Ponolohiya Ppt3

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Ponolohiya

Gawin Natin!
Hatiin ang klase sa mas maliliit na pangkat na may 10 kasapi bawat isa. Isagawa ang sumusunod na mga sitwasyon:
1. 2. 3. 4. 5. Tatapusin na ang relasyon sa kasintahan. Nanalo sa lotto. Nakasaksi ng aksidente sa kalsada. Manganganak na. Nagdiriwang ng kaarawan.

Ponetika
Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao. Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita.

Articulatory Phonetics
Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita: 1. Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas 2. Artikulador o kumakatal na bagay 3. Resonador o patunugan

Articulatory Phonetics
Tatlong bahagi ng katawang mahalaga sa pagsasalita: 1. Dila at panga 2. Ngipin at labi 3. Matigas na ngalangala (palate) at malambot na ngalangala (velum)

Ponolohiya
Ang pag-aaral sa mga padron ng tunog sa isang wika. Tinatalakay kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang maunawaan ng mga nakikinig ang sinasabi ng nagsasalita. Ponemang segmental ang tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino. Hal., magalang / magulang

Ponolohiya

May 21 ponema sa Filipino: 16 na katinig (kabilang na ang impit na tunog o glottal stop) at 5 patinig. (p. 45)

Diptonggo
Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.
Halimbawa:

kalabaw saklay

reyna kahoy giliw

baduy

Diptonggo
Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang kakahuyan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).

Klaster
Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc. Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa arawaraw na pakikipagtalastasan.

Klaster
Halimbawa:
pyesa gripo tabla krus trabaho produkto gyera dyamante klase tsansa timpla mwebles

Klaster
Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga itoy itinuturing lamang na iisa (/ng/).

Mga Ponemang Suprasegmental


Tono Haba Diin Antala

Gawin Natin!
Sagutan ang p. 55, III. Paglilista. Isulat ang mga sagot sa na papel.

You might also like