing ito na naglalaman ng pangalan ng isang tao na mamamaty sa susunod na taon. Ngunit, dahil sa awa ni Allah, ang mga nagkasala ay magkakamit ng kapatawaran. Ayon sa sabi-sabi, may posibilidad na ito ay nagmula sa mga Hudyo. *Shaaban is the eighth month of the Islamic calendar. This is the month of separation, so called because the pagan Arabs used to disperse in search of water *Shabi-Baraat the fifteenth night of Shaaban 3. Laylatul-Mi'raj Ang ikatlong banal na gabi ay ang Laylatul-Miraj na tinatawag ding Gabi ng Asensyon o Night of Ascension. Itong gabi ay para sa paggunita ng pag-akyat ni Muhammad patungong langit. Ipinagdidiriwang ito tuwing gabi bago ang ika-27 ng Rajab. Tuwing ginaganap ito, maliwanag ang mga mosque at maraming pagbabasa ng kasaysayan ng Miraj. Sa gabing ito, maraming pagbabasa ng Quran at pagdarasal ang nagaganap . Ang tatlong gabing ito ang pinakamahahalagang gabi sa pananampalatayang Islam at sinusunod ng bawat Muslim saan-mang panig ng mundo. *Rajab is the seventh month of the Islamic calendar *Miraj - is about the ascending of Muhammad from earth to heaven

Maulidun-Nabi o Milad-un-Nabi
Wala sa paniniwala ng mga Muslim na kinakailangang ipagdiwang ang araw ng kapanganakan at kamatayan dahil hindi naman ito isinasagawa ng kanilang Propeta na si Muhammad. Ngunit, ginugunita parin ng napakaraming Muslim ang araw ng kapanganakan ni Muhammad tuwing ika-12 ng Rabi-ul-Awwal sa kalendaryong Islam. Para sa mga Muslim, ang araw na ito ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan dahil si Muhammad ang pinuno ng mga Propeta at sa kanya unang ipinakita ang banal na Quran Subalit, kahit kalugud-lugod man ang okasyong ito, mayroon din itong mga hangganan at limitasyon dahil ito rin ang araw ng kamatayan ng banal na Propeta Tuwing ginaganap ang okasyong ito, nagkakaroon ng pampublikong pagtitipun-tipon sa mosque kung sa nagbibigay ng talumpati ang mga pinuno?(religious leaders) ukol sa buhay ng banal na Propeta(Muhammad). Doon nagbibigay ng papuri kay Allah sa pamamagitan ng pagawit. * Rabi-ul-Awwal - is the third month in the Islamic calendar.

Arafat Day
Ang ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah(Month of Hajj) ay Araw ng Arafat. Dito sa araw na ito ginaganap ang taun-taong peregrinasyon o pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia Ito pumapatak sa ikalawang araw ng ritual. Pagpitik ng araw, humigit kumulang 2 milyong Muslim ay biyabiyahe mula Mecca patungo sa Mount Arafat at Plain of Arafat. Sinasabi na ang lugar na ito ay kung saan ibinigay ng Propetang Muhammad ang kanyang Sermong Pamamaalam o farewell Sermon sa huling taon ng kanyang buhay. Buong araw, mula pagsikat hangang sa paglubog ng araw, ang mga peregrinong Muslim ay tapat na nagdarasal at humihingi ng kapatawaran sa diyos. Ibinubuhos ng mga Muslim na di makakasama sa peregrinasyon ang kanilang araw sa pag-aayuno at debosyon

Jumu'ah-tul-Wida
Ang Jumu'ah-tul-Wida na nangangahulugang Biyernes ng pamamaalam ay nagaganap sa huling Biyernes ng buwan ng Ramadan bago ang Eid-ul-Fitr. Ayon sa ibang Muslim ito ay isa sa mga mahahalagang araw ng taon. Karamihian sa mga Muslim ay nagpapalipas ng araw gumagawa ng ibadah Ang Jumuah-tul Wida ang huling dasal ng jumuah sa Ramadan. Isa tong dasal *ibadah - worship

You might also like