Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Dahilan ng Pangngibang Bansa

Sa panahon ngayon, ang laging pumapasok sa isipan ng tao na solusyon sa problema nila sa buhay ay ang pangingibang bansa. Pero ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga tao ngayon?

Ang ilan sa aking nakalap ayang sumusunod:

Kahirapan

Ang punot dulo kung bakit nangingibang- bansa ang mga tao ngayon. Dahil ang hangad ng mga tao ngayon kung bakit sila nangingibang-bansa ay upang makahaon sa buhay. Sino nga ba naman ang hindi gustong makahaon sa buhay na kinalalagyan nya? Kundi tayo rin.

Pera

Sabi nga nila ang tanging nagpapaikot at nagpapatakbo sa buhay ng tao ay ang pera. At isa rin itosa dahilan kung bakit nangimgibang-bansa ang mga tao. Dahilan ng pag-aasam nang malaking perang makukuha o makikita

Kakulangan sa Trabaho

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit namgimgibang bansa ang mga tao, ang kakulangan natin sa maibibigay na trabaho sa mga mamamayan natin. Kaya sila nakikipagsapalaran sa ibang bansa para magkaroon ng trabaho.

Matugunan ang panganga-ilangan ng pamilya

Ang mga tao ay nangingibang bansa dahil sa hindi nila matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Dahil hindi sapat ang kinikita nilang pera. Kaya napipilitan silang mangibang-bansa.

Makapangasawa ng Isang Dayuhan

Isa ito sa maliit na dahilan kung bakit nangingibang bansa ang isang tao. Sa kadahilanan na sa pamamagitan nito makaka-ahon sila sa hirap. Dahil maaari silang magkaroon ng mga yaman na wala sila.

You might also like