Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Eksema

Mga bata ang karaniwang tinatamaan ng eksema. Ang Atopic Eczema na tinatawag ding Infantile Eczema ay pamumula ng balat na nagiging sanhi ng tuyo, mapula o nangangaliskis na singaw na nagdudulot ng matinding pangangati at kakikitaan ng pagbabago ng kulay ng balat na maaaring kulay-ube, kayumanggi o puti. Karaniwang iniuugnay ang sakit na ito sa balat sa allergy (atopic) at nagpapataas sa tsansa na magkaroon ng asthma at hay fever. Karaniwang sanggol at bata ang nagkakaroon ng ganitong uri ng eksema. Madalas makita ito sa bahagi ng pisngi, sa paligid ng leeg, noo at sa paglipas ng panahon ay puwede pang kumalat sa katawan, sa braso, paligid ng pulsuhan pati na sa bukong-bukong. Puwede ring lumitaw ang mga singaw sa likod ng tainga at palibot ng mata. Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng sakit sa balat na ito at walang tiyak na gamot para dito pero nakokontrol ang paglala sa pagpapahid ng panghalumigmig ng balat o moisturizer. Natuklasan na malaki ang tsansa na magkaroon ng Atopic Eczema ang bata na may kapamilyang mayroon ding ganitong sakit sa balat. Puwede itong mamana. umadami ang kaso ng nagkakaroon ng eksema dahil sa pabagu-bago at matinding klima, polusyon, alikabok, polen at allergens kung saan nagkakaroon ng reaksiyon ang resistensiya !immune system" ng katawan na siyang dahilan ng allergy.

Pag-iwas
#wasan ang pagggamit ng mga sabon at shampoo na may matapang na pabango at mga kosmetikong produkto na nagiging sanhi ng tuyot na balat. Pigilan ang pagkamot para hindi magdulot ng pangangapal ng balat. Mainam din na patakan ng langis ang tubig na pampaligo para maibsan ang panunuyo ng balat.

You might also like